Thursday, June 27, 2013

back to school!

hay. nagtuturo ako uli. at hindi ko inasahang sasakit ang ulo ko sa ingay at kawalang-bahala ng mga estudyante.

akala ko dati, nami-miss ko na ang pagtuturo kaya binalikan ko ito. pero ngayong unti-unti ko na namang nararanasan ang maliliit at nakakairitang problemang kinakaharap ng mga guro, parang gusto ko na uling umatras. parang gusto ko na lang forever na magsulat.

alam kong hindi ko dapat personalin ang pagdadaldal ng mga estudyante. kaya lang, nakakaapekto lang talaga ang presence ng maingay at malikot na ulo sa loob ng klase. hindi ako maka concentrate sa mga gusto kong ibahagi. naiinis ako, nagagalit ako. at alam kong unfair ito sa mga nakikinig. na mas marami kaysa sa maingay at nagdadaldal.

kapag naiinis at nagagalit ako, napipika na ako nang tuluyan. ang tendency ko ay magbigay ng activity para iyong maingay ay finally masa-shut up dahil kailangan niyang sagutin ang mga pinasasagutan ko. alam kong mali ito, maling-mali ang motivation ko sa pagbibigay ng gawain. so kelangan ko talagang dagdagan ang aking pasensiya.

pero sana naman, 'yong mga estudyante rin, sana maunawaan nila na dapat silang tumahimik at makinig sa oras ng klase. kung ayaw nila, ay di lumabas na lang sila at magpamarkang absent. bakit ang unfair nila? uupo sila doon tapos hindi naman makikinig, at hindi lang basta hindi makikinig, makikipagkuwentuhan pa sa iba. nadadamay pa ang iba. nasaan ang malasakit sa kapwa?

bihira akong manita sa klase dahil kolehiyo na ang tinuturuan ko. siyempre, hindi na bagay ang pagsasaway. sana ma-realize din ito ng mga college student. ganito ang perspective ng mga taong ginagawa ang lahat para makatulong sa kanilang pagkatuto.




No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...