Saturday, February 27, 2010
Huling huling papel na talaga para sa Panitikang Oral
Yey! 3 units din ito! hahahaha sana mabilis niya akong mabigyan ng grade!
Kakaiba ang experience na ito para sa akin. Ang pagbabasa ng readings ukol sa pasyon na pawang mabibigat na babasahin, ibig sabihin, nose bleed, mahahaba at talaga namang kritikal ay maihahambing ko sa mismong bahagi ng pasyon kung saan pinahirapan si Hesus. Mega-tiis siya sa lahat para lang mailigtas ang sangkatauhan. Parang ako si Hesus hahaha in terms of hirap na dinanas. Feeling! Nag-labor kasi talaga ako sa readings na ito. Pero, naman, pagkatapos ay anong ginhawa! Hindi, wala naman akong messianic complex pero feeling ko namatay ako sa pagbabasa ngunit nabuhay muli at napasalangit sa dami ng aking natamong karunungan. At ang karunungang iyon, sa pamamagitan ng blog entry na ito ay makakapagdulot ng mga butil ng liwanag sa iba. Bongga. Kaya from now on, pasyon is my passion.
Ilang tala mula sa Gaspar Aquino de Belen and the Pasion ni Bienvenido Lumbera
Ang Mahal na Passion na isinulat ni Gaspar Aquino de Belen (GADB) ay ang pinagbatayan ng Pasion Pilapil na siyang sumikat na bersiyon ng pasyon sa Pilipinas noong ika-19 na siglo.
Konting-konti lang ang pagkakahawig nito sa mga relihiyosong epiko mula sa kulturang Kastila.
Tampok sa mga pag-aaral at binabasa pa rin sa kasalukuyan ang pasyon ni GADB dahil sa malupit na imahinasyon ng awtor nito. Dagdag din ang husay niyang pasukin, galugarin at ihayag ang isip ng mga tauhan. Psychological ang approach, ganon.
Tagalog ang ginamit sa Ang Mahal na Passion. Nang panahon na iyon, hindi pa malayo ang gap ng Tagalog ng tula sa pang-araw-araw na Tagalog. May mga saknong nga sa Ang Mahal na Passion na maituturing nang kolokyal (nang panahong nabanggit.) Taong 1704 ang petsa ng publikasyon.
Mas epektibo ang mga saknong dahil may konsepto sa kulturang Filipino. Halimbawa ay ang pakikisama:
Di cayo,y nagsasangbahay,
iysa ang inyong dulang?
cun icao ay longmiligao,
may laan sa iyong bahao,
canin at anoanoman. (VII)
(Didn’t the three of you
share the same board?
while you were out, roaming around,
didn’t she set aside some food for you,
rice and whatever else there was to eat?)
Halimbawa pa ay ang tampo:
Caya ca gongmagayan
opan icao ay may avay,
sa Yna mong lapastangan
iyo nang panghihimagal,
caayavan mong daingan. (XXV)
(You say all this
because you want to put me off,
your uncouth mother;
this explains your coldness,
your refusal to be comforted.)
Makikita dito na imbes na gumamit ng GADB ng abstraktong konseptong panteolohiya, ipinaalala na lamang niya kay Judas sa pamamagitan ni Marya, ang uri ng pakikisamang ipinakita ni Marya sa kanya.
Ilang tala mula sa Pasyon and Revolution ni Resil Mojares
Nang patuloy nang bumaba nang bumaba ang popularidad ng epiko, napanatili pa rin ng mga Pilipino ang kanilang world view at ang papel nila sa kasalukuyang mundo sa pamamagitan ng pasyon. Ang pasyon ay mukhang alien sa Pilipinas pagdating sa nilalaman ngunit kapag sinuring mabuti, makikita rito kung paanong mag-isip ang mga Pilipino.
Ang Pasyon Pilapil ay ang ikalawa sa tatlong bersiyon ng pasyon na inaprubahan ng Simbahan (una ay ang kay GADB. Ikatlo ang El Libro de la Vida, ang pinaka halos perpekto sa lahat ngunit hindi pa rin nito natalbugan sa kasikatan ang Pasyon Pilapil). Ang Pasyon Pilapil ay isinulat daw ng isang katutubong pari na si Mariano Pilapil. Ngunit batay sa ilang tuklas, hindi siya ang sumulat nito kundi kaunting editing lamang ang kanyang ginawa/ambag dito.
Ayon sa iba, ito raw ay walang literary merit o theological standpoint. Ngunit itinuturing pa ring mahalaga sapagkat ito ang sumasalamin sa kolektibong kamalayan ng mga Pilipino.
Maituturing na social epic ng mga Tagalog (at ng iba pang mga tagapatag) noong ika-19 na siglo ang Pasyon Pilapil. May mga episode ito ukol sa pagkakalikha sa mundo, ang pagbagsak ng sangkatauhan at Huling Paghahatol o Last Judgment. Para itong kasaysayan ng isang mundo at hindi lamang basta kuwentong hango sa Bibliya.
May mga saknong sa pasyon na nag-eencourage ng paglaban sa namamayaning paniniwala at kaugalian. Halimbawa raw ay ang pagpapaalam ni Hesus sa ina niyang si Marya na ang dahilan ay upang sagipin ang sangkatauhan. Sa lipunang Filipino, dini-discourage ang paglayo ng mga anak sa magulang. Lalo na kung ang anak ay nag-iisang anak. Ngunit sa partikular na saknong na ito, makikitang bumabalikwas si Hesus sa nakasanayan at inaasahan sa kanya sapagkat mayroon siyang dakilang misyon. Ibig sabihin, maaaring ine-encourage ng saknong na ito ang pagbalikwas sa kung ano ang namamayani kung para naman ito sa kabutihan ng nakararami.
Maaari ding kaya sumikat nang husto ang pasyon ay dahil ang bida rito ay isang simpleng taong bayan, mahirap, hindi nakapag-aral at maging ang pinagmulan ay payak na magulang lamang. Nakaka-relate ang taong bayan kay Hesus. Maaaring nakita nila ang kanilang posibilidad na mamuno rin sa panahon ng pangangailangan. Kahit payak na tao si Hesus ay nagawa niyang makaengganyo ng mga apostol na bagama’t kapwa niya payak ang pamumuhay ay handa namang maglingkod para sa kanyang mga proyekto at layunin.
Maaaring basahin ito bilang empowerment sa karaniwang tao. Na taliwas sa nais mangyari ng Simbahang Katoliko nang panahong iyon. Siyempre, ang gusto nila ay maging tagasunod lang ang karaniwang tao. At hindi ang mga ito ang mga tagapagpasunod at tagapag-organisa ng kanilang mga kapwa.
Kung empowerment nga ito, nakakatuwa dahil nagawang mailusot ng mga karaniwang tao sa mapagmasid na mata ng mga prayle ang mensahe nila sa isa’t isa, ang empowerment. Noon ay inaawit pa ng mga tao ang pasyon kahit hindi naman panahon ng Kuwaresma! Sari-saring paraan ang naisip at ginawa ng mga tao para mapalaganap ang Pasyon Pilapil, halimbawa ay ginagamit itong himig at tekstong pangharana sa babae ng ilang kalalakihan kapag Mahal na Araw. Isa pang paraan ay may basbas ng simbahan: ang senakulo, isang stage play version ng pasyon na kadalasa’y idinaraos sa tabi ng simbahan.
Ilang tala mula sa The Christ Story as the Subversive Memory of Tradition: Tagalog Texts and Politics Around the Turn of the Century ni Jose Mario C. Francisco, SJ
• Ang sanaysay na ito ay paglalahad ng kasaysayan ng kuwento ng buhay ni Kristo. Sinuri din ng may akda ang pagkakaiba ng bawat bersiyon at inisa-isa niya ang posibleng mga dahilan kung bakit magkakaiba-iba ang mga ito.
• Ang kuwento ni Kristo ay isinulat sa paraan kung saan madaling makaka-relate ang mga tao saan mang panig ng mundo siya nagmula. Kaya kapag binasa mo ito, kahit sino ka pa, may makikita at makikita kang similarity doon at sa iyong buhay.
• Ang Pasyon Pilapil ay may 2660 saknong at 5 taludtod kada saknong.
• Unang Tagalog form ng buhay ni Kristo ay ang salin ng Apostle’s Creed na matatagpuan sa Doctrina Cristiana (1593). Muli itong isinulat at ikinuwento ng mga Espanyol na misyonero at ng katu-katulong nilang mga katutubo bilang mga bahagi ng devocionario at vocabulario.
• Sa pamamagitan talaga ng anyong pasyon ay naipakalat ang buhay ni Kristo. Wagi ang anyong pasyon. Ang unang pasyon sa wikang Tagalog ay ang isinulat ni GADB noong 1703. Mayroon pang isang bersiyon na kung tawagin ay Pasyon Guian (1740) ngunit nawawala at hindi makita-kita ang hard copy nito (wala rin namang soft copy siyempre). Sunod ay ang Pasyong Pilapil na kilala rin sa tawag na Pasyong Henesis kasi nagsimula ito sa kung paanong nilikha ang mundo (1814). Noong 1852 naman ay nalathala ang isang bersiyon na isinulat ni Aniceto de la Merced. Ang bongga dito kay Aniceto de la Merced, chinaka-chaka niya ang Pasyong Pilapil. “It no longer conformed to the lofty canons of current literary style,” anya at ito raw ay may faulty scholarship at senseless moral lessons. Aray.
• Ang mga printing press noon ay pag-aari ng mga prayle kaya kontrolado talaga nila ang anumang printed material na lalabas sa publiko.
• Dahil dito, dagdag pa ang mga tulad ni de la Merced na malupit manlait, lumabas ang political unconscious ng mga katutubo. Natanto nilang ang isang teksto, kapag ni-recite o itinanghal, ay imposibleng hindi magbago kung ikukumpara sa orihinal. At kapag inulit-ulit ang pagrerecite o pagtatanghal, nababago ito nang nababago. Ang mga pagbabagong ito ay dumadaan na sa isip ng mismong nagre-recite o nagtatanghal. At sila iyon, ang katutubo, wala nang iba. So ibig sabihin, nababago nila ang teksto ng pasyon. So ibig sabihin uli, ang pasyon ay unti-unting nagiging bersiyon na ng mga katutubo.
• Kaya naman ang kasunod na eksena, nagkaroon ng time, noong ika-19 na siglo, na sinikap ng mga prayle na magkaroon ng isang definitve na teksto para mabalewala ang iba pang teksto ng pasyon. Sinubukan din nilang pigilin ang mga pabasa (ng pasyon) dahil ito raw ay nag-eencourage ng heresy. Hindi lang iyon, dahil din daw dito ay nagkakaroon ng pagkakataong magkita/mag-date ang mga lalaki at babae. Yes, dahil ang pabasa ay pagtitipon-tipon ng mga tao sa isang lugar na kadalasan ay isang bahay na may malawak na bakuran. Siyempre, sinasamantala na ito ng mga mag-irog para makapag-meet.
• In short, nagkakaroon ng public disorder dahil sa pabasa. Kaya noong 1827, kinulit nang kinulit ng mga prayle ang pamahalaang Espanyol na i-ban ang pabasa.
• Ano ang implikasyon nito? Nagkaroon ng tunggalian sa pagkontrol sa kuwento ng buhay ni Kristo. Kaninong bersiyon nga ba ang dapat na manaig? Iyong sa simbahan o iyong sa karaniwang tao?
• Aral ang tawag dito sa mga saknong na mababasa pagkatapos ng mga episode o section ng pasyon. Magkakaiba ang sinasabi rito ng mga bersiyon ng pasyon. Halimbawa na lang ay iyong aral ni de la Merced pagkatapos magbigay ng regalo ng Magi kay Hesus. Sinabi niya rito na ang kayamanan at kahirapan ay idinudulot sa atin ng Diyos. Bahagi iyon ng plano sa atin ng Panginoon. Para bagang, “tanggapin mo ang kahirapan kung mahirap ka dahil plano iyan ng Diyos para sa iyo.” Kaya pala, itong si Villar, tanggap na tanggap niya nang siya ay iadya ng Diyos na maligo sa dagat ng basura. Magagamit daw pala kasi niya sa eleksiyon balang araw tulad ngayong 2010.
• So anong moral lesson? Iyan ang tanong na pinaikot nang pinaikot sa pasyon pagpasok ng 1800s dahil ito ang panahon na developed na developed na ang ekonomiya at pampolitikang estado sa Pilipinas gayon din sa Espanya. Anong konek? Gumanda-ganda ang buhay sa Pilipinas kaya kailangan na raw magkaroon ng urbanidad ng taong bayan. At dahil ang pasyon naman ay popular, ito ang ginamit upang ituro ang urbanidad sa kanila. Pero hindi sapat ang pasyon, dito na rin pumasok ang komedya, awit at korido, kuwento ng buhay ng mga santo at iba pa. Hindi na si Hesus ang tampok sa mga ito kundi mga karaniwang tao na nagsikap na maging mabuti o di kaya ay tampok naman ang pananaig ng Kristiyano sa iba pang relihiyon.
• Hidden agenda pala ng Espanyol na ituro ang urbanidad sa pamamagitan ng panitikang ito. Oo nga naman, hindi namamalayan ng taong bayan na bine-brainwash na pala sila. Akala nila ay pang-aliw lamang ang lahat.
• Pero kung inaakala mong walang ginawa ang mga katutubo sa hidden agenda ng mga Espanyol, nagkakamali ka. Kahit na bino-bombard ang mga katutubo ng ganitong panitikan ay nagawa pa rin nilang lumikha ng mga panitikang may appropriation ng kuwento ng buhay ni Hesus. Noong katapusan ng 1800 hanggang sa gitna ng 1900, maraming akda ang lumabas kabilang dito ang dalawang pamphlet sa anyo ng awit. Isinulat ito nina Mariano Sequera at Joaquin Manibo. Ang una ay Justicia ng Dios na nagtampok ng isang tauhan na pari bilang counterexample naman ni Kristo. Ang ikalawa naman ay Lilim ng Dalawang Batas, patulang paglalahad ng batas ng Diyos, bansa at ang tunggalian ng mabuti at masama. Ginigising nito ang mga paring Filipino upang sumali sa nagaganap na pagkalas sa namamayaning mga prayle upang tuluyang buuin ang Iglesia Filipina Independiente (IFI). Ang Patnubay ng Binyagan ay ang epiko ng IFI at isinulat ni Pascual Poblete. Kamukha nito ang bersiyon ni de la Merced ngunit may idinagdag si Poblete na tumutuligsa sa Katolikong Simbahan.
• Pagpasok naman ng panahon ng Amerikano ay dalawang malikhaing akda rin ang makikitaan ng appropriation ng buhay ni Hesus: ang Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino at ang Pinaglahuan ni Faustino Aguilar. Kapwa maihahalintulad kay Hesus ang mga pangunahing tauhan ng dalawang akda. Maging sa pangalan pa lang (at gender, lalaki tulad ni Hesus!!!) ay kita na ang ebidensiya: Jesus Gatbiaya at Luis Gatbuhay. Take note natin ang paggamit ng dalawang manunulat sa Gat bilang bahagi ng pangalan. Clue ito na ang may ari ng pangalan, bagama’t karaniwang tao kung titingnan ay mayroon namang dakila at noble na origin. In short, parang royal blood. Ang ibig sabihin ng gat ay dakila. (Kaya lagi nating dinadagdagan ng Gat ang pangalan ni Jose Rizal. )
• Sa dalawang akda na ito, ang bida ay karaniwang tao, manggagawa at mahirap. Kalaban nila ang mga makapangyarihan, may awtoridad at ang may kapital. Idiniin sa dalawang akda ang halaga ng katwiran bilang rasyunal na pundasyon ng kaayusang moral. Kung nais natin ng mahusay na personal at panlipunang pag-iral sa mundong ito, ang kailangan lamang ay katwiran. Mula sa salitang ugat na tuwid!
• Maraming pagkakatulad sa buhay ng mga bida sa dalawang akda at kay Hesus. Marami ring pagkakaiba. Ngunit hindi ito ang mahalaga. Ang mas mahalaga ay ang pagtatangkang maikuwentong muli ng lipunang Tagalog ang kuwento ng buhay ni Hesus. Sa ganitong paraan kasi nakikita ang silbi at halaga ng buhay ni Hesus sa ating lipunan. In short, sa ganitong paraan, sa appropriation ng kuwento ng buhay ni Hesus, mas nakakarelate tayo kay Papa Jesus.
