Saturday, January 12, 2019

werk blues

hay, back to work na talaga! may ginawa ako for pasinaya at performatura kaya nandito pa ako sa office. buti talaga at walang multo, hehehe.

so umalis na si kim. nagpaalam siya last week. sasabihin sana niya sa akin nang personal pero dahil nakatunog na ako, sinabi kong sabihin na niya over the phone. hindi pa rin niya sinabi, so ang ginawa ko, inutusan ko siya to do something for na folio. ayun, bigla tuloy siyang napatawag. sabi niya, last day na raw niya iyon, di na niya kukunin ang na folio project. sige, ok, no problem. i did not ask her why hindi ko rin siya pinigilan, kasi, hello, alam ko na wala na siyang ganang magtrabaho dito.

ok lang naman sa akin, nanghinayang ako but i felt relieved! everyday when i see her, i feel i had to please her just to make her happy. at mabigat sa utak iyon, i mean, imbes na nag-iisip na ako ng estratehiya to employ all these great people of previous projects, eto, nadi-distract pa ako.

when i got to office that day, nagulat ako na naroon pa siya. hinintay pala niya ako, so nagpatawa ako, sabi ko, naku baka magkaiyakan pa tayo! tapos sabi niya, kailangan ko lang sabihin ang dahilan kung bakit aalis na ako. kasi daw dalawang buwan daw siyang walang sinuweldo, nov to dec. kasi hindi pa raw napi-print ang performatura book. e iyon ang kanyang output para masuwelduhan. tapos binibigyan ko na raw siya ng isa pang project e hindi pa nga tapos ang performatura book, so baka raw magsabay ang trabaho, mahirapan siya.

good points naman. tama naman. pero i think ang tunay na dahilan ay... she doesn't want to take orders from me anymore. she doesn't want to work with me anymore. kasi kung totoo ang mga pinagsasasabi niya, she can easily tell me these things at maaayos naman namin iyon. alam niyang madaling-madali sa opis namin ang pag-a-adjust ng work load. re: sahod, nagpapautang pa siya sa iba naming staff at ang pera na binibigay ko galing sa sarili kong bonus para magkabonus din sila (unfortunately, walang bonus ang mga project hiree ng gobyerno) ay ipinamigay din niya kina marj, jeef, diday at tase. she obviously didn't need the money. and lastly, ang alam ko, mayroon siyang ekstrang sahod na good for 2 months dahil nagkaroon siya ng proyekto na di namin inaasahang mapupunta sa kanya this year, particularly ay ang updated directory na iniwan ni... louise lopez.

so, anyway, ang assessment ko sa kanya ay she believes she has better ways of running the division, she wanted to lead too soon. kaya nagkakabangga kaming madalas. may mga task ako na di niya sinusunod dahil sa tingin niya may mas maganda siyang idea. i was very very careful not to hurt her feelings so i let her be. isang beses lang akong nag-flare up and that was when i already gave tasks to kuya jeef during pen congress and yet, ini-insist niya na ang mga task niya ang sundin ni kuya jeef. oh no. talagang nasabihan ko siya na huwag niyang palitan ang mga task na naibigay ko na sa ibang tao. at kung puwede sundin na lang niya ako. nakakaloka.

i think she gained too much confidence after the success of ani 40 and its launching. those projects heavily relied on her and her skills. wala akong masabi. ang galing talaga and on time naming nagawa ang mga bagay-bagay. pero i saw some small signs of future trouble. example, after the event, pinagagalitan niya ako along with stacy and diday about letting sir nonon talk to her during the program. siya kasi ang parang direktor, nasa tabi siya ng nagfa flash ng powerpoint presentation. si sir nonon, gusto sanang ipalabas ang video niya na hindi namin natesting before at hindi rin namin nakita before. so in short, ngayon pa lang magpe-play sa laptop, we were not sure kung magpe-play nga or kung ano ang laman ng video. i discouraged sir nonon in using the video. sabi ko, hindi na po puwede. pero nagpumilit siya, so i asked diday and tase to bring sir nonon to kim para ma-check kung puwede o di na talaga puwedeng mag-play ng video niya. so ayun, isa iyon sa sinita sa akin ni kim. di na ako umimik, natawa na lang ako. ipinagkibit-balikat ko ito.

anyway, ngayon ay 5 na lang kami. but i intend to hire erika, joshel and markus. i also met with nikki yap this morning. she's our new intern. sa feb daw ito mag-uumpisa sa amin. she will be in charge of writing/editing/proofreading, etc. sabi niya, may iba pa siyang blockmate na interesadong mag-intern sa amin, so magsasama pa siya ng mga 2 o 3. OMG, sana matuloy sila kasi kailangan talaga namin ng may mga writing at publishing background.

here's to our first month of the year. masalimuot, ano?!



No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...