ang itinala ko lang dito ay 'yong mga natutuhan ko bilang bahagi ng staff. siyempre bilang manunulat at tagapakinig sa mga kapwa manunulat, andami-dami ko pang natutuhan! o, basa na!
1. Mas okey kung definite ang outlet ng mga press release before and after the event. At mas okey din kung definite kung sino-sino ang mga susulat.
2. Kung hihingi ng pera, agahan para kapag may tumangging magbigay, makakahingi pa sa iba sa lalong madaling panahon.
3. Natuwa ako sa fire dance, sanghiyang at pagpasyal sa iba’t ibang historical site sa Cavite. Magandang may cultural immersion na nakapaloob sa programa ng PRS.
4. Magandang makipag-tie up nang maaga sa mga local at cultural organization or group ng lugar kung saan idadaos ang PRS para mapaghandaan pa ang mga presentasyon at trip.
5. Medyo napagod ako sa sked. Mas okey kung hahabaan pa nang konti ang oras para sa pahinga at socialization (in short, kuwentuhan lang ng mga wala lang na bagay).
6. Mas okey kung one is to one ang assignment ng staff sa bawat speaker o guest o sponsor. Para kapag may gustong malaman ang teaching staff o kapwa staff tungkol sa particular na speaker o guest o sponsor, pangalan ng isang staff lang ang lulutang kasi siya ang nakatoka doon. Para din maiwasan ang lituhan sa kung sino ang kokontak kanino.
7. Agahan ang pag-iimbita sa speakers at guests at iba pa at awayin sila kapag nag-back out sa last minute.
8. Nakakatuwa na may natututong ibang tao habang natututo ang fellows. I-request sa local org/group na mag-imbita sila ng local writers, students, teachers para mag-observe sa PRS. Bigyan sila ng certificate bilang pasasalamat sa pagdalo o paglahok.
9. Mas maganda ang kit kung ma-minimize pa natin ang typo errors nito. Sana ay may editor ang kit.
10. Magandang dagdagan ng directory ang kit (kasama ang lahat, fellows, panel, staff atbp.) Ito ay para mapadali ang pakikipagkomunikasyon ng lahat sa isa’t isa at for future references na rin.
11. Mag-assign ng tao sa video documentation. Wala siyang ibang gagawin sa PRS kundi ang mag-video.
12. Mag-assign ng tao para sa written documentation. Siya ang taga-note ng mga sinasabi ng mga tao sa bawat akda. Puwede itong materyales para sa isang libro.
13. Mas masaya kung may feedback mechanism para malaman kung ano naman ang mga komento at mungkahi ng mga fellow.
14. Alalahanin ang pagbibitbit ng 1st aid kit sa bawat PRS. Huwag din kalimutan ang Bonamine.
15. Kung gustong magka-t-shirt, agahan ang design, shopping at production para mataas ang kalidad ng shirt at printing nito.
16. Kung gustong mamigay ng aklat, agahan ang pag-solicit para maaga ring malagyan ng tag ang bawat libro.
17. Paalalahanan ang bawat sponsor na 15-20 minutos ang ibibigay para sa kanilang talk.
18. Mas maganda kung ang petsa ng PRS ay malipat sa petsang hindi pa maulan.
19. Mas maganda kung maa-update ang website from time to time. Sana ay mayroong nakatokang manunulat dito.
20. Pilipitin ang mga braso ng mga fellow na hindi nagsasalita. Biro lang. I-encourage ang sinumang bihirang magsalita. Gawin ito after ng unang session pa lang.
21. Mas maganda kung hindi akyat-baba ang mga tao sa pagpunta sa venue ng palihan at sa venue ng tulugan. Horizontal na lang ang movement ng lahat, ‘wag na vertical at nakakahingal talaga.
22. Gumawa ng toblerone para sa mga in charge mula sa local org/group. Pati na rin ang staff kasi hindi nila mapigilan ang hindi mag-comment, e. hahaha
Ito po muna. Mabuhay ang lahat ng nagtaguyod sa palihang ito!
Padayon!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment