Wednesday, April 13, 2016

Paalala para sa Pagsusulat ng Books 2 at 3 ng Tuklas-Pahina Book Project

Magandang araw, mga kakuweba!

Kumusta na? Itigil muna ang pagngata sa leche flan ng iyong haluhalo. Heads up muna tayo para sa ating proyekto.

Salamat sa paglahok ninyo sa Pagbasa ng Panitikang Popular na pinamunuan ni Prop. Vladimeir Gonzales bilang huling panayam para sa Books 2 at 3 ng Tuklas-Pahina Book Project.

Sa mga hindi nakalahok (tulad ko!), huwag mag-alala at bumalik lamang kayo rito sa ating website. Bibigyan tayo ng summary ni Jayson Vega at magpo-post din ng video ng naturang panayam si Ronie Chua Padao.

Ngayon naman, bilang pagsabak sa pagsusulat natin ng Books 2 at 3, narito ang ilang paalala:

1. Ang Book 2 ay rebyu o kritisismo ng isang aklat o babasahin mula sa Pilipinas. Likhang-Filipino, ika nga.

2. Ang Book 3 ay rebyu o kritisismo ng isang aklat o babasahin mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Likhang-international, ika nga.

3. Ang librong tatalakayin para sa Books 2 at 3 ay maaaring nasa anumang wika. Kung nasa wikang Lumang Tagalog iyan, go. Kung nakakaunawa kayo ng Lebanese, go.

4. Ang librong tatalakayin ay puwedeng bahagi ng popular literature o independent o self-publishing o out of print na books.

5. Ang ibig sabihin ng popular literature ay anumang akda o libro na kinokonsumo ng masa, inilathala ng malaking publisher, at mabibili sa malalaking bookstores sa buong bansa.

6. Ang ibig sabihin ng independent o self-publishing ay anumang akda o libro na hindi gaanong sikat dahil medyo mahirap itong matagpuan sa malalaking bookstores, inilathala ng maliit na publisher (na kadalasan ay iyon ding awtor), at limitado ang marketing strategies.

7. Oo, wala sa paksa o estilo ng pagkakasulat ang pagiging popular literature o independent o self-publishing ng isang libro.

8. Ang isusulat na rebyu o kritisismo ay nasa wikang Filipino o Ingles o Taglish o Enggalog.

9. Walang takdang haba ang rebyu o kritisismo. Puwede ang super haba, puwede rin ang super ikli.

10. Ang deadline ng listahan ng librong gustong gawan ng rebyu o kritisismo ay sa Sabado, Abril 16, 2016. I-post lamang (ang mga) ito sa ating Facebook page at mula doon ay kokopyahin ito ng admins natin para i-post naman sa ating website.

11. Dalawa hanggang tatlong titles para sa Book 2.

12. Dalawa hanggang tatlong titles para sa Book 3.

13. Sa Facebook page natin, kung sino ang unang magsabi ng title ng libro, siya na ang gagawa ng rebyu o kritisismo nito. Kaya inaasahan na magtatala lamang kayo ng title ng libro kung tunay nga at seryoso kayong gawan ito ng rebyu o kritisismo.

14. Bawal ang pagrerebyu o pagsusulat ng kritisismo para sa iisang libro. Meaning, bawal ang duplicate.

15. Ang deadline ng mismong rebyu o kritisismo ay Abril 23 para sa Book 2 at Abril 30 para sa Book 3.

16. Isusumite ang rebyu o kritisismo sa wikang Filipino sa beverlysiy@gmail.com. Sa Ingles naman ay sa jzhunagev@gmail.com.

17. Kung may tanong, mag-text lamang sa akin sa 0919-3175708.


Ayoko na sanang i-announce ito pero sige, sasabihin ko na rin, para hindi na paulit-ulit ang tanong kina KD, Baba at Jayson. Gusto ko man ay hindi etikal na isama sa listahan ng mga librong gagawan ng rebyu o kritistismo ang anuman sa aking mga akda. Bahagi kasi ako ng pamunuan ng proyekto. Di bale, marami pa namang pagkakataon para mapagdiskitahan ninyo este makasulat kayo tungkol sa mga akda na iyan. In the meantime, tutukan natin ang napakarami at sari-saring handog ng ating publishing industry.

Ayan lang muna. Maraming salamat!

Sa mga hindi pa nagpapasa ng kanilang revised CNF, mag-email na po kayo para hindi kayo matambakan ng mga kailangang isulat para sa ating proyekto.

Nawa’y matapos natin nang matagumpay ang Tuklas-Pahina Book Project.

Para sa bayan, para sa mambabasang Filipino!

Naglalagablab ngayong summer,
Binibining Bebang

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...