Wednesday, February 6, 2013

ninongs, ninangs, venue at iba pa

sir rio-ok
sir vim-ok
mam marot-ok
mam ruby-ok
mam jeanette-ok
sir ricky-ok
sir era-sasabihan na raw ni poy.
mam alma- na-inform na

nag-email na ako kay mam alma, reply na lang ang hinihintay namin. SAna pumayag siyang talaga. at si sir era. yay!

venue

mag-eemail ako ng proposal sa ramon magsaysay. inemail ko kanina si kiel, na-excite siya sa idea namin, sabi niya, magsubmit ako ng formal na proposal sa kanila. sana magawa ko na ito. di ako makatrabaho sa kakaisip sa venue!

yun nga lang, 200 lang yata ang capacity ng RM. baka pumalo sa 250 ang guests namen! susmaryosep.

kung di ubra sa RMC (kung madecline ang aming proposal), baka dito kami:

paco park -kaso rizal day! yaaaa! baka di kami payagan!
kanlungan ng sining-sa luneta ititch
chinese garden-kasama ito sa original na pinagmunihan namin

at mag-iisip pa ng iba pang venue. (kung meron po kayong ma-suggest, please, palagay sa comment, thanks in advance!)

souvenir

sabi ni poy, journal na lang daw ang ipamigay namin. sabagay yun naman ang una naming idea. so kelangan ko nang magbasa ng maraming aklat. yung journal kasi parang book of quotes tungkol sa pag-ibig. siyempre pa, sulat ng mga manunulat sa wikang filipino. madugo ang research dito hehehe at ang paghingi ng permiso sa mga utaw.

motif

til now wala pa kaming mapagkasunduang kulay. easiest way out ko ay pink and purple. kung mapagod na ako sa kakaisip ng motif, yan na lang. okay din sa akin ang orange. or pink at aqua. (ayan na naman ako, papalit palit ng isip!)

book fair

reading room c/o sandy allan beltran-ok
pandora's books online c/o maru-ok

ieemail ko sina mam karina at mam nida para sumali sila sa book fair hehehe andun ang mga writers nila sa wedding namin! sana bumili ng books ang ibang attendees para makapagpa-sign sila sa authors.

iniisip ko, itabi ang candy buffet sa book fair. pati ang photo booth. para talagang pupuntahan ng mga tao hahaha kaya lang gusto ko yung cake ay nasa gitna ng candy buffet. e pano yun? either katabi namin ang candy buffet at ang book fair or malayo sa amin ang cake at pupunta kami sa candy buffet kapag kailangan na naming mag cut ng cake? hmm...

book exchange

im seriously considering this. magdadala ng lumang aklat ang lahat ng attendees. mas luma, mas ok. tapos pipirmahan nila tapos yun, magbo book exchange kami, siyempre kelangan me pirma hehe marami sa attendees ay published authors na. o di ang precious ng autograph! ang saya lang!

gown

nung isang araw, napadaan ako sa glorietta (after ng meeting namin sa ayala museum), waaah, yung tindahan ng tela doon, nagdisplay ng pinagpatong-patong na telang puti sa isang manikin, mukhang wedding gown. shet ang ganda talaga. so pumasok ako at tiningnan kung magkano kaya ang telang nakakulapol sa manikin. P2000 per yard. potah kamusta naman?

hay, ganito pala pag ikakasal na hahaha di makaisip ng ibang bagay kundi ang wedding! yay!

god bless our plans! amen! go 2013!!!




2 comments:

sherene said...

Carry lang yan wag masyadong ma stress kapatid, enjoy hehehe.
Like ko yung Aqua.
Maganda din ang pink violet, or emerald green and yello? Kumusta naman ang mga color combination ko hahaha.

babe ang said...

Hello sherene!!! thank you hahaha! ngayon pa lang stressed out na ano? ngek! salamat sa suggestion mo. will keep you posted (mas magaling sa kulay si bf kaya kelangan ko ng approval niya re: our choices na aqua at pink violet! yung emerald at yellow parang may pagka nature nature ito ano? hmmm di yata bagay sa akin hahahaha

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...