Thursday, January 17, 2019

wild stroke

dumating si sir hermie kanina at nag-stay siya hanggang mga 7 ng gabi. nagkakuwentuhan kami ng mga bagay-bagay, dumating din si mam chinggay at kinamusta si sir hermie, nagkakuwentuhan sila tungkol sa common friends nila na unfortunately ay nakaranas ng mga atake sa puso, mild stroke, high blood at iba pa. so naikuwento ni sir hermie nang mas detalyado ang nangyari sa kanya last year. he suffered a mild stroke last december.

wala raw kaabog-abog, walang dahilan, walang kahit ano, habang siya ay naghuhugas ng plato ay biglang hindi na niya maigalaw ang kanyang paa, binti at hita. nagsalita raw siya tungkol dito at kinausap ang kapatid na katabi niyang naghuhugas din ng plato. nagulat siya nang bigla itong magdesisyon na isugod siya sa st. clare. iyon pala ay blurred na pala ang kanyang pananalita. all along, akala niya ay maayos pa siya at walang problema sa pagsasalita. in 30 minutes, naisugod siya sa ospital. pagdating daw doon, sabi ng mga doktor, mabuting nadala na siya agad doon dahil kung hindi ay baka naparalisa na nang tuluyan ang kalahati ng kanyang katawan. tatlong araw siyang nag-stay sa ospital at pag-uwi niya, di pa rin daw niya naigagalaw ang kanyang paa, binti at hita. pero after a few days ay back to normal na ang kanyang mobility.

ang kuwento ni mam chinggay tungkol sa common friend nila ni sir hermie, nagte-text lang daw ito, nahulog ang cellphone at ang naalala nito na yumuko ito para pulutin ang nahulog. pero ang totoo pala ay hindi ito nakayuko. in short, nawalan ito nang kontrol sa upper body, bigla-bigla. nagpasugod daw ito agad sa ospital. eventually, nalaman daw ni mam chinggay na hindi pala totoong nagpasugod agad ito sa ospital. dahil tumatanggi daw ito. siguro ang iniisip ay ang hospital bills. so ilang oras pa ang lumipas bago ito nakumbinsing magpaospital. ayun, nagka-blood clot sa utak at ang resulta ay naparalisa ang kalahati ng katawan. ilang buwan na raw itong nagpapa-therapy as of today.

grabe! akala ko noon, stress ang dahilan kung bakit naaatake at naii-stroke ang isang tao. pero batay sa dalawang kuwentong ito, hindi pala. posible pala na walang trigger ang attack at stroke. nge, bakit ganon? ang hirap naman niyan, strike anytime, anywhere? wala ka nang iiwasan, ganon? kahit relaxed ka, puwede kang mabiktima? ano ang logic behind this?

naalala ko ang tatay ni poy, nagising in the middle of the night, naubo, tapos ayun, di na nahinto. naisugod sa ospital na incompetent. naisugod sa ikalawang ospital na maayos-ayos, na-comatose nang isang linggo, sa icu. pumanaw pagkatapos. ang verdict? aneurysm.

what is happening, world? population control? what? sagot!



No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...