Friday, April 18, 2014

marindukenyos



may mga nakilala kami sa marinduque.

si kuya erwin manzano, ang trike driver na nag-drive sa amin papunta sa bayan ng sta. cruz at pabalik sa tambak beach. medium built, may kapogian kahit na medyo sunog ng araw ang balat, laging nakangiti at higit sa lahat, sincere ang pakikitungo sa amin. si kuya erwin ay 22 years old pa lang. may asawa na siya at anak. nakatira sila sa bathala, ang barangay kung saan matatagpuan ang bathala caves. si kuya erwin din ang nagpakilala sa amin kay ate connie.



ate connie perlas, ang may ari ng dampa sa tambak beach kung saan kami nag-overnight ni poy noong ikatlong gabi namin sa marinduque. mangingisda ang asawa ni ate connie at iyong dampa ang kanilang tulugan sa gabi kapag sila ay papalaot sa madaling araw. may bahay pa sila sa bandang kalsada. doon namin pinakiusapan si ate connie (sa pamamagitan ni kuya erwin) kung puwedeng iparenta sa amin nang isang gabi ang kanilang dampa.

nagkaroon kami ng instant friends na taga marinduque!

si ate connie, pagkaalis na pagkaalis namin sa kanilang bayan, ay nagtext:

mrming slmt sa inyo ano nga name u pltan ko aring nlgay ko dne d ko n aalisin bka d ntin alm mgkita p ult tau at ska pki sbi n dn s drver slmt dn s knya prng d n wri ako nkpgpslmt s knya ok slmt ult (january 5, 2014)

si kuya erwin ay nagbigay ng kanyang cell sa akin. at lagi pa rin kaming nagtetext ngayon. gagawin daw niya akong ninang ng kanilang anak! sa setyembre ang binyag.

looking forward kami ni poy! hello, marinduque this coming september!


(ito ang dampa nina ate connie)

copyright ng mga larawan: beverly w. siy

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...