Thursday, March 18, 2010

corky days



isang bote ng red wine ang utak ko. malaki at mabagsik ang nakapasak na cork.

kailangan kong magpasa kay sir vim ng koleksiyon ng mga akda na book length bago matapos ang marso.

ang target ko ay 24,000 words.

nakaka-19,000 pa lang ako. me 5,000 pa akong dapat isulat.

saang utak ko kukunin ito? kasi itong akin ay may nakapasak na cork.

wala na akong maisulat.

nagyaya sina paguts at ms. claire na magmeryenda kahapon. wala akong masyadong pera...

paguts: kakasuweldo lang natin noong isang araw, a?
ako: e, umuwi ako sa nanay ko, ayun, naholdap na.

kaya sabi ni paguts, ililibre daw niya ako. yey! sobrang kuripot itong kaibigan kong 'to. sa sobrang kakuriputan nga minsan, e, na-bad trip ako sa kanya. iyong tipong parang lambak sa Cagayan ang lalim ng kabad trip-an. tapos ngayon ay ililibre ako? yey!

at ikinuwento ko sa kanila ni ms. claire ang aking problema. sa dami ng itinugon ni paguts, andami ko ring naisip na isulat. idinagdag ko agad ang mga ito sa listahan ng aking mga to write about (actually, may mga nakalista pa doon bago kami magmeryenda nina paguts kaya lang, kamukha din ito ng mga naisulat ko na noon. walang bago kaya ayaw ko nang isulat pa.)

imagine? natanggal ang cork? minsan, isang simpleng pakikipagkuwentuhan lang pala sa mga kaibigan ang bottle opener o ang sagot sa writer's block, ang notorious na problema ng mga manunulat.

panahon na lang ang aking kailangan. panahon para magsulat.

maraming salamat sa meryenda at kuwento at pagkakaibigan, ms. claire at paguts!

ipinapangako ko, babaha ng red wine.

bottoms up!

(Ang larawan ay mula sa www.burrenwine.ie/gallery/red-wine.jpg.)

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...