Saturday, May 2, 2015

Best Thesis! Yey!

Ek, hindi ako! Hahaha! Itong mga batang ito:

Patrisha Love D. Calumpag (da group leader!)
Mia Criselle Joyce M. Tan
Jessiah Hannah S. Baylon
Paolinna Priscila L. Magno

Sila ay recent graduates ng Integrated School of Montessori (High School level) sa Bulacan. At noong Pebrero ay pinadalhan nila ako ng imbitasyon para ma-interview para sa kanilang thesis.

Thesis sa high school? Aba, bongga ang teachers diyan, ha? Pero nagpaunlak naman ako sa imbitasyon nila. Ang paksa ng kanilang thesis ay: manifestation of economic theories within different professions. Shocks, nosebleed talaga. Sabi ko, sigurado kayo high school students kayo, hindi PhD? Hahaha! Layunin daw ng thesis nila ang masuri kung paanong na-exemplify ang capitalism ni Adam Smith sa larangan ng pagsusulat. Sabi ko, sinong Adam Smith? Adam David lang kilala ko, e, haha!

Agad akong humingi ng listahan ng itatanong nila sa akin. Kahit na kabisado ko ang pasikot-sikot ng writing profession, kailangan ko pa ring paghandaan ang interbyu para mas maging kapaki-pakinabang din ito sa mga makikinig sa akin.

Heto ang ilang tanong na matatagpuan sa listahan nila:

1 Because of the progressing technology today, do you prefer to publish a book online or do you prefer to continue the tradition of printing books? What makes you say so?

2 Did you personally offer your work to a publishing house?

3 Do writers who publish their work online gain more than those who publish using print?

4 Are you a full time writer?

5 Do you control the price of your books/works?

6 Do you have a specific number of books to release/sell in a certain area?

7 Does the change of season affect your sales?

8 Are you in favor of the translation of foreign novels to Filipino? Why?

9 Do you think that it is better to write and publish abroad?

10 Did you choose your profession for financial secureness?

11 Do you think that writers can contribute to the economic growth of the country?

12 Do you think that writers are in demand nowadays?

13 Do you have full rights given to you as accreditation for your work?

14 Does the government or the publishing house charge you for anything else (besides tax)?

15 Do the different types of taxes (Capital Gains Tax, Income Tax, Value Added Tax) affect greatly to your total profit? How?

16 Were you working on a project during the time of the PDAF Scam?

17 Do you invest in a bank?

18 Does your company/publishing house give you benefits?

19 Does the government offer workshops or seminars for your field?

20 Do the different governing laws benefit you as a writer?

21 Does the price range of your published work affect the number of your patrons?

22 Do you use social media to promote your work?

23 Do book reviews affect your market?

24 Does the age bracket of your readers affect your income as a writer?

25 Do you meet your readers at book signings, conventions, or similar events?

26 Do the different trends affect the number of your readers and market?

27 Do you have readers from foreign countries?

28 Does the language of your book affect your sales from Filipino reader? Which do you prefer to use in writing, English or
Filipino?
29 Do you sell your books in bookstores? Do bookstores include additional fees?

30 Do hardbound books sell more rather than softbound books?


Bago matapos ang Pebrero ay naisagawa nila ang interbyu sa bahay namin. Yes, bumiyahe sila mula Bulacan. (Medyo may kaya ang grupong ito ng mga estudyante, may dala silang sasakyan sa pagluwas nila sa Quezon City). Enjoy na enjoy ako sa interbyu dahil:

1. on time silang dumating. actually, sobrang aga nga, e! Haha!
2. napakatalino ng mga tanong at napaghandaan ko ang mga ito, inilabas ko rin ang mga libro kung saan ako nalathala para maraming images ang ma-capture ng kanilang video
3. handang-handa sila sa interview kaya walang nasayang na sandali. Mabilis ang daloy ng interbyu. (Umabot din yata kami ng higit sa isang oras.) May nakatuon sa tanong lang, tanong lang nang tanong, may nagbi-video, may nagno-notes, may nagbo-voice recording.
4. hinayaan nila akong sumagot sa wikang Filipino. Sila na raw ang bahalang magsalin ng mga sagot ko para sa thesis nilang nasa wikang Ingles.
5. behaved na behaved sila sa bahay namin. No'ng ganong edad ako, burara ako sa kilos, haha! Samantalang ang mga batang ito ay very lady-like!)
6. nagdala sila ng sarili nilang tanghalian, hahaha (Maaga pa lang ay sinabihan ko sila na magdala ng ulam at akong bahala sa drinks at kanin, nang time yata na ito ay wala akong ekstrang pera para ilibre silang lahat.) Sa bahay kami nagsalusalo.
7. after the interview, may gift silang Krispy Kreme! Wow! (Kinain din namin ito agad ni Poy. Konti na lang ang natira kay EJ, haha!)

Isa ito sa hindi ko malilimutan na panayam. Kaya napakasaya ko nang makatanggap ako ng email kanina mula kay Patrisha. Thesis daw nila ang ginawarang best thesis sa kanilang batch! Tinanong ko si Patrisha kung puwede ba akong makahingi ng kopya ng kanilang thesis. Itatanong pa raw niya sa kanilang mga guro. Aba, sayang naman kung sila-sila lang ang makabasa ng thesis ng mga estudyante. Dapat naibabahagi iyan sa maraming tao, lalo na sa mga tulad nilang estudyante.

Anyway, muli, Patrisha, Mia, Jessiah at Pao, salamat sa pagkakataong maitampok sa inyong thesis! At maligayang bati sa inyong lahat. Sana ay tuloy-tuloy ang tagumpay ninyo sa kolehiyo ... and beyond!





No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...