Saturday, December 23, 2017

ideas ideas ideas

maligayang pasko!

alam ko, kasagsagan ng holidaze ngayon. at dapat ay pampasko rin ang isinusulat ko. pero hindi, e. sori. andaming pumapasok na idea sa utak ko para sa aking work!

1. naiisip kong ituloy na ang children's book corner! walang space ang ccp library for a children's corner, kaya inialok ko kay mam alice esteves, ang head ng ccp library, ang munti naming publication room. ito ay ang small room sa silangan hall, pasay side. although, medyo maliit ito at enclosed, para siyang square na kahon ng sapatos sa liit, maituturing pa rin siyang libreng space na puwedeng galawan ng mga bata. saan naman ako ngayon maghahanap ng mga gamit na ilalagay sa loob? ewan ko pa. papayag ba si papa p na dalhin ang ilang gamit ng mga anak namin doon, like toys, lalagyan ng books? i am not so sure. mag-solicit kaya ako? im sure maraming gustong tumulong, kaso di naman yata ako allowed na gawin ito nang walang permiso ng higher ups. nae-excite na ako. gusto ko me isang cozy na upuan para sa parent and child. gusto ko me maliliit na upuan for kids. at saka isang banig where kids can crawl or lie down. weee! gusto ko rin merong mga unan ang banig. gusto ko rin ng mga hat na puwedeng isuot ng kids while they are there. gusto ko rin maraming stuffed toys doon. no small toys kasi baka maubos hahaha baka iuwi ng kids. i'm so happy! sana patulan ito ng higher ups.

2. naiisip kong gawing indi reads library ang aming bagong space sa silangan hall, pasay side. magkakaroon na kami roon ng munting office, ibinigay na sa amin iyon last dec 14 ng space committee headed by sir rdr and mam tess. hinihintay na lang namin ang modular partitions with table top. sa wakas, magkakaroon na ng additional space ang ID para sa mga hiree at intern. anyway, kanina, nakabasa ako ng article tungkol sa mga children's book na tungkol sa visual arts. isa sa books na tinalakay ay tungkol sa isang lalaki na pinta lang nang pinta sa malalaking space. wala siyang pakialam, basta pinta lang siya nang pinta. gusto niya naise share niya sa publiko ang kanyang art. biglang may tumibok na ilaw sa utak ko. puwede kong i-open sa publiko ang koleksiyon naming mag-asawa ng mga indie publication! marami rami na rin ito dahil unang taon pa lang ng bltx ay bumili na kami! at taon-taon naming dinadayo ito, dati sa ilyongs, tas sa lopez museum, tas sa uno morato, tas ngayon, sa maginhawa. gusto ko na ring magdala ng mga gamit sa bahay na puwede naming ipang-decorate sa aming bagong space at siyempre sa lugar na gagawin naming indi reads library. gusto kong magdala ng book stands, book ends, mga palamuti at iba pa. gusto ko ring manghiram ng sofa sa alert, nandoon lang naman iyon sa bodega, inaalikabok! yay, ang saya. magiging cozy ang space na iyon, dadayuhin kami ng mga estudyante, at ng book lovers! ang saya!

3. excited na ako sa saranggola blog magazine. it will really compel me to write about creative writing. i am thinking of turning it into a magazine about the book industry in the Philippines. parang book watch ganon. pero mas light, mas madaling basahin. i have a list of topics already. ito yung list of topics that i submitted to nbdb when i applied as editor of book watch in 2014. eto, i-update ko lang ang iba rito, oks na:

1. Poetry reading projects at literary scene sa Naga, Bicol;
2. Pagtulong ng book industry sa rehabilitasyon ng mga bayang
nasalanta ng bagyong Yolanda;
3. Copyright corner;
4. PUP Creative Writing Center na pinangungunahan ngayon ng batikang
manunulat at propesor na si Jun Cruz Reyes;
5. Mga bagong palihan para sa kabataang manunulat tulad ng Palihang
Rogelio Sicat, writers workshop ng UP Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, at Gipawan, isang island wide na workshop para
sa kabataan ng Lalawigan ng Quezon, at ang KABANATA ng PBBY;
6. Mga bagong aklat na isinulat ng mga scientist at NGO (mula sa iba’t
ibang larangan);
7. Kung bakit patok ang mga aklat tungkol sa financial wellness at management;
8. Mga bagong akademikong journal tulad ng Hasaan ng Unibersidad ng Sto. Tomas;
9. Mga bagong aklat ng salin o hinggil sa pagsasalin;
10. Mga bagong publikasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad
ng KWF, NCCA, CCP at IPOPHL;
11. Mga akda sa Wattpad at ang mga awtor nito;
12. Independent Publishing sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas;
13. Dagdag Dunong Reading Center sa San Andres, Maynila;
14. Tatlong lunan para sa mga book lover sa Baguio; at,
15. Mga aklat tungkol sa journalism lalo na ang tungkol sa
investigative journalism (ito ay para sa napapanahong pagtalakay sa
mga isyung kaugnay ng Napoles scam at katiwalian).

sabi nga pala ni blue, baka mas maaga ang sba 2018 para may panahon pang ma-include ang winning entries sa collection of winning works ng sba year 1-year 10. hmm hindi ako sure kung kakayanin pa rin namin na mailabas ang sba book sa 2018. kasi napakatagal ng preparation para sa isang publication. since wala pa kaming masyadong napag-uusapan tungkol dito, wala pang nagagawa na kahit isang hakbang para sa ilalathalang libro. hmmm... sige, basta tingnan natin!

4. bltx or zine fest sa tiaong, quezon. kinausap ko na si jord dito, ok daw sa kanya. kinausap ko na rin si ina, go daw sa bahay nila sa tiaong. engrande ang bahay nina ina doon, nakita ko sa pic. nice! pag-uusapan pa ang details. sa summer ang target date. one day affair. all over quezon ang mga magbebenta ng akda.

5. bltx or zine fest sa cavite. kinausap ko na si karl dito, ok daw sa kanya. nag-post na siya tungkol dito. ang suggestion ko ay sa kawit shrine ganapin, para may historical field trip ang mga dadayo, for free! at kakilala ni poy si angelo aguinaldo, baka ilibre ang space!

6. bltx or zine fest sa tarlac. kinausap ko si bayani dito, interesado siya. sabi ko, involve niya ang samanta. samahan ng mga manunulat sa tarlac. may napagsabihan na raw siya at ok naman daw.

7. bltx or zine fest sa butuan. kinausap ko si kurthny dito, interesado siya. sabi ko kontakin ko siya uli pag nakausap ko na si adam

so far, sabi ni adam, need lang niyang makausap ang mga point person kahit through fb group chat. since di ako marunong gumawa ng group chat, am waiting for jord to do it. siya na bubuo nito.

mukhang magiging mabunga ang 2018 natin, ano? patak-patak pa lang ang ideas sa lagay na iyan, ha? go go go!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...