• Masasabi kong ang kuwento ng buhay ni Kristo ay hindi na nga simpleng pagkukuwento ng buhay ng isang anak ng Diyos. Ito ay kasangkapan na ginagamit ng mga taong gustong magpamayani ng isang uri ng kamalayan, ito ay behikulo ng itinataguyod na ideyolohiya o advocacy. Sa kasalukuyan, maraming muling pagkukuwento ng buhay ni Kristo. Nariyan ang bersiyon ni Villar, na galing din sa mahirap at payak na pamilya (claim niya) at ngayon, sa husay magsalita at mag-preach ay nakakaakit ng libo-libong believers. Ang tanong, kung siya nga alter Christus ng ating panahon, magpapaligtas ka nga ba?
Ilang tala mula sa paliwanag ni Rene B. Javellana, SJ sa Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola
• Tine-trace ng may akdang si Javellana kung ano-ano kayang mga aklat ang nasa harap ni GADB habang isinusulat niya ang Mahal na Passion. Ilan sa mga posibleng pinaghanguan nito ay Vulgata (sipi ng Banal na Kasulatan na kumalat noong panahong Kastila), katipunan ng mga kuwentong Biblikal o Vita Christi, pasyong mga Kastila, Luma at Bagong Tipan ng Bibliya, mga likhang Apocrypha (mga lumang akda sa anyo ng ebanghelyo, liham at mga gawa ng nagsasalaysay ng mga lihim-_at may lihim na mga tagpo pala sa buhay ni Jesus-na tagpo sa buhay ni Jesus at ng mga alagad niya) at mga leyendang Kristiyanong sinagap sa mga awit, at ang mga awit mismo at siyempre ang sutil at malikhaing isip ng manunulat, ayon daw kay Nicanor Tiongson.
• Pero anya, pinakahawig sa nilalaman at balangkas ang pasyon ni GADB sa Retablo de la Vida de Cristo ni Juan de Padilla na inilimbag noong 1585. Kaya malamang ay ito raw ang nagsilbing gabay ni GADB sa pagsulat. Marami raw pagkakataong mukhang malayang salin ang gawa ni GADB kung ikukumpara sa sa gawa ni JDP.
Mula sa panalangin ni Jesus para sa Inang Birhen at mga alagad,
GADB
Inoolit inaambil,
Yaong onang panalangin,
Na dating idinadaying,
At toloy ipinagbilin
Ang caniyang Inang Virgen.
JDP
Pero con gran aficion
!O piadoso Senor Padre!
Porque se que mi passion
Herrir ha su Corazon
Te enconmiendio aquella
• Pero ang ending, ayon sa may akda, hindi nakabuklat sa harap ni GADB ang sipi ng Bibliya habang kinakatha ang pasyon. Maraming marami siyang pinagsanggunian ng mga salaysay na hango sa Bibliya.
• Ang isa sa ikinaaangat ng pasyon ni GADB ay ang pagkakaroon nito ng talinghaga. Gumamit ng talinghaga si GADB marahil ay upang maging mas interaktibo sa nakikinig/mambabasa ang akda at upang makahikayat ng mas maraming tagapakinig/mambabasa dahil pamilyar ang talinghaga sa kanila.
• Bakit nga ba may pasyon? Noong unang panahon, laging may shortage ng mga pari. (Well, hanggang ngayon naman.) Hirap kasi sa klima ng Pilipinas ang mga pari/prayleng puti kaya madalas silang nagkakasakit at eventually nga ay nangamamatay. Tapos usad-pagong naman ang pag-oordena ng mga katutubong nais maging pari kaya walang agarang replenishment sa kaparian. Kaya natanto ng mga prayle/pari na kailangan nilang bumuo ng lupon ng mga sinaunang Kristiyano na tutulong sa mga pari sa pagbabasbas sa mga Kristiyanong maysakit, naghihingalo na at nasa bingit ng kamatayan. Ang tawag sa lupon na ito ay magpapahesus. Sila ang mga bumabasa ng panalangin para sa maysakit habang ito ay naghihingalo. Kapag pumanaw na ang naghihingalo, ang pasyon naman ay babasahin para sa mga naglalamay. Yes, sa okasyon ng kamatayan ng karaniwang tao originally ginagamit ang pasyon.
• Kaya binabasa sa namatayan ang pasyon ay upang makatulong na maibsan ang takot ng mga namatayan sa susuunging journey ng mahal nilang namatay. Napakamisteryoso kasi ng kamatayan. Wala namang nakakaalam kung anong klaseng paglalakbay ang gagawin ng bawat isa sa atin pag tayo ay namatay na. Sa pasyon, namatay din si Hesus. At doon ay ipinapaliwanag kung ano ang kanyang mga naisip at naramdaman, at ano ang mga nangyari sa kanya. Kaya masasabing nakakatulong sa mga namatayan ang pasyon para mas magkaroon sila ng malinaw na larawan ng sinusuong na sitwasyon ng kanilang mahal sa buhay. Isa pang nagagawa ng pasyon ay nakakatulong na maging mas kampante ang mga namatayan kasi maiisip nilang kasabay ni Hesus sa paglalakbay (dahil ito ay namatay nga sa pasyon) ang kanilang mahal sa buhay. Tingnan mo nga naman, akala natin ay pang-Holy Week lang ang pasyon!
• At lalo pang kinumbinse ni GADB ang mga tagapakinig na kasa-kasama at maituturing na kaibigan sa paglalakbay si Hesus dahil sa malimit niyang paggamit ng mga salitang: sasama, casamang irog, manga ibig co’t, catoto, casama’t abay, catoto’t irog at pagaagbay. Ang image na naproject ay ang Diyos hindi bilang Diyos kundi Diyos bilang taong malalapitan, kaibigan, nakikibagay sa kapwa.
• Inisa-isa ng may akda ang mga tauhan sa pasyon. Si Judas daw, ang weakness ay mas mahal niya ang salapi kaysa kay Hesus. Sayang sapagkat bagaman isang traydor ay hindi siya pagsasawaan ni Hesus na ibigin. Kung siya lamang ay bumalik at hindi nagpakamatay! Si Pedro naman ay iba ang weakness. Mas internal. Libo-libo ang ipinangako niyang gagawin para kay Hesus pero pagdating ng kagipitan ay hindi niya ito napanindigan. Pero ipinarating ni Hesus kay Pedro na matatamo pa rin nito ang kapatawaran at kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pagtitig nito bago tuluyang dakpin ng mga kawal. Ang ganda naman ng kay Marya. Sabi raw dito ay nauunawaan ni Marya ang misyon ni Hesus sa lupa, ang iligtas ang sangkatauhan. Pero sana ay maunawaan pa rin daw ang kanyang damdamin dahil hindi lang siya kabilang sa sangkatauhan kundi isa rin siyang ina. At ang makita ang sariling anak na lubos na nahihirapan? Anong pasakit nga naman! Ang galing nito, naging very human si Mama Mary.
• Isa pang mensahe ng pasyon ay ang simbolo ng krus na binuhat ni Hesus. Ito ay ang paghihirap. Sa buhay daw, hindi maiwasan ang paghihirap. Ano ang tanging makakapagbigay ng ginhawa? Ang mga tulad ni Simon, na pansamantalang bumuhat ng krus ni Hesus. Bagama’t saglit lang niyang binuhat ang krus ay nakadama ng ginhawa si Hesus.
• Naniniwala ang mga sinaunang Tagalog na hindi naman talaga namamatay ang mga taong namamatay. Pumupunta lang daw sila sa banal na bundok tulad ng Banahaw at patuloy na mamumuhay doon batay sa kung ano ang panlipunang estado nila bago sila namatay. Halimbawa, alipin pa rin ang mga alipin. Dahil dito, nawawala ang misteryo ng kamatayan. Hindi sila naguguluhan. Nauunawaan nila ang cycle ng buhay. Pero pagdating ng kristiyanismo, binago nito ang konsepto ng kamatayan. Ang death ay naging tuldok. As in the end. So paano nga ba ito matatanggap ng isang lipunang may sarili nang paniniwala ukol sa pag-iral at pagtatapos ng buhay tulad ng lipunan ng sinaunang Tagalog? Noon ipinakilala ang konsepto ng langit kung saan maluwalhati ang pamumuhay kasama si Hesus. Sabi ng sinaunang Tagalog, “e, hindi naman pala nakakatakot mamatay basta’t susunod lamang sa mga turo ni Hesus.” Aha, kaya pala madali na nitong nakalimutan ang pag-akyat sa Banahaw ng mga mahal na pumanaw! Ang lahat nang ito ay mahusay na nailahad at naipaabot ni Gaspar Aquino de Belen sa kanyang bersiyon ng pasyon.
Ilang puna sa aktuwal na teksto ng pasyon ni GADB
Pormalistiko naman ang komento ko sa ilang saknong sa pasyon ni GADB. Bagaman ayon kay Lumbera,
sensitibo si GADB sa paggamit ng Tagalog bilang wika sa isang tula. Kung ibang misyonerong makata ang sumulat ng Ang Mahal na Passion, malamang ay tadtad ito ng ko, mo, na, ba, baga, pala para lamang may maipantugma. Sa mga saknong ni GADB, dahil sa lawak ng bokabularyo ng may-akda, ay hindi makikitaan ng ganong tendensiya. Ang mga salitang pantugma niya ay kadalasang iyon ding pinakamahalaga sa taludtod na iyon. Hango ito sa unang saknong sa pinakaunang pahina ng papel na ito ang mga salita niyang pantugma: nagsasangbahay, dulang, longmiligao, bahao, anoanoman. Pawang mahahalaga ang salitang naroon.
….ay marami pa rin akong nakitang saknong na halatang kinapos sa pantugma.
Saknong 345
Tayo ay nagcalotas na,t,
ang sulat ay nayari na,
iyo ang pilac, at amin siya
capoua natin minaganda,
ay ngay-on ca pa ngangapa?
Saknong 691
Magsaoli ca na Ina,t,
ang loob,y, gao-in mo na,
mahirap ma,y, anhin baga?
aquin uang iorong pa,y,
maronong acong magbata.
Saknong 754
Sabing ito,y, paganhin na
ang bahalang maghalaga,y,
ang bait mo, at sucat na,
caloloua mo,y, iisa
cun masira, y, omano ca?
2 out of 5 na pantugmang salita ay na o pa at iba pa. Mahinang pantugma ang mga salitang iisa ang pantig. Hindi rin ganon kahalaga ang salitang baga.
Nakakatuwa naman ang saknong na ito. Hindi ko alam kung paano babasahin ang dulong salita ng taludtod para magkaroon ng isahang tugmaan.
Saknong 820
Pagcasulat ay ga yari
isang I icalaua,y, N.
at ang icatlo ay R.
ang icapat nama,y, I.
cahoogan ay ga yari.
At may pandaya rin pala pagdating sa sukat o bilang ng tugma itong si GADB. Tunghayan:
Saknong 875
…
Poon at Panginoon co
(a niya) yaring salaring tauo
mari alalahanin mo,
cun moi ca sa Bayan mo,
cahariang dating iyo.
Bukod sa tatlong taludtod ang nagtapos sa iisang pantig na mga salita, na itinuturing ngang mahinang pantugma, ay may paltos din sa sukat. Sa ikalawang taludtod, gumamit siya ng panaklong para hindi na maibilang ang (a niya) bilang mga pantig ng taludtod na iyon.
Mula rito ang larawan sa blog entry na ito: http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.asianews.it/files/img/FILIPPINE_(F)_0408_-_Pabasa_Settimana_Santa.jpg&imgrefurl=http://www.asianews.it/news-en/Easter-in-Manila,-kissing-the-cross-of-Jesus-14942.html&usg=__uVOkllzyxRDKOgiwHWzNvYnvIno=&h=300&w=400&sz=34&hl=tl&start=3&um=1&itbs=1&tbnid=igv2iPiFlnETdM:&tbnh=93&tbnw=124&prev=/images%3Fq%3Dpabasa%26um%3D1%26hl%3Dtl%26sa%3DN%26tbs%3Disch:1
tibao
Related pala ang space sa death.
Paano?
Laganap sa lahat ng kultura ang pag-alis o paglalakbay bilang tayutay ng kamatayan. Kaya sa Ingles, gamit nila ang passed away, dumaan, ibig sabihin, may pagkilala sa espasyo. Hindi ka makakapaglakbay kung walang espasyong paglalakbayan at all. At hindi ka makakarating, ni hindi makakaalis saanman kung walang espasyo. Kasi raw space is anything that is being occupied by matter. 'Yan ang sabi ng teacher ko sa Science noong Grade 4.
Sa kultura natin, gamit natin ang yumao, pumanaw at sumakabilang-buhay. Ang yumao at pumanaw ay hindi naman talaga ukol sa pagkamatay noon. Ang orihinal nitong kahulugan ay pag-alis sa kinaroroonan. Kaya ang mga lolo natin pag nagsalita ng yayao na ako, huwag tayong magsisisigaw, magngangangawa, huwag mabahala. Ang ibig lang sabihin niyon ay aalis na siya, maglalakwatsa, pupunta somewhere else. Hindi siya nagpapaalam sa atin na mamamatay na siya. Baka makikipag-eyeball lang, ganon.
Sa sumakabilang-buhay, kitang-kita na ang pinakaimportanteng salita rito ay kabila at hindi buhay. Kasi ang buhay ay given naman doon sa sitwasyon ukol sa kamatayan. Pero pansinin na may kaugnayan uli ang salitang ito sa espasyo. Ang kahulugan ng suma ay pumunta o nagpunta. Sumalangit nawa=pumunta sa langit nawa.
So ibig sabihin, sumakabilang-buhay means pumunta sa other side ng buhay. May other side ang buhay. Kumbaga sa kalsada, may dalawang lane. Ang isa ay buhay ang tawag. Ang isa, iyon na nga. Iyong pagsasakabilang-buhayan ninyo. Death nga. Kamatayan.
Kumbaga naman sa magkapit-bahay, ito ang side ko. paglampas ko ng bakod, other side na iyon. Hmm...
So ang buhay bilang isang konsepto ng espasyo.
Ayan.
At ang tunay at tanging dahilan kung bakit ko naisulat ang blog entry na ito ay hindi naman espasyo at kamatayan. Balikan ang title ng entry. Tibao, di ba?
So eto na. Kinopya ko ito mula sa paliwanag ni Rene Javellana ukol sa pasyon ni Gaspar Aquino de Belen:
"Naniniwala rin ang mga sinaunang Tagalog na may pinupuntahan nga ang mga yumao. Bagaman hindi malinaw kung saan ito, naniniwala sila na bumabalik ang mga yumao sa ikatlo at ikasiyam na araw pagkatapos mamatay. Dahil dito, naghahanda sila ng piging na binansagang tibao sa bahay ng namatayan. Naglalatag sila ng banig na may abo habang nagdiriwang upang kung sakaling dumalaw ang patay, maiiwan ang kanyang bakas."
Ngi. Scary.
Ngayon, alam ko na kung bakit may pasiyam. Alam ko na rin kung bakit mukhang party sa dami ng pagkain ang pasiyam. Para pala itong homecoming ng taong namatay.
Pero ang tanong, sino naman ang gustong sumalubong sa nagho-homecoming na patay? Ngi. Lord.
At ang hindi kayang ma-take ng duwag kong mga tuhod ay ang pag-iiwan ng bakas ng namatay. Utang na loob. Kung sakaling ako ang mamatayan at may makita nga akong bakas sa ibinudbod kong abo, mapupunit ang bibig ko sa kakasigaw.
:-o
Pero in fairness, magandang gawan ito ng kuwento, ha?
Ang larawan ay mula rito>> jures1979.wordpress.com/.../sa-aking-pagtanda/.
paalam
idine-delete ko ang mga email address ng mga kaibigan kong yumao na. ngayon ko lamang ginawa ito. samantalang ang marami dito ay matagal nang namaalam.
soselyn floresca
vincent jan rubio
rene villanueva
astrid tobias
maraming salamat sa mga payo, tuwang hatid ng bawat pagkikita, mabuting pakikitungo at higit sa lahat, sa inyong handog sa ating mundo, ang mundo ng panitik. salamat.
(Ang larawan ay mula sa http://symbian-lifeblog.com/2009/01/goodbye-symbian-life-blog.html)
Thursday, February 25, 2010
Patimpalak sa Pagsulat ng Kuwentong Pambata
It's that time of year again!!!
CANVAS invites you to join and submit an entry its annual Romeo Forbes Children's Story Writing competition, and possibly see your written text rendered in full color in a children's book.
This year, 13 Artists* Awardee Don Salubayba does the honors and provides the inspiration with this untitled contest piece:
* Given by the Cultural Center of the Philippines every three years, the Thirteen Artists Award is the country's most prestigious award given to any Filipino artist under the age of 40, and is intended to nurture and promote artistic excellence by recognizing progressive and innovative art.
Contest Rules and Conditions
1. The Romeo Forbes Children's Storywriting Competition is open to all Filipinos.
2. Entries must not have been previously published, and all entrants must warrant the originality of their submitted entries.
3. Writers may submit only one entry, in English or Filipino, which shall be of 1,600 words or less.
4. There is no particular theme, other than the use of Don Salubayba's contest piece, shown above, as the inspiration or basis for the entry.
5. Judging Process. A CANVAS review panel shall read and award points for all stories received based on the following criteria:
* Originality and Storyline (40%)
* Imagery (30%)
* Quality of Writing (20%)
* X-Factor/Judges' discretion (10%)
Based on the points received, CANVAS shall forward a shortlist of at least five stories with the highest scores to the Artist. The Artist shall then provide comments on any or all the stories, for consideration by the panel of judges.
The panel of judges - taking the contest criteria and Artist comments into non-binding consideration - shall collectively choose the winner from the shortlist of stories.
If the judges cannot come to a consensus on the winner, they shall take a vote and the entry that gains the most number of votes shall be declared the winner.
None of CANVAS' review panel, the judges or the Artist shall see the entrant's name until the winner is chosen.
6. Entries must be submitted by email, as a Microsoft Word attachment, to storycontest@canvas.ph with the subject heading 2010 ROMEO FORBES CHILDREN'S STORYWRITING COMPETITION. In the body of the email, entrants must provide their name, the title of their entry, mailing and email address, and telephone/cellphone number. Only the story title should appear on all pages of the attached entry.
7. The deadline for submission of entries is 5:00 p.m. (Manila time), Tuesday, 30 March 2010. Entries received after the deadline, even if sent earlier, will no longer be considered for the competition.
Kindly note that CANVAS acknowledges each and every entry that we receive. If you submitted a story, and do not receive an acknowledgement from us within 24 hours, please assume that your story was not received and kindly resend it to us.
Entries received after the deadline, even if sent earlier, will no longer be considered for the competition. CANVAS shall not be responsible for entries which are not received, or which are received after the deadline, due to technical failure or for any other reason whatsoever.
8. All entrants hereby agree to authorize CANVAS to post such entries on its website, as CANVAS deems fit, and free from any payments, royalties or fees whatsoever.
9. There shall be only one winner, who shall receive a cash prize of PhP 35,000.00 (less applicable withholding tax) for his/her entry.
The winning writer shall also be entitled to five (5) free copies upon publication of the book.
The winner shall grant and transfer to CANVAS all intellectual property and publication rights to the story, including any translations, adaptations or modifications thereto.
It is hereby understood that the cash prize to be awarded to the winner shall include consideration of such intellectual property and publication rights to the story, and the writer shall not be entitled to any other royalties or fees from earnings, if any, that may result from future publication of, licensing of, or other transactions on the same.
(Please see our note below on why we have this rule.)
10. Except for the right to publish any received entry on its website, CANVAS shall not retain any other rights to entries that are not selected as the winner, except where separate agreements are reached with the writers.
11. CANVAS shall exercise full and exclusive editorial and artistic control over the publication of the winning entry and resulting book.
While, it is the full intention of CANVAS to publish the winning entry as a full-color children's book, CANVAS reserves the right not to publish the same for any reason whatsoever.
12. The winner of the CANVAS storywriting competition will be announced on or around the first half of June 2010 on the CANVAS website. The winner will also be notified via email on the same announcement date.
13. CANVAS reserves the right not to award the top competition prize in the event that the judges decide that no entry was received that is deserving of the top prize. In such event, however, CANVAS shall have no right whatsoever over all entries that were received; and shall not publish any entry, in its website or in any other venue, without the prior written consent or agreement of the author.
14. The decision of the competition judges shall be final, and no correspondence or inquiries into the same - including requests for comments/feedback on received entries - shall be entertained.
15. Employees of CANVAS, and members of their immediate family, as well as the CANVAS Fellow's immediate family, are disqualified from participating in the competition.
Talaang Ginto
Wednesday, February 24, 2010
one proud mam
Natuwa ako sa email ng isa sa mga estudyante ko ngayong sem. Isa siya sa mga dahilan kung bakit napakasaya ang maging guro.
Ang nakasulat sa subject ng kanyang email ay:
Pasasalamat sa pagtuturo niyo sa aming maging observant. :D hehehe
At eto ang nakapaste sa email niya bilang mensahe:
ANG OVERPASS SA QUIAPO, RAON
ni Kaymar Alekzis Lopez
Anyone can start a business but not everyone can make a GOOD and efficient business. Isang overpass malapit sa Raon Shopping Center ang lagi kong nilalakaran pauwi. Tambak ito ng iba’t ibang paninda mula sa bawat sulok ng Quiapo. Dikit-dikit at magkakapareho ng ibinebenta ang mga tindero’t tindera doon. Hindi pa pala sekyu ang pinaka-pantamad na trabaho. Nakakaawa ‘yong mga tinderang nakatunganga at naghihintay ng mga kustomer. May ibang nagbebenta ng underwear sa ilalim ng hagdan, SOBRANG TAGO! Oo nga pinili nila ‘yong lugar kung saan maraming tao ang dumadaan PERO kasi kung sa isang makitid na overpass with continuous flow of people, talagang lalangawin ang mga paninda nila. Di ba’t istorbo sa daloy ng mga tao kung hihinto ang isa para lang bumili ng kung anuman sa may bandang gitna ng overpass? Malulugi talaga kung hindi sila lilipat ng puwesto pero saan naman sila pwedeng lumipat? And considering the products they’re selling, talagang malulugi!
Sintas ng sapatos, plantsa, heater, light bulb, baraha, gamit na pam-pedicure o manicure at kung anu-ano pang China appliances na halatang madaling masira! Isama pa ninyo ang Swiss knife, ice pick at sex toys!
ICE PICK? Paano pag biglang may riot sa overpass? O kaya biglang gamitin ito ng holdaper bilang panakot sa biktima?
SEX TOYS? No’ng una, nagtataka talaga ako kung bakit ganon ‘yong itsura no’n kaya napatitig talaga ako para hanapin ‘yong product label. Hanggang sa mapansin na ako ni Manong at i-market ito sa ‘kin.
“Iha, bili na. Sex toys.”
Ang sarap magmura! Sinong malakas ang loob na bumili no’n sa harap ng madaming tao at sa harap ng tinderong mukha pa namang manyak? At talagang naka-display pa ang dignidad ng lalaki sa gitna ng overpass!
Nakakailang talagang lumakad sa overpass na ‘yon lalo na kung close-minded ka. Maliban sa mga paninda, may tatlong taong laging nakaupo sa may hagdan ng overpass. Sa pag-akyat ko, may isang lola na laging tulog, naka-extend ang isang kamay niya at anyo itong nanlilimos. Sa pagbaba ko naman ay ang mag-asawang may kargang sanggol. Si Manong pulubi sa overpass na ‘yon ay ibang-iba sa mga pulubing nakikita ko na. Nagagawa pa niyang manigarilyo sa kabila ng hirap ng buhay.
Sa araw-araw na paglalakad sa overpass na ‘yon habang suot ang CORPORATE UNIFORM ko at bitbit ang pulang Nine West bag, hindi pa naman ako nabibiktima ng holdap (ipinagdarasal kong ‘wag na sana mangyari ‘yon ever.) Napagtanto ko na kahit ganon ang piniling hanapbuhay o kahit hindi kumikita nang malaki ang mga tao sa overpass, hanga pa rin ako at saludo sa kanila! Mas mabuti na kasi ang ganon kaysa sa magnakaw, di ba?
‘Yon lang naman ang mayroon sa overpass na ‘yon. Realidad ng buhay. Walang itinatagong dumi.
(Ako ang naghanap ng larawan ng Lola sa Overpass. Dito ko ito natagpuan>> http://flickr.com/photos/armaneugenio/3585577063. Salamat sa potograpo.)
Friday, February 12, 2010
there is beauty in darkness
hep...
hindi akin iyan.
linya iyan sa isang tula ni ned, ka-batch ko sa ust writers workshop.
isinalin ko ito sa Filipino. eto ang version ko:
may dilag sa dilim.
pero mas malupit ang salin ni sir mike:
may kariktan sa karimlan.
at kagabi ko lang ito napatunayan.
nagpunta kami sa dangwa kagabi. mag-aalas-onse. ang liwa-liwanag sa dapitan at lacson pero pagtawid sa laong-laan at dimasalang, bumabaha na ng kadiliman.
brownout pala.
pero nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. gusto raw niya akong bilhan ng bulaklak. ayoko naman. sayang ang pera. pero ayoko rin naman siyang mapahiya. sabi ko, tingin na lang tayo. binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone at iyon ang ginamit namin sa pagsipat-sipat ng libo-libong kariktan sa karimlan.
na-realize kong noon lang akong nakapasok nang husto sa mga kalye roon: dos castillas, kalye ng dangwa transport, isang bahagi ng laong-laan at marami pa. pag bumibili kasi ako ng bulaklak para sa tatay ko ay sa quiapo lang tinatangay ang aking mga paa. pero minsan na akong bumili sa area na ito para kay joi barrios nang magsalita siya sa event ng umpil sa ust. iyong pinakamalapit na tindahan ang agad kong nilapitan.
wala nang bangketa sa dakong iyon. iyong loob-loob na mga kalye. ang meron ay pagkahaba-habang carpet ng mga rosas: pula, orange, dilaw, puti, peach, asul, pink( na may iba't ibang bersiyon: dark pink, baby pink, fuschia). naaawa ako sa mga bulaklak na nasa ilalim. anong silbi ng ganda kapag lamog-lamog na?
halos hindi mo na rin maaninag ang kalsada. nararamdaman na lang ito ng iyong paa. mapapatabi-tabi po nuno ka sa dami ng mga halamang nagkalat. may nakapaso, may nakasuksok sa bansot na timba, may nakasandal sa mga dingding, may nakahiga at patong-patong ding mga dahon-dahon at may nakasabit sa nangangalay nang mga tolda.
inuusisa ko ang nagtitinda kapag may natipuhan akong bulaklak o halaman. ano po iyan? e eto po? ano pong pangalan nito uli? e ayun pong nakatiwarik?
buti at walang nakulitan sa akin kahit di naman kami bumibili.
magigiliw ang mga tindero't tindera kahit hirap sila sa pagbebenta. imadyinin ninyo na lang kung gaano karaming bungkos ng pangungumbinsi na maganda at sariwa ang kanilang bulaklak ang kailangan nilang gawin sa gitna ng dilim.
kung maliwanag lang ay hindi na kailangang magsalita ni kuya o ni nanay. mga talulot na ang mangungusap sa mga mata ng mamimili. andali-dali palang ibenta ang sarili kung isa kang bulaklak.
good mood pa ang lahat ng nagtitinda. Siguro dahil malamig ang panahon at di sila nauubusan, nalalagasan ng kustomer. isa pa'y hindi pa lanta ang kanilang katawan. ngayon pa lang nagdadatingan ang trak-trak na bulaklak, karamihan ay galing pa sa benguet. meron nga raw na galing sa cotabato. noon pa lang bumubukadkad ang kanilang araw.
halos dalawang oras din kami sa maliliit na kalsada.
sako-sakong pangalan na ng mga bulaklak at halaman ang nakalap ko.
rose (siyempre)
tulip (na naka-ref pa talaga. ang sosi.)
carnation
paper roses (hindi lang pala ito pamagat ng kanta)
malaysian mums (may version nito na ang pangalan ay spider at scary siya)
berry (isang lunti, makinis at mahabang sanga na may butlig-butlig)
kulot( isang halaman na maroon ang dahon at hugis matatabang luha ang talulot. madahon at mahaba, ewan kung bakit kulot.)
statice
angels breath
daisy (na lagi kong pang-opening line. 'te, 'yan po ba ang daisy? ay, miss, hindi.
donald yan. ducks ba?)
gerbera daisy
fern (malaki, maliit, medium, pampalaspaspas ang dating)
chrysanthemum
orchids (na puti nakasabit ito nang pabaliktad sa isang sampayan)
sweet william
sunflower (na maliliit. wala akong nakitang kasinlaki ng mga itinatanim sa up kapag malapit na ang graduation)
mickey mouse (isang mahabang tangkay na may bungang kulay dilaw at hugis mahaba-
habang mickey mouse.)
cactus
anthurium (iyong pula na may titing dilaw. nakakabad trip tingnan ang bulaklak na
to. lalo na kung kumpol-kumpol. kung galit ka sa isang tao, ito ang dapat
iregalo.)
pink na pinya (dalawang pulgada lang ang laki nito pwera pa yung pinakakorona niya.)
cabbage rose (anlaki nito. para talaga kay karen. malaki pa siya sa karaniwang
repolyo at nakabuka ang mga talulot nitong mangasul-ngasul na
malaberde-berde.)
ang mga bouquet ay nagkakahalaga ng P250-350. walang ek-ek ito. i mean, walang palamuti. bulaklak lang at iyong wrapper ng bulaklak. yung ibang bouquet kasi may stuff toy na kasinlaki ng kamao mo. yung iba, may nakatindig na pulang plastic na hugis puso. sabi, i love you. me bouquet na nga, may ganon pa. redundancy department of redundancy.
dala niya ang camera ng ate niya pero wala raw flash kaya hindi namin nagamit. malas. brownout nga kasi. pero nang magkailaw na, nakalimutan na namin itong gamitin.
enjoy na enjoy kasi kami sa mga bulaklak. puwede palang gawing pampalipas-oras ang simpleng pagtingin sa mga ito. nakakatanggal ng stress at pagod.
kung magnenegosyo ako, gusto ko bulaklak din. o di kaya prutas. kahit hindi ako kumita nang malaki, buo pa rin ang araw ko. maganda ang bulaklak. pampalusog naman ang prutas.
NAKATULONG SA PAG-ALALA KO SA MGA PANGALAN NG BULAKLAK ANG WEBSITE NA ITO:
http://www.buzzle.com/articles/list-of-flower-names-with-meanings-and-pictures.html
Thursday, February 11, 2010
isang posibilidad
nagbabago na ng anyo ang libro.
sabi yan ni sir jun balde. Magkausap kami kaninang umaga sa cafe ng aklatan.
usong uso na ang e-books ngayon.
Meron nang mga gadget tulad ng kindle na ibinebenta sa halagang $200. kaya nitong maglaman ng hanggang 250 na aklat. nililinang pa ito ngayon para makapaglaman ng hanggang 2000 aklat. Ito ay malaki lang nang konti sa palad ng isang tao.
Imagine, 2000 aklat sa iyong palad!
Kahit nakapila ka sa 711, makakapagbasa ka.
Kahit naghihintay ka ng forever mong late na date, makakapagbasa ka.
Kahit naghihintay ka ng late mong propesor, sige na nga mahusay naman, makakapagbasa ka.
Kahit naghihintay ka ng late mong mga estudyante, makakapagbasa ka. hmm..period.
Kahit umaano ka sa CR o di kaya ay umiihi lang, makakapagbasa ka.
Kahit ano pang kahit, makakapagbasa ka.
at kapag nabagot ka sa isang teksto, pwede kang magpatalon-talon sa ibang teksto. 1999 na teksto pa ang pagpipilian mo.
wow.
meron ding ibinebenta si Steve Jobs, ang CEO ng Apple, ang E-pad. ito naman ay parang computer na kasinlaki ng dalawang palad. $400 daw ito at kung gusto mong mag-type, lalabas ang keyboard sa mismong screen. ginagamit din ito upang makapagbasa ng mga e-book.
noong nasa up pa ako, nakapagbasa ako ng mga lumang diyaryo, as in noong panahon pa ng espanyol, sa microfilm. matagal ang panahon na iginugol ko rito. kasi hahanapin mo pa sa OPAC. tapos ililista mo. tapos ibibigay mo sa staff na madalas ay wala sa kanyang puwesto. tapos ibibigay niya sa iyo ang rolyo. tapos iche-check mo kung tama ang nakuha mong rolyo. kung mali, babalik ka sa staff at papapalitan mo ito. kung wala siya roon uli, hihintayin mo siya. e dahil naabutan ka na ng lunch break, lalabas ka muna ng microfilm room. magka-casaa ka muna. pagsapit ng ala-una, babalik ka sa library, sa microfilm room at maghihintay sa staff para palitan ang maling rolyo. pagkaabot sa iyo ng tamang rolyo, bubuksan mo na ang microfilm tapos ilalapat mo ang rolyo doon. kung hindi ka marunong gumamit, pag-aaralan mo pa ito. tapos gagalaw-galawin mo ang gadget para mapapunta ang lente sa side ng diyaryong kailangan mo. tapos gagalaw-galawin mo uli ang gadget para mapalinaw ang bahagi ng diyaryong gusto mong basahin. at sa wakas, malalaman mong hindi mo pala kailangan ang nakasulat doon. tama ang rolyo, tama ang diyaryo pero hindi tama sa pangangailangan mo ang nandoon.
sa future, kung papatok nang bonggang-bongga ang e-books (at nawa'y e-newspapers lalo na iyong mga lumang-luma), madaling-madali na ang lahat. madidissolve naman ang microfilm rooms. pati ang minamahal nitong staff.
pero senti pa rin ako pagdating dito.
ikalulungkot ko nang lubusan ang pagdating ng araw na bibisitahin ko na lamang sa inaalikabok nang mga museo ang paborito kong mga libro.

payday/heyday
iba talaga ang nagagawa ng balita. ng balitang may suweldo na.
ito ang balitang una kong narinig kaninang umaga. nakasalubong ko kasi si papabon sa kalsada sa loob ng eskuwela.
pero mali ang pambungad kong pangungusap.
kaya rephrase, rephrase...
iba talaga ang nagagawa ng suweldo.
gumagaan ang bawat hakbang mo na kahapon lang ay halos simbigat ng nanay at tatay mong umuungot ng bagong banig ng gamot.
nagiging matingkad ang ngiti ng mga tao sa iyong paligid na kahapon lang ay naninimdim na mga anino ng naghahatid ng meralco at nawasa bill sa inyong bahay.
nagkukulay-ubeng muli ang isandaang piso na kahapon lang ay singdilim ng nangingitim na labi ng bunsong may hika't kapos ang hininga.
nagiging musika ang bawat tit-tit sa ATM na kahapon lang ay katunog ng mga yabag ng sariling sapatos na nangigitata't nakanganga.
tamo, sweldo lang pala ang magpapabago ng iyong mundo.
(Galing po dito ang larawan sa blog entry na ito: milkyourmoney.com/.../the-hardest-day-to-save/
Wednesday, February 10, 2010
Word of the Year
Gusto kong sumali rito. Sana lang talaga ay magkaroon ako ng panahon na makapanaliksik at makapagsulat ng artikulo para rito.
UNFRIEND ang word of the year ng Oxford. Ano ang sa atin?
Heto ang mga bet ko:
hello
Kasi hello, ang salitang hello ay may iba nang kahulugan paglipat sa ating lipunan. Para bagang ginigising nang matindi ang taong sinasabihan nito, malayong-malayo na sa simpleng pagbati na orihinal nitong kahulugan.
Kadalasan, nagro-roll ang mga eyeball ng taong bumibigkas ng hello.
good luck
Mula sa pagbating may mabuting konotasyon ay nagbago nang tuluyan ang kahulugan ng dalawang salitang ito. Bigla itong naging pagbating may pang-uuyam sapagkat ang taong nagsasabi nito ay taong walang tiwala na posibleng mangyari ang isang pangyayari.
Halimbawa:
Katya: Hahanapin ko sana ang librong Mayong ni Jun Balde sa isang public library.
Melo: Public library? Olats kaya mga koleksiyon ng aklat diyan. Sige try mo. Good luck talaga sa iyo.
kapatid
Ang kapatid ngayon ay iba na sa kapatid noon. Noon, kapag sinabing kapatid, iisa kayo ng nanay at tatay o di kaya iisa kayo ng nanay o di kaya iisa ng tatay. O di kaya iisa ang itinuturing ninyong magulang.
Ngayon, madalas na ginagamit ito ng bading. Katumbas ito ng pare o di kaya ay buddy ng mga lalaki. Ginagamit din ito ng mga babae para ipantawag sa ibang tao (pwedeng kakilala, pwede ring hindi) lalo na kung kailangan niyang may lambing nang konti ang kanyang wika at paraan ng pagsasalita.
Donna: Kapatid, pausod naman. Malalaglag na ako rito sa upuan ko.
Angel: Mga kapatid, sino sa inyo ang sasama sa Ballet and Ballads?
Ginagamit din ito sa mga organisasyong relihiyoso. Naniniwala ang mga kasapi nito na magkakapatid sila at ang Diyos ay ang Ama/Magulang.
Jeggings
Nakita ko ito sa isang billboard sa Edsa. Natawa ako. May tawag na pala sa pang-ibaba na mukhang leggings na pantalon. Bale pinaghalong leggings at jeans daw ito. Skinny jeans ang tawag dito ng iba. Tipong 24 at 25 ang bewang. Una akong nakasuot nito noong nasa high school ako. Pero hindi jeggings o skinny jeans ang tawag namin diyan kundi stretchable. Iyong dalawa kong kapatid, mahilig magsuot niyan. Feeling sexy, ba. At kahit anong pangangarap at pamimilit ko, wala talagang magkasya sa akin na jeggings nila. Naka-parking lang tuloy sa kabinet namin ang jeggings ni Ancha. Nasa Mindoro kasi siya ngayon, hehehehe.
Pag nagsuot siya niyan, sasabihin ko: pa-jeggings-jeggings ka na lang, ha?
O di ba? Pati ang fashion, may ambag sa wika.
O, hanggang dito na muna. Dadagdagan ko sa susunod.
Sana ay sama-sama tayong sumali dito sa Sawikaan. Sa ganitong paraan, maipapakita nating buhay ang ating wika, patuloy na lumalago.
Press Release
Contact Person:
Romulo P. Baquiran, Jr.
09276331659
jbaquiran@gmail.com
Deadline for the Submission of Word of the Year proposal
Deadline for the submission of the Word of the Year proposals—to be developed as full paper for the Sawikaan 2010: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon—will be on March 31, 2010. The Filipinas Institute of Translation (FIT), Inc., National Commission for Culture and the Arts, and U.P. College of Arts and Letters sponsor the annual conference. No conferences for word of the year were held since 2008. But this year, the activity will be relaunched on July 29-30 in U.P. Diliman.
Old or new words can be considered as Word of the Year as long as these impacted on national consciousness or on political, social, economic, and other aspects of Filipino life in the two years. The Word of the Year can be a newly coined word, borrowed from a foreign or a local language, an old one that has acquired a new meaning, or obsolete but restored words.
Interested parties can submit Word of the Year nominations. The one-paged proposal must have the word’s etymology, usage, and statements why it deserves to win the title Word of the Year. Submit the proposals to Prof. Romulo P. Baquiran, Jr., Filipinas Institute of Translation, Rm. 2082, Bulwagang Rizal, College of Arts and Letters, University of the Philippines, Diliman, Quezon City or send via email at filipinas.translation@gmail.com. Please provide name, address, email, and contact numbers.
The FIT Executive Committee will choose which proposals deserve to be written as full papers. Proponents of chosen proposals will be informed via snail mail and email on or before April 30, 2010. The proponents of chosen proposals will read the paper in the Sawikaan 2010 conference to be held on 29-30 July 2010 at the Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, College of Arts and Letters, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.
Nominations will be judged according to the paper’s excellent research, evidence and argumentation, and quality of writing. The Blas Ople Foundation will give cash prize to the best papers.

Tuesday, February 9, 2010
Si Bigtaymer
Nakaka-LSS talaga ang kanta sa TV commercial ni Manny Villar.
Kanina lang sa dyip, mag-isang nag-apuhap ng ilang notang maihihimig ang aking isip. Ito ba naman ang sumulpot:
Si Villar ang tunay na mahirap.
Si Villar ang tunay na may malasakit.
Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan.
At balita ko, tumaas ang ratings ni Villar versus Noynoy.
Milyon-milyon siguro ang bonus na tinanggap ng nagsulat at nag-compose ng kanta
sa TV commercial na iyon. Dahil diyan tawagin natin siyang Bigtaymer.
Tapos pagdaan ng panahon, naging pangulo na nga ang ponkan-maniac presidentiable na ito at mari-realize ng mga tao including si Bigtaymer na palpak naman talaga si Villar, na wala naman talaga itong sinseridad na tumulong sa mahirap, na wala naman talaga itong gagawin kundi ang mangurakot lamang, na wala naman talaga itong malasakit kundi nanggagamit lang.
At muli, katulad ng ginawa na natin sa mga ganitong eksena, magbubungkos ang mga Pinoy bilang sambayan para patalsikin ang palpak na pangulo. Mahihinto ang trabaho, ang eskuwela, ang produksiyon, ang mundo para labanan ang isang napakayamang evil na kulay orange.
At pusta ko, sasama itong si Bigtaymer sa rali, sa welga, sa group discussions, room to room at iba pa. Magpapa-interbyu din siya sa media. At sasabihin niyang nagsisisi na siya kung bakit ginawa pa niya ang kantang naging isa sa dahilan kung bakit sumikat si Villar. Kung bakit nagoyong muli ang mahihirap. Kung bakit nabolang muli ang karaniwang Pilipino.
Ang mga milyones na ibinigay sa kanya bilang bonus, wala na iyon. Matagal na niyang nagastos ang mga iyon. Iba na kasi ang panahon.
Nakarinig na ako ng ganito. Isang designer ni Imelda Marcos ang ininterview sa TV. Palabas yata sa TV ang pagdiriwang ng pagtatapos ng batas-militar. Tampok doon ang mga tao, bagay, lugar na may kinalaman sa dekada 60, 70 at 80.
Malaki na ako nito, nagtatrabaho na ako. Sabi ni designer, siya raw ang nagdidisenyo ng mga pang-Filipiniana gown ni Imelda at ang paborito nitong ipagawa ay iyong ternong komplikado at elaborate talaga ang disenyo. Tadtad daw lagi ang mga ito ng beads, gems, burda at iba pang maikakapit na kinang at rangya sa damit. May isang grupo raw ng mga tagapagburda ang designer. At hindi iisa ang nabulag na tagapagburda dahil sa mga ipinagagawang terno ni Imelda. Malupit daw ito at talagang marangya.
Noong pinanonood ko si designer, natatawa ako. Bakit ngayong nagninisnis na ang kapangyarihan ng mga Marcos ay saka siya nagsasalita? Saka siya nagrereklamo at nagbubunyag ng mga ganitong detalye? Bakit tinanggap niya ang trabahong magdisenyo para kay Imelda kung gaganito rin naman pala siya sa huli? Saan kaya napunta ang ibinayad sa kanyang maaaring umabot din sa milyon-milyon?
Kung sasabihin naman niyang natatakot siya para sa kanyang kaligtasan (kasi nga naman ay kilala ang mga Marcos sa pagpapautos ng mga salvage-salvage) kaya't walang patumangga siyang sumunod na lamang noon, katanggap-tanggap nga naman. Pero mas katanggap-tanggap kung isosoli niya ang pera (at katanyagan) na inani niya nang mga panahong iyon.
Malamang, hindi niya gagawin iyon. Hello? Sino ang tatalikod sa pera? Hello, para sa bayan, sino ang iiwas sa bango ng salapi?
Ikaw, Bigtaymer, tinitiyak kong palpak ang pinaglilingkuran mong tao, kaya sakali mang mangyari sa iyo ito, huwag kang babaliktad. Mas nakakahiya iyon. Iyong tipong uugod-ugod na si Villar ay saka mo sasabihing nagsisisi ka na ikaw ang isa sa mga dahilan ng kanyang pagkapangulo. Panindigan mo 'tong paglalaan mo ng husay at talino sa paggawa ng kanta para sa isang evil na kandidato.
Kapag ini-impeach na namin ang Villar na iyan sa dami ng kalokohan, gumawa ka ng kantang magpapabago ng aming mood, ha? Gumawa ka ng kantang magpapabago ng katotohanan. Husayan mo. Tingnan natin kung hanggang saan ang iyong galing.

Saturday, February 6, 2010
My Friend by Sean Elijah W. Siy
My friend is a girl. She have a black hair and long hair (oo, magkaiba 'yon!). She is very friendly and intelligent. If we do something wrong we say sorry. If we have a problem we solve it. (anak, sana kahit math problems, 'no?) If she go to the beach I will go to the beach. If she tired she will go to the secret place and I will go to the ice cream (anlaking ice cream neto napupuntahan) and buy a 2 ice cream. She's name is Maribeth. We love each other because were also best friend.
Our School by Sean Elijah W. Siy
Our School is one of the biggest schools in Quezon City. It is named after the late Pres. Elpidio Quirino. it is located at Anonas St Project 2. Our school have a 5 big building and many rooms to teach the 4000 pupils. There are 100 great teacher (bata pa, bolero na anak ko) to teach the enrolled pupils.( at kailangan talaga enrolled!) Our school have a big oval and a library many books and many trophys inside the library. It is surrounded by trees and plants. It is cleaned fresh air. I like our school because I learned many many things.
stresstab ng buhay ko
nalulungkot ako ngayon dahil sa ilang mga gagong tao. buti na lang at dala ko ang formal theme ni ej noong siya ay grade 3.
My Mother
My mother is intelligent. She make me laugh. She give me anything that make me happy. She take care for me and work for me. She loves me. She's name is Beverly. When I want to sleep she give me a good night kiss. When I have enemies she will protect me of them. I love my mother because she is my greatest love in my life.
isang basa ko lang, wala na ang lungkot at stress na kanina pa ngumangatngat sa buo kong katawan.

si ej
ma, ipa-bless mo nga ito.
iniabot niya sa akin ang isang pouch. me tatlong rosaryo na iba-iba ang haba at kulay at dalawang agimat na mabigat, yung isa mas malaki nang konti sa limampiso, yung isa, kalahating dangkal.
susubukan ko, ha? kasi sa Quiapo lang ang alam kong madaling pagpa-bless-an. e sa biyernes pa iyon.
antagal naman. gagamitin na kasi namin, e.
huh? saan?
hmm...kasi mama, gumawa kami ng ouija board. maglalaro na kami.
ha? huwag na, bebe, delikado pa iyan, e.
hindi umimik si ej. iniwan ko ang pouch sa aking mesa. balak kong hintayin ang biyernes para sa pagpapa-bless.
pagkaraan ng ilang araw, napansin ko ang isang naka-plastic na 1/4 illustration board sa tabi ng ref. me drowing-drowing, sulat-sulat at bilog-bilog na kamukha ng sa ouija board.
nang gabing iyon, nagkuwento uli si ej.
ma, nag-ouija board na kami.
o?
nakakatakot.
ha? bakit?
kasi gumalaw yung cookie.
ano?
gumalaw nga.
ang ano?
yung binili mo sa akin dati na pagkain! yung puti at itim na matamis. mukhang cookie! gumalaw.
a...yung crinkle. o bakit, anong meron sa crinkle?
gumalaw nga.
iyon pala ang ginamit nilang pamato sa ouija board!
sa isip-isip ko, talagang magagalit ang mga espiritu niyan. niloloko ninyo sila, e.

Monday, February 1, 2010
spare me
sabi ng tatay niyang napakahusay na bowler:
1. ituwid mo nang husto ang kamay at braso mo kapag naghahagis ng bola. dapat hindi bumabaliko ang pulsuhan at ang mga daliri para tuwid ding makakagulong ang bola sa lane at mapatama mo ito sa mga pin na gusto mong patamaan.
in short, kapag nag-decide ka nang gawin ang isang bagay, panindigan mo. maging matigas este magpakatatag ka. para hindi mapunta sa kanal ang bola mo.
sabi ng nanay niyang bowler din pero hindi nakapagbowling dahil sa kakatapos lang na opera:
1. tingnan mo ang pins pero huwag mong ilagay doon ang konsentrasyon mo. malilito ka lang. ang tingnan mo, ang gamitin mong guide, yung maliliit na mga arrow sa gitna ng lane. mas malapit sa iyo iyan, mas madali mong masusundan, mas madali mong malalaman kung saang bahagi ng lane pababagsakin at pagugulungin ang iyong bola. mas may direksiyon ang bola mo.
in short, huwag ka munang mag-isip nang pangmalayuan. makakarating din diyan ang bola mo kung titingnan muna at bibigyan mo ng pansin ang mga bagay na malapit sa iyo dahil iyan ang higit na makakatulong sa iyo para maabot mo ang target mong nasa malayo.
etong dalawang payo lang ang sinunod ko. mula sa score na 60 plus sa first game ay naging 97 ako sa second game. naka-strike pa ako at mangilan-ngilang spare.
ammm...sir, mam, opo, tantiya ko nama'y madali akong matuto.
marami pong salamat!

Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...