Tuesday, February 5, 2013
Power trip, anyone?
Lungkot na lungkot ang anak ko kagabi pag-uwi niya. Iyon pala, may iniisip. Nang ikuwento niya sa amin ang nangyari noong uwian nila, in-encourage namin siyang isulat ito at i-submit ang sulat sa teacher o head ng CAT. Kung maipapadala niya sa campus paper, mainam din.
Pinroofread ko lang (gitling, spelling, etc. ) at heto na:
SALAYSAY NG ISANG ESTUDYANTE NG RMCHS
Noong February 4, 2013, bandang 7:00 p.m., uwian na kaya magkakasama kami ng mga kaibigan ko na sina Eunice Romanillos, Sarah Regacho, Cristine Abrasaldo na taga-II-Bonifacio at si Abigail Faniega na taga-II-Mabini. Naglalakad kami sa corridor ng 3rd floor ng Main Building kasabay ang ibang mga kapwa estudyante.
Habang naglalakad, may grupo ng magkakaibigan na nagtatawanan at nag-uusap nang biglang may sumigaw na lalaking CAT na may kasamang babae na CAT din. “MAG-IINGAY PA KAYO!” pagalit ang tono nila sa grupo ng magkakaibigan, kaya nagsialisan na lang sila. Sumunod ang dalawang CAT sa amin hanggang makababa sa 2nd floor. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan kaming magkakaibigan habang pababa na sa hagdan. Pahiwalay na ko sa kanila para pumila sa pila ng mga lalake (tuwing uwian hinihiwalay ang pila ng lalaki at babae. Pinaghihiwalay ito ng mga CAT mula sa tapat ng mga hagdan at daanan hanggang sa paglabas ng gate) nang biglang may sumigaw na lalaking CAT sa amin, “ANG IINGAY NINYO! NASA PALENGKE BA KAYO?!” galit din ang tono nito sa amin. Sumagot naman ako sa kanya sa maayos na tono, “Kuya nasa school po kami.” Palakad na ako ulit pero sabi niya, “Namimilosopo ka pa!” Nagulat naman ako sa sinabi niya kasi hindi ko naman intensiyon na mamilosopo kaya ang sabi ko, “Bakit? Tama naman ‘yong sinabi ko, a?” May nagsalita ulit na lalaking CAT ang sabi niya, “Sasagot ka pang bakla ka, e.” Nagsalita naman ‘yong kaibigan ko na si Cristine na, “Kuya hindi naman siya bakla, e” pero sininghalan siya ng babae na CAT ng “SASAGOT PA KAYO, E!” Tiningnan ko ‘yong lalaking nagsalita sa akin sabay talikod at sinabi sa sarili ko na, “Hindi ako nag-aral dito para pagsalitaan mo ako nang ganyan.”
Isinulat ko ito para lalong maintindihan ng mga tao ang sitwasyon ko at ang ginagawa ng ibang CAT na tatawagin kong Power Tripping. Ito ‘yong klase ng bullying na kung saan ginagamit mo ang authority o antas mo para makapang-abuso ng iba sa verbal o pisikal o iba pang paraan. Ang ginawa ng dalawang lalaki at ng ibang babaeng CAT ay Power Tripping at verbal bullying. Nang marinig ko ang sinabi sa akin at ang pakikitungo ng mga CAT sa loob ng school ay hindi ko talaga ito nagustuhan. Hindi ko rin maisip na may ganon palang estudyante at CAT pa. Kaya natanong ko sa sarili ko na ganito at ito nga ba ang paraan ng pagtuturo sa CAT? Ganito ba sila mandisiplina ng kapwa estudyante? O sadyang ginagamit lang nila ang pagiging CAT para makapagsalita ng hindi maganda sa iba? Paano sila igagalang ng mga estudyante kung sila mismo, hindi naman nagpapakita ng paggalang sa kapwa?
Hindi ko isinulat ito para siraan ang CAT. Isinulat ko ito para malaman ng lahat ng kapwa ko estudyante na naabuso din ng ibang CAT na hindi sila nag-iisa at may karapatan silang makapagsalita at kaya nilang ipaglaban ang karapatan na ‘yon. Isinulat ko rin ito sa pag-asang titigil na ang power tripping ng mga CAT.
May iba namang paraan para magpatahimik o pagsabihan ang ibang estudyante. ang paraan na ‘yon ay ang MAKIPAG-USAP NANG MAAYOS, hindi ‘yong sisigawan at sasabihan ang kapwa estudyante ng hindi magandang salita. Gusto ko makilala ang iba pang estudyanteng nakaranas nito at gusto ko rin matigil na ang maling pagdidisiplina o ano pa man ang maling paraan ng mga CAT.
____________________
SEAN ELIJAH W. SIY
II-Bonifacio
Ang salaysay na ito ay ipinost nang may pahintulot ng may-akda.
Copyright ng larawan ay kay Ronald Verzo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment