Thursday, April 14, 2016

Hay, Abril!

Kayraming bagay na dapat ikalungkot ngayong Abril: nasunog ang Faculty Center, may namatay na mga magsasaka sa Kidapawan, pinalaya si Napoles, nakulong ang mga lolang sumama sa pag-aaklas sa Kidapawan, ilang araw na lang bago ang eleksiyon, ang gulo pa rin ng mga kandidato sa pinakamatataas na posisyon ng bansa, init na napakahirap kalabanin.

Alam kong marami pa ang parating, ni wala pa tayo sa gitna ng Abril. Hindi ko alam kung kakayanin pa ng puso ko ang kalungin ang mga bagay na ito.

Pero sino ba ang nagsabing kalungin ko nga ang mga iyan? Obligasyon ko ba iyan bilang isang tao?

Bilang manunulat, palagay ko, oo. Kailangan kong isapuso ang bawat pangyayari para makaisip ako ng solusyon. At ang solusyon na ito ay dapat kong itampok sa aking panulat. Iilan lang sa buong mundo ang may kapangyarihang makapagpakilos gamit ang mga salita, bakit ko aaksayahin ito sa walang kuwenta at di makabuluhang mga bagay?

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...