Akala ko ay matagal pa bago ako makapagsulat tungkol sa 'yo. dahil matagal din tayong nagkasama. matagal na matagal itong ating naging relasyon. akala ko, mahihirapan akong tanggapin ang lahat. akala ko, magiging kawawa itong nagmamahal sa akin ngayon.
hindi pala.
gusto ko sanang ihingi ng tawad ang ginawa ko sa iyo noon. ang pagto-two time. ang panloloko. pero ngayon ko lang na-realize na ako pala ang matagal mo nang niloloko. oo, noon pa. at hanggang ngayon na hindi na tayo magkarelasyon, niloloko mo pa rin ako. at sinasaktan.
(imagine, ipinagpalit mo ako sa ganyang klase ng babae? akala ko pa naman, at pinaniwala mo naman ako na espesyal ako. hindi pala. e kahit sino pala, papatulan mo. basta maputi ang legs. at isa pa, pinakawalan kita, nagsakripisyo ako para lang bumalik ka sa mga anak mo. e wala rin pala. hayan at me kasama ka na naman. isang babaeng nahulog ang breeding sa kanal noong minsang magtampisaw siya roon.)
akala ko, dapat kong panghinayangan ang halos walong taon natin. hindi pala. ang dapat ko palang panghinayangan ay halos walong taon ako sa 'yo. nag-aksaya ako ng panahon, sa totoo lang. asyang aksaya siguro ang dapat na itawag sa akin.
kung dati pa akong nakipaghiwalay, kung dati pang may nakilala akong kasintapang ni ronald, matagal na sana akong nakalaya.
nakapagpulot na sana ako ng basag-basag kong sarili, nakabili na sana ako ng epoxy, unti-unti ko na sanang nabuo ang pira-pirasong ako, nakatayo na sana uli at umuusad kasabay ng mundo.
Tuesday, July 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment