i just have to write this.
iniisip ko, paano kaya gaganahan ang isang tao na mag-produce kung alam niyang ang kalahati ng produkto niya ay aangkinin lang ng iba?
i talked to Anvil Publishing last Thursday. Though i previously met with Anvil Publishing Manager Mam Karina a few months ago where we talked about the copyright ownership of It's Raining Mens, that Thursday morning, she insisted that there must be co-ownership for the copyright of the said book.
kasi raw hindi na raw dapat sundin 'yong practices noon (sabi ko kasi sa kanya pagdating ko, dati po napagkasunduan na po natin na ang copyright ng ikalawa kong aklat ay akin na po. katulad po ng aklat ni sir egay samar. naalala n'yo po ba, umoo kayo noon sa aking hiling? sa may coffeebean and tealeaf sa katipunan po tayo? oo, oo, sagot naman niya.)
kaya lang, iba na raw kasi ang management. kaya napakaraming pagbabago sa Anvil. at isa pa, the publisher invested so much to come up with the book. So it is just fair for them to claim half of the copyright.
oo nga naman. tama. pero bakit ang ibang publisher, tulad ng visprint publishing, naibibigay nila sa authors nila ang 100% ng copyright sa kani-kanilang mga akda? kahit pa namuhunan din naman ang visprint sa mga manuscript para maging aklat ang mga ito?
unfortunately, hindi ko iyan natanong. wala lang. nang marinig ko kasi ang sagot ni mam karina, parang bigla lang akong naawa sa admin ng Anvil. Kasi mga tauhan lang sila doon. wala silang magawa kundi ang sumunod sa mga big boss. at sino 'yong mga big boss? ang mga ramoses. headed by nanay socorro "coring" ramos. that lovable old woman "who built an empire out of ashes during the world war 2." the empire called national book store.
so you see, kahit puwede at dapat naman talagang ibigay sa mga creator ng mga akda ang copyright ng akda nila (in fact ang default mode meaning kung walang kasulatan ang manunulat at ang publisher, laging copyright belongs to the creator/author/writer, default mode 'yan, batay sa ating IP code of the Philippines!) hindi pa rin ito ginagawa ng ilang publisher, partikular na ng Anvil. medyo selective sila, e. may ibang aklat, 100% ng copyright sa writer tulad nga ng aklat ni sir egay samar at siyempre ng kay sir rio alma. pero merong ibang aklat na co-owned ang copyright. at isa ang kontrata ko sa mga sumusunod diyan sa co-ownership rule na 'yan.
Pero maganda pa nga itong na-strike ko na deal sa Anvil. half-half! kasi sa ibang publisher, 100% copyright ang napupunta sa kanila. kasehodang mamatay-matay ka na sa kakasulat at pagbuo ng manuskrito mo, once na ipina-publish mo 'yon sa kanila, kanila na ang copyright. sino ang publisher na 'yan? ateneo de manila university press.
i also signed a contract with Vibal last February. para sa unang una kong aklat na pambata, ang marne marino. co-ownership din ng copyright ang gusto nila. at pumirma naman ang gagang ako sa kontrata. although, tulad ng ginawa ko sa anvil, bago ako pumirma, talagang sinubukan at ipinakipaglaban ko hangga't kaya ng apog ko na ma-retain ang copyright para sa akin (at para sa mga anak ko at apo, eventually, copyright in the philippines lasts for lifetime of the author plus 50 years).
ganon din ang sabi ng kausap ko sa vibal, si mam espina: im sorry pero gagastos kasi kami para sa aklat.
totoo, malaki nga ang gastos para maging aklat ang isang manuskrito.
kung 'yon ang concern ng mga publisher, ay di pira-pirasuhin natin ang content para sa tamang pagtatakda ng copyright.
copyright of the book belongs to (name of creator) and publisher.
copyright of the text belongs to (name of creator of text).
o di ba mas malinaw?
isa-suggest ko ito kay mam karina at kay mam espina. palagay ko makatarungan ito. lalo na sa raining mens kasi text heavy naman iyon. di tulad ng marne marino, katakot-takot na illustration at lay out ang kailangang ilangkap sa teksto para maging aklat ito.
ngayon, anong gagawin ko kapag tumanggi pa rin sila? meron ba akong magagawa? meron ba akong mapagsusumbungan?
sabi sa akin ni poy, next time daw isasama ko siya when i deal with publishers. para daw may manghihingi para sa akin. para daw may magiging makapal ang mukha para sa akin. oo, tama siya. kasi kalikasan ng filipino author ang pagiging mahiyain at hindi mapaggiit. at least, kung may namamagitan para sa kanya, iyong namamagitan ang matatawag na makapal ang mukha, mukhang pera, walanghiya, matigas ang apog at marami pang iba. palagay ko, sa ganitong paraan, mas mapo-proteksiyonan nang tunay ang interes ng filipino authors.
hay, mahal kong manunulat na Filipino, alam ko na kung bakit lagi kang hikahos at sawi. alam na alam ko na kung bakit laging nagsi-swimming ang iyong akda sa pighati.
Ang copyright ng mga larawan ay kay Beverly W. Siy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
2 comments:
Nakakaiyak ang post mo Teh Bebang.
1. Nakakaiyak yung sitwasyon mo
2. Nakakaiyak sa inis kasi walang magawa
Pansin ko nga bakit ang daming dayuhan na limbag ang naka display sa NBS pero yung mga Pinoy authors ang konti-konti? Kung di pa ako makasama sa mga book clubs ay di ko madi-discover na may mga libro palang nalimbag bukod sa PHR (no offense meant).
Kulang talaga ang suporta para sa mga Pinoy authors. Akala tuloy ng iba na ang mga mahihilig magbasa dito sa Pinas ay tumatangkilik lang halos ng banyagang limbag pero actually isang monopoly talaga ang business ng libro dito sa atin.
Pahiram uli.
Para sa Panitikan. Para sa Bayan.
hello, Paano Pinoy, malot! Salamat sa pagpunta dito sa blog. Oo nga, nakakalungkot talaga ang reality :(
Kaya kailangan tayong magpakatatag, tayong mga may malasakit sa Filipinong aklat, babasahin at manlilikha. At kailangan din nating magparami!
Humayo tayo at magpakarami. amen! hahahaha!
Post a Comment