Noong Hunyo 2, 2013, umaga, naghatid ng 50 set ng Balik-aral kit ang I Love Pinoy at Dagdag Dunong Project sa Taniman at Area C ng Barangay Batasan, Quezon City.
Ang 50 sets ng Balik-aral Kit ay mula sa I Love Pinoy sa pangunguna ni Bb. Tin Ocenar. Nagbigay siya ng P2000 para sa sumusunod na supplies:
50 plastic envelope
100 composition notebook
100 pencil
50 eraser
50 sharpener
50 crayola set
50 ruler
Ilang araw bago ang pamamahagi ng Balik-aral kit, ang Dagdag Dunong Project (DDP) ay namili ng materyales sa Divisoria, Maynila. Kasama si Joshua Dominic Siy para sa pagbubuhat ng mga ito. Nagdagdag ng humigit-kumulang P500 para sa pamasahe at dagdag na supplies ang DDP. Pagdating sa headquarters ng DDP sa Kamias, QC, ni-repack na ang mga gamit para maging mas madali ang pamamahagi nito sa mga bata.
Noon ngang Hunyo 2, sa tulong naman ni Ronald Verzo na siyang nagbayad ng transportasyon papunta sa Brgy. Batasan, QC, naihatid na sa 50 bata ang mga Balik-aral kit. Sa pakikipag-ugnayan ni Arpee Zapata, youth leader ng nasabing barangay, nakinabang ang 38 bata na may edad na 6-7 taon mula sa Taniman at 12 bata naman na may kaparehong edad mula sa Area C.
Sa munting chapel ng Taniman ay nagkaroon pa ng storytelling activity pagkatapos ang pagbabahagi ng mga Balik-aral kit.
Ang pamamahagi ng Balik-aral Kit sa mga bata sa Brgy. Batasan, QC ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng I Love Pinoy at Arpee Zapata.
Sa ngalan ng mga batang tumanggap ng mga kit, isang taos-pusong pasasalamat po sa inyo. Nawa'y di kayo magsawa sa pagsuporta sa ating mga bulilit.
(Ipo-post po ang mga larawan sa lalong madaling panahon.)
Ang back story nito ay ilang araw bago ang opisyal na pagbubukas ng mga paaralan, nag-text si Arpee sa akin, sabi niya, may donor daw sila na hindi nakapagbigay ng sapat na supplies para sa 250 na bata. ang naibigay daw nito ay sapat lang sa 150 na bata. hindi raw makapag-umpisa ng pamamahagi sina Arpee dahil natatakot sila na baka awayin sila ng mga magulang na umaasang mabibigyan ng kit ang kanilang mga anak. Namigay daw kasi sila ng 250 na stub ng libreng school supplies para sa mga batang papasok pa lang sa pre-school.
Ifinorward ko ang text na ito sa mga kaibigan kong me pusong volunteer. Unang nag-reply si Tin Ocenar. at tinanong niya sa akin ang mga detalye. Okay lang daw bang ipost ko sa FB page niya. Sabi ko, ay, walang problema. Mula roon ay nakalikom nga siya ng cash (at nagbigay din siya ng cash mula sa sarili niyang bulsa!) para matuloy ang pagbiyaya ng 50 balik-aral kits sa batasan kiddos.
naisip ko, minsan, kahit na wala kang masyadong pinansiyal na kakayahan na tumulong sa iba, basta't ipaalam mo ang mga pangangailangan mo, meron at merong tutulong sa iyo. o di ba?
Hindi man naging sapat ang aming tulong, umaasa kami na mas kumonti ang malulungkot na bata at magulang sa pagbubukas ng mga eskuwelahan.
Thank you, Tin! Thank you, Arpee! Thank you rin kay Kuya Poy Verzo na hindi lang naghatid ng goodies sa mga bata kundi tumulong din sa aktuwal na pagsasalansan ng mga balik aral kit sa bawat venue at sa pag-aabot nito isa-isa sa mga bata.
Hanggang sa uulitin po, ate at mga kuya!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment