Ito 'yong tipo ng mga pangalan na pangmanunulat talaga. Tadhana nila na mailimbag ang kanilang mga pangalan sa cover at spine ng books, sa table of contents, sa ilalim ng pamagat ng mga akda. How I wish ganito rin ang naging pangalan ko.
Cristina Pantoja-Hidalgo- Manunulat sa Ingles, essayist, CNF writer pioneer sa Pinas
Temistokles Adlawan-cebuano writer, ang gusto ko sa kanya, parang sumusundot ang bawat pantig ng first name niya. at saka ang sarap namnamin. ang apelyido naman ay adlaw ang root word which means araw sa wikang Filipino
Adonis Durado- poet sa Cebuano, sa Greek mythology, adonis ang pangalan ng diyos ng beauty at desire, ang lupet no? at ang dorado naman sa espanyol ay ginintuan ang kahulugan. durado, dorado, malapit. so pag pinagdikit mo iyan, adonis dorado, pogi ka na, mayaman ka pa. hay, hayahay ang buhay!
Ricky Lee- manunulat sa filipino, scriptwriter, fictionist, ito, gusto ko, kasi maikli, madaling ma-recall. at magkatugma! kaso lagi siyang napagkakamalang si ricky lo hahaha na isang chismis column writer sa diyaryo. palagay ko meron ding nagkakamali na mapagkamalan siya bilang si ricky reyes, ang ina ng kagandahan sa showbiz hahaha
Virgilio Almario-National artist for literature, makata, wala nang tatalo pa sa ganda ng hispanic names sa pinas, parang may sundot ng hiwaga at kapangyarihan. saka mahahaba kasi ang hispanic names, parang mas may sense of permanence kasi naglilinger ang bawat pangalan sa dami ba naman ng pantig ng mga ito. tulad nito, anim na pantig, first and last name. isa pa palang dahilan kung ba't gusto ko ang pangalan na ito ay dahil magkatugma.
Lazaro Francisco- national artist for literature, nobelista, tulad ng sa pangalang virgilio almario ang dahilan kung bakt gusto ko ang pangalan na ito. dagdag pa, yung name na lazaro ay medyo suspenseful para sa akin, hindi ko alam kung bakit. para kasing may kinalaman sa pag-resurrect
Nerisa Guevarra- poet sa ingles, ito rin, hispanic name, at magkatugma. type ko rin maraming r ang pangalan niya, mas madiin sa memory ng aking pandinig, pag ang isang tula ay isinulat ng isang nerisa guevarra parang gusto mong kilalanin agad ang writer kahit di mo pa nababasa ang tula niya. also, naaalala ko si che guevarra sa pangalan niya
Edgar Samar- poet at ficitionist sa filipino, ito maikli at magkatugma, may recall, para ding blocked ang dulo ng first and last name niya. gar-mar. parang sinasabi niya "oy pare hanggang diyan ka lang"
Rebecca Anonuevo- poet at essayist sa filipino, wah another hispanic name. parang matapang na babae. hindi pala parang, talagang matapang, sa personal. anonuevo nga pala ay espanyol para sa bagong taon. i know parang nakakatawa pero kapag binigkas mo ang first and last name, hindi naman mukhang nakakatawa. parang dignified ito, pangalan pa lang.
Enrique Villasis- poet at scriptwriter sa filipino, yes hispanic name na naman. gandang ganda ako sa enrique. kung mabibigyan ako ng chance na magpangalan ng anak na lalaki, iyan ang pipiliin ko, enrique.
Kristian Cordero- poet sa wikang bicol-naga, hispanic name din, hindi religious ang mga tula niya hahaha pero ang ganda ng name, very spiritual! pangsimbahan
Genoveva Edroza-Matute- fictionist sa filipino, ito pang-alamat ang pangalan. mahaba pero bawat pantig, titimo sa isip mo. hndi sapat na tawagin siyang genoveva matute. dapat talaga, kasama ang edroza. kasi siya iyon, ang buong iyon.
Lualhati Bautista- fictionist at ngayon ay essayist na rin, sa wikang filipino, ang name na ito, filipino plus hispanic. wala nang mas fi-filipino pa kaysa sa salitang lualhati! i think parang kristian cordero din ito, napakaspiritual ng pangalan, lualhati is glory tapos bautista is spanish word for baptism/baptist. ang nickname ni mam ay hati at ineng. interesting ano?
Andrea Pasion-Flores- fictionist sa ingles, noong bata ako, i used andrea to introduce myself to strangers. i just love this name, i don't know why. parang napakadramatiko kasi niya, e. it's so unme hahaha malayo sa sarili ko parang ganon. sosyal, parang ganon. anyway, pasion ay espanyol para sa salitang passion or life, at flores ay espanyol para sa mga bulaklak. o di ba winner, life flowers?!
ba't ko ba to ginagawa? wala. natutuyuan na ako ng idea sa isang article na kailangan ko nang isulat. last year pa ang deadline, tipong ganyan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment