Wednesday, January 30, 2019

about writing

kakapakinig ko sa kantang your love na version ng mga batang contestant ng the voice na sina elha, paul at kate for months, gabi-gabi, marami akong na-realize.

ang pinakamagandang kumanta sa kanilang tatlo ay si kate. second si paul. third si elha, the one who won this round and the one who eventually won the whole contest.

kakapakinig ko i realized paul and elha were busy competing. kate was the only one singing. kate was the one who knew the song well and knew how to keep her voice in tune with the emotions of the song. e ano kung di siya makabirit, e ano kung medyo mababa ang tono niya, ang importante, she was one with what she was singing.

sa sining ng pagsulat, ganon din. na-realize ko, the writers who stay longer in the race are those who are writing. i mean, nagsusulat just for the sake of pagsulat. hindi nagpapa-impress. hindi naghahabol ng maisusumite sa klase. hindi nagmumuni. hindi nanlilito. hindi nagpapayo. hindi tumutugon sa pangangailangan ninuman o ng anuman like workshops, call for writing grants, contests!

nagsusulat sila kasi nae-enjoy nila ang pagtipa ng mga salita, ang tunog ng magkakasunod na titik, kataga, salita. kapag nae-enjoy mo ito, imposibleng hindi iyon tumagos sa mambabasa. kapag kumakanta ka at nae-enjoy mo ito, imposibleng hindi iyon tumagos sa nakikinig at nanonood sa iyo. that is what separates the real artist from the nangangarir artist.

i wish i could be that kind of writer. iyong nagsusulat lang kasi masayang kasama ang mga salita. iyong tipo ng napapangiti habang napaparami ang mga salita sa isang talata.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...