Ano-ano ang mga dapat hingiin kapag kinontak ka ng publisher at isasama raw nila ang akda mo sa kanilang textbook?
1. title ng akda- siguruhin mo muna na akda mo nga ang gusto nilang isama at ilathala sa kanilang textbook. baka hindi mo pala akda ang tinutukoy nila,haha!
2. bersiyon ng akda na ilalathala nila sa textbook- ito ay para makita mo kung anong bersiyon ang pinagkakainteresan nila. dito mo rin malalaman kung saan nila nakuha ang bersiyon ng akda mo. pagkakataon mo na rin ito para maiwasto ang anumang pagkakamali sa bersiyon na gusto nilang ilathala. icheck mo kung buo ba ang akda mo, kulang ba, sobra ba, mali ang format, at iba pa. magbigay ng abiso sa paraan ng paglalathala ng gusto mong lumabas para sa iyong akda sa kanilang textbook
3. title ng textbook- para naman mailagay mo sa iyong resume
4. pangalan at contact details ng publisher- para malaman mo kung reputable ba iyan o hindi. bago ba yan o hindi, malaki o hindi, at legit ba o fly by night. para din malaman mo kung sino ang interesado sa iyo.
5. pangalan at contact details ng editor/s- same as number 3
6. detalye ng permit fee- ang permit fee ay ang fee na ibibigay ng publisher sa iyo kapalit ng pagpayag mo na mailathala ang iyong akda sa kanilang textbook. magkano ba iyan? ok ba sa iyo ang amount? mataas ba? mababa? alalahanin, hindi ka nagde-demand ng bayad para sa iyong akda, ang iyong akda ay priceless! ang permit fee ay bahagi mo sa kikitain ng kumpanya sa sales ng textbook. na siguradong tatabo sa takilya dahil helo ilang estudyante ang bibili niyan, ilang eskuwelahan ang magre-require niyan. magkano ang katanggap-tanggap? ok na ba sa iyo ang piso per copy ng textbook per print/reprint ng isang edition? for example, balak ng publisher na maglabas ng 5k copies, ang hihingin mo ay 5k pesos for this certain edition only. ok ba?
kung ang isang textbook ay P400 ang presyo, at 5,000 copies ang iimprenta nila at ibebenta, bale dalawang milyong piso po ang gross income nila. limang libong piso lang ang dine-demand mo. tinga ba.
7. detalye ng tax na ibabawas sa permit fee- ilang percent ba? ikaw ba ang magre-remit o ang publisher? kung publisher ang magre-remit, humingi ng kopya ng BIR Form 2307 kahit through email lamang. ibigay mo sa kanila ang iyong tax identification number o TIN at ang iyong complete home address. kailangang ilagay iyon ng publisher sa nasabing BIR form.
8. detalye ng method of payment- Cash? Check? If cash, paano ito ipapadala sa iyo? may ikakaltas bang remittance fee? idedeposito ba sa bank account mo? Kung check, kanino mo ibibigay ang bank details mo?
9. detalye ng pagbibigay ng compli copy-ang compli copy ay complimentary copy, meaning kopya para sa iyo. at libre ito dapat. ito ay para may kopya ka ng libro kung saan nalathala ang iyong akda. dapat i-deliver nila ito sa iyo nang libre, meaning, hindi ikaw ang magbabayad ng pagpapadala sa iyo. palagay ko, ok na ang isang kopya.
10. detalye ng presyo kung ikaw mismo ang bibili ng extra copy nito- may discount ka ba?
11. detalye ng format- print lang ba o kasama ang digital format? kung pati digital format, ano ang mga paraan nila para maprotektahan sa mga pirata ang gawa mo?
12. detalye ng edisyon- pang-ilan na nga ba ito? ilang kopya sa isang edisyon ang iimprenta nila? usually 3,000 to 10,000 copies per edition. pag lumampas ng 10,000 copies per edition, super laki ng publisher na iyan. milyon to bilyon ang kita niyan, wag mahiyang maningil ng mas mataas.
13. detalye byline mo- anong gusto mong version ng iyong pangalan ang lumabas sa ilalim ng pamagat ng iyong akda?
14. detalye tungkol sa akda mo- kung na-publish na noon ang iyong akda o nanalo sa contest, mas mainam na nakasaad ito sa textbook, pero it's really up to you kung isasama mo pa ang mga ganyang detalye
Tuesday, November 29, 2016
Saturday, November 19, 2016
Throwback
paano kaya nagbabalik-tanaw ang mga tuta ni marcos na miyembro ng kapulisan at militar noon? ano kaya ang ikinukuwento nila sa kanilang mga apo? ganito kaya?
noong unang panahon, mga apo, gabi-gabi kaming nangingidnap ng mga aktibista, wala, di kami makapalag. utos kasi ng nakakataas.
dinadala namin ang mga aktibista sa liblib na mga bayan. paaaminin namin sila ng kung ano-anong kasalanan. pag hindi sila nagsalita, bubunutan namin sila ng mga kuko. 'yan, iha, pinky ba ang tawag n'yo diyan ngayon? 'Yang pinakamaliit na daliri ang inuuna namin, para di naman magulat ang binubunutan. tawa kami nang tawa habang sigaw-iyak sila. nakakatawa kasi 'yong mga mukha nila. parang pinipilipit na tsinelas. pag naubos na ang mga kuko sa kamay, iyon namang sa paa. pag naubos ang nasa paa, babalik kami sa ulo. bubunutan naman namin sila ng ngipin. iyon ang mahirap kasi naiisahan nila kami. nakakagat nila ang mga palad namin. masakit sila kung gumanti. gigil na gigil silang mangagat. masakit tuloy ang kamay namin, lalo na kapag kinakalabit na namin ang gatilyo.
kapag babae naman ang nakikidnap namin, naku, mas mahirap. napakahaba ng biyahe. kailangang mas liblib ang lugar. mas matinis kasi ang mga sigaw nila, baka may makarinig kahit busalan namin ang kanilang bunganga ng sarilii nilang mga panty. kung saang probinsiya tuloy kami napapadpad. gabing-gabi na ang dating namin at saka pa lang kami makakapaghapunan, kanin, galunggong. minsan, laro muna bago kain. sabay-sabay kaming hihithit ng sigarilyo tapos sabay-sabay din naming papatayin ang mga ito sa suso ng babae. magkabilang suso. unahan pa nga kami sa utong. may premyo kasing dagdag na tasa ng kanin ang sinumang makapagpatay ng sigarilyo sa mismong utong. ang babaw ng kaligayahan namin noon, ano?
at alam n'yo, minsan, nangingidnap din kami ng isang buong pamilya. pag may babae at lalaki na magkapatid, ibinubukod na namin iyan. wala kasing TV sa mga lugar na pinagdadalhan namin sa kanila kaya sila na lang ang show sa gabi. pampalipas-oras din ba. pinagtatalik namin ang magkapatid. sabi namin, pipilahan namin ang babae kapag sinuway nila kami. sigaw-iyak naman na susunod ang dalawa. hala, hubad agad. at kami, tiis-tiis sa lamok. kailangan naming magtiis para lang mapanood nang buo ang palabas, palakpakan mula umpisa hanggang wakas.
ganon ang aming panahon, mga iho at iha. masaya na mahirap. mahirap na masaya.

Ang Mga Kuwento ni Lolo
Paano kaya nagbabalik-tanaw ang mga tuta ni Marcos na miyembro ng kapulisan at militar noon? Ano kaya ang ikinukuwento nila sa kanilang mga apo? Ganito kaya?
Noong unang panahon, mga apo, gabi-gabi kaming nangingidnap ng mga aktibista. Wala, di kami makapalag, utos kasi ng nakatataas. Dinadala namin ang mga aktibista sa liblib na mga bayan. Paaaminin namin sila ng kung ano-anong kasalanan. Pag hindi sila nagsalita, bubunutan namin sila ng mga kuko. Iyan, iha, pinky ba ang tawag n'yo diyan ngayon? Iyang pinakamaliit na daliri ang inuuna namin, para hindi naman magulat ang binubunutan. Ay, tawa kami nang tawa habang sigaw-iyak sila. Nakakatawa kasi 'yong mga mukha nila, parang pinipilipit na tsinelas. Kapag naubos na namin ang mga kuko sa kamay, iyon namang sa paa. Kapag naubos ang nasa paa, babalik kami sa ulo. Bubunutan naman namin sila ng ngipin. Iyon ang mahirap, aba'y naiisahan nila kami. Kinakagat nila ang mga palad namin. Matindi sila kung gumanti. Gigil na gigil sila kung mangagat. Nagkakasugat-sugat ang kamay namin. Ang sakit tuloy, lalo na kapag kumakalabit kami ng gatilyo.
Kapag babae naman ang nadudukot namin, naku, mas mahirap. Kailangan naming maghanap ng mas liblib na lugar dahil mas matinis ang mga sigaw nila, kahit pa busalan namin ang kanilang bunganga ng sarilii nilang mga panty. Ay, baka may makarinig. Ang haba-haba ng biyahe kasi kung saan-saang probinsiya kami napapadpad. Gabing-gabi na ang dating namin at saka pa lang kami makakapaghapunan, kanin, galunggong. Pero minsan, laro muna bago kain, pampatanggal ng hapo. Sabay-sabay kaming hihithit ng sigarilyo, tapos sabay-sabay din naming papatayin ang mga ito sa suso ng babae. Magkabilang suso. Unahan pa nga kami sa utong. May premyong dagdag na tasa ng kanin ang sinumang makapagpapatay ng sigarilyo sa mismong utong. Kay babaw ng kaligayahan namin noon, ano?
At alam n'yo, minsan, nangingidnap din kami ng pami-pamilya. Pag may babae at lalaki na magkapatid, ibinubukod na namin iyan. Wala kasing telebisyon sa mga lugar na pinagdadalhan namin sa kanila, kaya sila na lang ang show sa gabi. Pampalipas-oras din ba. Pinagtatalik namin ang magkapatid. Sabi namin, pipilahan naming lahat ang babae kapag sinuway nila kami. Sigaw-iyak naman na susunod ang dalawa. Hala, hubad agad. At kami, tiis-tiis sa lamok. Kagat dito, kagat doon, kay peste. Kailangan talaga naming magtiis para lang mapanood nang buo ang palabas, palakpakan mula umpisa hanggang wakas.
Ganon ang aming panahon, mga iho at iha. Masaya na mahirap. Mahirap na masaya.

Monday, November 14, 2016
Movies that talk about Copyright Issues
Dahil adik si Poy sa mga pelikulang banyaga, at lagi naman akong napapatutok sa computer kapag nanonood siya ng mga ito, nakatuklas ako ng ilang pelikulang banyaga na tumatalakay sa ilang usapin sa copyright. ahaha ang weird naming mag-asawa ano? siya adik sa pelikula, ako, adik sa copyright!
anyway, heto ang ilan sa mga sinasabi kong pelikula:
1. julie and julia
ang bida rito ay sina amy adams as julie at meryl streep as julia. 2009 pa ipinalabas ang pelikulang ito na tungkol sa pagluluto ng mga pagkaing French. si julie ay isang modernong amerikana na nagbabasa ng cookbook na isinulat ni julia child. si julia child naman ay amerikanang namuhay sa Paris, France pagkatapos ng World War II. kasama ang dalawang French na babae, sumulat siya ng cookbook tungkol sa French cuisine, ang target audience nila ay mga amerikana. habang pina-finalize nila ang libro (na umabot ng 760 plus pages grabe!), naghanap sila ng paraan para ma-publish ito. isa sa mga natagpuan nila ay si Irma Rombauer na author ng pinakamamahal nilang cookbook na bestseller at sobrang sikat nang panahon na iyon, ang The Joy of Cooking. sa pelikula, ikinuwento ni Irma kung paanong naging libro ang kanyang cookbook. nagbayad daw siya ng $3,000 sa publisher at na-publish nga ito. siyempre, nang time na iyon, napakalaki ng $3,000! gulat na gulat sina Julia Child, hindi sila makapaniwala na si irma pa ang nagbayad para lang maging libro ang cookbook nito. sa isip-isip ko, aba, halimbawa ito ng self-publishing, a! pero hindi doon nagtapos ang kuwento ni Irma. may nagkainteres daw na publisher sa inilathala niyang libro, ang Bobbs-Merrill Company. mula noon ay dumami ang printed copies ng kanyang cookbook at mas lumawak din ang distribution nito. pero nagulat sina julia nang walang ibang lumabas sa bibig ni irma kundi puro reklamo. sa publisher niya! dahil niloko daw siya nito, kinuha ang kanyang copyright para sa current edition at sa naunang edition na sinelf-publish niya. nanlumo sina julia child sa narinig. in short, parang natakot sila sa publishing business.
ako naman, noong napanood ko ito, nagulat ako dahil dati pa pala ay ganito na ang ninja moves ng mga publisher! talaga naman! at ang masama roon, namana ng mga publisher ngayon ang ganyang ninja moves, at umabot pa yan sa pinas!
2. about a boy
ang bida rito ay si hugh grant as will freeman. 2002 pa ipinalabas ang pelikulang ito. ang pelikulang ito ay tungkol kay will, isang lalaking walang trabaho, walang ginagawa sa bahay at buhay niya araw-araw. pero hindi siya financially naghihirap. in fact, he has a comfortable life! saan galing ang pera niya? dito pumapasok ang copyright. ang tatay ni will ay composer ng isang sikat na sikat na christmas song. deds na ang kanyang tatay. at dahil naipapamana ang copyright, nakakatanggap si will ng royalties mula sa kita ng musical work ng kanyang tatay. gustong-gusto ko ang pelikulang ito dahil bukod sa heartwarming ang kuwento, ipinapakita rin dito kung paanong nakikinabang ang mga tagapagmana ng musicians, na artist ding maituturing. in short, ipinapakita dito ang isang halimbawa ng pamumuhay na maaaring makamit ng tagapagmana ng isang filipinong alagad ng sining.
3. paper towns
ang bida rito ay sina Nat Wolffe as Q at Cara Delevingne as Margo. 2015 lang ito ipinalabas. napanood namin ito ni poy sa moa! konting trivia muna, binasa ko nang mga 15 times ang nobelang pinaghanguan ng pelikula, before, during and after ng pagsasalin namin dito ni poy. yes, around 15x talaga. pinili ito ni poy kaysa sa iba pang nobela ni john green dahil nabalitaan niyang gagawin itong pelikula at naisip namin na mas malaki ang chances na mabenta ang salin namin kapag ganon. pero waley, nag-flop sa pinas ang pelikula, flop din ang salin!
anyway, o eto ang tungkol sa copyright. itong si q ay may crush kay margo since bata pa sila. nag-teenager na sila't lahat-lahat, di pa rin niya masabi ang feelings para sa dalaga. isang araw, bigla na lang nawala itong si margo. siyempre, hinanap siya ni q. may mga natagpuan na clues si q at sinundan niya ito nang sinundan para matagpuan si margo. ang nangyari ay na-obssess pala itong si margo sa isang lugar sa new york na kung tawagin ay agloe. pero ang agloe pala ay isang lugar na sa mapa lang nag-e-exist. in short, japeyks. kasi, noon palang unang panahon, ang mga kompanya na gumagawa ng mapa ay nagkokopyahan lang ng mapa tas piniprint nila at ibinebenta ang mga ito. kaya ang ginagawa ng ibang kompanya (at ng cartographer o iyong mga tagagawa mismo ng mapa) ay naglalagay sila ng copyright trap sa kanilang mapa. nagsisingit sila ng mga pekeng bayan o kaya ng kalsada sa ginagawa nilang mapa. imbento lang ito, pati pangalan ng lugar, imbento. ngayon, once na kinopya ng ibang cartographer o kompanya ang mapa nila, tiyak na masasama rito ang mga isiningit na imbentong lugar. pung! ayun na, huli! puwede na nilang gamiting ebidensiya ang mapa para sa copyright infringement case laban sa nangopya ng kanilang mapa. ang galing, ano? sa pelikula, nag-road trip si q at ang kanyang mga kaibigan para lang mahanap ang agloe at si Margo. happy ending ba? aba, nood na. or puwede rin namang bilhin mo na lang ang filipino version ng libro. kitakits sa national bookstore,my friend. shameless plugging, ano?
marami pang pelikula ang tumatalakay sa copyright issues, im sure. may mairerekomenda ba kayo sa munting listahan na ito? idagdag lang po sa comment box! salamat in advance.

Sunday, November 13, 2016
si colay sa aking panaginip
noong isang gabi, napanaginipan ko si colay. nag-uusap daw kami, kalmado naman kami at ang paligid.
unfortunately, wala na akong maalalang detalye.
pero isa ang malinaw, naroon si colay.
pero ngayon, a few days after, nagdududa na ako kung panaginip nga ba iyon o imahinasyon ko lang, aktibo, hyper-active actually, gumagana. tangina naman kasing rehimeng duterte iyan, andumi. ayaw lumaban nang parehas. natatakot tuloy ako para sa kapatid ko. tatlo na raw ang nababaril sa may bandang lopez at sa mismong lugar nila. yung isa, lumuwa ang mata pagkabaril sa kanya. pero buhay. nasa isang ospital daw sa maynila (sa las pinas nangyari ang pagbaril). gustong-gusto kong magsulat tungkol sa napakaruming laro na ito ni duterte, kaso hindi ko magawa. anlakas ng kutob ko na mahahagip kami ng pakulo na ito ng kasalukuyang presidente.
sana talaga, may magsimula ng call for impeachment o resignation. hindi puwede sa pinas ang ganyang lider, mamamatay tayong lahat diyan. baka mangalahati tayo. e baka nga yan ang vision niya para sa bayan na ito, haha, patay tayo diyan. bat gumagamit pa siya ng baril, mahal pa ang bala. sayang ang buwis na ibinabayad ng karaniwang mamamayan, sayang ang pera.
lasunin na lang niya ang kalahati ng populasyon, ang 50 million. tipid pa.

Saturday, November 5, 2016
Last Two
hay. natapos ko rin ang translation at editing ng 3rd to the last piece ng Rizal Without the Overcoat (RWTO) project. bale, ang natitira kong gawain para sa proyektong ito ay translation na lang ng dalawang interview na nakapaloob sa rwto. itong dalawa pa naman ang pinakamahirap. hinuli ko talaga ito, kasi nga pinakamahirap i-translate sa tingin ko. pinakamahaba rin sa lahat ng piyesa ang dalawang interview na ito. mali pala ang ganitong strategy, kasi nga mas mahirap so mas tinatamad kang gawin ito, mas wala kang motivation na gawin ito. hinding-hindi ko na ito uulitin, sa susunod, iyong mahihirap ang uunahin ko.
natutuhan ko rin sa translation project na ito na kasinghaba ng translation process ko ang editing process ko.
ang ginagawa ko kasi para mapabilis ako, ang translation ko on the spot ay ang first draft na rin ng piyesang aking isinasalin. as in wala muna akong pakialam sa tamang termino, sa syntax at iba pa habang nagsasalin. wala rin akong pakialam sa spelling. pag masyado ko kasing pinolish, aabutin ako nang till the kingdom come, hahaha. sa editing ko lahat iyan ginagawa. at sa proofreading.
ibig sabihin, kahit hindi required sa akin, ine-edit ko ang lahat ng gawa ko. na-train akong mag-edit at mag-proofread noong ako ay nasa popular books pa, time na ako ang leader ng group namin na nagsusulat ng popular books tulad ng hilakbot, sopas muna, haunted philippines 8 and 9 at palalim nang palalim. lahat ng ipasa sa akin, ine-edit ko at pino-proofread kahit na hindi ito hinihiling sa akin ng kapwa ko writers at ng mismong resident editor ng publisher. basta't dumaan sa akin ay lagi kong ine-edit at pino-proofread bago isumite sa editor o publisher namin noon.
kaya ganyan din ako ngayon sa mga proyekto ko. pati na rito sa translation project. nakakailang hagod ang mata ko sa teksto bago ko ipadala sa kinauukulan.
na-realize ko rin na halos lahat ng librong nasa merkado ngayon ay dumaan sa napakatagal na proseso. ibig sabihin, ang new books ay hindi naman kasing-new ng iniisip natin. new lang ito physically, as in newly printed. pero ang content, puwedeng ilang taon na palang nakatengga sa laptop ng mga writer o ng translator o ng editor o ng publisher. kasi nga hindi biro-biro ang pinagdadaanan nito.
kumakain talaga ng oras, araw, linggo, buwan, taon, at minsan pa nga, dekada.

Tuesday, November 1, 2016
boo-laga!
hello, kumusta? antagal ko ring hindi nakapag-blog, a. pasensiya na, ha? nanganak lang ako. nagluwal ng kalabaw, bahaha!
sa ngayon, wala pa akong tulog. ngayon lang kasi ako bumalik sa internet. kaya sinasagad ko ang time ko rito. nag-update ako ng ilang post sa blog. nakipag-chat ako sa ilang kaibigan sa pamamagitan ng FB, sumagot din sa ilang PM. bihira na akong mag-open ng laptop o computer, nakaka-stress kasi ang FB at iba pang social media. puro bad news, puro away, puro patayan ang nababasa ko. nakakapagod na at nakakatakot. kaya ayoko munang lumapit sa laptop o sa anumang medium of communication na dinadaluyan ng teknolohiya, pakiramdam ko kasi may bubulwak na naman na pangit na balita anytime, haha!pati nga cellphone ko, bihira ko nang masulyapan.
hindi pa naman ako masyadong pagod kahit puyat ako, buong araw lang naman kaming nasa bahay kahapon at kagabi. nanood kami ng mga pelikula:
1. gosford park, isang period film set in london. murder mystery ang pagkakabenta sa akin ni poy kaya pumayag akong manood. pero in the end, mas tungkol pala siya sa pagkakahati ng mga tao noon batay sa ari arian, impluwensiya at pera. yung mga atsay, parang mga langgam na nagsusumiksik sa gilid ng pinto, para lang makapakinig ng himig ng piano sa pinaka sala ng mansiyon, samantalang ang mayayaman, nabuburat pa na makarinig ng tunog nito at ang gusto ay tumigil na lang ang pianista sa pagtugtog. isang halimbawa lang 'yan ng eksena sa gosford park.
2. road trip, starring bata bata pang paul walker, tungkol sa dalawang magkaibigan na laging nagmamaneho ng kanilang kotse
wala si dagat sa bahay, nasa parents ni poy, kaya medyo naka-relax kami. haggard lang talaga pag dalawa ang kasama naming bata at wala kaming kasambahay! nag-aaway na kami sa sobrang kangaragan.
ngayong hapon naman ay pupunta kami sa parents ni poy kasi may padasal doon para sa mga namayapa. i respect these family rituals and traditions. kasi wala kaming ganito sa pamilya namin. ang pinakatradisyon namin ni ej, gumagala kami sa labas ng maynila. hindi kailangang undas, o summer time o kaya holy week. basta't long weekend, at may budget, gagala kami. nothing spiritual, nothing special. at kadalasan e kaming dalawa lang.
to be continued muna ito! happy undas sa ating lahat!

Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...