Ito ay para sa mga pasahero ng dyip na may dalang
a. Malaking bag
b. Higit sa isang plastic bag
c. Payong
d. Loose na papeles
e. At iba pang gamit
…baka po puwedeng bago kayo humirit ng “Para, Manong!” ay sinupin n’yo
muna ang mga gamit n’yo.
Hassle kasi na pagkatapos ninyong pumara at nakahinto na ang dyip,
saka pa lang kayo maghahagilap ng handle ng inyong mga bag, tenga ng
inyong mga plastic bag at payong at mag-iimis ng mga papeles na hindi
naka-folder o kaya clip. Aba, naghihintay kaming mga pasahero (at ng
drayber) sa inyong pagbaba. Naaantala ang biyahe dahil sa wrong timing
na pagsisinop ninyo.
Isa pa, gusto ba ninyo ‘yong feeling na tinititigan kayo ng lahat
habang nagsusukbit ng bag sa balikat ninyo? Star of the day, ganon?
Star of abala, kanyo.
No win situation kasi ito. Bukod sa lost time para sa ‘yo at sa amin
at sa drayber, makakaramdam ka pa ng hiya. At mapapabilis ang pagbaba
mo. E, kung madulas ka? O kaya mauntog sa mga nakausling ilaw sa dyip?
Kaya kung ako sa mga ganitong uri ng tao, tatantiyahin ko. Kapag
malapit na ako sa babaan at nakabukas pa ang bag ko, malaki ang tsansa
na mahulog ang MAPE notebook ko at ang bagong biling Table of Elements
sa National, pati na ang apat na lapis na Mongol at dalawang itim na
Panda ballpen. Kasi siyempre, yuyuko ako para bumaba ng dyip. Isasara
ko na muna ang bag ko at isusukbit ito sa balikat. Tapos saka ako
papara.
Kung nairorolyo ang bag o maleta, ihanda na ang mga gulong nito.
Pihitin na ang handle o kaya ay hilain para mahawakan nang maayos.
Kung payong, hawakan na ito. Kung umuulan, tanggalin na sa
pagkakatali. Huwag munang buksan puwera na lang kung gusto mong
matusok ang mga mata ng kapasahero mo. Kung hindi umuulan, ‘wag nang
tanggalin sa pagkakatali. Puwedeng pagbaba mo, saka na lang kalagin sa
pagkakatali para tuloy-tuloy na sa pagbuka ang payong.
Kung marami kang pinamalengke, isa-isahin nang ipasok sa tenga ng
plastic bag ang iyong mga daliri. Magpraktis kung paanong buhatin ang
mga dala nang sa ganon ay masigurong walang biglang mapupunit na
bahagi ng plastic o anupaman. Iangat-angat mo ang mga hawak mo,
ganyan.
Si Edgardo M. Reyes, isa sa mga legendary na writer sa Pinas, noong
bata-bata pa siya ay napunitan ng lalagyan ng gulay sa loob ng isang
bus. Gumulong ang mga patola, kamatis at pipino. Damputan naman ang
mga pasahero at iniabot sa kanya ang mga ito. Iyong isa, pagkababa
niya ng bus, ay humabol sa kanya ng sigaw. “Patola mo, mister! Patola
mo, naiwan!”
Unless gusto ninyo ng ganitong eksena sa fragile ninyong buhay, iwasan
na ninyong mag-last minute check and sukbit ng mga
a. Malaking bag
b. Higit sa isang plastic bag
c. Payong
d. Loose na papeles
e. At iba pang gamit.
Kung may tanong, komento o suhestiyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment