Wednesday, May 8, 2019

sanaysaya

last may 6, nag-lead ako ng sanaysaya memoirs a selfie from the past writing workshop. masterclass series ito ni claire agbayani na ginanap sa sgd coffee, isang napakagandang coffee shop sa maalalahanin cor mahiyain st. tuwa ako sa place kasi medyo challenging hanapin pero nahanap ko agad and it turned out it was the house of grace nono before. nice! at katabi niya ang dating bahay na tinuluyan ng eraserheads noon (ayon kay claire).

there were 8 participants including claire agbayani and claire miranda, the organizers.

i started with a story about how its a mens world came to be, then binasa ko ang talk ko about cnf 101. babasahin ko pa sana ang talk ko about humor writing kaya lang 2.5 hrs na agad ang lumipad e 1-5pm lang kami sa venue so feeling ko magkukulang kami sa oras. gusto kong ma-workshop ang lahat ng akda ng participants.

before we all met, may group chat kami. doon ko binigay ang assignment para sa aming face to face session. ang assignment ay write an essay or a short paragraph or a list about the worst gift you have ever received.

so these are the participants' names and a short description of the assignment that they have submitted:

yen- a very short anecdote about receiving a pair of plain white socks during a kris kringle event. maganda ang pagkakasulat at dama ko ang lungkot ng batang yen nang mabuksan ang pambalot. sabi niya sa anecdote, tumingin pa siya sa nanay at lola niya, hinihintay ang kanilang reaksiyon sa uri ng regalo na natanggap niya hahaha. unforgettable sa work niya ay: it was a pair of socks. it sucks.

walang problema ito sa grammar i think, marunong mag-convey ng damdamin, may structure ang work, marunong maglaro ng salita.

yen came all the way from davao, grabe. hanga ako sa babaeng ito! seryoso sa pagsusulat.

arlene- a short anecdote as well about receiving a smart dishwashing paste during a mothers' day event of their church. maganda rin ang pagkakasulat at dama ko rin ang lungkot lalong lalo na sa ending niya na isang tanong, "bakit naman reregaluhan pa kami ng bagay tungkol sa isang gawaing-bahay na araw-araw na nga naming ginagawa't pinagdurusahan?" nagustuhan ko ang feminist tendencies kung magiging full blown essay ito. gusto ko ang tone ng akda dahil malumanay siya but very biting ang dating. this work has so much potential kaya lang, mukhang hindi ito nare-realize ng author. para sa kanya, i think it was a simple, motherly pagsusurot sa "uncreative" na regalo sa kanilang mga nanay nang araw na iyon. i really really hope na matapos niya ang akdang ito.

arlene is the eldest sister of claire. sabi niya when i asked them to introduce themselves, i want to write about my life so my grandchildren will have something to read about me and my life.

jhoana- a list of the concepts that were related to the worst gift that she has received. it turned out her answer was nothing. there was an exchange gift event and the person who was supposed to give her something refused to give her anything. at all. in short, pinahiya siya ng giver sa harap ng buong class. sa list niya, natuhog niya ang basic structure ng kanyang naratibo. beginning, middle, end agad. kita ko nang buo na ang kanyang akda. all she has to do is palamanan ng mga paragraph ang bawat item sa listahan na iyon.

erls- si erls naman ay isang retired prof sa ust. she now stays in pampanga. ang work niya ay combination ng work nina yen at jhoana. she wrote one short paragraph that was very accessible ang structure at ang wika. sabi nga ng isang participant, puwedeng maging isang akdang pambata ang gawa niya. tungkol ito sa kanyang medyas na isinabit sa grills ng bahay tapos pagdating ng umaga, walang laman ang kanyang mga medyas! it was a very promising work. it turned out, napaka-local ng kuwento. it has something to do with how kapampangans celebrate christmas. halimbawa, napakatagal ng gift-giving sa kanila, hanggang 3 kings jan 6! so anytime from september until jan 6, puwede kang makatanggap nang makatanggap ng regalo. at ang namimigay ng regalo sa kanila ay ang 3 kings, hindi si santa. the essay ended with a sad note. bakante ang medyas. pero sa kuwento ni mam erls, that morning, may naawa sa kanya kaya may natagpuan siyang coins sa kanyang medyas noong kakailanganin na niya ang medyas.

joel- teacher sa pangasinan, ang isinumite niya ay bullet points ng semi sentences. ang kuwento niya ay kakaibang kaso naman. ang worst gift na natanggap niya ay isang pares ng tsinelas na ayon sa estudyanteng nagbigay ay mamahalin kaya dapat lamang na magbigay din siya ng regalo dito. in short, he was bullied by the student. at nagpa-bully nga siya. napilitan siyang magregalo ng sombrero.

tinulungan siya ni mam erls na magpaliwanag. setting ay probinsiya, where everybody knows everyone, kaya napakahirap tumanggi sa mga batang ito dahil tukoy ka agad ng estudyante at mga magulang nila. sabi rin ni joel, napakaraming matapang sa eskuwelahang iyon. ganon daw talaga ang mga bata doon. matapang at demanding.

karen- isa siyang journalist, her work was a short narrative, complete with dialogues. i liked her work because i felt that her best friend and i had a lot in common. karen's work talked about a casette tape of eraserheads gifted to her by her best friend. alam na alam ng bespren na ito na di iyon ang type na music ni karen. in short, nang-aasar lang! imagine, kung anong tawa ng dalawa na ito habang nagkukuwentuhan tungkol sa ngayon at sa nakaraan.

claire agbayani- ito ibang klase, while we were undergoing workshop, nagsusulat si claire sa kanyang notebook. then tinayp niya ang output and sent them all out through messenger. it turned to be one of the strongest pieces that afternoon. tungkol ito sa mga ipit sa buhok na natanggap niya mula sa isang babae na "kaibigan" ng kanyang tatay. the title was greek mythology and the last line was about receiving a gift from a traitor is like being gifted with a trojan horse. the piece was about Claire's family's struggle while living with a philandering husband/father. akmang-akma ang title sa mga naganap at purpose ng essay. medyo naluha si arlene sa nabasa niya. di na raw niya maalala kung ano ang iniregalo sa kanya that time. sabi ni claire noong kami na lang dalawa sa room, si arlene daw ay malamang na wala na sa bahay nila noong magbigay ng regalo ang babae sa mga anak, kalaunan ay naging stepmother nilang lahat ang babaeng iyon.

sana ay makatapos ang lahat sa kani-kanilang sanaysay. excited na ako sa batch na ito. matalino at ang ganda ng diversity nila sa paksa, estilo,danas at iba pa.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...