Saturday, March 24, 2012

Werk pa! FILCOLS @ The Forum on Intellectual Property and Traditional Knowledge (an IPOPHL event)

Notes ko sa event na ito:

1. According to Philippine Council for Health and Research, may mga kolaborasyon ang mga government department at agencies para mapreserba ang mga impormasyon tungkol sa traditional medicine. (Aba’y dapat lang!)

2. Ang laki ng mga problema ng indigenous peoples (IP). Hindi mailapat sa kanila ang IP Code of the Philippines kasi kaalamang-bayan ang intellectual property nila. Basically, ito ay public domain. Pero kung ito ay mananatili sa public domain, may mga mananamantala sa kanila. At ito ang iniiwasang mangyari kaya gumagawa ng paraan ang ilang mga gov’t agency.

3. Dapat may sariling parang “IP Code of the Philippines” ang mga indigenous peoples para protektahan ang kanilang mga produkto at kaalaman.

4. Kaya lang baka ito namang mga batas na ito ay maging prone sa butas at ma-exploit ng mga salbahe (ang ibinigay na halimbawa ay mining companies).

5. Ang suggestion ay dapat na manatiling unwritten at di nakasulat ang batas. Kumbaga, magiging batayan na lang ‘yong kung ano man ang mapagdesisyunan ng concerned ethnic group.

6. Kadalasan, ang mga researcher o cultural worker, humihingi ng consent sa mga ethnic group, para sa documentation lang. ‘Yon lang ang sinasabi nila sa ethnic group at siya namang inaaprubahan ng ethnic group. Kaya dapat may hiwalay na paghingi ng permiso ang researcher o cultural worker para naman sa publication ng kung anumang nakuhang kaalaman.

7. Nagkakaroon ng brain drain sa mga ethnic group. Halimbawa raw, sa Paete, ang mga gumagawa ng taka doon ay nire-recruit pa-abroad. Kaya pakaunti nang pakaunti ang nagtataka sa Paete. Nae-export ang traditional knowledge na ito. Ano ang dapat gawin?

8. Isa pang isyu ay ang peace and order. Minsan ay nahahati ang mga ethnic group kapag may conflict sa kanilang lugar. Kasi may mga nare-recruit ang militar, meron din ang mga rebelled. Meron ding ayaw pumanig sa dalawang side, independent kumbaga. Pati tuloy ang mga desisyon at aksiyon nila para maprotektahan ang kanilang kaalaman at produkto, naaapektuhan. Kasi watak-watak na sila.

9. At pag watak-watak ang grupo, mas madali silang mapagsamantalahan.

10. Kahit na considered as public domain, dahil may effort at may creativity pa rin na involved from the ethnic groups na nadagdag sa kaalamang-bayan o produkto, dapat ay may share pa rin sila sa benefits na natatamo ng iba (na kumikita mula sa mga kaalamang-bayan na ito at produkto).

11. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng harmony at mas mae-encourage ang mga katutubo na ipreserba ang sarili nilang kaalaman, produkto at kultura. Kasi patas ang treatment. At para magpatuloy din ang pag-benefit natin sa mga ito.

12. Mag-envision ka ng indigenous communities na kayang protektahan ang kanilang sarili mula sa mga mapanamantala. Ano ang nakikita mo? Maganda ba?

13. Pag may benefit-sharing, maa-appreciate ng mga ethnic group ang halaga ng mga outsider na nagpapalaganap ng kaalamang-bayan at produkto nila. Maa-appreciate din nila ang papel ng mga outsider sa buong industriya na kinapapalooban ng katutubong kaalamang-bayan at produkto.

14. Una sa lahat, kilalanin ang karapatan ng mga IP sa kanilang IP. Respeto is the key word.

Copyight ng mga larawan ay kay Bebang Siy.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...