Wednesday, December 29, 2010

trip-trip lang 1

may nakasakay ako sa dyip kanina. babaeng sobrang dami ng silver sa katawan tipong pag tinamaan siya ng sinag ng araw, mas mukha siyang asoge kesa tao.

may kuwintas siyang kasingkapal ng dalawang daliri ko pag pinagpatong. ang pendant niya, silver na otap.

may hikaw siyang loop. malaki rin. parang bangles sa laki. bangles sa tenga?

at eto ang malupit: sa isang kamay niya ay mayroong tatlong singsing na malalaki at iba't iba ang design: ahas na para tuloy nakapulupot sa hintuturo, kuwago na brilyantitos ang mga mata at isang rose. metallic rose. animal activist kaya ang babae?

sa isa pang kamay niya, tatlo uling singsing na ganito naman ang mga design: babaeng naka-side view at naka-beach hat, (yes. ganyan kalaki ang design. beach hat talaga.) chicken wire na makapal at ang panghuli, bungo. itim na itim ang mga mata. ng bungo.

nakahinga ako nang maluwag nang pagtuntong ng mata ko sa kanyang mga daliri sa paa ay wala itong anumang aksesorya kundi ang kyutiks na pula.

makutitap lang naman kung marami siyang suot na ganito. mabuti nga dahil silver lang dahil hindi siya mahoholdap. hindi rin naman nakakaabala sa iba ang pagsusuot niya ng mga binanggit ko. at lalo namang hindi ikamamatay ng ibang tao o hayop pa nga ang ginagawa niya.

pero ang tanong: bakit may ganitong pangangailangan sa silver ang babae sa dyip?

may agimat ba ang silver? makakain ba ito? makakagamot ng kanser?

a, baka naman negosyante ang babae. at katulad ni kris aquino na imino-model ang lahat ng ine-endorse na produkto, heto ang babae, ginawagang display at showcase area ang sariling katawan.

sa susunod na makasakay ko siya, magtatanong na ako. ale, baka meron kayo diyan, 'yong puwedeng hulug-hulugan?

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...