noong sabado, dec 14, umuwi kami sa brgy san jose urdaneta pangasinan para makipagdiwang sa bday ng aming ante ningneng.
umuwi mula sa middle east ang panganay niyang si ate myra (ang pinsan kong ubod ng ganda, sumasali at nananalo sa beauty contest noong kabataan niya), kasama ang asawa na egyptian at dalawang anak na omg mga kamukha ni mama mary hahahaha tingnan sa photos i swear!
nag-enjoy naman ako, although medyo naubos ang extrovert powers ko doon. kakaiba, ano? if you know me alam mong kahit 365 days a year tayong mag-small talk, di kita aatrasan, ganon ako kamapagpatol sa mga kuwentuhan, kakilala di kakilala kaibigan bespren sino ka pa, fight!
anyway, notes ko on that trip:
1. wow beb para kang artista, yan ang bungad sa akin ng ilan sa mga pinsan ko. walang espesyal sa akin that day pero baka ganito ang artista sa kanila: maputi tas me lipstick na pulang pula
2. wag magrenta ng sound system. magrenta na lang ng videoke tas patayin ang music. puwede kasing mic lang ang gamitin. makakatipid sa ganitong paraan. nanay ko nag-tip niyan ke ate myra.
3. mahilig sa ginto at nai-impress sa ginto ang matatanda
4. asahan mo nang may hihimas sa usli mong tiyan at magtatanong sa iyo ng buntis ka ba na parang naninita sa aktibidades ng matris mo di mo naman siya ob gyne. hende ako bontes te malaki lang tiyan kooo
5. ang laki lang talaga ng pamilyang pilipino. ante angkel pinsan asawa ng pinsan pamangkin sa pinsan apo sa pinsan pinsan ng pinsan anak ng tokwa bigla na lang may nagmamano sa iyo. wtf.
6. buhay pa cindys bakeshop. ayeah!
7. may camella homes at amaya (ng ayala) sa urdaneta pangasinan. mga bukirin na kinonvert into residential areas.
8. maaga kami dumating. sa likod ng bahay, naabutan naming nagluluto ang ilang babae at lalaki. isa rito ay pinsan ko. sabi ko ambait naman ni ate, kahit may caterer naman ay ipinagluluto pa rin ang ante namin. bigyan ko ng pamasko ito mamaya. baka gusto niyang bumili ng bagong damit, kupas kupas na suot niya at mukhang kailangan din niyang magpa-parlor o magsuklay man lang! after the party, nagrolyo na ako ng pera sa palad ko para pasimpleng iabot sa kanya. kaso di ko na mahanap yung pinsan ko, na nakita kong naghirap buong hapon. baka kako busy.tas aksidente, nalaman ko sa nanay ko, may ari pala iyon ng catering business,siya caterer ng party. anlabo. mayaman pa sa akin baka ibato sa akin pera ko hahaha
9. pinag-e-emcee ako ng nanay ko. walang program. wow. akala niya madali e. so, siya nag-emcee. siya rin nagpa-games. alam ko na kung saan ako nagmana talaga.
10. mare ang tawag naming magkakapatid sa ante ningneng. bagong panganak ako kay dagat or ayin, lumuwas siya at nag-ayos sila ni mami ng mga gamit namin sa bahay (sa kamias, qc pa noon) dahil alam nilang matagal akong di makakakilos nang maayos. sobrang maasikaso din sa kanyang dalawang anak, (ate myra at ate weng) na pareho niyang napa-graduate sa kolehiyo, kahit nabalo siya nang maaga sa unang asawa.
sa lahat ng kapatid ng mama ko, si ante ang pinakamaganda. maganda ang hugis ng kanyang mata, bilog na bilog. maganda ang cheek bone, pang-beauty queen. may dimples din siyang tuldok sa magkabilang gilid ng bibig. at napakaganda ng personality. magaan. kasi ay napakamasiyahin niya. parang walang masamang iniisip sa kapwa. unlike yung nanay ko, masiyahin nga pero kung ano anong sama ng loob at rant ang lumalabas sa bibig in the most inappropriate times hahahaha. at ito nga palang ante ko, kapag nagagalit, pinagtatawanan lang namin dahil may punto siya kapag siya'y nagsasalita. tas imbes na magalit ay nahahawa siya sa tawa naming magkakapatid.
recently ay na-stroke siya. naka-wheelchair na ngayon at di nakakapagsalita. pero kitang kita sa mga mata na nauunawaan niya kami, ang mga tawa namin, ang bday song namin, ang pagbati ng buong angkan, ang panunudyo ng mga kapatid niya sa pangunguna ng nanay ko, ang sakripisyo ng kanyang panganay para makauwi ito at ang buong pamilya makapiling lang siya ngayong pasko.
dati ko pa iniisip, san ko kaya magagamit ang #feelingblessedt? dito na nga, dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment