wah, work mode on na talaga ako, guise. eto na talaga. i can feel it in my bones.
galing ako sa board ng meeting ng phil. board on books for young people. ginanap ito sa bahay ni mam nina yuson sa san lorenzo village, makati. ang dami namin, mga 10! we talked about the upcoming events especially this april which is the literature month. aha! kaya siguro nabuhayan ako ng dugo, hahaha! andami kong narinig na magaganap sa abril. sa ccp kasi ay ang performatura lang. this time, i heard may writing camp, ang phil. international lit fest ng nbdb, ang paseminar ng reading association of the phils para sa mga guro, ang world book and copyright day.
hawak ko ang kalendaryo ko at nakabukas sa abril. isa-isa ko nang sinulatan ang mga petsa doon. kaya pala nagising na ako sa katotohanan. work work work na, may mga petsa na ang mga dapat pagtrabahuhan!
bukas, darating na dito si markus. ide-delegate ko na sa kanya ang performatura para makausad na kami diyan. darating na rin si erika. ibibigay ko na ang na folio. wala pa kaming managing editor. but that's ok. i'm also thinking of getting joyce ann, sana puwede siya. si ariane din dapat makapasok na ang batang iyon para maumpisahan na ang readathon. kayraming proyekto, so little time. bukas, tatapusin namin ang mga proposed budgets for the publications. andami pa naming deadline, i missed the gad deadline, kanina iyon. ang iso deadline, na-miss ko rin. lord, huwag ko naman sanang ma-miss ang sa ipcrf, ito iyong parang sukatan kung nakatrabaho ba ako nang maayos o hindi for 2018. kasi damay ang buong departamento kapag di ko iyan nagawa nang maayos.
thank god, really, for this team: diday, tase, jeef and opkors, ate marj. dami kong dapat ipagpasalamat for 2018. kasama sila doon.
teka ano pa ba?
1. walang major na sakit sa bahay
2. nakapagpahinga kahit kaunti during christmas season
3. nakapag-spend ng oras kasama ang mga bata
4. nakasama ang mga kapatid na sina colay at ancha
5. nakadalaw kina tisay noong dec. 25 at january 1
6. bonuses galing sa work, 70k buong taon, tama ba?
7. mga raket lalo na ang galing kay eros, pramis, nakapag-advance ako ng tatlong buwan sa stock market fund namin dahil sa raket na bigay niya
8. nakapag-ojt si ej sa ccp
9. mababait na boss like mam liebei and sir chris
10. natapos ang lahat ng proyekto lalo na ang malalaki tulad ng performatura sandwich event, batute event
11. may mga nakaaway sa work pero salamat at naresolb din specifically with pmsd hahaha ilang event ba iyon? kaloka!
12. wala na sa everyday workplace ko ang mga toxic na katrabaho, di ko na babanggitin dito. but lord, #neveragain
13. louise at roma para sa ambag nila sa lila, lord sana maimprenta na iyan this year
14. pagkaka-imprenta ng biyak
15. speaking engagements sa mga eskuwela like de la salle vermosa, cavite, signal village taguig high school,
16. opportunities to share -pro bono na mga talk like iyong sa san pedro, laguna, pup kahapon through ej, up diliman through chingbee
17. alok ni mam nida sa digital publishing, lord, sana kumita ito!
18. pagkakaimprenta ng... pukiusap. opkors, sinong makakalimot!?
19. pagkakaimprenta ng first love sa bad romance ng gantala
20. wala kaming major away ni papa p. thank you talaga, lord, sa mabuting asawa. noted po na less away kami this year. di na siya kasing mainitin ng ulo tulad ng dati
21. matagumpay na 75th bday celebration ni muma
22. nakabakasyon sa bataan with papa p.
23. nakasama ang mga pamangkin na sina iding, noah, dilat, kagome, bianca
24. mga kinita sa stock market. thank you po talaga, lord! sulit ang pagkukuripot ko sa sarili at sa pamilya
25. movies at home, chill lang
26. masasarap na tulog
27. mga nasasakyan ko sa araw-araw, sa mga nagpapaupo sa akin sa bus o sa dyipko
28. walang aksidente, walang nakaw
29. sa mga nagregalo ng libro, salamat po, you know lord that i seldom buy books i swear hahaha kaya binibigyan mo na lang ako, ano
30. friends who are so fucking reliable, they must be my mothers, yes mothers hahaha hilakboters, esbat, friends online, fb friends, bernard umali/sba community, prpb
31. literary friends who are inspiration, nakakainggit hahaha ayoko tuloy patalo
32. sobrang bait at generous na mentor at tatay-tatayan like sir vim nadera
33. pa-graduate na si ej
34. buhay pa ang kapatid kong si colay
35. mga saglit ko sa simbahan, saglit na pakikipag-usap sa diyos, sa universe, thank you!
36. library sa cellphone ko, library ng mga video tungkol sa stock market, leadership, at iba pang self-help na audio materials
37. mababait na kaopisina: mam minds, mam melissa, sir ed i, mam vicky, mam marivic, mam lilian, mam clottie, mam leila, mam luz, mam biring, ate bebot, miss rica, miss noi, mam chinggay, mam nikko, sir ronie, sir lino, mam eva, mam olive, mam bing, mam pachie, mam menchie, vim, miss sab, mam cristy, mam pinky, messengers na mababait, mam mylene, mam lani, fatima, acryt, mam elvie, sir edgar, sir luther, mam aiza
38. lgbt books for children project
39. trips to fo guang temple, laging masaya
40. time to blog, time to write in my journal, kahit saglit lang, at least nakakasulat pa rin
41. kapal ng mukha to vlog, haha, nag-e-enjoy akong talaga, lord. give me more confidence, ha?
42. kainuman friends like gabby, francis, chingbee and anna
43. ojts who worked so hard they should be financially compensated sa totoo lang!
44. kim for being so reliable during height of projects
lord, you have been so good to us. tulungan n'yo po akong makabayad ngayong 2019. medyo nagbabago na ako, i know, minsan, sinisita ko na rin ang sarili ko. minsan, di ko na ipinakikipaglaban ang mas maliit sa akin, lalo na iyong mga nasa kalsada. kasi nagsasawa na akong tumingin sa marurusing na paa, nakasahod na palad, nakahilata sa daan. huwag po sanang magasgas ang puso ko ng pang-araw-araw na tanawin na ito. give me new ideas to help solve the same old problems. help me, lord, na ma-maximize ko ang sarili kong talento para makatulong sa mas nangangailangan.
Tuesday, January 22, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment