Saturday, October 22, 2011

Kung paano maging excited sa pagdadalaga at iba pa: Ang munting pagninilay sa librong “It’s a Mens World” ni Bebang Siy

Ang book review na ito ay isinulat ni Noel Sales Barcelona. Matatagpuan ito sa sigliwa2.tk.

Kung paano maging excited sa pagdadalaga at iba pa: Ang munting pagninilay sa librong “It’s a Mens World” ni Bebang Siy

Anvil Publishing, 2011, 174 na pahina

Kagaya ng masalimuot na mga kalye sa Maynila, ang kumplikasyon ng paglaki, pagkilala sa sarili at iba pang mga karanasan bilang babae ang ibinahagi ni Beverly “Bebang” Wico Siy sa kanyang unang aklat ng mga sanaysay—ang “It’s a Mens World.”

Hindi nagkamali ang Anvil Publishing nang tanggapin nito ang manuskrito ni Siy, pagtiyagaang suriin ang bawat pahina para iayos ang mga pagkakamali—sa tipo man o sa balarila (grammar), itapat sa kamera ang layout at padaanin sa makina para ilimbag ang mga akda ni Siy.

Pero hindi lamang ito tungkol sa personal na mga karanasan ni Siy—kundi dugtung-dugtong na mga kasaysayan ng buhay-buhay na may kaugnayan sa may-akda: mga kamag-anak, kaibigan at estrangherong natagpuan at nakasalubong sa kung saan. Ang mga karanasang ito, sa abang palagay, ang humubog sa sensitibidad at sensibilidad ng may-akda bilang mangangatha (manunulat) at bilang isang buhay na entidad sa gumagalaw at masalimuot na lipunan na labas sa mga kahon at kalyehon ng buhay ni Siy.

Kumbaga sa siklo ng regla o menstrasyon (menstruation) ng isang babae, ang akda ni Siy ay isang kabit-kabit na serye ng mga pangyayari (phenomena) gaya ng paglabas ng itlog buhat sa obaryo (ovulation), pagdaan nito sa tubo ng itlog para makapuwesto sa pinakakuwelyo ng matris (uterus), ang paghihintay nito na makaniig ang punlay ng lalaki (fertilization) o ang pagkabasag kaya ng “pader ng dugo” sa matris at pagdaloy nito bilang buwanang dalaw (menstruation). At sa paglabas ng mens (pinaikling termino para sa menstruation), dito naman nalilinis at naihahandang muli ang buong sistemang panreproduksiyon ng babae para sa panibagong siklo ng obulasyon at pagpapalabas ng maruming dugo buhat sa sistema.

Sa kontekstong ito, sa pamamagitan ng magaan at nakatutuwang mga paglalahad, unti-unting napupurga ng may-akda ang sarili mula hindi kanais-nais na mga karanasang may kaugnayan sa kanyang kabataan.

Samantala, pagbabalik-tanaw rin naman sa unti-unting nawawalang kultura’t tradisyon ang It’s a Mens World ni Siy. Sino pa nga ba ang nakaaala ng softdrink na Fanta? Ang kutkuting Chikadeez at Zeb-Zeb? Sino ba sa atin ang nakatitikim pa ng cherry balls at sundot-kulangot? O ng tinatawag na “kulangot ng Intsik”? Ang pagkonsumo ng nabanggit na mga produkto, noong kabataan mo pa, ay bahagi ng pagsakay (bagaman hindi mo nalalaman dahil bata at uhugin ka pa nga) sa sasakyan o dyip ng kulturang popular noong mga panahong iyon.

Nakatutuwang nabanggit din ni Siy, bagaman bahagya, ang ilang larong panlansangan na ngayon ay maituturing na “extinct” na, kumbaga sa mga dinosaur at ilang uri ng halaman, hayop, isda, at iba pang nilalang na unti-unti na ring nawawala dahil sa labis na konsumo ng mga tao, sa giya ng tinatawag na modernisasyon. Sino pa ba sa atin ang nakapaglalaro ng patintero, ng “langit at lupa”, ng base-to-base? Palagay ko wala na. Maging ito ay extinct na rin dahil ang pinagkakaabalahan ng mga tao ngayon ay ang online role playing games at ang sarisaring larong iniaalok ng social networking na Facebook.

Sa kabuuan maganda ang libro ni Siy. Higit pa ito sa mga emosyon o mga karanasan—pagbibigay buhay ito sa mga ala-alang pinagtagni-tagni ng bahaging iyon ng Ermita (ang lugar na kinalakhan ng may-akda) at ng iba pang lugar at pagkakataon sa buhay ni Bebang Siy.

Higit pa sa buhat-bangko, hindi nakahihiyang irekomenda sa mga mambabasa ang libro ni Bebang Siy. Hindi man ito maihahanay sa mga akda nina Amado V. Hernandez o ni Jose P. Rizal, masasabi naman itong isang mabisang panlipunan at pansariling komentaryo sa karanasan ng isang karaniwang Filipina-Chinese na nabuhay at nabubuhay sa iba’t ibang bahagi ng panahon at sa kasalimuotan ng takbo ng lipunang Pilipino. Wala itong halong pagkukunwari. Kumbaga sa salitang lansangan eh, wala itong ‘kiyeme’ sa pagbabahagi ng karanasan—na bagaman kaiba sa atin ay masasabi nating maaaring naganap o nagaganap sa atin sa iba mang anyo. Sa madaling-sabi, makare-“relate” tayong lahat—babae ka man o lalaki, o kung ano ka pa man.

Pero ang tanging habilin o tagubilin lamang ng manrerepasong ito: Huwag na huwag ninyong gagayahin ang mga kapalpakan ng may-akda gaya ng pagbubudbod ng asin sa pinakabola ng iyong mata. Huwag kayong masyadong patangay sa inyong emosyon at ituring na isang “testamentong dapat sundin” ang librong ito. Tandaan ninyong si Bebang Siy lamang ang inyong binabasa.

Posted with permission from Noel Sales Barcelona.

Thursday, October 20, 2011

Yehey! Nasa Manila Standard si Bebang!

Written by Jenny Ortuoste! Thank you po thank you po talaga!

pop goes the world: breasts, blankets, and bebang

If you love to laugh and cry and laugh again while reading a book, you must read Bebang Siy’s It’s a Mens World. Recently published by Anvil, I first spotted the book at the Manila Book Fair and was intrigued by the title. Was it a typo error? A deliberate naming ploy to attract buyers?

The mystery is solved in the first chapter. No spoilers here, I’d rather you read it for yourself for maximum impact, but this book is full of clever tricks that hook the reader, set her up, and deliver bang-up punchlines that will result in laughter, tears, or both.

Masterfully written in Filipino, it’s a memoir of a Filipino-Chinese girl growing up in a broken home. Though beset by financial disadvantages and adversity, her spirit is not quelled; instead, she fights back with humor, and emerges from the ring wiser and wackier.

Bebang (Beverly) Siy is a creative writing graduate of the University of the Philippines. She was a working student and a single mother to her son EJ, yet still managed to finish cum laude and serve as the UP Writers’ Club vice-president. She works for the Filipinas Copyright Licensing Society (the country’s reprographic rights organization for authors and publishers). Her poetry and short stories in different genres – romance, horror, erotic – have been published in various anthologies.

It’s a Mens World is available at all major bookstores, and will be followed by an “ala Margie Holmes” book where Bebang presents “advice but in a wacky way”. And what better way to receive advice?

Have your copies of It’s a Mens World autographed at Bebang’s talk on humor writing on October 21 at the Conspiracy Garden CafĂ©, Visayas Avenue, Quezon City. The event, organized by the Freelance Writers of the Philippines, starts at 6pm. The P100 entrance fee gets you a free beer and a raffle ticket. ***

This article is written by Jenny Ortuoste. Please ask for her permission if you wish to repost or publish. Thank you.

http://gogirlcafe.jennyo.net/2011/pop-goes-the-world-breasts-blankets-and-bebang/

Reproduction Right-positive or negative?

May nabasa akong research paper mula sa Mississippi School College of Law. Isinulat ito ni Alina Ng. Nakakaintriga kasi negative ang tingin niya sa reproduction right ng isang author.

Wait, bago ang aking comment sa paper ay definition muna. What is reproduction right?

Ito 'yong isa sa mga karapatan ng writer. Nakapaloob ito sa copyright (yes, maraming right under the term copyright). Ang reproduction right ay may kinalaman sa pera. Ito 'yong karapatan ng manunulat na paramihin ang kopya ng kanyang akda. At ito rin ang karapatan ng manunulat na magbigay ng permission sa ibang tao o kompanya para paramihin ang kanyang akda.

So, yes, tama ka ng naiisip. Ang pagpaparami ng kopya ng isang akda ay hindi karapatan ng kahit na sino. Si Writer lang ang may K.

Ang photocopying ba ay pagpaparami ng kopya ng akda?

Ano sa tingin mo? Ikaw ang sumagot.

Anyway, dahil sa right na ito ay kumikita ang writer. So halimbawa, kapag may 10 kopya ng aklat ng isang writer at nabenta ang lahat ng ito, kikita siya mula sa 10 na 'yon. Kapag mayroong 1 million kopya ng aklat ang isang writer at nabenta lahat ng ito, kikita siya mula sa 1 million na 'yon. At kapag isa lang ang kopya ng aklat niya at ito ay nabenta na, kikita siya mula sa isa na iyon at napakalimitado na ng paraan para kumita pa siya sa partikular na kopya ng aklat na iyon.

Pero sabi ni Alina Ng, posible rin na dahil sa reproduction right ay bumaba ang quality ng mga output ng writers (o ng creator, kasi sa paper ni alina ay lahat ng uri ng creator ang tinukoy niya) dahil isa sa mga gusto niya, siyempre, ay ang kumita siya mula sa dami ng kopya ng kanyang aklat. Ibig sabihin, madi-discourage siyang gumawa ng aklat na hindi mare-reproduce nang marami. Ibig sabihin, madi-discourage siyang gumawa ng aklat na hindi bebenta. At ano ang mga aklat na ito?

'Yong sobrang literary, sobrang artistic, sobrang scientific.

Kapag ang creation daw ay laging nape-perceive ng lipunan as a product, ang creator ay laging mag-a-aspire na tangkilikin siya ng market. So mababawasan ang pagnanasa niyang sumulat ng mga bagay na gusto niya talaga or mga bagay na mas importante.

I think puwede namang ma-compromise ito.

Sa dami ng puwedeng gawin at sa dami ng dapat gawin ng mga tao sa mundo para lang maka-survive, dapat maintindihan din ng mga creator ang competition na pinapasok nila once na nag-decide silang mag-create.

Kaya dapat lang din na aayon sila sa gusto at kailangan ng mga tao. at saka, hindi naman sila nag-e-exist nang sila lang. maging ang creation nila ay hindi naman nag-e-exist ng ito-ito lang o iyan-iyan lang.

Lagi pa ring may purpose. Lahat ng creation, may layuning pinagsisilbihan.

At walang kuwenta ang layunin, walang kuwenta ang creation kung hindi naman ito makakabuti at makakarating man lang sa mas nakakarami

Thursday, October 13, 2011

I Write Pop



Oct. 29, 2011
St. Dominique College of Asia, Bacoor, Cavite
whole day event

Please text Karl for details: 0927-7999897, 0922-8783629.

Brought to you by: Cavite Young Writers Association, Visprint Publishing and St. Dominic.

Wednesday, October 12, 2011

happy-sad, happy-sad, happy-sad

noong unang panahon, naniniwala ako na kapag masayang-masaya ka ngayon, mamya, malungkot na malungkot ka na. pag tawa ka nang tawa, asahan mong iiyak ka pagkaraan.

matagal na akong hindi naniniwala diyan.

nalimutan ko na nga na naniwala pala ako diyan once upon a time.

kahapon, nangyari uli sa akin.

ang saya-saya ko. kasi nakatapos ako ng trabaho at akda. at bihira 'yon, a. matagal kasi bago ako makasulat. kailangan munang may pagkalupit-lupit na deadline bago ako makatapos ng trabaho. at akda.

e, di lunoy na lunoy ako sa tuwa. nakatapos , e. yahoo. yahoo.

tapos kahapon din, nabalitaan ko, out of nowhere, na ang isang bagay na sobrang gusto ko noong-noong-noon pa, more than ten years old nang pangarap, ay hindi na pala puwedeng mapasaakin magpakailanman forever and ever magpasawalanghanggan.amen.

end. period. kaboom-bookzhdash-chuk-chuk-tongks.

naglaho ang happiness sa puso ko. hanggang ngayon, nangingilo pa ako sa lungkot.

hindi talaga puwedeng lagi kang masaya. 'yan ang isang palatandaan ng pagiging mortal.

SM College Scholarship Program

Dear All,

The SM College Scholarship Program is now accepting applicants for SY 2012-2013! Applicants must meet the following criteria:

1.Qualifications for SM College Scholarship program:

a. Graduates of public high schools in:
 NCR
 Luzon: Batangas, Pampanga, Benguet, Pangasinan, Bulacan, Quezon, Camarines Sur, Rizal, Cavite, Tarlac, Laguna, Zambales
 Visayas : Cebu, Negros Occidental, Iloilo
 Mindanao: Davao, Misamis Oriental, General Santos

b. Total household income of at most P150,000 per year, and

c. Fourth year weighted average grade of at least 88% in the second or third grading period.

Submit the accomplished application form and all required documents to the Customer Service Counters of SM Supermall, SM Department Store, SM Supermarket, SM Hypermarket and Save More on or before December 20, 2011.

Attached is the poster, application form and guidelines.

For your info and guidance.

Yours truly,
Lingling Lansang
SM Foundation
831-8282/ 0933-7201297

Tuesday, October 11, 2011

:)

'yan. para sa 'yo.

kahit malungkot ako.

maligayang bati sa inyong dalawa. sana lagi't lagi ay kayo.

habambuhay.

hay.

ang pinakaunang sanaysay ng librong It's A Mens World

It’s A Mens World
Bebang Siy

Unang nagka-mens ang kapatid kong si Colay kesa sa akin. Ten years old siya noon at ako, magtu-twelve. Sabi ng mga pinsan ko, nauna raw si Colay kasi mas mataba siya at mas aktibo sa paggalaw-galaw kesa sa akin.

Naging sentro ng atensiyon si Colay noong araw na reglahin siya. Lahat kami, nasa labas ng kubeta, naghihintay sa paglabas ng “bagong” dalaga. Pagbukas ng pinto, itong stepmother ko, biglang pumasok. Hinanap niya ang panty ni Colay sa loob ng kubeta. Gulat na gulat si Colay siyempre.

Bakit? Tanong niya sa stepmother namin.

Labhan mo. Tubig lang. ’Wag kang gagamit ng sabon. Kusot-kusot lang. Tapos ipunas mo sa mukha mo ’yang panty. Tapos sabihin mo, sana maging singkinis ng perlas ang mukha ko. Ulit-ulitin mo. Habang ipinupunas mo sa mukha mo ang panty.

Sumunod si Colay. Walang tanong-tanong. Mas matanda ’yon, e.

Noong malaman ng mga dalagang pinsan namin ang nangyari sa kapatid ko, kilig na kilig silang nagpayo kay Colay: “Magkilos-dalaga ka na kasi maliligawan ka na. Whisper ang gamitin mo. Huwag. Mahal ’yon. Newtex na lang. Mahal din ang may wings ng Newtex, ’no? ’Wag kang kakain ng mangga. Maasim ’yon, sasakit puson mo.”

Ang tatay ko, biglang kuwento nang kuwento. Noong apat na taon daw si Colay, meron itong paboritong shorts na mukhang bloomer. Kahit daw basa pa at nasa sampayan ay hahablutin at susuotin pa rin ito ni Colay. Si Colay daw, magaling sa Math. Si Colay daw, magaling sumayaw. Si Colay at si Colay at si Colay.

Nakakainggit naman, naisip ko. Kailangang magkaregla na rin ako.

Una, nilakasan ko ang kain ko. Dinoble ko lahat. Triple pa nga, e. Kung isang tasang kanin lang ang nauubos ko dati, ginawa kong dalawang bundok ng kanin. Kung isang galunggong lang ang sinisimot ko noon, biglang naging dalawang ga-brasong galunggong. Pampagana pa ang suka at asin. Pati Coke, dati, isang bote lang sa maghapon. ’Yong eight ounce. Biglang nagko-Coke five hundred na ako.

At pagdating sa pagkikikilos, tinigilan ko muna ang paglalaro ng Word Factory at Scrabble. Tutal wala naman akong makalaro kundi ang sarili ko at hindi naman talaga Scrabble ang ginagawa ko kundi domino effect. Itatayo ko ang tiles na letra, magkakatabi, sunod-sunod tapos gagawa ako ng hugis-hugis. Minsan, parang bulate.
Minsan, pabilog.Minsan, pa-letrang S. Tapos itutulak ko ang unang tile ng letra na itinayo ko. Sunod-sunod nang hihiga ang lahat ng tiles. Tiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktik, sabi.

Ang tiles nga lang ang napapagod, hindi ako. Kaya kailangan ko na ring baguhin ’to. Sa ngalan ng regla.

Batang kalye din naman ako noon pero mas batang kalye talaga si Colay. Kaya kailangang pantayan ko siya sa pagiging batang kalye niya. O higitan pa.
Dati, kapag nagmamataya-taya kami, sampung minuto na at wala pa akong natataya, umaayaw na ’ko.

Pero mula nang maging “dalaga” si Colay, hindi na ako humihinto sa paghabol sa mga kalaro ko maabot ko lang sila ’tsaka mataya. Bloke-bloke kung sukatin ang habulan namin. Keber na sa mga kotse at polusyon, Ermita lang naman ’yon, pero ang halaga ng buhay namin noon e masusukat kung maaabot ang kalaro at masisigawan ng TAYA!
Ke agawan-base ang laro, patintero, langit-lupa o shake-shake shampoo, game na game na ’ko. Hamon ko pa, maunang lumawit ang tonsil, talo.

Nakipagsabayan talaga ako. Noon dumalas ang pagsali sa amin ni Michael.

Siya ang nagbinyag sa sarili niya ng Michael. Mas masarap daw pakinggan kesa Manolito, ’yong tunay niyang pangalan. Fourteen years old siya at nagtitinda ng sigarilyo sa kalsada kapag hindi siya nakikipaglaro sa amin. Ang nanay niya, nag-aalaga ng mga kapatid niya. Maraming-maraming kapatid. Ang stepfather niya, nagtitinda rin ng sigarilyo pero sa isang puwesto lang, hindi palakad-lakad o patakbo-takbo katulad ni Michael. Nakapuwesto ito sa labas ng isang night club na katabi ng tindahan namin.

Ang bahay nila ay isang dipa ang laki. Pinagpatong-patong na mga kahoy, tabla, sako ng bigas o kung minsan, sako ng semento at karton ng sigarilyo. Nakasandal ito sa pader ng isang kongkretong bahay. Pito silang magkakapatid, panganay si Michael. Ka-berks din namin si Jelo, ang kapatid niyang sumunod sa kanya.

Nakakainis kalaro si Michael kasi siya ang pinakamatangkad sa amin. Siyempre mahahaba ang binti niya. Siyempre malalaki ang hakbang niya. Natural, mas mabilis ang takbo niya. At dahil sabi sa science class namin na proportionate sa haba ng binti ang haba ng braso ng tao, mahaba rin ang mga braso niya, siyempre mas madali niyang naaabot ang gusto niyang abutin, siyempre mas madali niyang natataya ang gusto niyang tayain.

Kaya kapag nandiyan siya, nag-iiba kaming bigla ng laro. Bawal ang agawan-base, bawal ang mataya-taya, bawal ang patintero. Ayaw naman niya ng shake-shake shampoo kasi, anya, nadi-diyahe na siyang kumendeng-kendeng kapag naabot ng taya at nasigawan ng shake.

Ang lagi naming nilalaro kapag nandiyan si Michael: langit-lupa. Dito kasi, kailangan lang e, bilis at presence of mind. Ginagawa naming langit ang bangketa, lupa ang lupa. Ibig kong sabihin, lansangan. Ang lupa, lansangan. Dapat bago ka umalis sa langit, nakahanap na ang mata mo ng matutuntungang isa pang langit: malapad na paso, likod ng nakaparadang pick-up truck, base ng poste ng ilaw, upuan ni Manong Guard, ke ano pa ’yan basta mas mataas sa lansangan, puwede nang ituring na langit.

Minsan, mula sa bangketa, matulin akong tumawid ng lupa para sumampa sa langit. Na isang scaffolding. Siyempre, hinabol ako ng taya. Si Michael. Pagtapak ng isa kong paa sa scaffolding, alam kong ligtas na ako sa mahaba niyang braso. Kaya mabilis na itinapak ko ang isa ko pang paa sabay sigaw ng….

Langit!

May ibinagsak ang langit.

Plongk!

Isang bakal na tubo ang bumagsak sa ulo ko. Mula sa likod ay may biglang yumakap sa akin. Si Michael! Tapos mabilis niyang tinakpan ng sariling kamay ang bumbunan ko. Siguro naisip niya, guguho ang scaffolding o may babagsak na isa pang tubo.

Pero wala nang bumagsak. Wala na kundi ang mga luha ko na lang.

Ansaket.

Dahil takot akong umuwi nang may injury sa paglalaro, iniuwi muna ako ni Michael sa bahay nila. Bumili siya ng yelo, binalot ito sa isang bimpo at ipinatong sa bukol kong isang dangkal ang taas. Feeling ko, nagkagulo ang mga kuto ko. Bundok Hibok-Hibok waaah, anila siguro. Si Michael, mga isang oras na hinaplos ang likod ko. Ako, nguyngoy pa rin nang nguyngoy sa sakit. Di naman ako makangalngal nang todo kasi nagpapahinga ang nanay niya’t mga bulilit na kapatid.

Noong wala nang masyadong kirot at baby mountain na lang ang Hibok-Hibok ko sa ulo, umuwi na ako sa ’min.

Kinabukasan, paglabas ko ng bahay, may naghahamon ng mataya-taya. Sali raw ako. Sabi ko, masakit pa ang ulo ko. Nandoon si Michael. Niyaya na lang niya kami na mamasyal sa Manila Bay, sa bahaging katabi ng U.S. Embassy. Okey naman sa lahat kaya lumarga na kami.

Napunta ako sa dulo ng pila naming magbabarkada. Mabagal lang ako dahil takot akong maalog ang dugo sa tuktok ng Hibok-Hibok kapag binilisan ko ang lakad ko. Sinabayan ako ni Michael.

Beb, ’wag ka na kasing makipaghabulan.

Napatingin ako sa kanya.

Pinatunog niya ang portabol niyang tindahan ng sigarilyo.

Takataktak… takataktak…

Dalaga ka na, Beb, hirit niyang parang nang-aalaska.

Di pa, ’no? Ikaw nga, matanda pa sa ’kin. Ba’t nakikipaghabulan ka pa sa ’min?

Me gusto kasi akong habulin, sagot niya.

Takatak.

Napatitig ako sa kanya. Sumusundot-sundot sa mga pisngi ng ilong niya ang mahaba
niyang bangs pero, noon ko lang napansin: makintab pala ang buhok niya. Makinis ang mukha ni Michael. Ang mata niya, malalaki, parang sa kuwago. Pero cute na kuwago. Iyong tipong puwedeng ilagay sa logo ng Sterling notebook.

Katamtaman ang ilong ni Michael. Di matangos pero di rin pango. At amputi-puti ng pantay niyang mga ngipin. Noon ko lang napansin, guwapito pala ang kalaro kong si Michael kahit may pagka-nognog siya.

Siguro namula ako no’ng maalala kong ito ang kalaro kong yumakap sa akin kahapon. At sa totoo lang, ang ginhawa ng pakiramdam no’ng hinahaplos niya ang likod ko. Nabawasan nang konti ang sakit na dulot ng gigantic na bukol.

Yihi!

Tukso ng mga kaibigan namin. Kami na lang pala ang naglalakad. Nakaupo na silang lahat sa semento na naghihiwalay sa dagat at bangketa sa may Manila Bay. Nakiupo na rin kami. Maghapon kaming nagkuwentuhan ni Michael tungkol sa stepmother kong atribida kung minsan, kay Colay na anlaki na ng itinaba mula noong magkaroon ng mens at sa mga school project tulad ng pagpapasindi ng isang ga-kulangot na bombilya ng flashlight gamit ang isang switch ’tsaka isang baterya. ’Tsaka tungkol sa nanay niya (ni Michael), sa mga kapatid niya at sa tatay niyang hindi na nagpakita mula pa noong unang unang panahon. Parang bagumbago kong kaibigan si Michael. Masarap kilalanin.

Paglubog ng araw, sama-sama kaming naglakad pauwi. Mag-aalas-sais y medya na noong makarating ako sa bahay. Walang kaabog-abog na sinurot ako ng tatay ko. Sa harap ng mga kapatid ko.

Sino ’yong kasama mong lalaki sa embassy?

Ha?

Umamin ka na. May nakakita sa inyo!

Dad, si Michael ’yon.

Sinong Michael?

‘Yong anak ni Manong diyan sa Lovebirds.

Halos bumaligtad ang salamin ng tatay ko sa sobrang galit.

Boyfriend mo ’yon?

Halos bumaliktad ang sikmura ko sa gulat at takot. Ako? May boypren?

Dad, hindi.

Ilang taon ka na ba?

Twelve.

’Yon lang at tumalikod na siya. Naiwan akong inaatake ng hiya at ng sakit. Sakit sa mata, naluluha na ako, sakit sa ulo dahil siguro sa bukol, ’tsaka sakit sa tiyan.
Ewan ko kung bakit pati sa tiyan. Baka sa puson, baka naiihi lang ako.

Pumasok ako sa kubeta. Sinubukan kong umihi. Doon ko nalaman na dalaga na nga pala talaga ako. Malungkot kong tinitigan ang mantsa sa panty. Ay, ang dami mo namang hinihinging kapalit. Demanding, parang ganon. Napaka-demanding naman pala ng pagdadalaga.

Nag-lock ako ng pinto. Mabilis akong naghubad. Tapos pinihit ko ang gripo. Mula sa timba, tinabo ko nang tinabo ang tubig. Naka-sanlibong buhos ako ng malamig na tubig. Parang gripo rin ang pekpek ko. Agos ang mens. Dalaga na ako.

Ano nga uli ang dapat ipagdiwang?

Pasa-pasa, basa-basa

Ngayong sandali na ito ay nasa sa terminal ng bus sa may Cubao si Ronald Verzo. Papuntang Masbate ang bus na nasa tapat niya. Pero hindi siya pupunta doon.

May dala siyang 12 hardbound na aklat at isang diksiyonaryong Pilipino-Pilipino na mula pa kay G. Junji Lerma, ang gitarista ng Sago.

Ang mga aklat ay idinoneyt ni Junji sa isangbata.blogspot.com.

Ang isangbata.blogspot.com ay pinamumunuan ni Ime Morales.

Noong isang gabi ay kinuha nina Bebang at Ronald ang mga aklat sa bahay ni Ime. Pagkatapos ay kinontak nina Bebang at Ronald si Dante Lagac, isang kagawad sa Barangay Tinago, Aroroy, Masbate City.

Si Dante Lagac ay matagal nang kaibigan ni Bebang. Bagama't sa Subic naninirahan at nagtatrabaho, si Dante ay pauwi-uwi sa Tinago hindi para magtago kundi para makapaglingkod doon bilang kagawad ng barangay.

Pangarap niyang madagdagan ang mga aklat sa kanila lalo na sa elementary school nila: ang Tinago Elementary School. At nang malaman ito ni Bebang, naghanap siya ng mga aklat na puwedeng iuwi ni Dante sa kanila.

Isa nga si Ime Morales sa mga nagbigay ng aklat para sa mga estudyante ng Tinago.

Ayan. By this time, malamang ay napapasakamay na ni Dante ang mga libro.

Maraming salamat sa lahat ng nagpasa para ang mga bata sa Tinago ay mas marami ang mabasa!

Ito ay isa na namang pauso ng Dagdag Dunong Project.

Tuesday, October 4, 2011

Freelance Writers of the Philippines launches OpenBook

Freelance Writers of the Philippines

launches

OpenBook, a live conversation between authors and their readers.

On October 21, 2011, 6pm at Conspiracy Garden Cafe,

Bebang Siy, author of "It's A Mens World", will give a short talk on HUMOR WRITING.

On this night: special participation of Actors Pleygrawnd and Jeff Pagaduan, an OpenBook discussion, book signing, photo op and awarding of raffle prizes.

Tickets at P100, inclusive of one free beer and one raffle stub.

Reserve your seat by texting 0917 937 8617 (Ime) or 0918 927 1147 (Jeng).

Ang pinakamaaraw na tanghali

Bihira akong sumakay ng aircon na bus. Takot ako sa holdap. At nababagalan ako sa aircon na bus. Hintay kasi nang hintay ng pasahero. At higit sa lahat, mas mahal ang aircon na bus. Well, konti lang naman ang diperensiya sa pasahe ng ordinary lalo na kung malapit lang ang destinasyon, pero mas mahal pa rin. Ilang piso rin ang matitipid ko kung sa ordinary ako sasakay.

Isang sobrang mainit na araw, tinanghali ako sa daan papuntang opisina. Nag-decide akong mag-aircon bus. Naman. For a change ba?

Pagsakay ko, sa gitna ako pumuwesto. Kalahati lang ang laman ng bus. Nasa Kamias, EDSA kami.

Isang lalaking naka-shades ang nakaupo mga dalawang row mula sa akin. Bigla siyang tumayo at nagsabi ng Farmers! Farmers!

Lumapit ang kondoktor sa kanya at sabi ay, ibababa kita doon, brad. ‘wag kang mag-alala.

Pag-usad pa ng bus at malapit na sa Cubao, nagtawag ang konduktor sa aming mga nasa loob ng bus.

Cubao! May Cubao ba diyan? anya.

Tumayo uli ang lalaki. Farmers ako. Farmers. Umakto siyang lalakad na sa gitna, sa may aisle.

Sabi ng konduktor, Mamya pa. Tatawagin kita. Saglit lang. Bumaling uli siya sa ibang pasahero. Cubao! Cubao? pangungulit niya. wala namang ibang tumayo.

umupo ang lalaki. At luminga-linga. Hindi niya tinatanggal ang shades niya.

Pag-usad pa ng bus ay nilapitan na ng konduktor ang lalaki. Farmers! O, ‘yong mga
Farmers diyan! Sabi ng konduktor. Tumayo ang lalaking naka-shades at naglakad sa aisle. Mahigpit ang hawak niya sa braso ng konduktor at sa mga headrest ng upuan. Bulag pala siya.

Pagbaba niya ng bus, parang magic wand na humaba ang hawak niya: isang de-tiklop na tungkod.

Pausad-usad ang tungkod at paa niya, pakapa-kapa sa gutter, sa kalsada. Gutter. Kalsada. Gutter. Sa wakas, nakakapit siya sa isang railing.

Naisip kong tutal naman ay late na ako sa opisina, bumaba kaya ako at itawid na lang ang lalaking ito papunta sa Farmers? Kahit late ako at minus guwapa points sa boss, kung magpapaka-good samaritan ako ngayon e plus guwapa points naman sa langit.

'Tsaka super effort na nga 'yong tumawid sa kabila ng EDSA sa pamamagitan ng MRT Station, e. Andaming makakasalubong. Andaming aakyatin. Andaming makakabangga. Andaming bababain. Andaming iiwasan. E, di lalo namang super effort 'yon kapag ganyang wala ka pang makita at all, di ba?

Naisip ko, bababa ako. Good deed for the day ko na ito. Minsan lang naman. Hindi araw-araw na may ganitong pagkakataon na tumulong sa kapwa.

Pero naalala ko, hindi pa pala ako nakakapagbayad ng pasahe. Nasa labas ang konduktor at nagtatawag ng pasahero habang ipinapaypay niya ang signboard sa sarili.
Crossing! Crossing!

Nasa bangketa na ang bulag at patuloy sa mabagal niyang pag-usad. Nakaharap siya sa mga establishment. Kung patuloy siyang maglalakad, sa establishment ang bagsak niya. Na isang tindahan ng sari-saring load at accessories ng cellphone, may seroksan pa sa bukana. Isang aleng nagbabantay ng bila-bilaong shades ang lumapit sa kanya. Inalalayan nito ang bulag, iniharap sa daanan pero daanan na papalayo sa hagdan ng MRT Station.

May sinabi ang bulag sa ale. nagpasalamat siguro tapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Iyon nga lang, sa maling direksiyon! Pabalik siya sa kung saan nanggaling ang bus namin.

Tiningnan ko ang mga tao sa paligid niya. Mabibilis ang lakad nila. May ilang bumabagal dahil napapatanga sa mabagal din na paglakad ng bulag. Ang ale, bumalik sa bila-bilao niya. Ang konduktor, paakyat na ng bus namin. Ako lang ang nakakaalam sa mangyayari. Ako lang ang nakakaalam na maliligaw siya, mapapalayo at lalong mahihirapan. Tirik pa naman ang araw.

Naisip kong bababa na lang ako.

Bababa ako.

Bababa.

Bumaba ba ako?

Hindi.

O kumibot man lang ba ako sa kinauupuan?

Hindi.

Tumingin ako sa loob ng bus. Tumingin ako sa mga upuan. Tumingin ako sa mga kapwa pasahero. Tumingin ako sa drayber. Tapos tumingin ako sa bag ko. Na nakapatong sa mga hita ko. Sa mga paa ko. Na parang naka-glue. Elmer's glue of katamaran.

Tapos tumingin uli ako sa labas ng bintana. Natatanaw ko pa ang ulo ng bulag sa balumbon ng iba pang mga ulo. Hayun na siya. Tapos unti-unti kong napansin ang repleksiyon ko sa salamin. Hayun ako.

Napakadilim.

Monday, October 3, 2011

Toyo

ni Bebang Siy


Iyak nang iyak ang bata
habang pilit nitong hinahabol ang babaeng
nagmamadali
sa pag-i-stiletto
sa paglabas ng pinto
sa pagbukas ng kotse
sa paglabas ng garahe.
Halos maglupasay na ang bata
habang umaatras ang kotse
papunta sa kalsada.
Lalo pang lumakas ang iyak
nang umarangkada na ang sasakyan
at ang babae
papalayo sa kanila.
Pumihit-pihit, pumalag-palag ang bata
nagwawala
kumakawala
sa kanyang pagkakayakap.

Tila tilapyang natutuyuan ng nilalanguyang tubig.

Ngumuyngoy ito nang ngumuyngoy
animo’y namatayan ng nanay. Siya
samantala
ang umaalo
ang may karga
na kanina pa sumasayaw at kumakanta
ay gusto na ring umiyak
maglupasay
pumihit-pihit
pumalag-palag
magwala
kumawala
dahil kahit ano pa ang kanyang gawin
alam niyang hindi na niya mapapatahan
mapapatigil
itong anak niyang palayo nang palayo
ang pagtingin.

13 part 1

lately, nararamdaman ko ang bigat ng numero na iyan. magkasunod na di magagandang pangyayari ang kinasangkutan ng numero na iyan at ako.

ako na hindi naniniwala diyan of all people.

anyway, let's start with the first 13.

yung event naming di lang pampamilya, pang-internasyunal pa ay ginanap noong September...yes, you got it right! September 13. ito ay pinlano namin maraming buwan na ang nakakaraan. so walang nabagok ang ulo kahit isa sa amin para ma-realize na 13 ang petsa ng aming event. trese. hello? ti-re-se!

so go nang go sa mga trabaho, sa pag-oorganisa at sa paghahatag ng mga kailangang ihatag. speakers, hotel ng speakers, susundo sa speakers, maghahatid sa speakers, powerpoint presentation ng speakers, projector, photographer, videographer, documentor, registration supplies, kit para sa mga dadalo. dadalo? ay siyet kelangan nga pala, may dumalo! kumusta na ba ang panghihila namin ng mga dumadalo? super best effort ay naka-47 kami na pre-registrants. sa lahat ng event na pinaglingkuran ko, ito 'yong ikalawang nagtrabaho ako nang malupit. (2nd lang sa tulawikaan, crowning glory of the good food ko pa rin iyon). pero 47 lang. 47. ang target namin ay 80.

hindi ako pinatulog ng event na ito. itong ginanap noong a-trese. takot na takot akong hindi tauhin. nag-email kami. nag-fax. nag-text. nagpa-announce. at naghire ng pr consultant para sa pagpo-promote sa iba't ibang media. may lumabas na press release. sa manila bulletin, business world at one day before the event ay sa inquirer.

humingi rin kami ng tulong sa ched. work kung work ang lola. nagsubmit ng ready to be signed na memo noong hulyo. lumabas ang memo ilang araw bago ang event. so nag-email uli kami. nag-fax. nag-text. nagpa-announce.

Sept. 12 ay 47 lang talaga ang nag-pre-register. pero nakakahinga ako nang maluwag kasi sabi ng boss ko, pwede na yon. 50% plus 1 ang bilang ng attendees ay pasang-awa na sa kanyang maselang panlasa.

pero ang inihanda kong kit ay 80.ang ipinahanda kong food, from 90 binawasan ko ng 10, 80 rin. kako, mga sampung onsite registrants, 57. plus guests, mga 15 equals 72. dami pang sobra. amin na yung sobra. sa aming mga staff na. yey!

kinabukasan, dumiretso ako sa venue. anliit pala ng venue. hindi conducive sa aming event. teka, nasabi ko bang meeting room 13 kami? hahahahaha yes! actually, dalawang room. 12 at 13! of all rooms, 13? hahahahaha ang suwerte, welcome to the joy luck club!

so pagdating ko doon, inayos ko ang room kasama ang taga prime trade. konting arrange dito, at doon. ipinalapag ko ang ikalawang screen para sa projector sa may aircon. wala nang ibang pagpupuwestuhan ang ikalawang screen. maya-maya may dumating na magpapa-register. sabi ko, wala pa po ang mga gamit namin. mamasyal-masyal po muna kayo.

umalis na siya.

may dumating uli. dalawa.

pareho lang ang sinabi ko.

tapos umalis na sila.

tapos may dumating uli. at uli. at uli.

hanggang sa sobrang dami nila, di ko na alam ang sasabihin ko. buti at dumating na ang mga gamit namin galing sa opisina. pinagtrabaho ko na ang nag-iisang staff na hinayr ko para sa registration. si kim.

arya. wala kaming tigil sa kapagpapa-sulat ng pangalan, contact details at school/company. hanggang sa maisip ko, teka, higit na sa sampu ang onsite registrants a. pagsilip ko sa mga kit, paubos na. bigla akong nainis. pinahinto ko ang registration. nagtatatarang ang nasa harap namin. bat daw kami ganon? bat daw ang gulo namin?

patay ako sa mga nagpre-register at hindi ko mabibigyan ng kit. kaya inuna ko sila. ang kaso naubusan pa rin ang marami sa kanila.

mga 1:30 na at kailangan nang mag-umpisa ang programa, nagkakagulo pa rin kami sa registration. may humihingi ng resibo, may di makita ang deposit slip (na kailangan naming kolektahin para i-attach sa official receipt), may nagrereklamo at walang kit, may humihingi ng name tag, ng tubig, ng donasyon sa red cross at piso. may humihingi ng piso. may napadpad kasing pulubi doon!

in short, dinagsa kami ng tao. halos 100 ang lahat ng registrants (pre at onsite). dagdag pa ang guests! kaya ang init sa loob ng venue! iisang aircon lang ang nakaka-circulate sa buong venue.

tapos nung kainan na, kulang natural ang food. ang mga guest namin, iced tea na lang ang naabutan!

anong suwerte ang dala mo, trese?

ahahahahay.

anyway, sabi na lang ni sir louie calvario, i so heart him for this, ok lang yan bebang at least ang problema nyo, magandang problema. umober kayo sa dami ng tao ibig sabihin, marami ang interesado.

yesh. i love that perspective talaga.

ang problema, talaga namang isang globo ng inconvenience ang ibinigay namin sa aming mga participant.

hanggang ngayon nga ay nagme-mail ako ng mga kit na hindi namin naibigay noong ....a-13 :(

ill make kuwento the second (and hopefully, last na) 13 next issue. stay tuned!

I like Baguio because...





I like Baguio because of this photo. It was taken by Maricris "Eris" Nucum-Atilano, my best friend since high school. I am a single mother (since my late teens) and it was her who became sort of my partner in crime (i.e. in raising my child). My son and I tagged along whenever her family went on vacation.

She took a photo of me and EJ during our trip to Baguio. She was still learning photography then. There was a drizzle in Camp John Hay and we were trying to get to the nearest available shed. My son was wearing an improvised hat, an empty Popperoo tumbler.

Eris used to tease me for being kuba (hunchback) and she always points to this photo whenever she wants a good laugh.

I miss my best friend. She's in Australia right now with her own family. I feel sad that I can't take a photo of her and her kids.

Baguio City reminds me of Eris. They are both cool.

Copyright of text belongs to Beverly Siy. Copyright of image belongs to Maricris Nucum-Atilano. They were part of the art exhibit Baguio Day is Coming Up held at the Victor Oteyza Community Art Space, 5F, 108 Session Road, 2600 Baguio City last September 2011. Special thanks goes to Mr. Rommel Pidazo for his assistance in putting up the photo and a copy of the essay for the exhibit.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...