Saturday, May 2, 2015

Random tips ngayong tag-init

Maligo nang hindi bababa sa dalawang beses. Sa isang araw!

Kung may sasakyan ka, gabi man o madaling-araw, pumarada sa may lilim, para pag nariyan na ang araw, hindi masyadong mainit ang loob ng sasakyan mo.

Laging magdala ng inuming tubig. Puwede itong inumin, puwede ring ipanghilamos, puwede ring ipambasa sa bumbunan kapag sobra na ang init.

Uminom ng tubig bago lumabas (ng bahay, ng restawran, ng bus, ng dyip, ng opisina, etc.)!

Umiwas sa matataong lugar. Kahit may aircon pa ang mga lugar na iyan.

Iiskedyul ang mga lakad para di ka abutin ng tanghaling-tapat sa kalsada.

Magsuot ng mga light-colored clothes. Ang mga damit na dark ang kulay ay mas nag-a-absorb ng init! Yikes!

Maglagay ng halaman sa paligid, at kung puwede rin sa loob, ng bahay.

Kung magpapagawa ng bahay, damihan at lakihan ang mga bintana! Hahaha! Taasan din ang kisame, haaaay!


Dagdagan natin ito, friends! Mag-suggest sa comment box!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...