Isa muling ambag sa aking mga sanggunian para sa Malikhaing Sanaysay (Creative Nonfiction) ang aklat na "It's A Men's World" ni Bebang Siy.
Sa pamagat pa lang ay mababakas na ang paglalaro ni Siy sa wika kaugnay ng diskurso ng pagiging babae. Hindi ako binigo ng pamagat. Una, si Siy na yata ang isa sa pinakamakulit na manunulat na nakilala ko--sa pamamagitan ng mga pahina. Ikalawa, napanindigan nito ang pangakong paglalahad ng madugong mundo ng isang babae.
Nagsimula ang libro bilang madugo-- isang pagdiriwang ng pagiging babae sa pagdanak/pagdanas ng dugo bilang dalaga bago tayo maglakbay sa mga sumunod na sanaysay ng madugong daigdig ng mga babae, sa pagkakataong ito sa mas malalim na pagtingin sa mapaglarong salita na "madugo."
Naranasan ng manunulat ang mga agam-agam ng isang babae-- ang ilang sa pagtingin ng mga tao sa ari, ang multo ng molestiya, ang isang ideyal na date.
Nariyan at katunggali rin ng anak na babae ang isang namamalong ina na pagdating sa isa pang sanaysay mapapalo rin naman ng una ng salita dahil sa bisyo. Sa kabila nito, ang ina ay hindi santo at hindi rin naman berdugo; isa rin siyang tao-- malakas at mahina.
Ito marahil ang inibig ko sa libro: ang babae ay tao at hindi lamang isang babae. Sa pagitan ng mga mapanghimagsik na sanaysay ukol sa pagiging babae, sumulat din siya tungkol sa iba pang mga karanasan at pakikibaka. Ang babae ay hindi lamang babae at hindi lang nakakahong problemado sa usapin ng kasarian; siya rin ay nababagabag sa lahi niya, sa uring panlipunan, sa kanyang mga relasyon bilang anak, kapatid, apo, pamangkin, at kaibigan.
Doon sa makulit na mga pangungusap ng manunulat sa mga mambabasang humihiwa ang pagiging tapat.
Dito sa madugo (o mareglang) bansa natin, hindi takot si Bebang sa dugo. Nalalasahan natin ang regla ng bayan sa pamamagitan ng pagtawa. At kung ang pagtawa ay isang gamot, marahil si Bebang ay may-ari ng botika.
salamat sa rebyu na ito, kris angel. napakaganda!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment