Saturday, April 7, 2012

this is disiplina

Pagkagising ko, magpipinta na ako. Tapos pag napagod ako, magpapahinga, kakain. Tapos magpipinta uli.

-Zaldy Arboso, Antipolo based visual artist at pangulo ng SINAG (Siyudad ng Antipolo Arts Guild)

Nakakainggit.

Sarap buhay kapag nangyari sa akin ito. Kapag full time na akong writer, isusulat ko na ang lahat ng naiisip kong akda. Magpa-publish ako nang bongga.

Dati, sabi ko sa sarili ko, magba-blog ako araw-araw. Wala mang magbasa, ang importante, me post ako at nakapagsulat ako. Me output.

Hindi ko nagawa. Kasi sumaksak na sa isip ko na may nagbabasa talaga ng mga blog. At hindi ko puwedeng sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa blog. So might as well, magsulat na lang sa journal na nahahawakan at nabubuklat.

Me bago akong journal. Hindi naman ako nakakapagsulat ng mga gusto kong isulat. Puro minutes lang ng mga meeting ang naisusulat ko doon.

Dumating din ako sa time na contest ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Dahil sa contest, nagkakaroon ako ng deadline. Nagkakaroon ako ng tema. Kumbaga sa shooting, baril lang ako nang baril hanggang sa makatama pero kapag nariyan na ang detalye ng contest, nagkakaroon ako ng target. Mas madaling makatama kapag ganito.

So nakakatapos ako ng akda. Usually, talunan ang mga akda ko pero ayos lang. Hindi ako masyadong nalulungkot. Kasi, meron pa rin naman akong akda in the end. At nakasulat naman ako.

Pero ngayong nawawalan na ako ng ganang sumali sa mga contest, palagay ko kelangan ko ng bagong inspirasyon. Or rather, kelangan magkaroon ako ng bagong anyo ng disiplina.

From now on, pagkagising ko, magsusulat ako sa aking journal. Kahit isang sentence lang, basta araw-araw.

Go, Bebang!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...