Tuesday, December 31, 2019

dec 30, 2019 sa imus city park

dec 30, 2019 sa imus city park

notes ko:

1. ang ganda rito, may xmas tree na nagpapalit ng kulay ng ilaw, yellow, green, then mga kulay ng philippine flag.

2. may mga rebulto ni chubby santa claus, mga snowman, at maliliit na Christmas tree

3. may dalawang opisina ng lgu na napapalibutan ng Christmas lights

4. may higanteng belen na may mga ilaw din

5. may mga estatwa ng komiks superheroes gaya nina spiderman, batman, wonderwoman, the hulk, at captain america (medj nalungkot ako kasi dec 30 kami naroon, hello, rizal day, tas puro superheroes ng komiks at ng ibang bansa ang nandoon hahaha). meron ding mga estatwa nina olaf, elsa at ana. meron ding buzz lightning, na walang ulo hahaha!

6. may mini tiangge, wala namang kakaiba sa itinitinda except maganda yung display ng tarpaulin na mga bahay. maganda rin yung arko ng mga ilaw

7. ang calle liwanag ay kinonvert na food alley. dati ay napaka informal ng pagkakaayos ng mga nagtitinda ng pagkain dito. pero ngayon, food stalls na. as in yung parang sa mga mercato ganyan, mas maliit na version nga lang ang booths at stalls.

8. may mga itintindang puto bumbong, 40 ang special, 25 ang regular. special yung may keso at konting minatamis na buko (ano nga tawag don?) meron ding bibingka, 110 ang isa. may special din at regular. nakalimutan ko kung alin diyan ang 110.

9. may mini tiangge uli sa tabi ng mga kainan.

10. malinis ang city park at may libreng mga charging station sa mga kongkretong upuan sa gilid gilid.

11. may stage sa dulo ng park, baka may shows doon pag espesyal na araw.

winner!

ps lahat nga pala iyan ay libre at bukas sa publiko

Sunday, December 29, 2019

solidaridad book shop

naghahanap ka pa rin ng maipangreregalo?

dayuhin mo na ang solidaridad book shop sa padre faura, ermita, manila!

notes ko:

1. andaming libro na maganda, mahusay at rare, iyong tipong di basta basta makikita sa national o booksale.

2. very organized ang shelves, malinis, komportable at tahimik sa loob ng shop.

3. may nakapaskil na recommendations din si sir f sionil kung wala kang maisip na particular book to buy. 100 books ang nasa list ni sir!

4. mayroon ding artworks for sale.

5. open ang solidaridad all days of the week except sundays and holidays,9am to 6pm.

6. si mam tessie pala ang taga ermita, hindi si sir. she was born in pgh and she grew up in a bigger house on that same location! siya pala ang ka-ermita ko! am so happy. babae rin!

7. isa sa masugid na customer noon si ninoy aquino. sabi ni sir f sionil, "ninoy's mind was like a sponge. he would buy books and read them all. we would discuss them here ( sa event space sa itaas ng book shop). noong nakulong siya, a courier would come to buy him books para basahin sa kulungan."

8. nakapaskil ang isang quote sa harapan ng shop: evil prospers where good people are silent. sabi ni sir f. sionil, bata pa siya when he first read this... in latin. at nagustuhan niya ito ever since. kaya hindi niya ito kinalimutan, bagkus ay ibinabahagi pa niya ito via the shop's window display.

9. baliktad ang christmas tree sa loob ng shop na ito. kakaiba!

10. solidaridad book shop is still owned and managed by mam tessie,90 yrs old, and sir f sionil jose, 95 years old. omg ang sarap gawing couple goals ang book shop at ang edad nila!

photos taken last dec 28, 2019. dito ginanap ang huling book discussion ng aming book club, ang pinoy reads pinoy books book club.

christmas party nina dagat sa isang jollibee sa aguinaldo highway, imus cavite

christmas party nina dagat sa isang jollibee sa aguinaldo highway, imus cavite held last dec 21, 2019.

organized by paslit therapy center.

notes ko:

1. ang aga namin, 12:35pm, kaya nakapag-picture ako nang maaliwalas pa ang venue, samantalang 1pm pa ang party. from 11am to 12pm na therapy ni dagat sa patindig araw ay nilakad na lang namin ang jollibee, kahit ang advice ay sumakay ng dyip. pagdating kasi sa kanto ay natanaw ko naman ang signage nito kaya nilakad na lang namin.

2. dito nanalo si dagat ng best hat: 1st prize! iyong umiilaw na star ng christmas tree namin ay pinatahi ni papa p kay ate sa sombrero, tapos ikinabit ni papa p ang star sa power bank ko para umilaw ito. ang kay dagat lang ang "hi tech" na semi-handmade. ang sa iba ay mga gawa nang 🎩 hat, nabili sa mga department store, halimbawa ay pugita. ang iba ay pang-halloween gaya ng hat ng bruha na pinuluputan ng pamaskong burloloy. pero may isa pang kyut na hat, ang hat ng kambal na estudyante ng paslit therapy center: gift box hahaha literal na gift box!

3. sobrang dami ng tao after 1pm, medyo na-suffocate ako. siguro 40 families ang nandoon, 40 times at least 3 members of the family! tapos anlakas ng tugtog sa di kagandahang speaker. heightened na heightened ang senses ko. so i tried my best to have a good time na lang.

4. sumayaw si dagat (check video). nakakasabay siya, ang galing! si teacher leb ang nagturo sa kanya at sa iba pang kids ng sayaw na ito.

5. napaka-positive at gracious ng mga therapist. mabuti talaga at nandoon sila at marami at mga bata pa. kasi baka kung kaunti, stressed na stressed siguro ako, kahit spectator lang naman ako hahaha

6. tanging si dagat ang tumatakbo, patalon talon at humihiga sa sahig. puro special children ang mga kasama namin sa party na iyon. pero behaved sila, walang makulit. so does that make dagat a very very special child?! 😂

7. nanalo kami sa bring me. ang pina-bring me ay towel na dirty white. e puti ang towel na dala kong pamunas. sabi ng emcee, di naman po iyan dirty white, puti lang po iyan. sabi ko, me sipon iyan, so dirty! ayun, binigyan kami ng premyo! laruan sa jolly meal, si jollibee nakasakay sa isang swing na nakasabit sa puno.

8. generally masiyahin ang mothers in that gathering. sa hirap ba naman ng sitwasyon namin, ano? no choice ka kundi ang maging masiyahin. hay.

9. namigay ng bubble wands ang ilang therapists sa kids. nabigyan din sina dagat at ayin, pero bago ang uwian. binigyan uli ng dalawang wand si dagat. for dancing well daw. eeeeek, ako ang kinilig!

10. marami sa mga upuan sa party area ang stool lang. walang sandalan. so dinesign iyon para di sumandal ang uupo. the seater will get tired and leave. ayaw magpatambay ni jollibee!

sa pa-christmas party ng eskuwelahan ni dagat, 20 dec 2019

sa pa-christmas party ng eskuwelahan ni dagat, 20 dec 2019, held in san rafael executive villa, habay, bacoor, cavite.

notes ko:

1. may motorcade nang 730am, siyempre na-miss namin iyon. hindi pa namin kayang gisingin ang mga bata nang 6am-ish.

2. nong Christmas party na, pinagsayaw ako together with 2 moms and kids. nasaan si papa p? nagpapanggap na may ginagawa pa sa bahay. dapat kasama siya sa sayaw. nag-rehearse ang grupo namin nang 2x bago mag-umpisa ang programa.

3. pinakakanta rin ako kasama ang grupo. binigyan ako ng lyrics ng kanta pagdating namin ni dagat sa venue. ang kanta? isang abs cbn Christmas song na minsan ko lang narinig dahil wala kaming tv jusko, ano ba

4. di ko natapos ang buong programa dahil kailangan ko nang lumuwas. may iso meeting kami/thanksgiving lunch nang 11 am that same day, kaya tawang tawa ako nang ibalita ni papa p na nanalo ang grupo namin nang second place. dadalawa ang grupong nag-compete 😂

5. may cash pala na premyo, ang bongga ng school. hindi na raw tinanggap ni papa p ang iniaabot sa kanya na share ng panalo, dahil hindi kami nakasali sa pagpaplano at naunang mga rehearsal. sobrang busy ako sa ccp, samantalang si papa p, ayaw lang talaga hahaha

6. naobliga kaming bumili ng 2 shirt para sa Christmas party na ito, kahit ayoko sana dahil may pink shirts naman kami, ayaw ko na ring magdagdag ng damit... at sayang din ang pera, isang beses lang naman itong gagamitin, kako. may iimprenta pala na bible quote (baptist ang school ni dagat) at pangalan sa shirts. poy at bebang ang ipinalagay ko hahaha kaya meron na kaming couple shirt! na religious hahaha!

7. masaya naman ang party. napaka-chillax lang ng emcee, si pastor joshua na isa rin sa heads ng school. wala akong isyu sa pastor na ito, pero yung sense of humor niya ay kamukha ng sa mga kaklase kong lalaki noong elementary at high school, na ngayon ay pastor na rin sa mga christian na church. tawang tawa ako, kolokoy lang, ganon. kaya tuloy di ko rin tuluyang maseryoso si pastor joshua kapag god-god na ang pinag-uusapan. feeling ko kausap ko lang yung mga kaklase ko at recess namin, nasa gym kami o school corridor, nagdadaldalan, kabatuhan ng jokes habang naghihintay na mag-ring ang bell, o kaya naghihintay ng uwian time.

8. si pastor joshua nga pala ang nabunot ni dagat sa exchange gift hahaha, ang inilagay ko sa gift paperbag ay wine at tsokolate, dinagdagan ni papa p ng book ni gary lising hahaha joke lang, ng book tungkol sa.... unconditional love!

9. but i love this school dont get me wrong. malapit sa amin, nalalakad, kaya naihahatid ko si dagat almost every morning, mababait ang teachers, teachers shela (na wife ni pastor!) and ave, malalim ang malasakit sa mga estudyante. mabait din ang mga bata. kahit iisa ang kaklase ni dagat, si maddie, nakakapag-interact sila sa iba pang class levels, tuwing papasok si dagat, parang excited lagi silang makasama si dagat, isisigaw nila ang pangalan ng anak ko pagkabukas namin ng pinto ng eskuwela at iwe-welcome si dagat na para itong ofw na umuwi for Christmas.

christmas party at pa-bingo ng ccp ceo, the employees' org, held last dec 19

christmas party at pa-bingo ng ccp ceo, the employees' org, held last dec 19 at the ccp main lobby.

notes ko:

1. di ako sumasali dito noon. ibinibigay ko ang bingo cards ko kay mam bing or sir nes para sila ang maglaro para sa akin. di ko kasi naiintindihan ang laro na ito.

2. pero may raffle component ito. at last year, natawag ako, tapos di ko nakuha ang premyo na microwave dahil wala nga ako, nasa intertextual room lang ako. kaya this year, ipinalaro ko kay kuya jeef ang bingo cards, pero nag-stay ako sa isang kubling bahagi ng lobby para abangan ang mga tatawaging pangalan sa raffle!

3. so... narinig ko ang almost complete silence sa bawat umpisa at ng di maikakailang excitement ng mga employee sa pag-usad ng laro. palakas nang palakas ang hiyawan (uy, oy, wah, eh) at halakhakan habang tumatagal dahil after every game ay tumataas ang premyo, hanggang 15k!

4. in short, batay pa lang sa sound, alam mong napakasayang moments nito for employees hahaha walang kailangang kumanta, magsayaw, tumula, magtanghal, umarte, pumroduction number! pahinga kung pahinga nga naman.

5. every game ay may break. dito nagpapatugtog ng Christmas songs ang aming tech. tumatayo rin ang employees for cr or to get snacks, may pameryenda at pakape ang aming organizers! kulang na lang butong pakwan sa bawat mesa as centerpiece hahaha pero opkors may mga nagdala ng sitsirya at iba pang kutkutin. binggohan feels talaga hahaha

6. minalas kami ni kuya jeef this year. hindi siya nakabingo, di rin ako nabunot sa raffle. sayang!ang nanalo ng major prizes ay isang taga HR at isang taga NAC! as in national arts center, yes bumababa ang mga taga makiling sa mga institutional at pang-empleyadong event gaya nito.

our ancestral house in ermita manila.

our ancestral house in ermita manila. dito ako lumaki hanggang 15 years old.

sabi ng uncle kong si john sy (no letter i like my surname kahit na older brother siya ng tatay ko), the house was formerly owned by johnny litton. ipinaupahan niya ang baba at mezzanine sa lolo at lola namin (siy see and ho chuy tam) in the 1950s. ginawang tindahan ng mga lolo at lola ko ang ibaba. at sa mezzanine sila nanirahan. they were from china. ang hirap daw ng buhay sa china noon kaya napadpad sila sa pilipinas. i think all of my aunts and uncles were born here, and my dad who was second to the bunso, but they had to swear... for them to be declared filipinos. (ano nga ang tawag doon, oathtaking?) eventually johnny litton sold the whole house to our grandparents after some time.

tindahan pa rin ang ibaba nito ngayon and it is being managed by my uncle. ang likod ay pinaupahan, at naging laundry and photo shops.

i wrote a book about my childhood, it is called it's a mens world. marami sa essay doon ang naganap sa bahay na ito.

this house has ground floor (store, wash/laundry area, 1 small bodega,dirty kitchen,2 cr, laundry and photo shops), mezzanine (1 small room, 1 big room, 1 tambakan area, 1 maids quarter), third floor thats what we call it kahit ang totoo ay second floor lang siya (living room with altar area, dining room, kitchen, 2 medium rooms, 1 master bedroom which is facing the main road, 2 cr, another altar facing the fire escape which is a very very steep flight of stairs)

photo taken by me last night. nagpunta ako doon to bring gifts to my uncle and his wife. favorite uncle ko siya, kasi ninong ko rin siya, at tinuturuan niya ako noon sa math, from elementary to high school, and lastly, we share the same birth month, december.


lunsad aklat sa pasigan 2019, dec 22

lunsad aklat sa pasigan 2019, dec 22, mutya ng pasig tower, brgy malinao, pasig city.

salamat sa organizers na sina Karlo Marxismo Lenino at Gerome Nicolas Dela Peña for organizing this.

notes ko:

1. mahal ko itong event na ito. a few years ago, i was invited by the nbdb to talk about literature at the pasig public library. teachers ang audience. ang itinalk ko ay tungkol sa maliliit kong proyekto at ng ilang kaibigan para sa local lit since about a decade ago. payo ko sa teachers, icompile nila ang mga pa-writing assignment nila sa mga estudyante, ang mga pa-project nila, ang mga theater production,i-cd nila. at bigyan ng kopya ng compilations, projects at cds ang school library at ang city library. literature really is about compiling and documentation. so, ang mensahe ng talk ko sa pasig were: nasa inyong mga kamay ang kinabukasan ng pasig literature. nasa inyong mga kamay ang kinabukasan ng panitikan ng pilipinas (yes, local is national period).

2. in 2017 or 2018, i was invited to talk at pasig catholic college. nalaman ko doon na, isang guro ang gumawa niyon sa kanyang klase. naka bind pa ito na kamukha ng librong blue ni sir jowie delos reyes. ang galing, kako!

3. fast forward to 2019, heto nga sa lunsad aklat sa pasigan, itinanghal ng mga gurong sina danim at gerome ang panitikang pasig! ang galing, grabe, amazed na amazed ako.

4. naglunsad sila ng alab, literary works ng humss students ni danim sa kapitolyo high school. most of the authors that i met during the launch were women! sina angela ambala jhohanna buletic, richelle joy espeleta, kyle alabastro at eyanna cabico.mabuhay! ang isa sa mga gumawa ng cover art at ang book designer ay si jasmin nicole bugert na siya ring nag-o-operate ng laptop during the launch. babae rin. mabuhay again!

ang iba pang may akda na na-meet ko during launch ay sina chlodi andre quintana at mark basanez.

5. inilunsad din ang kapag nalaman mo, mga tula nina dr allan paul catena, tubong pasig na ngayon ay guro sa san jose,occidental mindoro,at paul rico de lara (i dont know anything about this guy yet but accdg to sir allan, paul rico and his poems are popular in social media). nakakatawa si sir allan noong nagkukuwento siya ng proseso ng paglikha. marami siyang ibinahaging karanasang personal na sa una ay aakalaing walang kinalaman sa pagsusulat, pero nasa kanyang mga punchline ang koneksiyon.

6. ipinakilala rin ang chapbook na ama namin, na gawa ng apat na babae at isang lalaki, lahat sila ay taga pasig. sayang at tanging si luiz john taoc lang ang nakarating sa launch to present the chapbook. nang magsalita si luiz, sabi niya, nakipag-collaborate ako sa apat na bilat para sa book na ito, blah blah. so during the q and a, i asked him how was it... to work with 4 women! sabi niya, ibang iba daw ang mismong tula doon sa personalidad na kanyang nakatrabaho. di raw niya akalain na iyong mga kaklase niyang iyon ay ganong uri ng tula ay malilikha.

the poets names are ma. virginia lishell lopez, honeylett manzanero, edralyn grace fulong and allana rose bongon

7. ang pinakahuling nilunsad ay ang sa organizer na si danim ravina majerano, ang sabaw mga tulang nangungupal at hablon mga sanaysay sa wika, sining, kultura at lipunan. matapang ang mga anyo ng tula ni danim, may mukhang hagdan, may mahabang listahan lang ha at ang dulo ay hakdog at veklog! witty ang mga ito. pero ang paborito kong tula ay ang diyosa ng bai, para siyang dasal, taludtod ng pagpetisyon sa diyosa ng katubigan. ang ganda-ganda. tapos, eto pa, ang bai sa laguna ay tanaw na tanaw sa venue ng launch! and opkors alam naman natin na ang bai ay karugtong ng ilog ng pasig. sa hablon naman, may mga academic essays si danim tungkol sa maoismo sa philippine art, tradisyon ng isang prusisyon sa lucban, quezon at ang tradisyong karakol sa rosario cavite.

8. during the launch i was also given a copy of flight 143 mga tula ng pag-ibig at paglipad na pinamatnugutan nina gerome at danim, and mga muhon sa pasig poblacion, isang manipis na publikasyon ng samahang saliksik pasig na inilathala noong 2011. manipis man, 27 pages, napakahalaga nito sa isang taga pasig dahil tampok dito ang mga lugar na pinagbubukalan ng pride ng mga tagaroon. puwede rin siyang guidebook bago magtungo sa mga lugar gaya ng poblacion,plaza rizal, plaza bonifacio, busto ni heneral valentin cruz, bitukang manok, pang-alaalang bantayog, immaculate conception cathedral, bahay na tisa, pasig city museum, pasig catholic college, beaterio de sta rita de pasig at colegio del buen consejo at pamantasan ng lungsod ng pasig.

9. waaah ang gaganda ng books, di ba? ano pa ba ang maidadagdag ko?

sana lahat ng bayan ay may mga ganitong publikasyon!

sana all.

nang patuloy nating mapatatag ang sarili nating mga salita, sariling akda, sariling kultura, sariling sining.

Thursday, December 19, 2019

team panagbenga

nanalo kami sa booth making contest ng ccp, best in costume at 2nd place (3 lang ang contestants hahaha)

ako ang pinagsulat ng description:

Group No. : 1
Panagbenga Festival
Brief Description :
The Panagbenga Festival (PF) group presents a booth called CCP Blooms at 50. The booth features a miniature version of the CCP Main Building decorated with multi-colored paper flowers. The PF group have chosen the iconic CCP Main Building as its primary component to give tribute to the CCP’s 50 years.

The term “Panagbenga” comes from a Kankanaey term meaning “season of blooming.”

This booth is a symbol of CCP’s own season of blooming.

The sunflowers celebrate the golden anniversary of the CCP. The red flowers symbolize the burning passion of the artists that have performed on its national stage, while the white flowers stand for CCP’s theme since Day 1: the true, the good, and the beautiful. The green flowers are the nurturing qualities of CCP programs for the next generation of audiences. And lastly, the fountain is the symbol of the Filipino imagination, an endless source of inspiration.

Welcome to our booth!

This is where Panagbenga and CCP become one: a festival of culture and creativity.

List of Materials :
Found wood and wire - supplies from the Maintenance and Engineering Services Division
Scratch papers, and other kinds of papers, pages of old magazine, glue, scotch tape
Found objects such as Christmas lights from the Treasury Division.

kasama namin (cultural content department) sa team ang admin services department, human resources management department, tork at financial services department!

congrats, team panagbenga!

ccp christmas party for employees

ccp christmas party for employees kagabi. napakasaya naman, except natalo kami sa booth making contest hahaha 2nd lang kami out of 3 contestants!

may singing contest din: tawag ng tanghalan naming tahanan. (trivia lang-ang tanghalan naming tahanan ay ccp 50 anniversary song written by sir bien lumbera and arranged by mr ryan cayabyab, both national artists.)

itong singing contest na ito ay may dalawang category: organic at inorganic. organic meaning full time employees ng ccp. inorganic meaning contractual and project hirees, tipong kahit one time lang ang project with ccp, puwedeng sumali. sabi ni sir ronie mirabuena sa akin, baka may maganda pang term diyan kaysa sa inorganic. agree naman ako. sana organic at more organic na lang ang ginamit hahaha

#winwinsituation

ang nanalo nga pala sa unang kategorya ay si mam minda casagan ng film.broadcast and new media. pakaganda ng pagkakakanta niya ng shawie cuneta popular song. muntik na kaming mapaiyak sa husay ng boses at emosyon. ang nanalo sa ikalawang kategorya ay si elimore ng audience development division. pak na pak ang costume sa kanta, may pagka-rock kasi. highly entertaining ang rendition, very confident!

Wednesday, December 18, 2019

san jose urdaneta pangasinan dec 14 2019

noong sabado, dec 14, umuwi kami sa brgy san jose urdaneta pangasinan para makipagdiwang sa bday ng aming ante ningneng.

umuwi mula sa middle east ang panganay niyang si ate myra (ang pinsan kong ubod ng ganda, sumasali at nananalo sa beauty contest noong kabataan niya), kasama ang asawa na egyptian at dalawang anak na omg mga kamukha ni mama mary hahahaha tingnan sa photos i swear!

nag-enjoy naman ako, although medyo naubos ang extrovert powers ko doon. kakaiba, ano? if you know me alam mong kahit 365 days a year tayong mag-small talk, di kita aatrasan, ganon ako kamapagpatol sa mga kuwentuhan, kakilala di kakilala kaibigan bespren sino ka pa, fight!

anyway, notes ko on that trip:

1. wow beb para kang artista, yan ang bungad sa akin ng ilan sa mga pinsan ko. walang espesyal sa akin that day pero baka ganito ang artista sa kanila: maputi tas me lipstick na pulang pula

2. wag magrenta ng sound system. magrenta na lang ng videoke tas patayin ang music. puwede kasing mic lang ang gamitin. makakatipid sa ganitong paraan. nanay ko nag-tip niyan ke ate myra.

3. mahilig sa ginto at nai-impress sa ginto ang matatanda

4. asahan mo nang may hihimas sa usli mong tiyan at magtatanong sa iyo ng buntis ka ba na parang naninita sa aktibidades ng matris mo di mo naman siya ob gyne. hende ako bontes te malaki lang tiyan kooo

5. ang laki lang talaga ng pamilyang pilipino. ante angkel pinsan asawa ng pinsan pamangkin sa pinsan apo sa pinsan pinsan ng pinsan anak ng tokwa bigla na lang may nagmamano sa iyo. wtf.

6. buhay pa cindys bakeshop. ayeah!

7. may camella homes at amaya (ng ayala) sa urdaneta pangasinan. mga bukirin na kinonvert into residential areas.

8. maaga kami dumating. sa likod ng bahay, naabutan naming nagluluto ang ilang babae at lalaki. isa rito ay pinsan ko. sabi ko ambait naman ni ate, kahit may caterer naman ay ipinagluluto pa rin ang ante namin. bigyan ko ng pamasko ito mamaya. baka gusto niyang bumili ng bagong damit, kupas kupas na suot niya at mukhang kailangan din niyang magpa-parlor o magsuklay man lang! after the party, nagrolyo na ako ng pera sa palad ko para pasimpleng iabot sa kanya. kaso di ko na mahanap yung pinsan ko, na nakita kong naghirap buong hapon. baka kako busy.tas aksidente, nalaman ko sa nanay ko, may ari pala iyon ng catering business,siya caterer ng party. anlabo. mayaman pa sa akin baka ibato sa akin pera ko hahaha

9. pinag-e-emcee ako ng nanay ko. walang program. wow. akala niya madali e. so, siya nag-emcee. siya rin nagpa-games. alam ko na kung saan ako nagmana talaga.

10. mare ang tawag naming magkakapatid sa ante ningneng. bagong panganak ako kay dagat or ayin, lumuwas siya at nag-ayos sila ni mami ng mga gamit namin sa bahay (sa kamias, qc pa noon) dahil alam nilang matagal akong di makakakilos nang maayos. sobrang maasikaso din sa kanyang dalawang anak, (ate myra at ate weng) na pareho niyang napa-graduate sa kolehiyo, kahit nabalo siya nang maaga sa unang asawa.

sa lahat ng kapatid ng mama ko, si ante ang pinakamaganda. maganda ang hugis ng kanyang mata, bilog na bilog. maganda ang cheek bone, pang-beauty queen. may dimples din siyang tuldok sa magkabilang gilid ng bibig. at napakaganda ng personality. magaan. kasi ay napakamasiyahin niya. parang walang masamang iniisip sa kapwa. unlike yung nanay ko, masiyahin nga pero kung ano anong sama ng loob at rant ang lumalabas sa bibig in the most inappropriate times hahahaha. at ito nga palang ante ko, kapag nagagalit, pinagtatawanan lang namin dahil may punto siya kapag siya'y nagsasalita. tas imbes na magalit ay nahahawa siya sa tawa naming magkakapatid.

recently ay na-stroke siya. naka-wheelchair na ngayon at di nakakapagsalita. pero kitang kita sa mga mata na nauunawaan niya kami, ang mga tawa namin, ang bday song namin, ang pagbati ng buong angkan, ang panunudyo ng mga kapatid niya sa pangunguna ng nanay ko, ang sakripisyo ng kanyang panganay para makauwi ito at ang buong pamilya makapiling lang siya ngayong pasko.

dati ko pa iniisip, san ko kaya magagamit ang #feelingblessedt? dito na nga, dito.

Tuesday, December 17, 2019

vista/villar

ang mga vista ay pag aari ng mga villar. kamag anak ng mga villar ang mayor at iba pang opisyal ng las pinas, tulad ng mayor at congresswoman.

itong pa festival sa las pinas na ginanap sa isang property ng mga villar ay ginastusan ng local government unit.

tapos may pakontes pa sila, streetdancing, mga estudyante ang kasali.

in short, ayaw magbayad ng performers ng mga villar. ayaw din gastusan ang launching ng kanilang property at produkto.

patalinuhan lang talaga, ano?

ang ganid lang. pagkayaman-yaman na, ayaw pa ring magbahagi ng pera.

maligayang pasko, lalo na sa mga taga las pinas.

Friday, December 13, 2019

xmas party ng ccp cultural content department

xmas party ng ccp cultural content department kanina. super thank you sa aming host na sina mam libertine dela cruz, ang aming head.

diy tour sa intramuros sa umaga, lunch buffet sa barbara's pagkatapos.

mga natutuhan ko:

1. nasa tabi ng lyceum ang museo limtuaco (museum ng alak hahaha tara na mga besh, may entrance fee nga lang)

2. may museo intramuros, around 2 block from san agustin church. free entrance, no fee!

3. sarado na ang san agustin church pag walang misa. para makita mo ang loob nito, kailangang magbayad ng san agustin museum fee. magbubukas ang simbahan sa publiko pagsapit ng 5pm, oras ng misa.

4. napakaraming residential area sa gilid gilid ng main road ng intramuros.

5. patok ang bambike sa foreigners! andaming customers nito kanina. bike lang din naman iyon hahaha sana dumami ang nagpaparenta ng bike doon.

6. puesto na ang name ng la monja, ang shop ni carlos celdran sa tabi ng casa manila museum at barbara's resto

7. may napakaganda at napakalaking lugar ang barbara's resto. mas elegante siya kaysa sa main dining area nito.

8. masarap ang food sa barbara's! sila pala ang nagsu-supply ng pagkain noon sa ccp, as in employees' food!

9. may attic museum sa itaas ng barbara's. P100 ang entrance fee. di namin ito naakyat. i think it deserves a whole afternoon, at lunch lang talaga kami doon, sayang.

10. intramuros never fails to make me proud, as a manileno and as a Filipino

birthday treat!

a day before my bday

nasa sm aura smx convention center ako. ipelikula 2019 ang tema ng xmas party ng ipophl. naimbitahan ako na mag-judge dito kasama si sir cito beltran at direk john moll ng abs cbn.

sobra akong nag-enjoy! there were 7 groups at nagtanghal sila ng versions nila ng mga pelikulang mano po, bagets, ang panday, darna, iskul bukol, mulawin, at ibong adarna.

ang bongga ng mga production, grabe. from make up to costumes to props and set design, ang bongga. halimbawa ay nakita kong nagda-drums (traditional drums) si atty louie calvario during mano po production. earlier, nakita kong tinuturuan siya para makapag-drums siya nang maayos. so, meron pa siyang teacher na hindi taga ipophl. at meron ding lion dance, 2 ang lion. im sure may teacher din ang grupo para dito dahil hindi naman madali ang magpagalaw ng lion. ilan pang halimbawa:

ang mga pakpak ng mulawin at ravena, ang gaganda talaga, hanggang balahibo, magaganda!

ang puno kung saan nakadapo ang ibong adarna, gold!

ang costume ng ibong adarna, napakaganda rin! very colorful and shiny, parang mystical na ibon talaga ang tao na nakasuot nito

ang 1st place ay darna, 2nd ang panday, 3rd, ibong adarna. parehong action-packed, maraming stunts at may magagaling na actors ang darna at panday. kuwento wise, mas lamang ang panday. pero mas heavy sa production at mas mabilis ang pace ng darna. medyo nahirapan kami kung ano ang gagawing 1st placer. so sabi ko,mas na utilize ang mga member ng group sa buong production ng darna. kasi may roles talaga ang mga tao na part ng production. community ang bida, bukod kay darna. sa ang panday, mas konti ang nagtanghal, at sa 2 tao lang nakasentro ang kuwento. kaya ang nanalo ay ang darna. opkors di ko na isiningit na 3 henerasyon ng darna ang ipinakita sa production. girl x 3 power!

after ng productions, may surprise pala ang employees sa ipophl director general (dg) na si josephine r. santiago. may video greetings sila at pa-flowers. kasi pala it was her last christmas with ipophl. nasa dulo na siya ng kanyang term as dg. kaya nagpapaalam na sila sa kanya at siya sa kanila.

after the video presentation, nagspeech si dg. ang haba hahaha. marami siyang points. pero the thought that was running through my head that moment was: woooow pabday ng universe sa akin, for me to be part of this farewell event for an idol.

noong nasa filcols ako, 2010 to 2012, naging active ako sa ipophl activities bec of dg ricardo blancaflor. isa siya sa pinakamahusay at masipag na govt employee na nakilala ko. noong nagpapaalam na siya, end of term din, anong lungkot ko. sayang, kako, ang sipag ni sir.

not knowing na mas masipag pala ang papalit dito. iyon nga si atty josephine r santiago.

grabehan ang ipophl activities pag upo niya hanggang sa taon na ito, ang kanyang last yr as dg. napakaraming programang nailunsad at proyektong naisakatuparan, ang pinaka importante, siyempre biased ako dahil nasa artistic at creative sector ako, ay ang creation ng bureau of copyright. but even before she was able to create this bureau, matagal ko na siyang idol dahil sa mga ginagawa niya for i.p. and the country.

at eto, bigla-bigla, i get to spend an afternoon listening to her staff and the people who have worked with her in the past years.

pauwi ako, sakay ng bgc bus na palabas ng edsa, nagpasalamat ako sa universe. yep! it was definitely a birthday treat!

bonus pa ng universe: i was on time, kahit ako, hindi makapaniwala, e hahaha. saka i was able to see and meet again some creative industry friends like ms beng reyes, sir jun briola and atty louie calvario, at ang pogi ng co judge kong si direk john moll! pero ang pinakabongga talaga ay napanood ko ang pagkanta ni mam josephine santiago para sa mga ipophl employee. kinanta niya ang awiting journey na pinasikat ni lea salonga (what a journey it has been....) but wait there's more! nakapag-picture din ako sa market market ng ilang christmas tree, isasali ko sa xmas tree photo contest ng sister ni poy na si dok rianne verzo. advance bday treats nga!

Monday, December 2, 2019

valenzuela writers workshop 2019

kagabi ito around 1030, di ko na naipost, hahaha nakatulog na ako kaloka

just got home from valenzuela writers workshop (vww) 2019. sobrang saya. pakahusay ng fellows, pakagaling ng panelists, pakasigasig ng organizers at volunteers, paka-generous ng lgu! dami kong natutuhan.

photos taken by me on the last day of the workshop (dec 1).

congratulations at salamat sa lahat, lalo na sa workshop director nito na si sir nonon carandang. ipinasa ni sir jerry gracio ang korona sa kanya last year matapos maidaos ang unang valenzuela writers workshop.

for vww 2019, salamat sa panelists na sina sir jerry, sir nonon, sir joselito de los reyes, ms deane camua, sir chuckberry pascual, at marren arana adan who is also one of the organizers. siya ang presidente ng valenzuela arts and literary society (vals). unang proyekto nila ang workshop na ito na ginanap noong nob 30-dec 1 sa museo valenzuela under the guidance of its head sir jonathan balsamo. katuwang ni marren sa vals si rogerick fernandez at si ms. rochelle silverio, na siyang librarian ng pamantasan ng lungsod ng valenzuela. sa nasabing library naman nagmula ang volunteers ng vww 2019. katuwang din sa proyektong ito ang intertextual division ng ccp.

kumusta sa bayan ninyo? may pa-workshop din ba para sa papausbong na mga manunulat?

sana meron. sana oil.

pagkat anumang para sa panitikan ay para sa bayan.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...