Tuesday, February 26, 2013

Huwat? Biyaya na naman?



Ay, hindi po ako nagrereklamo. Thank you, thank you talaga sa Supreme Being!

Ang suwerte ko talaga, friends. Grabe na 'to.

Kanina ay pumirma ako ng publishing contract with Vibal. Para sa aking kuwentong pambata na Marne Marino.

Noong 2009, may nakita akong contest sa pagsulat ng kuwentong pambata. Ang paksa ay seaman at ang kanilang pamilya. Agad akong nag-conceptualize. Agad akong nagsulat. Pero dahil sa wikang Ingles ito, it took me 400 years. Joke. Mga ilang buwan din. Tapos pina-check ko nang pina-check ang grammar sa bespren kong manunulat sa Ingles na si Russell Mendoza. At ang mga detalye sa high school classmate kong seaman na si Nestor Oscares, at sa isa ko pang kakilalang seaman na si Alex Vadil. Baka kasi magkamali ako e tungkol sa barko iyon at sa iba't ibang kuwarto nito at sa mga taong nagtatrabaho sa barko, wala naman akong experience sa pagtatrabaho doon, mahirap na.

Tapos, isinubmit ko na ang kuwento with the highest hopes na mananalo ito.

Bakit?

1. I believe maganda ang kuwento ko.

2. Bago ang mga nakalagay doon. Wala pa akong nababasang kuwentong pambata sa Filipino na pinaksa ang iba't ibang taong nagtatrabaho sa barko at ang mga bahagi ng barko.

3. Hindi masyadong kilala ang contest, malamang konti lang ang sasali rito.

4. Medyo challenging ang tema: buhay seaman. Siguradong mas konti pa ang sasali rito.

(You see, nagkaka-confidence lang ako kapag kaunti ang kalaban. Kasi pag kaunti ang kalaban, siyempre, tumataas ang chance ng bawat kalahok na manalo. Noong college ako, ito lang ang dahilan kung bakit nananalo ako sa mga contest. Aapat ang sasali, minsan lima, at pag university-wide, marami-rami na 'yong entries, mga anim. Nakaka-2nd o 3rd place ako! Ansaya, di ba?)

Pagkatapos, inabangan ko na ang petsa kung kailan nila ia-announce ang winners: August 4.

Pagsapit ng August 3, may natanggap ako from them:

You are getting this in response to several follow-up inquiries, and because you submitted an entry to or contacted us earlier about the XXXXXXX Storywriting Contest.

We have narrowed down our selection to a few finalists. Based on that, we are now in the process of selecting the final winners. We hope to have the results within the month, and announce by email to everyone who submitted an entry.

Because this is the first time we're doing this, we are being very careful in how we proceed. The care we take now will set a precedent for the future. Thank you for your patience and understanding, and thank you for your continuing interest in the XXXXXXX Storywriting Contest.

Okey. Masaya pa ako, highest hopes pa rin. Kinokontak ako. This is a good sign.

After a few days, I got another email from them. Eto ang sabi:

You are getting this because you are among those who submitted an entry.

Some of you are asking what exact day we will announce the winners.

Our answer is we can't say exactly what day we will announce the winners. If you are one of the winners, however, you need not worry that you will miss the announcement because we will let you know right away in three ways -- by email, by phone call or text message, and by a letter sent to your mailing address.

The list of winners will be posted in our blog as well, and also emailed to everyone who submitted an entry.

Thank you for your patience and understanding.

Yes, panalo na ako.




Imagine, pinapadalhan ako ng ganitong email kahit na hindi naman ako nangungulit. I was so excited. Ilang araw na lang makikita ko na ang pangalan ko sa listahan ng mga winner! Sikat!


Pag-slide pa ng ilang araw, nakatanggap na naman ako ng email. Good news na ba? Heto ang sabi:

Hi,

We want you to know that we will announce the ten winners of the XXXXXXX Storywriting Contest on Monday, September 7. The announcement will be made in our blog http://XXXXXXXXXX.blogspot.com and also by email to everyone who submitted an entry.

At the same time, each individual winner will be notified by email, by text or voice call, and by a letter sent to their mailing address on file.

Ang tagal naman. Atat na atat na akong ma-award-an!

