a day before my bday
nasa sm aura smx convention center ako. ipelikula 2019 ang tema ng xmas party ng ipophl. naimbitahan ako na mag-judge dito kasama si sir cito beltran at direk john moll ng abs cbn.
sobra akong nag-enjoy! there were 7 groups at nagtanghal sila ng versions nila ng mga pelikulang mano po, bagets, ang panday, darna, iskul bukol, mulawin, at ibong adarna.
ang bongga ng mga production, grabe. from make up to costumes to props and set design, ang bongga. halimbawa ay nakita kong nagda-drums (traditional drums) si atty louie calvario during mano po production. earlier, nakita kong tinuturuan siya para makapag-drums siya nang maayos. so, meron pa siyang teacher na hindi taga ipophl. at meron ding lion dance, 2 ang lion. im sure may teacher din ang grupo para dito dahil hindi naman madali ang magpagalaw ng lion. ilan pang halimbawa:
ang mga pakpak ng mulawin at ravena, ang gaganda talaga, hanggang balahibo, magaganda!
ang puno kung saan nakadapo ang ibong adarna, gold!
ang costume ng ibong adarna, napakaganda rin! very colorful and shiny, parang mystical na ibon talaga ang tao na nakasuot nito
ang 1st place ay darna, 2nd ang panday, 3rd, ibong adarna. parehong action-packed, maraming stunts at may magagaling na actors ang darna at panday. kuwento wise, mas lamang ang panday. pero mas heavy sa production at mas mabilis ang pace ng darna. medyo nahirapan kami kung ano ang gagawing 1st placer. so sabi ko,mas na utilize ang mga member ng group sa buong production ng darna. kasi may roles talaga ang mga tao na part ng production. community ang bida, bukod kay darna. sa ang panday, mas konti ang nagtanghal, at sa 2 tao lang nakasentro ang kuwento. kaya ang nanalo ay ang darna. opkors di ko na isiningit na 3 henerasyon ng darna ang ipinakita sa production. girl x 3 power!
after ng productions, may surprise pala ang employees sa ipophl director general (dg) na si josephine r. santiago. may video greetings sila at pa-flowers. kasi pala it was her last christmas with ipophl. nasa dulo na siya ng kanyang term as dg. kaya nagpapaalam na sila sa kanya at siya sa kanila.
after the video presentation, nagspeech si dg. ang haba hahaha. marami siyang points. pero the thought that was running through my head that moment was: woooow pabday ng universe sa akin, for me to be part of this farewell event for an idol.
noong nasa filcols ako, 2010 to 2012, naging active ako sa ipophl activities bec of dg ricardo blancaflor. isa siya sa pinakamahusay at masipag na govt employee na nakilala ko. noong nagpapaalam na siya, end of term din, anong lungkot ko. sayang, kako, ang sipag ni sir.
not knowing na mas masipag pala ang papalit dito. iyon nga si atty josephine r santiago.
grabehan ang ipophl activities pag upo niya hanggang sa taon na ito, ang kanyang last yr as dg. napakaraming programang nailunsad at proyektong naisakatuparan, ang pinaka importante, siyempre biased ako dahil nasa artistic at creative sector ako, ay ang creation ng bureau of copyright. but even before she was able to create this bureau, matagal ko na siyang idol dahil sa mga ginagawa niya for i.p. and the country.
at eto, bigla-bigla, i get to spend an afternoon listening to her staff and the people who have worked with her in the past years.
pauwi ako, sakay ng bgc bus na palabas ng edsa, nagpasalamat ako sa universe. yep! it was definitely a birthday treat!
bonus pa ng universe: i was on time, kahit ako, hindi makapaniwala, e hahaha. saka i was able to see and meet again some creative industry friends like ms beng reyes, sir jun briola and atty louie calvario, at ang pogi ng co judge kong si direk john moll! pero ang pinakabongga talaga ay napanood ko ang pagkanta ni mam josephine santiago para sa mga ipophl employee. kinanta niya ang awiting journey na pinasikat ni lea salonga (what a journey it has been....) but wait there's more! nakapag-picture din ako sa market market ng ilang christmas tree, isasali ko sa xmas tree photo contest ng sister ni poy na si dok rianne verzo. advance bday treats nga!
Friday, December 13, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment