Sunday, July 21, 2013

ito na ba ang tinatawag na wedding jitters? haha

di ako makatulog. meron pa naman akong deadline ng editing job.

im thinking about our wedding.

heto ang naiisip kong itsura ko at ng aking mga bridesmaids. puro mga kapatid ko at kapatid ni poy.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjpsws_0zdCoP3oOpbwkLAZwF9E0AWwbAuMsQ21DxQ0tH0bbFTxjQM6iMHD_N62ueJmrz1ei2mGz2kyW1NaeiFqB_rpkVW9v5lmUhkkUgeAFyEtbRKjU3WPmheC6Ir0TaZA_xSN8pbtS4Rl/s400/Bridesmaids+dresses+2+-+style+me+pretty.jpg

gusto ko medyo darker ang shade ng mga damit nila para talagang lumitaw ang kulay na puti, ang kulay ng bridal gown ko siyempre.

tapos meron na kaming unofficial wedding coordinator hahaha si maru!


buti na lang at siya ang nag-alok. wala na siguro ito sa isip ko :( i don't know what to do. parang iniisip ko, nagpo-progress naman kami kahit paano, hahaha! pero parang hindi rin.

meron na akong kopya ng misalette galing sa san agustin. binebentahan ako ng office girl doon, CD for P100. nasa cd raw ang soft copy ng misalette. Sabi ko, wala po bang libre? Sabi nya, meron, tapos nag-print siya ng kopya. bahala na raw akong mag-type no'n. hay, grabe nakakatawa, di ba? talagang hangga't puwedeng pagkakitaan, pagkakakitaan ang mga magpapakasal. simbahan nga naman.

nagha-hunting nga pala ako ng mga promo at contest na may kinalaman sa wedding. baka manalo ako, e. sayang din, di ba? marami sa mga website na may kinalaman sa kasalan. at simula ngayong buwan na ito, lagi na kaming pupunta sa mga bridal fair. marami din silang mga pakontes at pakulo doon, at siyempre, freebies! kaya dapat samantalahin at malay natin, baka manalo ako! yay! hahaha!

done:

nakapag-down na kami ng 2k sa caterer.
nakapagbayad na kami ng 5k (full payment) sa museo pambata para sa mobile library nila as bridal car
nag-down na sa church ng 8k
naipa-reserve na ang reception venue-still working on our project with them (RMAF)
na-inform na ang walong ninang at ninong
nagdagdag ng isa pang ninang
met up with maru for her tasks as overall coordinator (at sinabi rin niya mga assignment namin)
met up with the venue designer kulay
met up with pre nup video maker/best friend ni poy na si jon lazam
nakausap na ang hilakboters para sa role nila sa church ceremony
napaalalahanan na uli si rayts at si wasi para sa pag-picture nila sa wedding
nagpadala na ng letter sa pari, si father steven zabala
come up with a tentative guest list

things to do:

kontakin ang isa pang ninong
get documents for marriage license
follow up father steven zabala
food tasting with caterer
work on with RMAF project
look for wedding ring design
coordinate with ate rannie for the wedding ring
handa music/songs
gawin ang prototype ng souvenir
talk to all bridesmaids re: damit nila
finalize guest list
check all pledges kung puwede pa (cake, make up, bridal gown, violin and piano, printing of souvenirs)

natatakot ako. noong isang gabi, nanaginip ako, tumatakbo daw ako papunta sa church kasi male-late na raw ako sa kasal namin. pagdating ko raw doon, nakapila na ang mga tao at gabi na. i asked everyone including the priest kung puwedeng i-postpone ang kasal kasi hindi pa kami ready. ano ang ibig sabihin nito? bad omen, ano?

hahahaha well, hindi ko habol ang rangya o ayos o ganda. ang gusto ko lang, nandoon ang mga kaibigan ko at pamilya. yes, una talaga ang kaibigan, ano? hahaha importante sa akin ang friends kesa family, aminado ako riyan :(









3 comments:

Maru said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Maru said...

ok sige, MEDYO updated but not good enough. hahaha! amp!

babe ang said...

inay ang sungit! hahaha

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...