Saturday, March 24, 2012

werk: IPOPHL’s event ITSO Launching and High Level Forum on Access to Global Technology for Innovation

ITSO means Innovation and Technology Support Offices. Para silang arm ng IPOPHL sa mga university at college.

Si WIPO’s Director General Mr. Francis Gurry ang keynote speaker sa event na ito held at the Peninsula Manila Hotel, Makati last 22 March 2012.

Notes ko:

Note: I attended the 2nd day. Leo attended the 1st day.

 Ang form ng economy natin ngayon ay unti-unti nang nagiging idea-based.

 Mabilis ang evolution ng mga idea para sa maayos na pamumuhay. Kapag stagnant ka, mamamatay kang talaga.


 Hindi mo dapat tinatanong ang market mo kung ano ang trip nila. By the time na makaimbento ka ng produkto para sa kanila, iba na naman ang trip nila.

 So either mag-imbento ka lang nang mag-imbento para matiyempuhan mo ang magugustuhan ng market o mag-imbento ka at gumawa ka ng paraan para magustuhan ng market ang imbensiyon mo.


 Sa 100 na innovations/inventions, apat lang ang mae-expose sa market.

 Sa mga inventor o creator, ‘wag kang humingi ng masyadong mataas ng pondo kasi baka wala nang mag-invest.


 Ang PWC ay investor/financier (nalimutan ko ang kahulugan nito).

 Ang Thomson Reuters ay provider ng intelligent information. Halimbawa, gusto mong makita ang mga patent document ng isang bagay, ang Thomson Reuters may database ng mga patent document, gagawa at iisip sila ng mga keyword na palagay nila ay maiisip ng mga nagse-search for a particular patent document. Kaya pag tinayp ang mga keyword na ito, lumalabas na ang document na hinahanap. Mas umiikli ang time ng pagre-research dahil sa intelligent information. Mas dumadali ngayon ang research process.

 Sa madaling salita, ang patent search system ay puwede palang gawing negosyo.


 Ang WIPS Global ay isang patent expert company from Korea. Mayroon silang analytic worldwide patent search system na ino-offer sa mga kliyente.

 Kaya may ganitong kompanya, karamihan kasi sa mga research and development activity ay nakabatay sa mga patent documents. Kaya ang paghahanap dito in a systematic way ay isang necessity.


 Ang representative ng Lexis Nexis naman ay nagsalita tungkol sa Prior Art. Akala ko naman kung ano ito, ang kahulugan lang pala nito ay iyong mga nauna nang naimbento.

 Ang strength ngayon ng Korea ay education, technology at innovation. Ang puhunan nila ay ang patents ng iba.


 Kahit sa elementary students ay ine-expose ng Korean government ang mga impormasyon tungkol sa patents. Halimbawa, kung gusto ng estudyante na malaman kung paanong ginagawa ang Samsung phones, hayan ang patent document.

 Iginigiit dapat sa mga estudyante kahit sa elementary level pa lang ang creativity at innovation. Dito magsisimula ang desire nilang mag-imbento at mag-research.


 Nakakapasok sa popular culture ang science-related concept. Halimbawa sa Korea, may mga comedy show na tumatalakay sa patent. Gumagawa sila ng joke tungkol dito. Mayroon ding mga drama TV program na ang kuwento ay may kinalaman sa patent. Kumbaga, may conscious effort na itaas ang curiosity ng karaniwang tao hinggil sa research at patent.

 Minsan, ginagamit ang animation para ipaliwanag ang patent sa mga bata.


 Nakikipag-tie up ang ilang university sa mga corporation para i-market ang isang university-based research. Naisip ko na puwede rin itong gawin sa publishing. Kasi sa ngayon, kanya-kanyang kayod ang student author. Kung gusto niyang ma-publish ang akda niya, siya mismo ang maghahanap ng publisher.

 Sa Pinas, pag na-patent, akala dapat gawin na itong produkto. Hindi naman lagi ay dapat na ganon.


 Importante ang mga imbensiyon lalo na sa field ng medicine. Kapag may mahihirap at may sakit na mga bata, hindi sila nakakapag-ambag sa development ng isang bansa. Doon kasi napupunta ang resources ng bansa, sa pagpapagamot sa kanila.

 Hindi naman kailangang i-patent ang lahat ng maimbento. Kasi kung wala namang magla-license, sayang ang patent.


 Meron 109 state universities and colleges sa buong bansa. Sila ay miyembro ng Philippine Association of SUC’s.

 Paliit nang paliit ang budget ng mga SUC at tatlo pa ang role ng mga SUC: research, instruction at extension. Kung may 24 units ang isang teacher, makakapag-research pa ba siya?


 Sa UP Manila, may mga doctor at researcher na nag-research, sa library at internet. Hindi sila nag-patent research. May katulad na pala ang ginagawa nila. So patent search muna para sigurado.

 USAID: sumusuporta sa mga research initiative, nagte-train ng mga propesor at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga organisasyon para maikonek ang mga educational institution sa mga ito (for funding and other support of course).


 Edukasyon ang kailangan para magkaroon ng economic growth.

 Sa Japan, libre lang ang impormasyon tungkol sa latest technology. Pero alam din ng user na ito ay hindi pa mamirata sila ng gawa ng iba, ito ay para lang ma-inspire sila.


 Pero kung bulk info ang kailangan, me bayad na pero murang-mura lang. Sa Japan pa rin ito.

 Dapat mayroong digital library na concentrated lang sa Intellectual Property. At free dapat ito.


 Mas maganda kung may maayos na dissemination policy para mas marami ang maabot ng ganitong impormasyon.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...