Saturday, April 7, 2012

this is disiplina

Pagkagising ko, magpipinta na ako. Tapos pag napagod ako, magpapahinga, kakain. Tapos magpipinta uli.

-Zaldy Arboso, Antipolo based visual artist at pangulo ng SINAG (Siyudad ng Antipolo Arts Guild)

Nakakainggit.

Sarap buhay kapag nangyari sa akin ito. Kapag full time na akong writer, isusulat ko na ang lahat ng naiisip kong akda. Magpa-publish ako nang bongga.

Dati, sabi ko sa sarili ko, magba-blog ako araw-araw. Wala mang magbasa, ang importante, me post ako at nakapagsulat ako. Me output.

Hindi ko nagawa. Kasi sumaksak na sa isip ko na may nagbabasa talaga ng mga blog. At hindi ko puwedeng sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa blog. So might as well, magsulat na lang sa journal na nahahawakan at nabubuklat.

Me bago akong journal. Hindi naman ako nakakapagsulat ng mga gusto kong isulat. Puro minutes lang ng mga meeting ang naisusulat ko doon.

Dumating din ako sa time na contest ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Dahil sa contest, nagkakaroon ako ng deadline. Nagkakaroon ako ng tema. Kumbaga sa shooting, baril lang ako nang baril hanggang sa makatama pero kapag nariyan na ang detalye ng contest, nagkakaroon ako ng target. Mas madaling makatama kapag ganito.

So nakakatapos ako ng akda. Usually, talunan ang mga akda ko pero ayos lang. Hindi ako masyadong nalulungkot. Kasi, meron pa rin naman akong akda in the end. At nakasulat naman ako.

Pero ngayong nawawalan na ako ng ganang sumali sa mga contest, palagay ko kelangan ko ng bagong inspirasyon. Or rather, kelangan magkaroon ako ng bagong anyo ng disiplina.

From now on, pagkagising ko, magsusulat ako sa aking journal. Kahit isang sentence lang, basta araw-araw.

Go, Bebang!

Opera VS Broadway

Last March 26, 2012, inimbitahan si Poy para mag-document ng isang benefit concert sa EDSA Shangri-la Hotel. Wala akong balak na um-attend. Siya na lang kako. ‘Kala ko kasi, mag-i-stay ako sa opisina hanggang mga 7pm that day. Kaya lang, maaga kaming umalis ng opisina. Nag-meeting kaming apat na mag-oopismeyt sa Robinson’s Galleria. May hatid na sad news ang bosing ko. At nalungkot naman kaming tunay.

Dahil malapit ang lokasyon ko sa EDSA Shangri-la, tinext ako ni Poy na pumunta sa benefit concert pagkatapos ng meeting. Dala-dala ang lahat ng alalahanin at lungkot, lumarga na ako papunta doon, mga 6:45 ng gabi.

At buti na lang talaga, sumunod ako. Masayang nagtapos ang aking gabi.

Opera VS Broadway ang title ng concert. Tampok dito ang isang baritone from Hongkong na si Wayne Yeh, isang napaka-versatile na Pinay broadway singer na si Lissa Romero de Guia at isang napakahusay na pianista, si Mary Anne Espina. Inorganisa ito ng Art of Living Foundation para sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Salit-salitan sina Wayne at Lissa sa pagkanta at kahit nag-iisa ay nado-dominate ng kanilang presence ang stage. Siyempre pa, mas type ko ang performance ni Lissa. Nai-imagine ko si Lea Salonga kasi magkamukha sila at mas matangkad lang nang konti si Lea Salonga. Napakaganda ng pagkanta ni Lissa, parang ipinanganak siya para lang kumanta nang kumanta. Nakapako ang mata ko sa mukha niya kapag kumakanta na siya kasi punong-puno ito ng emosyon. Para bang wala siya sa stage, parang walang ni isang tao sa harap niya. Nandoon siya sa mundo ng persona sa kanyang awit. Ibang mundo, ibang dimension. At halos ma-imagine ko ang mga ‘yon dahil sa kanyang facial expression at boses na talaga namang napakahaba ng range. Maganda rin ang repertoire, mostly pambabae talaga ang kanta kaya nakakasakay ako sa mga sentimiento ng persona. Sa totoo lang,
siya ang pinakamahusay na singer na napanood ko nang live. Mesmerizing is the perfect word.

Si Wayne, mostly religious songs ang kinanta, tulad na lang ng Ave Maria at Our Father. (Kaya rin siguro hindi ako masyadong naka-relate, hahahaha). Hindi ako nagandahan nang todo sa kanyang boses pero palagay ko, mas maganda ang performance niya kung hindi siya gumamit ng mikropono. Kasi by itself, sobrang powerful na ng boses niya, e. Pinakagusto ko ang last song niya kasi, bagama’t di ko siya kilala nang personal, mukhang playful ang taong ito. In fact, siya ang unang kumanta sa concert at engrande ang kanyang pagpasok. Boses lang niya ang maririnig habang ang dilim-dilim ng paligid. Tapos biglang nabuhay ang isang spot light at nakatutok ito sa bandang likod ng venue. ‘Yon pala, andoon siya at nag-aabang ng kanyang shining moment. He was wearing sunglasses. Upbeat ang kanta niya at ang body language niya hanggang sa makarating siya sa stage. Para nga siyang nagba-bounce sa energy. At ganon din ang kanyang last song, very playful.

May mga duet din ang dalawa. Nagbe-blend sila nang maayos, nag-i-stand out lang talaga ang boses ng babae. (hehehehe I’m so proud to be a girl kapag may ganong sitwasyon.) Pinakapaborito ko ‘yong duet nila kung saan nagko-compete sila sa isa’t isa. Nakakatawa ang ginagawa nila sa kanilang mga boses, sa speed at tone. Sasabihin no’ng isa, I can sing more softly, tapos ‘yong paraan ng pagsasabi niya ng salitang softly ay talagang soft. Tapos hihirit ang isa ng No, you can’t sa paraang mas soft. At hihirit uli ang isa ng Yes, I can sa mas soft to the third power. Paulit-ulit sila hanggang sa di na mapigilan ng audience ang tumawa. ‘Yong isa nilang salitan, nag-umpisa sa I can sing faster. Imadyinin n’yo na lang kung ilang micro second nagtagal ang segment na ‘yon. With choreography pa ang dalawang singer kaya aliw talaga.

Mary Anne, the pianist was also great. Sobra ding versatile. Kayang-kaya niya ang seryosong mga kanta at ang fast-paced, mas masiglang mga piyesa. Lumilipad ang mga daliri niya sa mabibilis na kanta. May assistant siya sa kanyang tabi para ilipat ang pahina kasi nga sa sobrang bilis ng kanta, mawawala siya sa beat kapag siya pa ang naglipat ng pahina. (First time kong nakakita ng ganon. Noong una, akala ko, dalawa silang pianist. Siguradong pianist din ang kasama niyang babae, parang nakakabasa ito ng mga nota kasi alam na alam niya kung kailan siya lalapit para maglipat ng pahina. At tutok na tutok siya sa performance ng tampok na pianista. Pag nga naman napaaga siya ng paglipat o nahuli kaya, siguradong papalya ang pagtipa sa ilang notes.)

Kitang-kita rin ang enthusiasm ng pianista sa pagtipa sa piano dahil sa movement ng kanyang katawan. E, para nga siyang sumasayaw, lost in the music, ganon. Hindi rin siya kailanman nag-“stutter”. Mabilis ang communication niya with singers kasi parang alam na alam talaga niya ang sequence sa bawat set. Minsan, isang tango lang ni Lissa, uumpisahan na niya ang pagtugtog. Minsan, titingin lang si Wayne, titipa na siya. Siguro matagal-tagal din ang kanilang rehearsal at practice kasi handang-handa ang tatlong performers. Ang galing talaga.

Tungkol naman sa iba pang aspekto ng konsiyerto, natuwa ako sa stage design. Bagama’t simple lang siya ay nakadagdag ito sa mood ng buong event. May isang rectangle na panel as background. Nababalutan ito ng telang may pagka-maroon ang kulay. Medyo dark ang overall na kulay ng tela. Halos wala itong design actually, walang nakasulat, walang nakasabit na tarp o banner. Sinadya siguro ito para maka-focus ang audience sa musika. Off with the visuals, something like that.
Very timely din ang hirit ng mga ilaw. Kapag religious ang song, isang maputing ilaw lang ang nakatutok sa singer at sa pianist. Pero kapag masigla ang song, malikot ang mga ilaw. Maharot din, parang ‘yong music lang. Hindi nakaka-distract, nakaka-enhance pa sa ganda ng show.

Tahimik ang audience sa bawat performance. Pero prompt at masigabo ang palakpakan after every piece. Pormal ang suot ng ilan sa kanila, as in evening gown. Pero meron din namang naka-semi formal at tulad ko na casual office attire ang suot. May bata, may matanda, babae’t lalaki. Karamihan, mayayaman tingnan (siyempre, hindi ko naman sila kilala, paano ko masasabing mayaman silang talaga?). Marami-rami din ang foreigner, Caucasians at Asians mostly.

Bago magsimula ang second set, isang babae’t isang lalaki (ilan sa mga organizer) ang nagsalita tungkol sa Art of Living Foundation. Ipinakilala nila ang foundation at nag-imbita sa kanilang mga yoga at meditation activity. Nagpasalamat din sila sa pagdalo ng lahat, halos napuno ang Isla Ballroom ng EDSA Shangri-la Hotel! Nakalimutan kong banggitin, meron ding art auction na naganap sa labas ng Isla Ballroom bago at habang idinaraos ang concert. Mapupunta din ang proceeds nito sa Sendong victims. Palagay ko, malaki-laki ang halagang na-raise ng event na ito. Happy!

Bago kami umuwi ni Poy pagkatapos ng concert, ipinakilala siya ni Pau kay Babeth Lolarga. Hihiram daw ng mga retrato si Babeth kay Poy at gagamitin sa article para sa Vera Files. Na-publish nga online ang article ni Babeth at mga retrato ni Poy pagkaraan lang ng ilang araw.

Heto ang link:
http://verafiles.org/opera-vs-broadway-for-sendongs-survivors/

I am so proud!

Kahit maraming nakakalungkot na pangyayari sa trabaho ko, itchokei. To lift my spirits up, something will always come my way.

Universe, salamat, ha? Lagi.

Saturday, March 24, 2012

werk: IPOPHL’s event ITSO Launching and High Level Forum on Access to Global Technology for Innovation

ITSO means Innovation and Technology Support Offices. Para silang arm ng IPOPHL sa mga university at college.

Si WIPO’s Director General Mr. Francis Gurry ang keynote speaker sa event na ito held at the Peninsula Manila Hotel, Makati last 22 March 2012.

Notes ko:

Note: I attended the 2nd day. Leo attended the 1st day.

 Ang form ng economy natin ngayon ay unti-unti nang nagiging idea-based.

 Mabilis ang evolution ng mga idea para sa maayos na pamumuhay. Kapag stagnant ka, mamamatay kang talaga.


 Hindi mo dapat tinatanong ang market mo kung ano ang trip nila. By the time na makaimbento ka ng produkto para sa kanila, iba na naman ang trip nila.

 So either mag-imbento ka lang nang mag-imbento para matiyempuhan mo ang magugustuhan ng market o mag-imbento ka at gumawa ka ng paraan para magustuhan ng market ang imbensiyon mo.


 Sa 100 na innovations/inventions, apat lang ang mae-expose sa market.

 Sa mga inventor o creator, ‘wag kang humingi ng masyadong mataas ng pondo kasi baka wala nang mag-invest.


