Sunday, May 12, 2019

coinsidence na naman

jgh

at ano ang una kong ginawa? piniktyuran ko ang mga napulot kong barya sa kalsada. 15 lahat, watdapak, di ba?

record-breaking!

11 lang yung dati. eto, 15!

sa ccp ko natagpuan ang 9 coins. sa kalsada mula entrance/exit ng mismong ccp hanggang sa kanto ng roxas blvd. para akong batang nagpipiyesta. sabi ko, bakit andaming barya dito? baka kako itinatapon ng street children at ng mga batang nagbebenta ng sampaguita kapag iyon ang inililimos sa kanila, 10 cents ba naman at bebentesingkuhin. siyam agad ang napulot ko, buti at mga 1am na, walang gaanong dumadaan. ang ibang barya kasi ay nasa kalsada talaga, daanan ng sasakyan, posibleng masagasaan kamay ko, ganong uri ng lokasyon.

tapos sa kanto ng roxas blvd at vito cruz ay nakasakay agad ako ng van na pa-imus. maginhawa ang biyahe dahil ilang lang ang sakay at dadalawa lang kami sa hilera ko, di masikip, tas wala na ring trapik, mabilis akong nakarating ng cavite. pagbaba ko sa kanto ng tirona at aguinaldo highways, inisip ko kung magsa-sidecar (25 pesos) na ba ako mula doon o trike (40 pesos) kasi meron akong tatlong bag na dala. isa doon ay sangkaterbang libro na nabili ko nang sale sa upper shelf (bookstore ng UP Press).

so, habang nag-iisip ako, napayuko ako sa tapat ng 7-11. may bentesingko! agad ko itong pinulot. pangsampu na ito, a. ginanahan ako. sabi ko, aba, baka ma-beat ko ngayon ang record ko na 11 na barya sa isang buong araw.

di na ako nag-sidecar o nag- trike. nagdesisyon akong lakarin ang haba na iyon, na ka-parallel ng buong sm bacoor plus one tile center sa dulo nito. shet, ambigat ng mga bag ko, pero tingnan ko nga kung may pa-mother's day ang tadhana.

at nakapulot pa nga ako! bentesingko uli. pang-11. wow. napulot ko ito pagkalampas ko lang ng burger machine. aba, kako, laban. mabe-break na ang record. isa na lang.

kaso lumampas na ako't lahat sa parking lot ng sm, sa bpi, at sa dalawang motel, wala na akong nakitang barya. tinangka ko pang ilabas ang cel ko para ipang-ilaw sa tinatapakan kong kalsada at bangketa kaso ayaw nang gumana ng flashlight dahil 3% na lang ang baterya nito.

pagdating ko sa bukana ng perpetual, wala nang sidecar papasok ng subdivision. hala, sabog na balikat ko sa bigat ng mga bag. di ko na kayang magbuhat. di ko na kayang maglakad. so kailangan kong maghintay, kung may darating pa nga na sidecar.

may isang babaeng nakatayo malapit sa poste ng ilaw. mukhang naghihintay din siya pero hindi ng side car kundi ng dyip o baby bus dahil nakaharap siya sa tirona highway. naglakad ako sa direksiyon niya para doon maghintay ng sidecar, sa may liwanag. sa paghakbang-hakbang ko, napatingin ako sa malaking lubak na malapit sa babae.

guess what?

may tatlong bentesingko! na naka-blend na sa lupa na gray, talagang di mo mapapansin kung di ka mahiligin sa barya na nasa crater ng isang bulkan, na dormant. mabilis kong ibinaba ang mga dala ko. nagulat ang babae. nagkatinginan kami. tas di ko na siya uli pinansin. yumukod ako at pinulot ko ang tatlo! pag-angat ko ng ulo, nakatingin pa rin sa akin ang babae. nakangiti kasi ako the whole time. aba, pa- mother's day ng universe ang record-breaking moment na ito. 14 coins.

but... wait... there is more... is more!

so, umupo na ako sa parang sementong taniman ng halaman sa bangketa, karay karay ko ang mga bag ko at pinakakakalog ang mga barya. weee! ang saya! pero wala pa ang sidecar, nompetsana. 2am na. tulog na ang sangkabacooran, hello. so i waited some more, some more.

habang tinetesting ng mga lamok kung babaon ang mga pantusok nila sa mga braso ko at binti, naisip kong silipin na rin ang maliit na lubak sa tabi ng malaking lubak, na palagay ko ay mag-ina.

so, lumapit uli ako sa mother lubak. (wala na ang babae, tumawid na siya ng kalsada, napagod sigurong maghintay ng masasakyan sa tirona). pagdating ko sa tapat ni mother lubak, ang sinilip ko ay ang baby lubak.

lo and behold, there was my 15th coin. aye, aye, woho!

isang bentesingkong nakukulapulan ng lupa, wala nang kinang. and yet, it made me the happiest person on earth! my 15th! super-duper-record-breaking, aye, aye!

thank you, universe. alam mo talaga kung kelan malapit na akong mabuang sa mga nangyayari sa akin at sa aking paligid, nagpapadala ka agad ng blessings. sa kalsada. at sa bangketa!

happy mothers' day sa lahat ng nanay! abangan ang regalo sa inyo ng universe. lakihan ninyo ang inyong mga palad, they come in fifteens.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...