iyan ang lagi kong tanong-sagot kay dagat kapag binabati niya ako ng hello.
pero diyan na rin natatapos ang sagutan namin kasi wala nang maibalik na mga salita si dagat sa akin.
nalasing ako after ng beyond craft. ano ba iyon, mourning, weeping stage towards acceptance?
ang una kong sinabihan ay si anna, nilapitan ko siya pagdating ko kasi nasa likuran din siya. nakita ko si adam at si chingbee, busy sa event.
sagot ni anna sa akin, di ako nagulat, napagkuwentuhan namin, kasi parang may iba sa behaviour ni dagat, sabi niya. na-shock ako. inoobserbahan na ng mga tao ang anak ko. kasama namin si dagat noong christmas party sa bahay nina chingbee. dumating doon si anna.
kinumusta rin ako ni tin lao sa beyond craft at nabanggit niya na naikuwento raw sa kanya ni mia tijam ang sitwasyon ni dagat. nagulat na naman ako. well, bakit hindi? hindi ko inaasahan na ikukuwento ni mia si dagat sa mga kaibigan. anak ko naman iyon at di pa kami masyadong kampante na ikuwento sa iba ang nangyayari sa amin ngayon. pailing-iling pa ang kaibuturan ko, e. still dealing with it. di pa tanggap, ganern. now, we have to deal with questions, with queries, with biglaang attention sa amin as parents, sa aming parenting style, sa mga ginagawa namin bilang pamilya. yay, ang dami. overwhelming na, baka di ko na kayanin.
sobra akong nalasing, naka 6 akong heineken. tapos wala akong barya, 500 at 1k lang ang nasa bulsa ko. then i told adam and chingbee after everyone went home that i can go alone, i can get to cavite alone. so, mag-isa nga ako haha along maginhawa. nahihiya akong sumakay ng tricycle at baka sapakin ako pag nagbayad ako ng 500. so, naglakad ako kahit hapong-hapo na ako at 11pm, dahil wala pa akong tulog. kinabahan ako as usual the night before the beyond craft. kaya di na ako nakatulog.naglakad ako hanggang sa di ko na kaya napaupo ako sa gutter tapos padura dura ako dahil feeling ko magsusuka na ako. buti at di natuloy.ang sarap naman kasi ng heineken, ng mga kakuwentuhan at katawanan. na-miss ko ang ganon. na-miss ko ang pakiramdam na mga barkada lang kasama mo, na magtatawa at mag-iinom ka lang buong gabi. na uuwi kang walang kailangang alalahanin. na-miss ko ang dating ako, iyong bebang noong college. ang sisimple ng problema.
bebang, hello. how are you?
Friday, May 3, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
1 comment:
Hi thanks foor posting this
Post a Comment