 Ang PWC ay investor/financier (nalimutan ko ang kahulugan nito).

 Ang Thomson Reuters ay provider ng intelligent information. Halimbawa, gusto mong makita ang mga patent document ng isang bagay, ang Thomson Reuters may database ng mga patent document, gagawa at iisip sila ng mga keyword na palagay nila ay maiisip ng mga nagse-search for a particular patent document. Kaya pag tinayp ang mga keyword na ito, lumalabas na ang document na hinahanap. Mas umiikli ang time ng pagre-research dahil sa intelligent information. Mas dumadali ngayon ang research process.

 Sa madaling salita, ang patent search system ay puwede palang gawing negosyo.


 Ang WIPS Global ay isang patent expert company from Korea. Mayroon silang analytic worldwide patent search system na ino-offer sa mga kliyente.

 Kaya may ganitong kompanya, karamihan kasi sa mga research and development activity ay nakabatay sa mga patent documents. Kaya ang paghahanap dito in a systematic way ay isang necessity.


 Ang representative ng Lexis Nexis naman ay nagsalita tungkol sa Prior Art. Akala ko naman kung ano ito, ang kahulugan lang pala nito ay iyong mga nauna nang naimbento.

 Ang strength ngayon ng Korea ay education, technology at innovation. Ang puhunan nila ay ang patents ng iba.


 Kahit sa elementary students ay ine-expose ng Korean government ang mga impormasyon tungkol sa patents. Halimbawa, kung gusto ng estudyante na malaman kung paanong ginagawa ang Samsung phones, hayan ang patent document.

 Iginigiit dapat sa mga estudyante kahit sa elementary level pa lang ang creativity at innovation. Dito magsisimula ang desire nilang mag-imbento at mag-research.


 Nakakapasok sa popular culture ang science-related concept. Halimbawa sa Korea, may mga comedy show na tumatalakay sa patent. Gumagawa sila ng joke tungkol dito. Mayroon ding mga drama TV program na ang kuwento ay may kinalaman sa patent. Kumbaga, may conscious effort na itaas ang curiosity ng karaniwang tao hinggil sa research at patent.

 Minsan, ginagamit ang animation para ipaliwanag ang patent sa mga bata.


 Nakikipag-tie up ang ilang university sa mga corporation para i-market ang isang university-based research. Naisip ko na puwede rin itong gawin sa publishing. Kasi sa ngayon, kanya-kanyang kayod ang student author. Kung gusto niyang ma-publish ang akda niya, siya mismo ang maghahanap ng publisher.

 Sa Pinas, pag na-patent, akala dapat gawin na itong produkto. Hindi naman lagi ay dapat na ganon.


 Importante ang mga imbensiyon lalo na sa field ng medicine. Kapag may mahihirap at may sakit na mga bata, hindi sila nakakapag-ambag sa development ng isang bansa. Doon kasi napupunta ang resources ng bansa, sa pagpapagamot sa kanila.

 Hindi naman kailangang i-patent ang lahat ng maimbento. Kasi kung wala namang magla-license, sayang ang patent.


 Meron 109 state universities and colleges sa buong bansa. Sila ay miyembro ng Philippine Association of SUC’s.

 Paliit nang paliit ang budget ng mga SUC at tatlo pa ang role ng mga SUC: research, instruction at extension. Kung may 24 units ang isang teacher, makakapag-research pa ba siya?


 Sa UP Manila, may mga doctor at researcher na nag-research, sa library at internet. Hindi sila nag-patent research. May katulad na pala ang ginagawa nila. So patent search muna para sigurado.

 USAID: sumusuporta sa mga research initiative, nagte-train ng mga propesor at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga organisasyon para maikonek ang mga educational institution sa mga ito (for funding and other support of course).


 Edukasyon ang kailangan para magkaroon ng economic growth.

 Sa Japan, libre lang ang impormasyon tungkol sa latest technology. Pero alam din ng user na ito ay hindi pa mamirata sila ng gawa ng iba, ito ay para lang ma-inspire sila.


 Pero kung bulk info ang kailangan, me bayad na pero murang-mura lang. Sa Japan pa rin ito.

 Dapat mayroong digital library na concentrated lang sa Intellectual Property. At free dapat ito.


 Mas maganda kung may maayos na dissemination policy para mas marami ang maabot ng ganitong impormasyon.

Werk pa! FILCOLS @ The Forum on Intellectual Property and Traditional Knowledge (an IPOPHL event)

Notes ko sa event na ito:

1. According to Philippine Council for Health and Research, may mga kolaborasyon ang mga government department at agencies para mapreserba ang mga impormasyon tungkol sa traditional medicine. (Aba’y dapat lang!)

2. Ang laki ng mga problema ng indigenous peoples (IP). Hindi mailapat sa kanila ang IP Code of the Philippines kasi kaalamang-bayan ang intellectual property nila. Basically, ito ay public domain. Pero kung ito ay mananatili sa public domain, may mga mananamantala sa kanila. At ito ang iniiwasang mangyari kaya gumagawa ng paraan ang ilang mga gov’t agency.

3. Dapat may sariling parang “IP Code of the Philippines” ang mga indigenous peoples para protektahan ang kanilang mga produkto at kaalaman.

4. Kaya lang baka ito namang mga batas na ito ay maging prone sa butas at ma-exploit ng mga salbahe (ang ibinigay na halimbawa ay mining companies).

5. Ang suggestion ay dapat na manatiling unwritten at di nakasulat ang batas. Kumbaga, magiging batayan na lang ‘yong kung ano man ang mapagdesisyunan ng concerned ethnic group.

6. Kadalasan, ang mga researcher o cultural worker, humihingi ng consent sa mga ethnic group, para sa documentation lang. ‘Yon lang ang sinasabi nila sa ethnic group at siya namang inaaprubahan ng ethnic group. Kaya dapat may hiwalay na paghingi ng permiso ang researcher o cultural worker para naman sa publication ng kung anumang nakuhang kaalaman.

7. Nagkakaroon ng brain drain sa mga ethnic group. Halimbawa raw, sa Paete, ang mga gumagawa ng taka doon ay nire-recruit pa-abroad. Kaya pakaunti nang pakaunti ang nagtataka sa Paete. Nae-export ang traditional knowledge na ito. Ano ang dapat gawin?

8. Isa pang isyu ay ang peace and order. Minsan ay nahahati ang mga ethnic group kapag may conflict sa kanilang lugar. Kasi may mga nare-recruit ang militar, meron din ang mga rebelled. Meron ding ayaw pumanig sa dalawang side, independent kumbaga. Pati tuloy ang mga desisyon at aksiyon nila para maprotektahan ang kanilang kaalaman at produkto, naaapektuhan. Kasi watak-watak na sila.

9. At pag watak-watak ang grupo, mas madali silang mapagsamantalahan.

10. Kahit na considered as public domain, dahil may effort at may creativity pa rin na involved from the ethnic groups na nadagdag sa kaalamang-bayan o produkto, dapat ay may share pa rin sila sa benefits na natatamo ng iba (na kumikita mula sa mga kaalamang-bayan na ito at produkto).

11. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng harmony at mas mae-encourage ang mga katutubo na ipreserba ang sarili nilang kaalaman, produkto at kultura. Kasi patas ang treatment. At para magpatuloy din ang pag-benefit natin sa mga ito.

12. Mag-envision ka ng indigenous communities na kayang protektahan ang kanilang sarili mula sa mga mapanamantala. Ano ang nakikita mo? Maganda ba?

13. Pag may benefit-sharing, maa-appreciate ng mga ethnic group ang halaga ng mga outsider na nagpapalaganap ng kaalamang-bayan at produkto nila. Maa-appreciate din nila ang papel ng mga outsider sa buong industriya na kinapapalooban ng katutubong kaalamang-bayan at produkto.

14. Una sa lahat, kilalanin ang karapatan ng mga IP sa kanilang IP. Respeto is the key word.

Copyight ng mga larawan ay kay Bebang Siy.

Monday, March 12, 2012

Madala ka na sana

Ito ay para sa mga pasahero ng dyip na may dalang

a. Malaking bag
b. Higit sa isang plastic bag
c. Payong
d. Loose na papeles
e. At iba pang gamit

…baka po puwedeng bago kayo humirit ng “Para, Manong!” ay sinupin n’yo
muna ang mga gamit n’yo.

Hassle kasi na pagkatapos ninyong pumara at nakahinto na ang dyip,
saka pa lang kayo maghahagilap ng handle ng inyong mga bag, tenga ng
inyong mga plastic bag at payong at mag-iimis ng mga papeles na hindi
naka-folder o kaya clip. Aba, naghihintay kaming mga pasahero (at ng
drayber) sa inyong pagbaba. Naaantala ang biyahe dahil sa wrong timing
na pagsisinop ninyo.

Isa pa, gusto ba ninyo ‘yong feeling na tinititigan kayo ng lahat
habang nagsusukbit ng bag sa balikat ninyo? Star of the day, ganon?
Star of abala, kanyo.

No win situation kasi ito. Bukod sa lost time para sa ‘yo at sa amin
at sa drayber, makakaramdam ka pa ng hiya. At mapapabilis ang pagbaba
mo. E, kung madulas ka? O kaya mauntog sa mga nakausling ilaw sa dyip?
Kaya kung ako sa mga ganitong uri ng tao, tatantiyahin ko. Kapag
malapit na ako sa babaan at nakabukas pa ang bag ko, malaki ang tsansa
na mahulog ang MAPE notebook ko at ang bagong biling Table of Elements
sa National, pati na ang apat na lapis na Mongol at dalawang itim na
Panda ballpen. Kasi siyempre, yuyuko ako para bumaba ng dyip. Isasara
ko na muna ang bag ko at isusukbit ito sa balikat. Tapos saka ako
papara.

Kung nairorolyo ang bag o maleta, ihanda na ang mga gulong nito.
Pihitin na ang handle o kaya ay hilain para mahawakan nang maayos.
Kung payong, hawakan na ito. Kung umuulan, tanggalin na sa
pagkakatali. Huwag munang buksan puwera na lang kung gusto mong
matusok ang mga mata ng kapasahero mo. Kung hindi umuulan, ‘wag nang
tanggalin sa pagkakatali. Puwedeng pagbaba mo, saka na lang kalagin sa
pagkakatali para tuloy-tuloy na sa pagbuka ang payong.

Kung marami kang pinamalengke, isa-isahin nang ipasok sa tenga ng
plastic bag ang iyong mga daliri. Magpraktis kung paanong buhatin ang
mga dala nang sa ganon ay masigurong walang biglang mapupunit na
bahagi ng plastic o anupaman. Iangat-angat mo ang mga hawak mo,
ganyan.

Si Edgardo M. Reyes, isa sa mga legendary na writer sa Pinas, noong
bata-bata pa siya ay napunitan ng lalagyan ng gulay sa loob ng isang
bus. Gumulong ang mga patola, kamatis at pipino. Damputan naman ang
mga pasahero at iniabot sa kanya ang mga ito. Iyong isa, pagkababa
niya ng bus, ay humabol sa kanya ng sigaw. “Patola mo, mister! Patola
mo, naiwan!”

Unless gusto ninyo ng ganitong eksena sa fragile ninyong buhay, iwasan
na ninyong mag-last minute check and sukbit ng mga

a. Malaking bag
b. Higit sa isang plastic bag
c. Payong
d. Loose na papeles
e. At iba pang gamit.

Kung may tanong, komento o suhestiyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

Friday, March 2, 2012

Memory Lane

ni Bebang Siy para sa KAPIKULPI

Bago sumakay ng dyip, alalahanin kung saan papunta. Or bago man lang mag-abot ng bayad, alalahanin naman kung saan bababa. Para masasabi mo ito sa ating driver.

‘Yan ang lesson for today, my dear pasaheroes. Na-realize ko ito dahil sa isang matandang babaeng nakasakay ko kamakailan lamang.

Katabi ko siya at sa gitna kami nakaupo. Pag-abot niya ng bayad, maagap kong sinalo ang perang papel para iabot sa katabi kong kapwa pasahero at para naman iabot niya sa kundoktor. (Sosyal ang driver, 'no? May kundoktor para sa bayaran at suklian.)

Nagbigay ng bente ang matandang babae. Pangalanan natin siyang San Chai, tutal naman ay tsinita siya at mahaba ang kanyang buhok, may uban-uban nga lang. Pagkatanggap sa bente, biglang lumingon sa amin si kundoktor. Itago natin siya sa pangalang Paul Goso.

“Saan po ito?” tanong ni Paul Goso.

“Sa ano,” umaarangkadang sagot ni San Chai.

“Saan po?” tanong uli ni Paul.

“Sa…” nagtangka si San Chai na sagutin ang komplikadong tanong. Pero siya’y nabigo.

Dahil nakasimpleng blusa at puruntong short itong si San Chai, siguro ay napagkamalan ni Paul Goso na mamamalengke ito. “Sa may palengke po?” tanong ni Paul.

“Hindi,” sagot ni San Chai.

Mahabang patlang ang sumunod.

“Sa?” nangulit uli si Paul Goso.

“Sa ano nga,” sabi naman ni San Chai.

“Sa may Tramo?” tanong uli ni Paul Goso.

Tuluyan na akong napalingon sa dalawa. First time kong maka-engkuwentro ng Pinoy Henyo sa loob ng dyip. Palagay ko, first time din ng iba pang pasahero. Lingon silang lahat.

“Hindi, hindi,” nagmamadaling sagot ni San Chai.

Gumewang-gewang ang ulo ni San Chai at humahagibis sa pagkumpas ang kaliwa niyang kamay habang ang kanang kamay ay nakakapit sa sabitan ng mga braso.

“Sa Manggahan po?”

“Hindi!”

Nababanas na ang boses ni San Chai. Hindi ako magtataka kung bigla siyang atakihin sa puso right there and then.

“Sa may ano nga,” buong diin na sagot ni San Chai. Bumabangkiki na ang mukha niya sa magkabilang side ng dyip dahil sa inis. (Parang mukha ni Christian Bautista kapag bumibirit.)

“Sa may ano. Doon. Doon ako bababa,” buong conviction na sabi ni San Chai.

Malaki yata ang premyo ng Pinoy Henyo na ‘to dahil napahigpit ang hawak ni Paul Goso sa bente ni San Chai. Bumper to bumper ang mga kilay ni Paul Goso. Unti-unti niyang kina-crumple ang hawak niyang bente. Palagay ko, determinado siyang manalo.

“A! Sa 711 po?”

“Hindi!” humaharurot na sagot ni San Chai.

Galit na si San Chai. Ang tanga nga naman ng ka-partner niya. Bakit hindi nito mahulaan kung saan siya bababa?

Kasi naman, kung ako si Paul Goso, didiretsuhin ko na si San Chai.

Tao ba ‘yan? Roxas Boulevard? Macapagal Avenue? Bonifacio Shrine? Victoria Court?

Hayop? El Kabayo Inn? Barangay Pasong Buaya? Talaba? Jollibee?

Bagay? Barangay Buhay na Tubig? Tanzang Luma? Niog?

Kalagayan? Bagong Silang Street? Kalyeng Sikat o Wakas?

Dumagundong ang boses ni Paul Goso. “A! Sa may eskuwela? Susundo kayo?”

“Hindi! Hindi!”

Sa tono ng boses ni San Chai at sa agap ng pagsagot niya kay Paul Goso, parang 3 seconds na lang ang natitira sa timer.

Three.

“Sa may munisipyo?”

“Hindi!”

Two.

“A … sa may Jollibee?”

One.

“Para!” sigaw ni San Chai. Doon na pala siya bababa.

Maagap na ibinigay ni Paul ang sukli. Iiling-iling si Paul. “Dito lang pala bababa si Nanay.”

“Ano pong tawag sa lugar na ‘to?” tanong ko kay Paul Goso.

Sumagot naman si Paul kaya lang, takte, di ko maalala ang kanyang sinabi.

Thursday, February 23, 2012

Independent life is good for you!

BLTX, small-press expo is on 2 March 2012, Friday, at Ilyong’s on Kalantiaw, Project 4, QC, 8PM onwards.

BLTX Talks in on 3 March 2012, Saturday, at Chef’s Bistro at 94 Sct Gandia cor. Tomas Morato, 2PM to 8PM.

Better Living Through Xeroxography or BLTX is a small-press expo now on its second incarnation, the first one a success by indie standards: 30 small press publishers and 200 buyers on a rainy December day in 2010.

The goal of BLTX is simple. Bring together independent self-publishers from Metro Manila (hopefully from elsewhere, too), in a one-night event that will allow them to sell their wares: books, yes, but also zines and other printed materials like shirts, postcards, posters, and this year, CDs from musicians more indie than indie. It’s about selling, but also about meeting like-minded individuals who believe in literature and creative work that might not ever get into the mainstream of commercial bookstores and galleries, but for one night is the star of the show.

You can also just imagine BLTX to be the coolest meet-and-greet between writers and readers, one that involves beer, some music, and plenty of creativity you rarely see.

This year though BLTX will also be space for productive discussions on the making | marketing | selling of the self-published book, where practical aspects of actual independent book production will be shared by those who have survived it with sanity intact. BLTX Talks will happen the day after the BLTX small-press expo, a full six hours of four different panels that will answer central questions about PRINT PUBLISHING, ONLINE / WEB PUBLISHING, RETAIL & DISTRIBUTION, and COMMUNITY. All necessarily in light of the industry of independent self-publishing, and all against the traditional forms of cultural production as we know it in these shores.

Confirmed speakers for the BLTX Talks are Mabi David (HighChair), Tweet Sering (Astigirl), Honey de Peralta (Flipreads), Oliver Ortega (hal.), Ime Morales (FWGP), Mike David (Kubori Kikiam), Feliz Perez (Mt. Cloud).

Participating small-press and indie publishers for BLTX include The Cabinet,
 Gelo Suarez,
 hal. 
Heights,
 High Chair,
 Kubori Kikiam,
 Macoy,
 Omeng Estanislao, Pantas, Paper Monster Press, Patrick Rawwrr, QBCCC (The Quarterly Bathroom Companion Comics Compendium), Rob Cham, Silent Sanctum Manga, Tapat Journal, Tilde Acuña, UP Writers Club, Zigzag Animals, UP Music Circle, Migi de Belen.

BLTX is the brainchild of the Youth & Beauty Brigade. Check out the BLTX FB Event Page for updated lists of participating small-press and indie publishers and BLTX Talks speakers! See you at BLTX and BLTX Talks!

Here are more details about the venue for the BLTX Talks:

Chef’s Bistro, your all-in-one hang-out place for dining pleasures and memorable experiences.

Away from the traffic noise and the hassle and bustle of city streets, Chef’s Bistro’s location is perfect for focused events. Its function rooms are the perfect venue for your corporate or private meetings, with our delectable set meals served. Or just come as you are and lounge with us outdoor or on the veranda.

Tels.: 414-4515; 359-9975
Mobile: 0917-7989-811
Website: chefsbistro.wordpress.com
Like us on Facebook: facebook.com/ChefsBistroFusions
Follow us on twitter: twitter.com/#!/chefsbistroph
Googlemaps: Just type: Chef’s Bistro, Scout Gandia

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...