Humambalos na parang higanteng alon ang September 7. At yes, talo ako.

Anak ng balyenang binubungang araw, pinatagal pa, talo rin naman pala. Yay. Pero ako namang talaga ay hindi nasisiraan ng loob. Anumang oras, anumang panahon, anumang pagkakataon. Sabi ko, magkakaroon ka rin ng moment to shine, Marne. I can feel it. Tapos umiyak ako. (Nang time kasi na 'to ay walang nangyayari sa aking career at sa aking lovelife. Lalo na sa aking pag-aaral. Sabi ko, ano ba? Ito na lang, ipagkakait mo pa, ha, tadhana? What's up? Lahat na lang ng kapigha-pighating pangyayari, isinaboy mo na sa mura kong mukha, katawan at isip. What's up?)

Umiyak ako for 400 solid years.

Tapos itinago ko sa pinakasuluk-sulukan ng USB ko ang kuwentong pambatang Marne Marino.

Fast forward to 2011. Nang tinatapos ko na ang It's A Mens World na manuscript, naisip kong isama ang Marne Marino bilang huling bahagi ng essay na Ang Aking Uncle Boy. Ito ay tungkol sa uncle kong seaman na nagsikap at nakapagpaaral ng sangkaterba niyang anak. Ang panganay ay isa na ngayong doktor.

So 'yon na nga. Idinugtong ko sa essay ang Marne Marino. Tapos inialay ko kay Uncle ang akdang iyon. Waiter ang Uncle Boy ko, for more than twenty years! So naisip ko, sa ranggo, hindi sila nagkakalayo ni Marne Marino na isang oiler. Si Marne ang bida sa aking kuwentong pambata at ang oiler ay isa sa pinakamabababang ranggo na mapapasukan sa isang barko.

Na-publish na nga ang Marne Marino, sa wakas. Na-publish sa aklat na It's A Mens World. Pagkaraan niyon ay hindi ko na ito inisip muli. Kumbaga, made na ang kuwentong pambata kong ito. Ganap na.

But wait. There's more.

After a few months, kinontak ako ni Rio Brigino ng Vibal. Matagal na kaming magkakilala ni Miss Rio, noon pang time na inilunsad ang Wikipilipinas with Sir Bobby Anonuevo. Mga 5 or 6 years ago. Since then, lagi na kaming nagkakabungguang collar bones nitong si Miss Rio sa iba't ibang event para sa mga manunulat at aklat.

Nag-PM siya sa akin sa Facebook. Natuwa raw siya sa Mens at relate na relate sa maraming akda roon. Thank you ako nang thank you. Masarap makatanggap ng ganitong comment mula sa readers, ha? Parang inaakbayan ng kaluluwa nila ang kaluluwa ko. Parang sabi, ay, putcha, pare, di ka nag-iisa. Been there, done that. Pero, hello, kung nagpatalo tayo sa mga ka-nega-nahan ng sitwa-sitwasyon, di sana tayo pangisi-ngisi ngayon habang naka-de kuwatro at painom-inom na lang ng Sparkle sopdrink.

So, andun ako, sa harap ng computer at sinisimot pa ng kaluluwa ko ang ilang butil ng Sparkle, nang biglang sambitin ni Miss Rio ito: Bebang, baka gusto mong i-publish with Vibal ang Marne Marino mo as a children's book?

Inay. Nakakagitla naman ang 'But wait, there's more' na 'to. Putcha talaga.

Siyempre, reply agad ako. Okey po, Miss Rio! Tapos smiley. Tipong pa-cool effect lang kahit na tumango-tango ako na parang nagdi-dribble ng apatnapung basketbol at kasinlaki rin ng basketbol ang mga mata ko. Okey, okey, ipapakontak daw niya ako kay Bea Alegre ng opis nila. Okey, okey po, kako.

Nagpalitan kami ng email ni Miss Bea. Inabisuhan niya akong i-clear ko raw sa copyright issues ang akda. Agad kong kinontak si Mam Karina Bolasco ng Anvil at sinabi sa kanya ang offer ng Vibal. (Joint copyright kasi ang Mens. Bale ako at Anvil ang may hawak ng karapatang-ari. E, since part ng Mens ang Marne Marino, kailangan kong humingi rin ng permiso sa kanila, sa Anvil, para sa paggamit nito.) Nagpadala si Mam Karina ng letter na nagpapatunay na puwede kong gawin ang kahit anong gusto kong gawin sa Marne Marino. Ipina-scan namin ito at in-email agad sa Vibal. Tapos inumpisahan ni Poy ang pagsasalin sa Filipino ng Marne Marino. Kinontak din niya si Jo (Ronier Verzo sa tunay na buhay), ang kuya niyang graphic artist, na siyang napipisil namin para sa illustrations ng aklat.

Nangyari ang mga ito noong 2012.

Ngayon, ngayong 2013, meron na akong cover page at first page illustrations, at rough draft ng illustrations ng buong aklat. Humingi rin ako ng sample contract sa Vibal. Naisip ko ring ipasalin sa Ilokano ang aking akda at baka mapasama sa reading list sa mga grade school class na mother tongue na ang gamit sa pagtuturo. (Kaya magkakaroon na ng bagong career ang nanay kong si Tisay. Ipapasalin ko sa kanya ang Marne! Wow, from T to T. From tong-itera to translator! Ikaw na, Tisay!)

Pagbukadkad ng Pebrero 2013, nakipag-set na ako ng meeting with Vibal peeps para sa pagtalakay ng ilang tangkay sa kanilang kontrata. At hindi ko na pinatagal ang negosasyon, e putik, baka rosas na, maging kamote pa kung magpapabandying-bandying ako.

Kaya, kaninang umaga, 10:38 a.m. ng 26 Pebrero 2013, pinirmahan ko na ang kontrata. Dinilaan ko rin ang aking hinlalaki at saka idiniin ito sa ibabaw ng aking lagda. Nag-iwan din ako ng ilang patak ng dugo sa ibabaw ng aking pangalan (for DNA purposes). Ganyan lang talaga pag seryoso kang tao tulad ko. Gusto ko nga rin sanang mag-iwan ng ilang hibla ng buhok at article of clothing (tulad ng panty) kundi lang ako pinigilan ni Miss Rio.

OKEY NA. OKEY NA 'TO, MISS BEB!

!!!

Okey.

So after more than 1000 years (and after kong manghiram ng Betadine at band aid sa first aid kit ni Manong Guard ng Vibal), magiging ganap nang pambatang aklat ang aking Marne Marino.

!!!

Wah. Ansaya lang.

Salamat sa kilo-kilong suwerte at biyaya mula sa Supreme Being. I owe You!

At super higit sa lahat, buti na lang at nagpapasalamat talaga ako, kusang ine-eject ng mga DNA ko ang konsepto ng pagsuko.

Rakenrol, mehn.


(Ang couple sa larawan ay mga kaibigan namin, sina Claire Racho-Sabugo at Charles Sabugo. Copyright ng larawan ay kay Bebang Siy.)

5 comments:

sherene said...

Congratulations naman! Ang galing gaing mo.
I cant wait for the Ilokano version, bibilhin ko para sa anak ko, proud ilokano yta to hehehe.
More blessings pa yan galing sa supreme:)

babe ang said...

Sherene! Wah! ang galing galing ano? Maraming salamat sa pagdaan mo sa blog ko! Magandang umaga and bless you, bless us all.

babe ang said...

ay mali, hindi ako yung magaling hahahaha magaling ang mga pagkakataon. mas kilala ang ganitong phenomena sa tawag na SUWERTE!

Jake said...

Hi!

Sana matuloy po ang pagsasalin sa Ilocano. First time din kaming nakapagpublished ng anthology (tula) na may pamagat na BULLALAYAW (ilocano for rainbow). Naging maganda ang outcome at sana maging ganyan din ang mangyari sa inyo as part of DepEd MTB-MLE program.

babe ang said...

Hello, Jake! Alam mo, nag-talk ako sa teachers ng Pasig kamakailan c/o NBDB. Isa sa mga ibinigay kong halimbawa ay ang aklat na Bullalayaw!!! sinubukan ko silang ma-inspire sa aklat ninyo, sabi ko, kung kaya ng mga Ilokano, kaya rin nila. Congratulations sa inyo, Bullalayaw authors!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...