*kung me isang banda, napakaraming tao behind it para sumikat sila at makagawa sila ng maraming kanta at para makapag-perform sila sa iba't ibang bahagi ng mundo
*lagyan ng limit (number of years) ang pag-a-assign mo sa copyright. puwede mong sabihin, ina-assign mo ang copyright mo for 35 years.
*dapat effort lagi sa pag-perform dahil napakahigpit ng labanan.
*ilan sa puwedeng pagkakitaan ng performer
-fees sa live performance
-physical record sales
-downloads, streaming, ringtones sales
-broadcasting and public performance
-audio visual master re-use
-merchandising (caps, shirt)
-sponsorship and branding
-making available (pag promote-promote sa iba't ibang paraan)
wow, andami! sana puwede rin ito sa writer! yay!
*sa us, mayroong website kung saan nakalista ang mga film production/film companies at ang proyekto na kasalukuyan nilang ginagawa. nakasaad din sa website din na ito kung nasaang phase na ang bawat proyektong pelikula. mahalagang makita ng mga musician ang website na ito dahil ito ay potential market nila. maaari silang mag-alok ng kanilang mga composition sa film companies.
*kung magsa-submit ng music o sound clips sa mga production/film company, maximum na ang 1 track kada buwan. don't flood their emails.
*if you're not at the bus stop, you will never get on a bus! ibig sabihin, punta ka dun sa kung saan may opportunity na magdadala sayo sa gusto mong puntahan.
*may isang singer sa us ang nag-rap at ginamit niya bilang background ng rap ang kanta ng isa pang musician. ang ginawa ng music manager ng musician, hinintay niyang ma-record na ang rap (with background music) at mailagay sa mga cd ma-shift sa mga stores at mailunsad bago niya kinausap ang singer at ang sarili nitong music manager. dahil alam niyang copyright infringement ang ginawa ng singer na iyon. ngayon, wala nang choice ang singer kundi magbayad ng halaga na itinakda ng music manager at musician para sa kantang ginamit.
*gumagamit ng music ang tv ads, games, films, tv programs, tv shows, etc. minsan ang need ay maikling bahagi ng kanta, minsan mahaba. kahit ano pa ang need nila, dapat ay pinagbabayad sila.
*there is no such thing as pangit o di maintindihan na uri ng musika. kailangan lang niyang mahanap ang tamang konteksto para siya ma-appreciate. example: super hard rock, punk music, na trash siguro sa pangkaraniwang tenga. pero pag ginamit ito bilang background music sa isang maaksiyon na uri ng games, yung tipong maraming patayan, barilan etc, nagiging angkop ito, makabuluhan at maganda, in a weird way.
*wag i-attach ang file ng music sa email (kapag nagpapadala sa possible clients). gumamit ng sound cloud, yousendit at iba pang remote servers or file storage.
*kadalasang hindi itinuturing na asset ng companies ang kanilang intellectual property. pero mali ito. sabi ni director general blancaflor, dapat ideclare as asset ng companies ang kanilang intellectual property. ang kodak daw, nang mag-declare ng bankruptcy, naibenta pa ang kanilang IP (patents, etc.) nang billions of dollars. isa raw sa advisers si sir DG blancaflor ng supreme court hinggil sa pagpupulido ng bankruptcy law at iyon nga, ipinapasok na niya na mai-declare ang IP ng mga companies as asset.
*kapag naisuko mo na sa isang kontratang nagsasabing panghabambuhay mo nang ibinibigay o ina-assign ang iyong karapatan sa iyong akda, hindi mo na ito puwedeng mabawi pa kahit na mag-declare ng bankruptcy ang publishing company. ang karapatan sa iyong akda ay nasa kanya therefore asset na niya ito. puwede niya itong ibenta, iparenta, pagkakitaan sa kahit anong paraan na naaayon sa kontratang pinirmahan mo at ng company.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment