Tuesday, June 7, 2011

Isa pang Tumbok ng Rebyu

As I was saying sa naunang isyu ng kolum na ito, medyo nagustuhan ko
lang ang pelikulang Tumbok, iyong pinagbidahan nina Christine Reyes at
Carlo Aquino.

Medyo lang dahil bagama’t maraming ganda points ang pelikula, na
inisa-isa ko na noong nakaraang isyu natin, ay marami pa rin itong
boo-boo points. Halimbawa:

1. Masyadong pinahaba ang ending. Sana tinanggal na lang ang eksenang
nasusunog ang kontrabida. Bukod sa di maganda ang graphics,
predictable pa. Ano pa nga ba ang mangyayari sa ganong uri ng
nilalang? Di ba ang masunog? Gasgas. Ang manonood ay natutuwa kapag
hindi niya inaasahan ang mga nangyayari sa pelikula. Ibig sabihin, mas
naii-stretch ang kanilang imahinasyon sa dami ng posibilidad sa isang
sitwasyon.

2. Hindi ko type ang acting ni Malou de Guzman, ang gumanap bilang
lola ng batang bulag. Sa tuwing magde-deliver siya ng linya, para
siyang nagbabasa ng script na nakasulat sa isang manila paper sa tabi
ng video camera. Alam kong kailangan i-restrain minsan ang emosyon
kapag umaarte sa pelikula pero huwag naman sanang ganito
ka-restrained.

3. Puwede ring baguhin ang kapansanan ng batang bulag. Lagi na lang
nasa horror films ang mga bulag. Bakit hindi komang? O kaya bingot? O
kaya, ‘yong anim ang daliri sa isang kamay? Bakit laging bulag?
Predictable cliché na naman ito.

4. Hindi ko rin gusto ang eksenang ipinakita pa ang baby ni Grace sa
piling ng tiya ni Ronnie (ang kanyang asawa). Hindi na kailangang
ipakita pa ‘yon sa pelikula. Maiisip na ‘yon ng manonood.

5. Puwede na ring tanggalin ang eksenang naglalakad si Grace sa isang
hall na puno ng mga kaluluwang nakakatakot ang itsura. Puwede ba?
Gasgas na ‘yon. Natakot ako mula umpisa hanggang dulo pero pagdating
sa dulo ay korning-korni talaga ako.

6. Tulad ng binanggit ko sa nakaraang kolum natin, nabagabag ako sa
mga suot ni Christine Reyes. Totoong seksi siya at napakaganda
talagang tingnan ng babaeng ito kaya lang ay minsan, nawawala na sa
kuwento ang isip mo dahil nakapako ka na lang sa hubog ng katawan
niya. Not really good, di ba? Maraming eksena doon na matinong blouse
ang suot ni Christine at mas nagugustuhan ko siya kapag ganon. Mas
maganda siya kapag mas maraming tela ang nakatabing sa katawan niya.
Ewan ko lang kung pareho ang opinyon ko sa opinyon ng mga lalaki.

Anyway, sa kabuuan, inirerekomenda ko pa rin ang pelikulang Tumbok.
Bihira ang ganitong pelikula na buo ang kuwento at halatang
pinag-isipan mula sa plot hanggang sa maliliit na shot (puwera lang
iyong papunta na sa ending). Viva Films nga pala ang producer.
Congratulations sa lahat ng sangkot sa pelikulang ito. Na-tumbok
ninyo ang taste ng Pinoy!

Kung may tanong, suggestion o komento, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...