may proyektong inialok sa akin si czyka tumaliuan, ang owner ng book bar na kwago. ang title ng proyekto ay a curated shelf. batay sa pagkakaintindi ko, ito ay isang exhibit na magtatagal nang dalawang buwan na magtatampok ng 15 libro na nagdulot at nagdagdag ng pagkamalikhain ng featured na artist. so for example, ako. ano ang 15 books na nakaimpluwensiya sa akin bilang isang manunulat o bilang isang tao? ang mga libro ay ilalagay sa isang shelf sa loob ng kwago.
ang ganda ng idea, ano? sabi ko nga kay czyka, baka puwede naming ipropose ito sa ccp, kay miss rica. just like what happened to peek-a-book! sino-sino kaya ang mga writer at artist na magandang imbitahan dito? gusto ko diverse ang list, hehe!
nag-meeting kami kanina ni czyka, kasama din namin si roy, isa sa curators ng exhibit. ang una kong tanong, kailangan ba ay libro lang? shelf naman ang pisikal na espasyo, meaning, kaya nitong mag-accommodate ng iba pang item! para kasing nabo-boring-an ako kung libro lang. at napaka-complex kong tao, di lang libro ang nakakaimpluwensiya sa akin at sa aking paglikha. gusto ko ring ilagay ang mga retrato ng mga anak ko, ang memory ni genesis sa loob ng puso ko, ang pelikulang cinema paradiso, ang maliit kong writing table noon sa kamias, na na kay abi na yata, naku, nasaan na nga ba iyon, nalimutan ko na, ang sangkaterbang tiket ng bus sa bahay ko, sa bag ko, sa drawers ko sa opis, koleksiyon mula pa noong kolehiyo ako at hanggang ngayon, na sa di malamang dahilan ay di ko maitapon-tapon, ang nanlilimahid na sala ni tisay, ang mga bata sa lopez na siyang inspirasyon ng tesis ko noong kolehiyo sa kursong malikhaing pagsulat, ang mga liham ng mababait na mambabasa ng it's a mens world, and finally, mga libro. kailangan ko nang kunin kay eros ang kopya ko ng personal! hahanapin ko ang kopya ko ng virgintarian. ng una kong milenyo, na ginagawa kong thesaurus kapag nauubusan ako ng salita kapag ako'y nagsusulat. ng financial management books ni francisco colayco. koleksiyon ko ng journals. na gusto ko nang sulatang lahat. at nang magamit naman. kagaganda, nakatago lang.
hala, sobra na sa labinlima, puno na ang shelf. excited na ako wala pa nga, haha. sabi ko kanina kina czyka, ang hirap ng pinapagawa ninyo, kasi parang pinagmi-miss universe n'yo ang lahat ng paboritong libro sa utak ng writer. 15 lang matitira. matira, kanila korona. sana magawa ko ito nang maayos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment