Thursday, November 30, 2017
Sample ng Radio Drama para sa Pasko
Untitled
Scriptwriter: Beverly Siy
Local 1706, 0919-3175708, ccpintertextualdivision@gmail.com, 5515959
SFX: MTRCB sound bite
V.O.
Rated SPG. Estriktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
Inihahandog ng Team Buang ang dramang pangradyo na pinamagatang _______. Ang magsisipagganap ay sina:
INSERT NAMES OF PARTICIPANTS AND THEIR ROLES
Isang araw, sa bahay ni Melchor.
SFX: Cellphone ringing
(NOTE TO KINGS 1, 2 AND 3: KAILANGAN PANGMATANDA ANG BOSES N’YO. PARANG UUGOD-UGOD, MABAGAL.)
KING 2: Hello?
KING 1 (over phone): Melchor, nagpakita na! Nagpakita na ang bituin!
KING 2: Talaga, Gaspar? Talaga? Yehey! Tara na! matatagpuan na natin ang sanggol na si Hesus!
KING 1: Pero mukhang malayo at mahabang paglalakbay ito, Melchor.
KING 2: Ganern? Anong tantiya mo? Mga ilang araw?
KING 1: Siguro, mga pitong araw. Lalo na ngayon, December. Grabe ang traffic. Lahat ng kalsada na katapat ng SM, barado. Christmas sale e.
KING 2: Sige, agahan na lang natin ang biyahe. Si Baltazar, nakontak mo na?
KING 1: Hindi sumasagot sa mga tawag ko.
KING 2: Nag-leave din siya sa group chat natin.
KING 1: Ewan ko do’n, baka me sariling plano. Di bale, kahit dalawa lang tayo, gorabells tayo. Importanteng matagpuan natin ang sanggol na si Jesus para mabigyan natin siya ng babala tungkol sa plano ni Herodes na ipapatay siya.
KING 2: Tama ka! Daanan mo ako in 10 minutes. Bye!
(ENTER DORA THE EXPLORER THEME SONG). WE MAY USE THIS: https://www.youtube.com/watch?v=rGyLz5219Lg)
KING 2: Uy, road trip! Dora the Explorer ang peg. Ano ba ang mga dapat kong iempake? Tubig!
SFX: Tubig na lumalagaslas
KING 2: Alak!
SFX: boteng de tansan na binubuksan
KING 2: Chichirya!
SFX: Chichiryang binubuksan
KING 2: For emergency cases, swiss knife!
SFX: ina-unleash na samurai
KING 2: For emergency cases, diatabs!
SFX: flush ng inidoro
KING 2: Kikay kit! Toothbrush, toothpaste, pabango!
SFX: Spray 3x
KING 2: At siyempre, para hindi boring ang biyahe, kailangan ang petmalu na soundtrack!
SFX: lumang plaka na isinasalang at pinapatugtog
KING 2: ehem, ehem
(START OF CHRISTMAS IN OUR HEARTS SONG. THEN ANG BOSES NI KING 2 AY MAGIGING NORMAL NA, HINDI NA PANGMATANDA AT UUGOD-UGOD.)
Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the street
I remember the child in the manger as he sleeps
Wherever there are people
Giving gifts exchanging cards
I believe that Christmas is truly in our hearts
Let's light our Christmas trees for a bright tomorrow
Where nations are at peace,
And all are one in God
Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
This season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts
(HIHINA ANG TUGTOG OR HIHINTO ANG MUSIC.)
SFX: busina ng kotse
KING 2: Aba, ayan na si Pareng Melchor!
SFX: pagpihit ng door knob, pagbukas ng pinto
KINGS 1 AND 2 (sabay): Melchor! Gaspar!
(MUSIC PLAYS AGAIN.)
KING 1:
In every prayer and every song
The community unites celebrating the birth of our savior Jesus Christ
Let love like that starlight on that first Christmas morn
Lead us back to the manger where Christ the child was born
So come let us rejoice
Come and sing the Christmas carol with one big joyful voice
Proclaim the name of the Lord
Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
This season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts
KINGS 1 AND 2 (duet na):
Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
The season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts
KING 1: O, ready ka na? Naghihintay ang Uber.
KING 2: Yes!
SFX: Zipper ng maleta
KING 1: Naipasok mo ba sa maleta ang regalo mo para kay Baby Jesus?
KING 2: Ha? Anong regalo? Wala akong regalo!
SFX: Busina
KING 1: Pasaway! Sa daan na lang tayo bumili.
V.O.: Pagkalipas ng ilang oras.
KING 2: Ano ba ang regalo mo, Gaspar?
KING 1: Heto, ginto.
KING 2: Wow, lodi! Ang yaman. E di ikaw na.
SFX: Biglang umiingay. Parang palengke.
KING 1: Teka, teka, nasaan na ba tayo? Bakit dito tayo dumaan, Manong Uber? Trapik dito sa Divisoria!
MANONG UBER: Binulungan po ako ng kaibigan ninyo, change course daw po tayo. May bibilhin lang siya rito.
KING 1: (galit na galit) Ang cheap mo, Melchor, dito ka sa Divisoria bibili ng regalo para kay Hesus?
SFX: preno ng kotse, pagbukas ng pinto ng kotse.
KING 2: Ops, ‘wag ka na magalit. Tutal ito naman ang ultimate shopping destination!
MANONG UBER: E, Melchor at Gaspar, sasama na ako sa pagsa-shopping!
SFX: pagsara ng kotse. Louder noise from Divisoria ambience.
KING 2: At saka, medyo tight kasi ang budget natin, wala pa ‘yong bonus ko, e. Tara na.
KING 1: Anong wala pa? Pumasok na sa ATM natin two weeks ago!
KING 2: O siya, siya, oo na! Pero dito na ako bibili ng panregalo, total nandito na tayo. At saka marami ding mahal dito. Hindi lahat ng nilalako dito ay mura.
TINDERA: Bili na po kayo, Mam, Sir. Sofa bed, bente mil lang.
KING 2: O, ayan! Sofa bed. Bente mil. Mura ba ‘yan? Mura?!
KING 1: O siya, siya na! Bilisan na natin. Ito ang magandang ipanregalo: kamanyang at mira. Pero wala niyan dito sa Divisoria!
TINDERO: Bili na, suki. Anong hanap ninyo? Meron kami niyan dito sa bangketa.
MANONG UBER: Para sa bata nga po, kuyang tindero.
TINDERO: Ito, rattle!
SFX: rattle
TINDERO: Hello Kitty ang design niyan.
KING 1: Pang-baby boy po.
TINDERO: Ito, dito sa akin, suki! Kotse-kotsehan!
SFX: humaharurot na kotse, busina at wangwang
TINDERA: libre na busina at saka wangwang. At meron ding…
SFX: Please turn right to Pedrow Byu-kah-neyg Street, Pah-say Sih-tih!
TINDERA: Waze! High-tech, ano? Bili na. Wan pipti na lang sa inyo.
KING 2: E, bagong panganak po, baby boy. Hindi pa puwedeng maghawak ng kung ano-anong laruan.
TINDEROA A…baby, na bagong panganak, na boy? Si baby Jesus ba iyang reregaluhan ninyo? Meron kaming … kamanyang at mira!
KINGS 1 at 2: Huwaaaat?
TINDERA: Oo, heto! Ipa-plastic ko na.
SFX: plastic na binubuksan
TINDERA: Two twenty lang lahat. Gusto n’yo i-giftwrap natin?
KINGS 1 at 2: A… hindi na po. Ito na ang bayad. Nagmamadali kami, ate. Halika na, Manong Uber.
MANONG UBER: Ehe, bago tayo bumiyahe, itanong na natin sa aling tindera, para saan po ba iyang kamanyang at mira?
TINDERA: Kamanyang at mira? In English, frankincense and myrrh?
MANONG UBER: Opo. Iyan nga. Pero okey lang po kung di ninyo alam. I-Google ko na lang.
TINDERA (magiging super sosyal ang twang): Of course, I do know. This is called product knowledge and here in Divisoria, that is our expertise. Well, well, well, lemme see. Since the early days of Christianity, Biblical scholars and theologians have offered varying interpretations of the meaning and significance of the gold, frankincense and myrrh presented to Jesus. These were standard gifts to honor a king or deity in the ancient world: gold as a precious metal, frankincense as perfume or incense, and myrrh as anointing oil. Frankincense, which was often burned, symbolized prayer rising to the heavens like smoke, while myrrh, which was often used for burials, symbolized death. Accordingly, a mixture of wine and myrrh would be offered to Jesus during his crucifixion. Got it?
MANONG UBER: K, thanks, bye.
SFX: car lock remote sound, car door opens, car door closes, pag-arangkada
V.O.: Sa ikapitong araw ng road trip nina Melchor at Gaspar…
MANONG UBER: Ayan na, mukhang malapit na tayo, guys! Ang laki-laki ng bituin na nasa tapat ng kanto na iyon! Di ba iyon ang star na sinusundan natin?
(MAS MAGANDA PO NA MALAMAN KO IYONG SONG NA IPAPASOK DITO SA ROAD TRIP NA PART, ANY SONG PO AKO NA ANG BAHALA MAGSULAT NG PAGSEGUE SA SONG.-bebang)
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
KINGS 1 at 2: Sa wakas, nandito na tayo!
SFX: preno, car door opens and closes, footsteps, katok
KINGS 1 at 2: Tao po! Tao po!
SFX: Door opens
KINGS 1 at 2: Baltazar!
SFX: trumpet, happy sound, please remember, voice of KING 3 is old, slow, etc.
KING 3: Uy, guys, sorry, nauna na ako rito. Hindi na ako sumabay sa inyo.
KING 1: Ayaw mong humati sa bayad para kay Manong Uber, ano? Ang mahal nga, e. Inabot kami ng Four… forty two thousand pesos.
KING 3: Huy, hindi naman sa ganon, Gaspar. Okey lang makihati ako sa Uber, may natanggap na akong bonus sa ATM ko.
KINGS 1, 2, 3: Apir!
KING 3: Pero seryoso? Forty two thousand pesos ang inabot ng Uber n’yo? Paano ang justification niyan? Patay kayo sa accounting! Hala!
KING 2: E, meron namang resibo si Manong Uber. Tama ba, Manong?
MANONG UBER: Oo, meron po. Kung kailangan i-justify sa accounting po ninyo, handa po akong humarap sa department manager. (bubulong) Single pa ba siya? Single pa kasi ako, mga koya.
KING 1: Sige, sige, samahan mo kami ha, pagbalik natin. Anyway, kumusta ang biyahe mo, Baltazar? Ambilis mo, ha?
KING 3: Okey naman ang biyahe ko. Kasi pagkabili ko ng regalo para kay Baby Jesus, may natiyempuhan ako na libre daw na sakay.
KING 2: Wow, saan iyan? Anong sasakyan?
KING 3: Oo, libreng sakay through this girl, ang name niya ay Mam Sheila. Kaya sumabay na ako, seven days ago. Sayang din, e. Ambilis ng biyahe ko, convenient pa. Ang suwerte ko nga! Sasabay na akong lagi kay Mam Sheila.
KING 1: E, di ikaw na ang suwerte! Teka, hindi mo ba kami papapasukin? Gusto na naming makita si Baby Jesus at ang pamilya niya.
KING 3: Ay, pasok! Pasok!
SFX: door opens, farm animal sounds, heavenly music na very very soft-something like this: https://www.youtube.com/watch?v=xTyp6oPQR6Q
KINGS 1, 2 at 3 (super happy): Halleluya! Pagpalain ang sanggol na si Hesus! (3x)
SFX: atungal ng baby, super lakas, super annoyed
MAMA MARY (very mahinhin): Kayo ba sina Melchor at Gaspar?
KINGS 1 at 2: Kami nga po.
MAMA MARY: Ang ingay n’yo! Nagising tuloy ang baby ko!
KING 1: Naku, sori po. Sori! Nice to meet you, Mam.
KING 2: Narito po kami upang ialay ang mga ito.
KINGs 1 at 2: Ginto, kamanyang at mira.
MAMA MARY: Ay, grabe, salamat, nag-abala pa kayo! Sobrang thank you! Sandali at ipapakilala ko si Jose, kasama namin siya ni Hesus. Mainam nang makilala n’yo rin siya. Karangalan niya ang mahandugan ng ginto, kamanyang at mira ang aming sanggol.
SFX: pagpindot sa cellphone, cellphone rings, phone call is picked up
SFX from cellphone ni Jose: pagpukpok ng martilyo, pagwe-welding, pagdi-drill at pag-chainsaw
JOSE: Yes, Mary, bakit ka tumatawag?
MAMA MARY: Jose, may bisita tayo. Ano ba’ng ginagawa mo riyan? Gabing-gabi, nagkakarpintero ka?
JOSE: Gumagawa ako ng higanteng Christmas tree. May nakita kasi ako sa internet, ang ganda! Habi ng Pagkakaisa ang tawag sa design.
MAMA MARY: (masayang-masaya) Ay, na-Google ko rin iyan kanina! Maganda nga. Iyong pupunta ka sa ilalim para ma-appreciate mo iyong design tapos inspired by different ethnic groups dito sa Pinas ang bawat bahagi ng Christmas tree?
JOSE: Oo!
MAMA MARY: (masungit, seryoso) Mam’ya na iyan. Pumarito ka muna.
SFX: phone call ends
MAMA MARY: Pasensiya na kayo, Melchor, Gaspar, Baltazar. Artistic talaga iyang asawa ko. Me talent sa production design. Pag kailangan ninyo ng gagawa sa mga kaharian ninyo, sabihan n’yo ako, ha? Ihatid ko siya sa inyo.
KINGS 3: Okey po! (pabulong) pero kailangan mag-Philgeps pa rin siya, tama ba ako, Melchor at Gaspar?
SFX: footsteps
MAMA MARY: Heto na siya, si Jose. Dyowa ko.
JOSE: Magandang gabi sa inyong lahat.
KINGS 1,2,3: Magandang gabi po, Mang Jose. Congratulations po sa pagkakasilang sa inyong sanggol.
JOSE: Ay, salamat! Salamat nang marami.
KING 1: Naroon po ang handog namin sa inyong sanggol.
KING 2: From Divisoria!
KING 1: (tatawa!)A… ang ibig po niyang sabihin ay bibili po sana kami ng gift wrapper niyan sa Divisoria! Kaso po trapik. Wala kasing Asean Lane doon.
JOSE: Okey lang. Huwag mahiya. A shopping trip in Divisoria is part of Pinoy Christmas tradition. Muli, maraming salamat sa inyong tatlo. Naglakbay pa talaga kayo para lang makapaghandog kay Hesus. Ano-ano nga ba ang mga iyan?
MAMA MARY: Heto, o.
SFX: plastic na binubuksan
JOSE: Ginto.
MAMA MARY: Wow.
JOSE: Kamanyang.
MAMA MARY: Wow.
JOSE: At mira.
MAMA MARY: Wow.
JOSE: Salamat, Melchor, Gaspar at Baltasar.
MAMA MARY: Pero ito ang pinakamagandang regalo sa lahat. Ang dala ni Baltasar.
ALL: Ano iyon?
MAMA MARY: Ito, inilagay niya sa isang baul.
SFX: baul opens
ALL: Aba… CCP Calendar of events! At mga tiket sa CCP shows!
MAMA MARY: Bongga, di ba? Bilang isang ina, importante sa akin na mamulat sa sining ang aking anak, kahit bulilit pa siya. Gusto kong makakita siya ng sari-saring art exhibit at dance concerts, makapakinig sa sari-saring literary performances at musical concerts, at makapanood ng sari-saring stage plays at sine! Gusto ko, ngayong maliit pa lang siya ay makita niya ang husay ng mga alagad ng sining mula sa Pilipinas. Gusto ko, bilang isang ina, maging proud siya sa sining at kultura ng ating bayan!
KING 3: Masaya ako na nagustuhan ninyo ang regalo ko. Habang nagmumuni-muni ako kung ano ang mainam na regalo, isa lang ang pumasok sa isip ko.
ALL: Ano iyon?
SFX: Enter CCP hymn intro
KING 3:
Dakilain ang kulturang Pilipino
Ang buhay at kaluluwa ng sambayanan
Pinagbubuklod sa sining at talino
Mga lipi’t bayan ng sangkapuluan
Sa ating pagkakatulad at pagkakaiba
Binibigkis tayo ng kulturang Pilipino
Kulturang di padadaig sa alinmang bansa
Saligan ng pag-unlad, alay sa buong mundo.
KING 3: Mama Mary, ano po ang masasabi ninyo?
MAMA MARY:
Makiisa sa marangal na layunin
Ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Itaguyod at ipagmalaki natin
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
Sa ating pagkakatulad at pagkakaiba
Binibigkis tayo ng kulturang Pilipino
Kulturang di padadaig sa alinmang bansa
Saligan ng pag-unlad, alay sa buong mundo.
KING 3 at MAMA MARY:
Makiisa sa marangal na layunin
Ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Itaguyod at ipagmalaki natin
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
V.O.: At diyan po nagtatapos ang pagtatanghal ng Team Buang. Maligaya at masining na Pasko sa ating lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment