Monday, April 21, 2014

Bisita Iglesia 2014

Ngayong 2014, ang Loving Friends Bisita Iglesia ay sa Pasay-Paranaque isinagawa.

Ang mga dumating:

1. papa bon-ferdinand bondame
2. mama bon-rena bondame
3. baby bon-veronica bondame
4. claire racho sabugo
5. bebang siy
6. poy verzo
7. ronald paguta
8. wendell clemente-ang aming piloto (at may ari ng sasakyang ginamit namin)

date, time and place ng kitaan: holy thursday, 2pm, sa ust chapel

anong oras kami nakumpleto para makalarga? magfo-four pm! hahaha

Ang ruta:

1. UST-dito kami lagi nag-uumpisa, loob ng UST Campus, Espana, Manila
2. Our Lady of the Assumption Parish Manila -nasa likod ng Harrison Plaza at malapit sa Manila Zoo. Technically, Manila ito pero isinama na namin sa itinerary dahil on the way papuntang Pasay.
3. San Isidro Parish Pasay-along Taft Ave., nasa gitna ng Vito Cruz at Buendia
4. Our Lady of Sorrows Pasay-along Harrison Street, nasa gitna ng Buendia at Libertad
5. San Rafael Parish Pasay-along Park Avenue Street
6. Sta. Clara de Montefalco Parish Pasay-along P. Burgos Street, Libertad
7. San Roque Parish Pasay-along Cabrera St., very near EDSA
8. Shrine of Jesus, The Way, The Truth and the Life Pasay-inside MOA Complex, Pasay City
9. Shrine of St. Therese of the Child Jesus Pasay-Villamor Airbase
10. Our Lady of the Airways Pasay- Chapel Road cor. Aquino Avenue, NAIA
11. Kapilya ni Tata Dune Paranaque- San Dionisio, Paranaque
12. St. Andrew Cathedral Paranaque- Quirino Avenue, La Huerta, Paranaque
13. St. Joseph Parish Paranaque, along Quirino Ave., Tambo, Paranaque
14. National Shrine of Our Lady of Perpetual Help-Roxas Boulevard, Baclaran, Paranaque

11:00 pm kami natapos. We were so relieved and so happy. for 5 years na namin itong ginagawa! straight, as in taon-taon. at wala pa kaming nauulit na simbahan mula pa noon, except for UST, kasi doon kami laging nag-uumpisa.

kumain kami sa mang inasal na katabi ng Baclaran church. ang daming tao sobra, tapos walang tubig hay ang hirap! medyo madumi rin, eek.

anyway, masaya kami kasi natapos namin ito nang safe at mabilis. relatively mas mabilis kami kaysa sa mga dating bisita iglesia. pinaka-late naming tapos ay mga 1:00 am. that was the cavite leg. one church, one town kasi kami doon! it was very cultural. yon ang pinakapaborito kong bisita iglesia so far. ang dami daming tao sa bawat simbahan, parang its a town celebration actually at hindi bisita iglesia.

anyway, this year's bisita iglesia was a little more peaceful. mas konti ang mga tao sa simbahan. church no. 7 was even closed. nung tinanong ko iyong lalaking lumabas sa simbahan and after closing the grills at the main entrance of the church, sabi niya, ito raw ang gusto ng pari. ang isara ang simbahan ngayong thursday. kasi ang totoong bisita iglesia ay ginagawa raw talaga pag biyernes hindi pag huwebes. kaya dapat nakasara ang simbahan pag thursday. hay, kakaiba.

so iyong mga tao doon, nagdadasal na lang sa gilid, sa may parang adoration chapel nila. may isang cross sa gitna na natatakpan ng puting tela tapos maraming maraming kandila ang nakapalibot sa cross. kami, nagdasal kami sa tapat ng isang cross na nasa compound ng San Roque. i also noticed, maraming kabataan sa labas ng church. they looked like they were waiting for their friends. pare pareho sila ng damit. baka magbibisita iglesia yata sila.

i posted our route kasi naniniwala ako baka makatulong ito sa mga future bisita iglesia organizers. this route is short , hindi magastos sa gas. just expect some traffic at the buendia and libertad LRT stations. marami ring makikipot na kalsada rito kaya hindi dapat magdala ng malaking sasakyan or not too flashy na sasakyan is the right term hahaha

ilang observations ko and other comments

church observations/comments

1 mas maraming tao rito last year, napansin ko ring malapit nang mabuo ang alumni center sa tapat ng church! marami nga pala ang bumibili sa souvenir/rosary shop sa loob ng church.

2 mahirap pala itong puntahan pag may sasakyan ka, binakuran nila ang playground na katapat nito,
ang hirap na tuloy hanapin ang simbahan, walang masyadong tao rito pagdating namin, pero some young people were setting up a table outside the church, baka magse-set up sila ng information booth doon

3 surprise ang church na ito sa akin, di ko akalaing maganda ang design sa loob, salamin ang likod ng altar!
so kita mo ang labas if you check the unique "retablo". lagi kong nakikita ang simbahan na ito pag nakasakay ako sa LRT, at ngayon ko lang napasok ito sa buong buhay ko. So i made a wish! paglabas namin, marami kaming nakitang nagbibisikleta, nakakatuwa sila! meron pang isa na angkas-angkas niya ang baby niya sa isa pang maliit na upuan na nakakabit sa kanyang bisikleta. very helpful ang locals kasi ginagabayan nila ang mga sasakyan papasok at palabas ng church compound.

commercial muna: bago kami makarating sa susunod na simbahan, may itinurong simbahan si papa bon na nasa likod ng DLTB bus terminal sa may buendia. lagi raw niyang nakikita ito kaya sigurado raw siyang may simbahan doon. sinegundahan ito ni poy. sabi niya, malapit daw ito sa ospital ng kaibigan naming si mae catibog. so lumarga kami papunta roon kahit na hindi namin alam kung nasaan iyon exactly. natagalan kami sa Buendia cor. Taft Avenue. Lagi namang trapik diyan! so medyo mahaba haba ang oras na naaksaya namin sa trapik. pagdating namin sa likod ng nasabing bus terminal, natanaw agad namin ang simbahan. aba, meron nga. lumiko ang sasakyan namin sa kalyeng iyon. takang taka ako, walang tao sa kalsada. walang naglalakad papunta sa simbahan. wala ring sasakyan na lumiliko roon. pagtapat ng sasakyan namin sa simbahan, nasagot ang mga pagtataka ko. E... adventist pala.

hahaha asar talo sa amin si papa bon. asar talo sa akin si poy. tuloy-tuloy hanggang sa makarating kami sa church number...

4 nakarating na siguro ako rito noong bata ako, the interior of the church looked so familiar! pero nagwish na rin ako just in case. feeling first timer, ano? maraming tao rito kasi may misa kaya hindi kami sa loob nagdasal. nakita ko iyong dati kong estudyante sa ust, nagsisimba kasama ang nanay niya. binati pa niya ako. ipinakilala ko nga siya sa ust teachers (kay paguts at claire) kaso di ko nasabi ang name ng estudyante kasi nakalimutan ko talaga. sori, girl, ulyanin na ang teacher mo!

5 hindi ito kasama sa original line up namin. pero dahil hindi ako sigurado kung bukas ang st. rita sa may
baclaran, i asked around at the church #4 kung may malapit pang simbahan doon. At ito ang isinagot nila. kakaiba
ang itsura ng simbahan na ito, kasi parang pumapasok ka sa isang compound, tapos hindi mo alam na simbahan
na pala iyon. may arko pa ito. maraming tao rito pagdating namin kasi may misa rin na nagaganap. the church was clean, parang bago lang ang simbahan. maraming pulis dito at mga barangay tanod. nagsisimba rin katulad namin. dito nga pala ay nakita namin uli ang mga nagbibisikleta mula sa church #3. Nginitian ko pa ang isa sa kanila. Feeling close ako ano? haha

commercial uli: para makarating kami sa libertad, dumaan kami sa isang makipot na makipot na kalsada. sobrang bagal ng sasakyan namin dahil natatakot kami, baka may mabangga kaming bintanang nakabukas o di kaya ay silyang nakabalandra sa bangketa. me bangketa nga ba? wala pala. bale, silyang nakabalandra sa kalsada. tama, sa kalsada. tipong ang sala ng mga tao doon ay ang mismong kalsada. andaming tao sa kalsadang iyon. andami ring bata. habang papalapit kami nang papalapit sa dulo, pasikip naman nang pasikip ang daanan. well, i was half expecting na kalahati na lang ang kalsada pagdating namin sa dulo. at bababa na lang kaming lahat para maglakad at umeksit sa daanan na iyon, ahaha. nakakita ako ng signage after a few minutes. iyon pala ay kalsadang nasa likod ng palengke sa Libertad. kaya pala, matao. anyway, ang galing talaga ni wendell magmaneho. nakalabas kami nang safe at walang gasgas kahit gamunti.

6 dito ako bininyagan hehe kaya alam ko kung paanong makarating dito. ilang ulit akong bumalik dito para lang makuha ang aking baptismal certificate for marriage purposes eklachoingks. napakaraming tao at punong-puno ang malaking simbahan pagdating namin. kaya doon lang kami sa may bukana nakapasok. napansin ko nga pala na may library ang church na ito. kakaiba. ngayon lang ako nakakita ng church na may library! ano kaya ang bumubuo sa kanilang koleksiyon? sa labas nga pala ng church ay sari-sari ang ibinebentang street food. gusto ko sanang bumili kaya lang baka matagalan pa kami. nagpabili na lang ako kay poy ng kendi sa isang tindahan.

7. alam kong puntahan ang simbahan na ito kapag maglalakad lang. (lagi kong nadadaanan ito pag galing ako sa visprint office) pero pag may sasakyan, windang na ako. so, nagtanong kami sa isang tricycle driver na nasa labas ng church number 6. ang haba-haba ng sinabi ni manong, tipong pagdating ninyo sa dulo, kakaliwa kayo. tapos isang kanto pagkatapos, kakanan kayo. diretso, kaliwa. pagdating sa pang-apat na kanto, kanan naman. sa ika-pitumpung kanto, liko ka. iyon na iyon. doon ka kakanan. pagka-exit ninyo, kaliwa naman. iyon na. san roque na. wow. gets na gets ko hahaha. kaya tumango na lang ako. pero sa haba ng pagpapaliwanag niya, may nabanggit siyang protacio at tolentino street. hindi ko ito tinandaan kasi feeling ko, hindi ko namin masusundan ang mga direksiyon ni manong.

sa tulong ni god, nakalabas kami ng taft. dahil nasa pagitan kami ng libertad lrt at edsa taft lrt, at ang simbahan ay nasa area bago dumating ang edsa taft lrt, suggestion ko, maghanap na lang kami ng kalsada na puwedeng pasukan sa pagitan ng dalawang lrt station na ito. kahit na anong kalsada, basta hindi one way.

at akalain ninyo, pagliko ni wendell sa isang kanto, ansabe ng signage? protacio street! ang galing ni manong!

dinire-diretso namin ang kalsada. tapos ayun na naman, pakipot na nang pakipot, parang iyong nadaanan namin papunta sa church # 6. lumiko kami doon sa mataong lugar. sabi ko, doon tayo sa matrapik. kasi siguradong papunta iyon ng simbahan. dahil wala kaming mahanap na trapik, nagtanong na lang kami sa isang lalaki. sir, san po ang trapik? este saan po ang simbahan dito? ay, diretsuhin ninyo ang kalsada na ito, sa dulo may makikita kayong intersection, kakanan kayo tapos kakaliwa kayo. cabrera st. iyon. sa dulo nun, naroon ang simbahan.

ayan, nakahanap na kami ng trapik. pagliko namin sa mas masikip at mas matrapik na kalsada, cabrera street na nga. tiningnan ko ang signage na nasa kabilang kalsada, ansabe ? tolentino st. huwa! ang galing talaga ni manong tricycle driver. kung nasundan ko lang ang payo niya kanina, di na kami nag-ubos ng oras katatanong at kahahanap ng trapik!

realization: some tricycle drivers are really awesome in giving directions. yeba.

pagkatapos ng in-endure naming hirap, trapik at sikip, anyare? naratnan naming sarado ang simbahan! wah. dito iyong nagtanong ako sa isang lalaking nagsara ng grills ng main door ng simbahan. sarado nga raw, wag makulit. dahil utos ito ng parish priest. waw anlabo. so hindi ko napasok ang simbahang ito. sayang ano? doon lang kami sa gilid, sa parang adoration chapel nito. and guess what i saw besides the usual prayerful ates and kuyas of pasay? isang santo na nakatalikod! ang galing ano? kakaiba. ngayon lang ako nakakita ng santo na ang disenyo talaga ay nakatalikod sa nagdadasal sa kanya. ameyzeng.

nakakita rin ako ng mga manang na nagtitinda ng kandilang punggok na nakaswak sa punggok din na mga baso. magkano ang mga itey? P50. medyo mahal, right? bale parang donation na lang siguro iyon sa simbahan.

nagdasal kami sa isang krus na natagpuan namin malapit sa entrada ng simbahan.

pagkatapos magdasal, nag-CR si Claire. nakita raw niya kasi na malinis at maganda ang cr. e hindi naman ako naiihi nun, so hindi na ako nag cr. habang hinihintay si claire, napansin ko ang mga teenager sa parking lot. andami nila at pare-pareho ang kanilang kamiseta. ang iba sa kanila, nakayapak pa. masaya ang atmosphere doon. nagtatawanan, nagkukumustahan. palagay ko, mga naghahanda ito para sa isang malupit na round ng 14 churches.

8. hindi kami masyadong nahirapan na marating ang simbahan na ito. malaki na kasi ang kalsadang dinaanan namin. EDSA! hehe medyo lang trapik dahil ginagawa ang malaking bahagi nito sa may bandang Taft avenue, pero maginhawa naman kaming nakarating sa moa complex. kumusta ang parking doon? ay di puno! so doon kami sa malayo-layo nakapag-park. amen kay god, dahil walang bayad ang parking. hay! first time ito para sa isang henry sy establishment, haha. sobrang dami ng tao rito pagdating namin. i was really turned off. kung ako lang, bibirahan ko talaga iyon ng alis. ewan kung bakit. sa ibang simbahan naman na matao like iyong bisita iglesia sa cavite a few years ago, ang saya saya ko pa kapag nakakakita ako ng crowd sa isang simbahan. pero iba ang dating sa akin ng crowd dito, hehe. elite kasi. anyway, nang mag-clear ang station namin sa station of the cross (na nasa gilid ng simbahan), pumuwesto na kami at nagdasal. tapos naglakad kami sa may harapan ng church para magpicture. dali dali rin kaming umalis dito. kasi baka magkawalaan pa kami kapag pumasok ang iba sa loob.

9. originally, baclaran church ang next sa itinerary ko. pero dahil nagkamali kami ng labas ng kalsada mula sa moa complex, nakarating kami sa airport road. tapos sabi ni Wendell, alam daw niya kung paanong makarating sa st. therese mula roon. kaya iyon na ang inuna namin.

natuwa ako sa simbahan na ito. it was my 3rd time there. at sa umaga lang ako nakakarating doon noon. hindi ako masyadong nai-impress sa kagandahan niya sa umaga. sarado kasi ang mga pinto to conserve the aircon. sa umaga, oo, makulay. oo, maaliwalas. pero mas makulay at mas maaliwalas pala ito pag gabi. at isa pang ikinatuwa ko rito, walang masyadong tao sa loob! medyo mahirap kasing puntahan ang simbahan na ito. malapit na ito sa resorts world. e mapupuntahan lang ang resorts world kung may sasakyan ka o sasakay ka sa shuttle nila.

mabilis kaming nakapagdasal sa st. therese. pagkatapos ay nag-cr na roon ang iba sa amin. kasi malaki at maayos ang cr doon. may napansin si papaguts na poster na nagsusumigaw ng free lugaw daw. kaya lang binanggit niya ito sa amin, noong papunta na kami sa church #10. joke time talaga iyang si papaguts. so hindi kami naka avail ng free lugaw hahaha! nag-picture kami sa labas ng simbahan. sa gitna ng kalsada! haha gusto kasi ni poy, kuha ang buong façade ng simbahan. e anliit ng flash bulb niya? fail.

anyway, nagbibiruan kami na dapat counted as 2 na ang simbahan na iyon. kasi sa tabi ng st. therese signage, ay may nakabalandrang st. peter. so noong una, akala talaga nina papa bon (na first time na nakapunta rito), may isa pang simbahan doon na st. peter ang pangalan.

e, st. peter memorial plan pala ang st. peter na iyon. sa baba kasi ng simbahan, may columbarium.

ito nga pala ang favorite church ni mama claire.

10. never pa akong nakarating sa simbahan na ito. so ang naging guide namin dito ay ang kapatid kong si budang na laking paranaque. medyo nagkalituhan pa kasi hindi namin alam ang tawag sa kalyeng tinatahak namin para marating ang mia road kaya di makapagbigay ng angkop na direksiyon si budang. so pagkatapos ng ilang text at tawag kay budang (pero actually, thru Wendell's instincts lang), nakarating kami sa our lady of the airways.

o di ba ang sosyal ng pangalan? syempre, inaasahan ko, sosyal din ang itsura nito. but no. it was soooo... payak! as in maliit at simple lang siya. pati na ang façade. pang-common folks ika nga. pero wag ka, sa lahat ng simbahang pinuntahan namin for this bisita iglesia, ito ang pinakapaborito ko.

ang solemn solemn kasi sa loob. kahit na may mga nagbibisita iglesia, antahimik ng lahat. parang dito ako nakapagdasal nang husto. parang nakapagpahinga ang loob ko. at pag makita mo ang mga tao, talagang nagdadasal sila. very inspiring. simple lang ang mga damit nila. pagkatayo, lalabas na sila. walang nagkukuwentuhan. kami lang yata ang nagpa-picture doon.

nagustuhan ko rin iyong isang area sa loob ng simbahan na ginawang parang adoration chapel. binakuran ang sahig at nilagyan ito ng luhuran. malapit ito sa entrance/exit ng simbahan. siguro naisip ng pari na hindi makakapagdasal ang mga tao sa harap, sa may altar, at nakakumot na violet ang mga rebulto, kaya dito na lang.

merong nagbebenta ng mass paraphernalia sa labas. meron ding nagbebenta ng pop corn at cotton candy. sa kanila kami nagpa-picture, hehe. bumili naman kami ng pop corn para naman may negosyo sila. mukhang matumal kasi sa area na iyon. walang masyadong tao. sa parking area, noong pabalik na kami ng sasakyan, may nakita kaming nagmamando ng mga papalabas na sasakyan. aba, kamukhang kamukha at kahugis na kahugis ni papa bon! sabog ang tawanan naming lahat.

by the way, ito ang pinakaabangan namin ni papa bon na station. 10th. meron kasi siyang theory na wala nang energy ang buong grupo pagdating ng 10th station. but no. although, medyo pagod na kami, masaya pa rin kaming nagkukuwentuhan sa loob ng sasakyan. maliksi pa rin ang kilos ng bawat isa.

palagay ko, isa ito sa pinaka-easy na bisita iglesia namin.

11. mula sa church #10, I opted na unahin na lang ang pinakamalayong simbahan. iyong bisita sa san dionisio, paranaque. ang naisip ko'y sa kabihasnan na lang ang daan namin para makaiwas sa trapik sa la huerta. sa pagpunta namin doon, biglang nabanggit ni Wendell ang airforce one. sabi ko, bat alam mo yon? humirit si papa bon, alam ko rin yon. hala sabi ko, mama bon o, si papa bon! tumawa kami nina Wendell. walang ibang nakakaalam kung ano ang airforce one. tanong sila nang tanong. finally, bumigay ako.

ito ay isang night club na malapit sa kabihasnan Paranaque!

aha, sabi ni mama bon. tawa kami nang tawa! buking si papa bon ngayon. anyway, naisip kong ituro sa kanilang lahat ang controversial na airforce one pagdaan namin doon. kaya lang, nalagpasan namin ito at hindi ko ito naituro. kasi ine-expect ko, maliwanag ang signage nila. siyempre gabi na at night club iyon, di ba? nawala sa isip ko na... huwebes santo nga pala. aba siyempre kailangang sarado ang mga establishment tulad nito. nagbibisita iglesia rin siguro ang may ari XD

mapayapa kaming nakarating sa bisita ng san dionisio. lakng tuwa nila dahil may stage pa sa tabi ng bisita. ang stage ay napapalibutan ng tarpaulin na katatagpuan ng matatayog na columns. iyong parang sa rome. sa stage na iyon, doon ginaganap ang sikat na sikat na komedya ng san dionisio. (marami nang scholarly studies ang ginawa tungkol sa komedya roon. buti naman. at dapat lang. anlapit neto sa sentro ha.) andaming daming tao rito. parang may shooting at ang location ay ang munting simbahan.

pagdating naman doon, laking gulat ko. aba, me façade na ang bisita. façade ng isang lumang simbahan. mukha na talagang simbahan ang bisita. maliwanag na rin sa loob ng simbahan, hindi tulad noon na parang andilim kahit na putok naman ang araw. (guess what, nanirahan ako sa lugar na ito nang isang taon. I was 10 years old then. kaya alam ko ang itsura ng lugar na ito noon.) may retablo na rin ang bisita, antique ang peg. meron na rin itong chandelier at meron na rin itong pagkarami raming upuang pang simbahan. lumang simbahan talaga ang peg. (samantalang noon ay walang gustong magsimba rito kahit na bukas siya the whole day, all the time. labas masok lang kaming mga bata rito pag naiinitan na dahil sa kalalaro sa labas.)

napansin kong marami ang nagpi picture sa loob ng bisita. kaya di ko masyadong nagustuhan ang pagbisita ko rito. (e, nagpicture din naman ako, ngeks.) medyo siksikan din kami sa loob kaya pagkatapos na pagkatapos naming magdasal, lumabas na kami.

nagpicture-an kami sa labas sa tulong ng mga kabataang lalaki doon. andaming tao talaga! bumili rin kami ng tinapay. dahil curious ako kung ano na ang pangalan ng munting bisita (turned into an antique church), nagtanong ako sa taga-barangay hall. sabi ng babaeng nakausap ko, kapilya ni tata dune ang pangalan nito. si tata dune ay si san dionisio. at bitbit niya ang ulo niya ayon sa kanyang mga rebulto. sa santong ito nagmula ang pangalan ng barangay.

favorite church nga pala ito nina poy, papaguts at wendell.

12. saglit lang kaming naglakbay papunta sa church #12. kasi magkalapit lang ito. sa parking lang kami medyo natagalan dahil sa kalsada kami nakapag-park. as in sa tapat ng police station at community hospital haha at kakaiba pa ang aming parking dahil medyo pakurba ang kalsada.

dagsa ang tao rito. lalo na ang mga teenager. grupo-grupo. parang piyesta rin ang atmosphere. tipong may nagbebenta ng lobo.

marami sa amin ang nag wish sa loob dahil first time nila doon. bago ako makalabas ng simbahan, napansin ko, cathedral na pala ang pangalan ng simbahan. yep, level up. cathedral of St. Andrew. napaisip tuloy ako, aba, may hierarchy pala ang mismong simbahan. hindi lang ang mga paring nagpapatakbo ng mga ito.

at this time, takang taka ako, andami pang energy ni nica. e ine expect namin, makakatulog na siya sa kalahati ng aming Gawain. but no, we were down to our last two buhay na buhay pa ang prinsesita namin. ang refreshing talaga pag may kasama kang bata.

13. mabilis na kaming nakarating sa susunod. diniretso lang kasi namin ang daan mula sa la huerta papunta sa tambo, Paranaque. marami ring tao dito sa simbahan na ito. karamihan ay lalaki. at teenager. at nakayapak. first time naming nakapasok dito ni poy. kasi noong magbisita iglesia kami a few years ago kasama si iding at ej, sarado ito. ang naabutan lang namin ay ang paghahanda para sa parade ng mga tauhan sa bible. doon namin nakita si roselle nava (councilor sa Paranaque) bilang mama mary. in fairness, ang init nang mga panahon na iyon pero gora pa rin si roselle.

anyway, pagpasok namin sa st. joseph church ng tambo, namangha kami sa loob. may artworks sa kisame! maaliwalas din ang altar kahit medyo maliit ito. ito ang favorite church nina papa at mama bon.

one of the busiest churches ive seen sa bisita iglesia na ito.

14. siyempre pa, ang pinaka-pinaka-busy sa lahat ng church ay ang baclaran church! madali kaming nakapunta rito at madali rin ang parking. along roxas boulevard ang nakuha naming puwesto. nasa labas ng pinakasimbahan ang 14 stations. at marami kaming kasabay sa ika-14 na estasyon. ito rin ang pinili ng marami bilang huling estasyon.

gusto pa sana naming magtagal kaya lang sadyang pagod na kami. nagpa-picture kami nina papa p at mama claire sa may entrada ng simbahan bilang souvenir sa ikalimang sunod-sunod na bisita iglesia namin. yep! wala pa kaming palya!

bilang isang grupo naman, nagpapicture kami sa ilang kalalakihan na nakaupo sa hagdan ng simbahan. iyong kumuha ng retrato namin, nag-attempt pa siya ng selfie bilang pagjo-joke sa paghingi namin ng tulong sa kanya. anong resulta? fail! hahaha nag-empty batt ang camera ko sa kalagitnaan ng pagse-selfie niya haha!



nang mga panahon na ito, gising pa rin, although medyo cranky na, ang batang si nica. grabe ang galing galing niya. hindi siya nakatulog. hindi rin siya napagod. hindi rin nagreklamo, ni hindi umiyak.

pagkatapos namin, nakahinga kami nang maluwalhati. ang luluwag na ng aming mga ngiti. ang sarap ng pakiramdam! hindi ako masyadong religious pero iba talaga iyong dumadalaw ka sa mga simbahan at kahit ilang minuto you are one with those who whisper their prayers.

ang winish ko, ma pa rin at ang pagpasa ni ej sa magandang eskuwelahan. hindi ako masyadong umaasa sa wish sa bisita iglesia hehe kasi panahon talaga ito ng penitensiya. pero malay natin, di ba?

looking forward to next year's loving friends bisita iglesia 2015!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...