Saturday, March 6, 2010

Kung Kami’y Magkakapit-bisig



IMBITASYON

Ilulunsad ang Kung Kami’y Magkakapit-bisig, edisyong multilingual ng mga tula (circa dekada 60) sa Hacienda Luisita ni Gelacio Guillermo sa Marso 10, 2010, Mierkoles, 7 n.g., sa Café 1962 (dating News Desk), ikalawang establishment mula kantong Scout Madrinan at Scout Tobias, Timog , Lungsod Quezon.

Sa tangkilik ng MAKABAYAN bilang suporta sa patuloy na pagkilos ng mga manggagawang bukid para sa makatarungang pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita sa pamumuno ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) at United Luisita Workers Union (ULWU).

Punta tayo! Malamang pupunta ako rito. matagal na rin akong hindi nakakadalo sa ganitong pagtitipon. maghe-hello na rin ako kay sir bomen. at isa pa, dahil kailangan kong makausap si Ime para sa Mag-akyat ng Aklat. Naroon daw siya at ang isa pa naming kaibigan, si Alvin. Si Alvin ang isa sa mga may ari ng Bahandi Restaurant sa Malate. Dati ay nag-oorganisa ako rito ng buwanang pagbasa ng tula. Ngunit katulad ng maraming establishment na nagpapahalaga sa kultura at sining, bumagsak ito. Marahil, napakahaba pa ng panahon bago maging ganap ang pagtangkilik natin sa mga bagay na hindi nakakapagbigay ng pisikal at pinansiyal na ginhawa tulad na lamang nitong binanggit na paglulunsad-aklat.

(Ang larawan dito ay mula sa vincenteleazar.blogspot.com.)

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...