Monday, April 7, 2014

Mah Presiyus (pages)!

kaninang umaga, nakipag-meeting kami ni poy kay sir Segundo "jun" matias ng precious pages. siya rin ang may ari ng lampara books. naganap ito sa bahay ni sir jun and oh my gulay, sobrang ganda ng bahay niya. parang resort!

bago pa bumaba si sir jun mula sa taas ng kanyang bahay ay nag-picture-picture na ako nang bongga. sa may dining area kung saan kami pinatuloy ng mga kasambahay. mga dahil medyo madami sila, mga 4 ata. nagpicture-picture na ako, akala ko kasi, bawal hahaha (kaya uunahan ko sana!) pero hindi naman pala bawal. itinour pa kami ni sir jun sa lahat ng bahagi ng bahay niya pagkatapos ng aming meeting.

anyway, ito ang ilan sa napag-usapan.

1. adaptation ng jake series ni ken spillman ng Australia.

ako ang nag-pitch nito kay sir jun. earlier, about a year ago, translation lamang ang aking ipini-pitch sa mga publisher. tinanggihan iyon ng anvil dahil mababa daw ang sales ng books ni ken spillman nang mag-distribute sila dito sa pinas. tinanggihan din iyon ng adarna. sabi ni mam ani almario, ang concentration daw nila ngayon ay original stories by Filipino authors. ok kako. pero ang feeling ko, di niya nagustuhan ang aking salin hehehe. keri lang naman. ganon talaga. tapos ito ngang si sir jun ang ikatlo kong tinanong. pero ang tagal bago siya nag-reply sa aking offer.

last march 30, noong nasa pinas si ken spillman, nag-meeting kami sa makati at inupdate niya ako tungkol sa jake series. magiging tv series na raw ito sa US. wow! big time! (nang ikuwento sa akin ito ni ken, sobra akong overwhelmed, sabi ko grabe ang galing ng mama na ito. at ang suwerte! siya na ang bago kong idol!) unfortunately, hindi ko na raw puwedeng isalin ang jake series. dahil medyo estrikto raw ang TV series producer at ayaw nilang magamit ang jake series brand para sa kahit anong produkto nang walang permiso mula sa kanila.

so ang naisip na solusyon ni ken ay ang adaptation. parang Philippine version ni jake ang gagawin ko. so ito ang pinitch ko kay sir jun matias. at ok naman sa kanya. pero inencourage niya rin ako na magsulat na lang ng sarili kong kuwento para mai-publish niya. pinag-usapan din namin ang bayad. sabi ko, ang napagkasunduan namin ni ken spillman ay hati kami sa royalty na matatanggap ng author per book sold. sabi ni sir jun, 5% daw ng presyo ng aklat ang royalty ng lampara author. so ibig sabihin, tig- 2.5% daw kami ni ken. ok naman sa akin. at sabi ni sir jun, ako na lang daw ang kausap nila. meaning, ako ang magre-remit ng 2.5 % na share ni ken sa royalty. imbes na makikipag-ugnayan din sila kay ken. ok din naman sa akin ito although naisip ko na baka mas mahal pa yung pagremit ng pera sa Australia kesa dun sa matatanggap ni ken hahaha

well, all set!

pinag-usapan din namin ang illustration. nang banggitin ko ang name ng illustrator na kinausap ko para sa proyektong ito, medyo umasim ang mukha ni sir jun at ng side kick niyang si carlos, taga-precious pages din at lampara. meron daw silang natenggang proyekto nang ilang taon dahil sa illustrator na iyon. siya ang illustrator na kausap ko for jake series.

mukhang kailangan kong magbago ng illustrator kung ganon. may mga inirekomenda naman si sir jun: sina jomike tejido, mam kora dandan-albano at ghani madueno (na kaklase ko nung college, as in seatmate ko! small world!) pero sabi ni sir jun, tingnan natin kung ano ang bagay sa kuwento mo. kasi dapat bumabagay din ang style ng illustrator doon sa text ng kuwento.

ayan! woho! sana nga ay matuloy na ito. kasi magdadalawang taon na yata ang jake mula nang magkausap kami ni ken tungkol dito.

weee!

2. harlequin translation

a few days ago, tumawag sa akin si sir jun matias. tinanong niya kung magkano ang rate ko para magsalin ng harlequin novel. dahil wala akong idea kung ilang libong salita ang isasalin ko,ibinalik ko sa kanya ang tanong. magkano po ba ang ibinabayad ninyo usually? sabi niya, 14k for 48,000 words.

shocks sobrang mura! dahil mas sanay ako sa per word na rates kapag salin ang pinag-uusapan, kinompyut ko rito. 0.29 cents lang per word. sa isip ko lang ito.

pero dagdag ni sir ako raw ang magbigay ng presyo ko. depende pa rin daw sa akin kung magkano ba ang ibibigay kong presyo. so sabi ko, meet na lang kami. at ito nga. pati na rin ang ken spillman books ay napag-usapan namin.

before the meeting, pinag-usapan namin ni poy kung magkano ang rate na ibibigay kay sir jun. sabi ni poy, hindi naman daw masyadong literary ang harlequin, kaya mas madali itong isalin kaysa sa mga tinatanggap natin noon. short biographies ang isinalin namin noon para sa isang non-profit na organization. sabi ko, mahal kung piso per word. baka never na akong kausapin ni sir jun. kung papayag naman ako sa 14k, masayado namang mababa. pambayad pa lang iyon ng kuryenteng makokonsumo ng laptop habang nagsasalin ako ng nobela.

inisip ko rin ang offer ng national para sa nobela ni john green na papertowns. 30k iyon. hmmm... pero medyo literary iyon kaya medyo mataas. at first time ko pa lang magsasalin ng aklat... hmmm...

nagkompyut ako ng 35 cents per word. nasa 16k lang. nagkompyut ako ng 40 cents per word, pumalo ng 19k. puwede na.

so ito ang binigay kong presyo kay sir. sabi niya, ok naman daw. nasa range pa nila.

hindi ko pa nakikita ang isasalin kong aklat. maybe I will ask for a price adjustment kung komplikado palang isalin ang akdang napunta sa akin.

after naming magkaayos, tinanong ni sir kung gusto raw ni poy na magsalin din. sabi ko, kayang kaya po niya iyon. so malamang na bigyan din siya ng translation assignment. sa totoo lang, si poy ang interesadong magsalin ng harlequin hahaha kaya lang baka naman yung 14k na rate ang ibigay sa kanya :(

(madaling kausap si sir jun. kaya kapag nariyan na ang para sa akin at matantiya ko ang level of difficulty, saka siguro namin inegotiate ang assignment para kay poy.)

3. collection ng comics script

pinitch ko din kay sir jun ang comics scripts na naisulat ko for gospel komiks. nagpa publish din sila ng komiks. I-check daw muna niya. so ipapadala ko kay carlos ang mga sample ko mamya. puro tungkol kay god-god naman ito, hahaha! pero pambata, may uod ang bida, may nagsasalitang tsinelas at iba pa. so feeling ko entertaining and at the same time may values-values.

4. at iba pa

-masters sa up

kinakabahan daw siya sa una niyang subject sa up hahaha si mam glecy atienza ang teacher niya. nagtanong siya kung sino ang magandang kunin na teacher. naku sabi ko, lahat ng teacher sa up, pahirapan ang peg hahahaha

-booklat

ito yung wattpad pinoy version na pinasimulan niya. dami raw nagsusulat dito ngayon. at marami ang erotica. magsulat nga raw ako doon. (hehehe ito talagang si sir, naiisip ko tuloy may identity crisis ako,e.) meron siyang ipina publish na series ng aklat na galing sa booklat. ito yung pastry bin. nakakita na ako nito. maganda siya kumpara sa mga wattpad novel ng psicom. humahabol siya sa summit media chic lit books in terms of paper, cover art at packaging.

sabi niya, dito raw sa pastry bin,open siya sa kahit ano. hindi raw siya strict sa wika. sa precious romance kasi, may pagka pormal pa ang wika doon, formal na wikang Filipino. sa pastry bin, wala. ang naisip ko rito, ang sarap naman pag marami kang pera, nakakapag-experiment ka! hay. sana dumami ang pera ko para din makapag experiment ako sa mga akda hahahaha

-artworks

nang itour niya kami, inisa-isa niya ang mga art work na nakasabit sa mga dingding. bongga! may ben cab, may joya, malang, Ronald ventura, elmer borlongan, garabay, marcel, blanco (the father). sabi ko, kelangan sir sobrang tight ng security ninyo sa bahay at sobrang mahal na ng mga piyesang iyan ngayon! meron din siyang orlina, nakapatong sa mesa. isang pirasong dede. sabi niya, mura lang iyan. sabi ko, isa lang po kasi sir hahaha

nagstart kami ng 930 am natapos kami ng 1230 pm. naku mahabang mahaba ang kuwentuhan. marami sa mga ito ang unethical na ishare. kaya iyan na lang muna, friends.

anyway, medyo napagod ako sa meeting na ito. siguro dahil kabado ako the whole time. medyo rin, pa-shift-shift ang aming paksa. children's lit to erotica to children's lit to erotica. hahaha! kaloka talaga. ano kaya ang reaksiyon ng publiko rito? baka wala nang bumili ng marne marino? hahaha

naramdaman na lang namin ni poy ang pagod nang makasakay na kami ng dyip pabalik ng sikatuna. hindi kami nagkaimikan. pagoda cold wave lotion nga. bumaba siya sa grocery, ako naman, sa bangko. mahaba ang pila sa bangko, alam ninyo kung ano ang nangyari? nakatulog ako habang naghihintay na matawag ang aking number. power nap sa loob ng bangko, ang lukaret ko talaga.

pagdating sa bahay, saka kami nagkuwentuhan ni poy.hiling nga namin, sana ay matuloy ang lahat ng nai-pitch na project sa araw na ito.

amen.













hmm..



No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...