Saturday, May 2, 2015

Interbyu kay Bebang Siy

Ang interbyu na ito ay sinagutan ko noong 9 Oktubre 2014. Sa kasamaang-palad ay hindi ko na maalala kung sino ang nagpadala ng mga tanong.

Maraming salamat at sana ay napakinabangan mo ang mga sagot ko rito.



Interview Questions:

Has it always been your dream to be a writer?
Hindi.

**if not, what was? How did you end up with writing?
Doktor, noong maliit pa ako, mga grade 3. Tapos, gusto kong maging fashion designer pagtuntong ko ng Grade 5. Tapos, psychologist noong 1st year high school.

I ended up with writing, aksidente. Nasa A Love Story ang kuwento. (isang sanaysay sa It's Raining Mens)

Have you ever had a different job?
Marami! Kahit ngayon, marami akong trabaho.

What was your first job?
Clerk sa isang human resources office na pagmamay ari ng isang Arabo, sa Midland Plaza, near Robinsons Ermita. Summer job iyon. P2000/month ang suweldo. I was 14.

How did you start writing? When?
Skip ko to ha. Nasa blog. Nasa A Love Story din po ng librong It's Raining Mens.

What made you become a writer?
Nasa blog din at nasa A Love Story din po ng librong It's Raining Mens.

Have you always written in Filipino?
Hindi. Noong high school ako, Ingles.

**If not, what made you start writing in Filipino?
I wrote and published the spoof of our high school campus paper. Sa Filipino ko sinulat ang mga joke, ang mga article at iba pa. Tapos, na-train ako doon. Nagamit ko iyon noong papasok na ako ng college.

How’s it like to be a writer in the Philippines?
Ay, ang hirap, Ineng. Sobra. Kailangan, mag-isip-negosyante ka para maka-survive. Kasi, tuso ang mga publisher dito sa atin. Kinakamkam ang mga copyright ng authors sa napakaliit na halaga. Kailangan din, marami kang alam na gawin. Dapat hindi ka lang writer kung gusto mong maging writer. Kailangan marunong ka ring mag-edit, mag-proofread, mag-evaluate ng text books, mag-storytelling, magbenta ng aklat, para maka-survive ka. Kung iisang genre lang ang alam mong isulat, naku, mas mahirap mabuhay kaya dapat, alam mo kung paanong magsulat ng iba’t ibang form. Tula, dula, kuwento, nobela, screenplay, sanaysay, etc. Tapos, ang market ng Filipino writers, medyo hindi reliable. Pag me lumabas na aklat na super sikat sa West, bumebenta rin dito sa atin. Iyong maliit naming market, kinukuha pa ng Western authors. Kay saklap! Hay.

Do you think that young adults are more exposed to English writing?
Hindi naman. Pareho lang. English and Filipino.

As a Filipino writer how do you think is literacy in the Philippines?
Mataas ang literacy natin. Ang karaniwang batang Filipino, pagtuntong ng Grade 1, marunong nang magbasa at magsulat kahit paano.

Do you think that reading books as a requirement should be encouraged even in collegiate level?
Siyempre! Napakaimportanteng skill ng pagbabasa. Maraming benefits ang nakukuha sa pagbabasa. At mas maganda kung libro ang binabasa, kasi usually may organic unity ang isang libro. Inayos ito nang mabuti para makapagtanghal sa mambabasa ng isang paraan ng pag-iisip.

With all the changes in technology today would you say that it’s making people less interested in reading? (or becoming illiterate?)
Hmmm… ayon sa 2012 National Survey on Readership ng National Book Development Board, walang kinalaman ang teknolohiya sa pagbaba ng bilang ng adult readers sa Pilipinas. Natuklasan din sa survey na ito na ang lahat ng adult (na sumagot sa survey), na exposed sa technology, ay nagbabasa ng aklat! Ibig sabihin, kapag nag-iinternet ka, kapag nanonood ka ng TV, nakikinig ka ng radyo, mas likely na ikaw ay isang mambabasa.
So walang direct connection ang technology sa pagbaba ng bilang ng readers sa ating bansa.

How do you feel about the electronic books (e-books)?
Okey lang sa akin bilang mambabasa. Kaya lang, para sa aming authors, may risk na manakaw ang aming mga aklat. Kasi ang ebook, napakadaling ipasa at iemail at i-download nang walang patumangga! Pag ka ganon, mahirap i-police. Wala kaming kita.

Do you think that in the near future it’s possible that there will be no published/physical books?
Hindi. Imposible. Kahit sa pinaka-advanced na bansa, (like UK) may published at physical books pa rin.

Who’s your inspiration in writing?
Naku, hindi who kundi isang what. Hahahaha. Deadlines!

I’ve read articles where were compared to Bob Ong, how does that make you feel?
Nasagot ko na ito noon. Nahihiya ako hahahaha kasi si Bob Ong iyon. Kasaysayan siya, alam mo ba? Sa kasaysayan ng lahat ng book store sa Pilipinas, tanging si Bob Ong lang ang nakalampas sa sales ng Noli at El Fili ni Rizal (na required pa sa mga eskuwelahan!). Kahit ang pinaka-respetado nating mga awtor sa bansa, iyong mga award-winning, beterano at matatanda, hindi pa iyan naa-achieve.

Do you think you two, as writers, are similar?
Hmm… palagay ko, iyong wika. Pareho kaming “easy read”. Conversational ang language ng aming mga akda. At walang grandiose sa mga sinusulat namin. Iyong pangkaraniwang bagay lang ang aming mga pinapaksa. Pareho ding natatawa sa mga akda namin ang mga tao.

What was the first book you’ve ever written (Published/Unpublished)?
Mag-isa? Iyong Mingaw. Puwede mo itong i-Google. Mingaw by Frida Mujer.

First time I read your book, It’s a Mens World, I couldn’t put it down. BUTI HINDI KA PINALO NG NANAY MO, TAMBAK DAW ANG HUGASIN SA LABABO, HAHAHAHA! But it was not until later on in the story that it dawned on me that it was about you. HAHAHA! It was your life story. YEZ. (I laughed and adored your humorous way of writing and admired your bravery for exposing yourself the way you did in writing. THANK YOU, ‘TE.)

What made you write/publish your story?
Matatagpuan ang sagot sa link na ito:
www.panitikan.com.ph/content/kung-paano-akong-nagkaroon-ng-mens-ni-bebang-siy

What were you like as a child?
Medyo tahimik. Saka, akala ko dati, Chinese talaga ako. Kasi iyon ang sinasabi ng mga teacher ko sa school. Chinese ako. So kapag Miss Universe sa TV, nagtsi-cheer ako para kay Miss China, hahaha. Later on, nalaman ko, Filipino pala ako! Mukha lang Chinese. Kinakaawaan ako sa school dahil product raw ako ng broken family. So dinibdib ko iyon. Akala ko big deal kasi iyon ang bukambibig ng mga teacher namin, e. Susmaryosep. Hindi naman pala.

Pero naalala ko, bata pa ako, bright na ako. Pero hindi ako aware. Lagi akong nabibigyan ng certificate of something pagkatapos ng isang grading period. Tapos parang wala lang sa akin iyon. Noong malaki na ‘ko, noong natagpuan ko ang lumang scrapbook ng nanay ko, tago-tago niya ang mga certificate na iyon. Wow, kako, ang galing ko pala noon, mga ganyan.

Have you always been lively?
Naging lively na lang ako noong makapag-stay ako sa iisang school nang matagal. Sa PCU. Kasi that’s when I started to have friends. Naging makulit na ako. Naging class clown na ako.

How did you manage to be where and who you are now? (How did you get over all the things you’ve been through when you were a child?)
Hmm… siguro unconsciously, humugot ako ng inspirasyon sa nanay ko. She’s a toughie, grabe. Mas marami siyang pinagdaanan. Pero lagi pa rin siyang nagpapatawa. Saka honest siyang tao. Kaya niyang magtiis, kaya niyang magtrabaho nang bongga para sa mga bagay na gusto niya.

Para sa nanay ko, walang imposible. Pag binigyan mo siya ng task at inoohan niya, mangyayari iyon. Gagawin niya ang lahat para magawa niya iyon. Palagay ko, namana ko ang trait niyang ganito. Iyong sosolusyunan talaga ang anumang problema, mga ganyan.

Saka malaking bagay din pala iyong pag-promise ko sa puntod ng tatay ko na magtatapos ako sa kolehiyo, no matter what. Kasi noong mamatay siya, wala nang magpapaaral sa akin. Sa amin. Sa araw ng kanyang libing, I made that promise nang walang kaaydi-idea kung paano ko iyon matutupad. Pero dahil promise iyon, I had to keep it. and I am so proud dahil nagawa ko nga iyon.

May isa pa akong trait (actually trait din ito ng iba kong kapatid) na palagay ko, nakatulong din sa akin nang malaki. I have simple needs. Hindi ako maluho. Hindi ako mahilig sa mga mamahaling damit, gamit, etc. Puro ukay at give away ang mga damit ko. Sa sobrang kakuriputan ko nga sa sarili, iyong mga kapatid ko na ang bumibili ng damit ko (sa ukay din, ngek) para lang maiba naman ang sinusuot ko, hahahaha! Noong kami pa lang ni EJ, lagi kaming sa karinderya bumibili ng ulam. Lagi akong nagbu-bus na hindi aircon (hanggang ngayon pa rin naman). Napakatipid ko sa sarili. Kaya kahit paano, nakaka-survive kaming mag-ina sa napakaliit na kita mula sa pagsusulat. Kung hindi ako ganito, baka hindi rin ako nakapagsulat kasi I will look for a job that pays well, di ba? Kumbaga, bagay sa kuripot at tipid-tipid lifestyle ang kakarampot na kinikita ko sa pagsusulat.

Do you think that if you hadn’t gone through what you have you’ll still be where you are now?
Ay, hindi. I believe para akong diamond. Lahat ng dumaan sa akin, na-absorb ko. They made me tough. They made me hard. Lahat ng experiences ko, added value to who I am now. At iyon na, they made me… shine. Naks.

With all the success that you are gaining, can you say that you are happy now?
Oo. Sobra. Wala akong background sa writing. Kahit noong high school man lang, never akong naging bahagi ng school paper. Ang magulang ko, lalo na si Daddy, were irresponsible freaks, hahaha! Wala sa pamilya namin ang nagsusulat! Wala kaming kakilala sa publishing industry. So napakaliit ng chances na magtagumpay ako sa industriyang ito. Pero heto, may bumibili ng aking mga aklat. Yey! Hindi ko rin akalain na makakapag-publish ako at this age. Na mababasa ng marami ang akda ko. Kasi dati, para sa akin, writing was just a way to survive. Para makakain kami ni EJ, ganyan. Hindi ko alam na magiging tool ito para maka-impluwensiya ako ng readers, para makapagdulot ako ng impact sa buhay ng ibang tao. Alam mo, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala. May mga natatanggap ako na emails at mga PM sa Facebook, naku po, maluluha ka. Para bang anlaki ng naidulot ng sulat ko sa kanila. Sabi ko, shet buti na lang talaga, sinulat ko ang mga ito! Kasi kung hindi, itong mga nag-eemail sa akin, itong mga nag-ppm sa akin, pa’no ‘yong feelings nila (na nabanggit sa mga email at pm)? These feelings might be left unprocessed, ganon.

1 comment:

BabyPink said...

Ang saya basahin! Mabuhay kayo, Ms. Bebang! :-)

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...