Tuesday, April 14, 2009

shanghai trip unedited

hindi ko matapos-tapos ang journal entry kong ito. ipopost ko na lang ang iba kapag natapos ko na. at for editing pa ito. pero gusto ko na talagang ibahagi, e. hahaha

Shanghai trip

Uber nag-enjoy ako sa faculty exposure trip namin sa shanghai, china. Andami kong nakita, natikman, napuntahan, nahawakan, narinig, naamoy, naramdaman at kung anu-an pa. Day to day ang gagawin kong kuwento sayo.

Day 1

Wala naman masyadong nangyari kasi 1 am na kami dumating sa pudong international airport ng shanghai. Nadelay an gaming flight. Sobrang tagal naming naghintay sa naia. Tapos ang hassle pa dahil ansusunget at walang ka-class class ang mga stewardess ng cebu pacific air. Ni hindi sila ngumiti sa amin. Indi rin ayos ang kanilang mga buhok. Sa likod, nang nasa ere na ang eroplano, rinig na rinig namin, dahil nasa huli akong row, ang kuwentuhan nila, ano ang gusto mo sa lalaki? Ako ang gusto ko sa lalaki…

Hay. Naisip ko tuloy na nakakahiya iyon sa mga foreigner. Kahit mura ang pamasahe sana man lang huwag ishortchange sa serbisyo. Sana ontime ang flights at ngumingiti ang mga stewardess.

Anyway, pagdating namin sa airport, sinalubong kami agad n gaming guide. Nakakaawa siya kasi nga nadelay ang flight namin so kailangan niyang magpalipat-lipat ng lugar kung saan pwede siyan gmaghintay. Una raw ay sa kfc tapos nang magsara ang kfc, sa labas ng airport, at sa lobby ng airport nang mag-aala una na.

E anlamig pa naman.

Galling kasi siya sa hangzhou, ang kanyang hometown na ilang oras daw ang layo mula sa shanghai. Ang pangalan niya ay si mr. yu. As in fish daw sa Chinese. Ang aming driver naman ay si mr. liu. Malaking mama na hindi ngumingiti.

Maaliwalas ang mukha nitong si mr. yu. Hindi kamukha ng mga naging guide naming sa hongkong macau at Shenzhen na medyo may kakaibang aura. Si mr. yu, magaan ang dating, lagi kasing nakangiti.

Sinamahan niya kami sa bus na siya namang naghatid sa amin sa hotel. Na medyo malayo rin, mga one hr. pinipilit kong magising sa bus kasi yun ang unang road trip naming sa shanghai. Gusto kong Makita agad ang paligid. Pero madumi ang bintana mula sa labas. At medyo foggy ang bintana kaya hazy ang dating ng labas. Para akong lasing na tumatanaw sa mga ilaw ng lungsod.

Hidi ko na rin nakayanan ang antok at ako’y nakatulog.

Pagdating namin sa hotel, nagpicture agad ako. Malaki an gaming hotel. Ditto sa atin, sikat siguro agad ito dahil nga sa laki. Pero sa shanghai kung saan lahat ng bagay ay malaki, ay hindi.

Kakuwarto ko si mam rosemary dinio. Isa siya sa mga econ teacher n gaming college. Isa rin siya sa mga nag-asikaso ng trip na ito. Naging karoom mate ko siya dahil may isang teacher na hindi nakasama sa amin. Medyo palpak-palpak an gaming travel coordinator na si weng. Marami nga ang naiinis sa kanya kasi medyo Malabo siyang kausap lalo na nang visa na ang pinag-uusapan.

Mas marami kami dapat na makakasama sa trip na ito ngunit may mga nagback out na teacher dahil sa late nang naasikaso ang iba pang hinihingi ng Chinese embassy sa kanila para sa visa. Buti na lamang at walang aberya sa akin dahil siguro ikalawang trip ko na ito sa labas ng bansa. Buti na lang talaga.

Itong isang teacher ay may visa sa australia kaya sinabhan siyang hindi na kailangan ang visa para sa shanghai. So hindi sya kumuha. Pero pagdating sa airport, hidni siya pinayagang sumama sa trip. Wala daw siyang visa para sa shanghai. In short, misinformed siya at ang may sala ay iyong weng.

So nabawasan kami ng isa kaya pinili ko na lamang na makikuwarto kay mam dinio imbes na makipagtriple sharing with gee at mam cora.

Natakot kasi ako nang may magsabi sa akin na 3rd star lang daw ang hotel. At sigurado akong pagod ako sa buong araw na pamamasyal. Kawawa naman ako kung ang tutulugan ko ay hndi naman maganda. Baka wala na akong pahinga. Ayun, sinabihan ko tuloy s imam dinio kung puwede ay makikuwarto na lang ako sa kanya, total ay wala naman siyang kasama sa room.

Malaki ang kuwarto. Kasinglaki siya ng kuwarto naming sa Shenzhen. May malaking tv (na hindi naman yata naming binuksan dahil bangon ligo tulog lang ang ginawa namin sa kuwarto dahil nga busy sa buong araw, dalawang double size na kamang may comforter, isang malapad na unan at kuwardradong unan, may lazy chair, may lamp na kasingtangkad ko, may cabinet at higit sa lahat, may bintanang nagsisilbi na ring dingding namin. Kaya ang ganda-ganda ng view.

Tuwing gabi, bago ako matulog, doon ako humaharap. Gusto ko kasing kinakaladkad ang tanawing kumukutikutitap hanggang sa mga panaginip.

Noong first night uli, after a few minutes pagkapasok ng kuwarto, may kumatok sa amin. Si mam baby ay nagyayayang magminindal. Pagod na raw s imam dinio sabi niya, e ako naman ay medyo nagugutom na rin kaya sumama ako sa kanilang kuwarto.

Kumain kami ng crackers na may palamang malamig na something. Parang tuna yata. Masarap. Kumain din ako ng bilog na tinapay. Tapos nakipagkuwntuhan na ako kina mam mata, mam baby, Erika at mam myrn.

Natulog kami 4am na yata.

Day 2

Valentines na!

Ginising ako n imam dinio mga 645 am. Naligo ako at agad na nagbihis. Kasabay ko silang nag-almusal. Hindi masyadong engrande ang buffet table ng hotel.

Ang breakfast, pare-pareho nang tatlong araw na stay naming doon. Heto:

Chinese bun- tinapay na kalasa ng puting tinapay ng siopao. Favorite ko kasi naaalala ko ang ma mon luk siopao. Ang sarap sarap. Kaya kong umubos ng tatlo sa isang almusalan lang. ng Chinese bun at hindi ng ma mon luk siopao.
Vermicelli- na hindi ko tinikman kasi may isa pang noodle na mas kaaya-aya tingnan
At eto yon>> Egg noodles-flat na noodles na medyo maalat. Type ko ito. Yummy. Kahit may kanin na ako, kumukuha pa rin ako nito.
Pork and beans-medyo matigas ang beans. Parang hindi kids-friendly.
Fried rice-na malangis at merong mga garnish na chinop-chop na dahon
Lugaw-plain lang at nakahiwalay ang sangkap
Maraming maraming tinapay, strawberry jam at packed butter/margarine
Nilagang itlog. Ang kikay ng kulay. Pink.
Itlog na ipapaluto sa cook na nakadestino sa buffet table
Manipis na ham na parang sweet ham at sa ibang araw, longganisa at sa ibang araw ay nagiging chicken or pork strips.
Para sa desert, mayroong himaymay ng ponkan at hiwa-hiwang prutas na lasang singkamas na binabad sa pinigang kalyo.
Para sa inumin-merong gatas, juice at tubig

Gatas ang ininom ko sa loob ng tatlong umaga. Sinisiguro ko kasing may melamine ang aking katawan. Joke. Mahilig lang talaga ako sa gatas.

Tapos sumakay na kami ng bus at lumarga.

Ang una naming pinuntahan ay Bank of China na malapit sa lugar na kung tawagin ay the bund. Doon daw kami magpapapalit ng pera sabi ni Mr. Yu. Ang ganda ng loob ng bangko. Parang museo. Ang taas ng kisame at ang mga ilaw parang chandelier. Hindi ito mukhang bangko. Ang luwag din ng parang customers’ area.

Sabado iyon pero bukas ang bangko. Sabi ni mr. yu, kahit inggo ay bukas ang mga bangko sa shanghai. Sinabi ko sa kanya, sa pilipinas ay hindi. Only until Friday. Sabi niya, really? It’s very inconvenient.. kasi raw napakarami raw ng tao kapag weekend at ano raw ang gagawin nila sakaling may gusto silang gawing transaksiyon sa bangko.

Oo nga. magandang ideya na gawing pitong araw ang bangko sa atin. Lalo na pinauuso nig ma ang long weekend. Hassle nga naman yung may mga kailangan kang asikasuhin sa bangko pero kailangan mong hintaying lumipas ang ilang araw para magawa mo ito. O hindi kaya ay ayaw mo mag-ATM kasi naman maraming ATm ang hindi naglalabas ng hundreds. At ang malupit, minsan, thousand lang ang bills sa aTm napapalaki ang withdraw mo.

At hindi rin naman ganun kareliable ang atms. At pinakamalupit, itataya ko ang hinliliit ko rito, me bawas pang sampung piso pagwithdraw mo.

Pagpasok ko sa bank of china (na niloloko namin, sa pinas ay chinabank lang naman ito), mayroong counter na maraming brochure at may maliit na basket ng tsokolate. In-assume ko na libre iyon kaya kumuha ako ng isa. Dove ang tatak. Aba masasarapan na ako, kikinis pa ang lalamunan ko.

Tapos dumiretso na kami sa mga counter na nag-aasikaso ng customer. Kanya-kanyang upo ang mga teacher sa parang magkabilaang couch.

May dalawang nakauniporme ng pulis sa gitna ng bangko. Mukha silang pulis although hindi pa ako nakakakita ng pulis doon. Kasi kakaiba ang kanilang tayo. Parang may awtoridad. Kaya iniisip ko, pulis sila.

Inilabas ko ang aking camera. Nang nakatingin na sila sa akin, itinuro ko ang camera. Umiling sila. Sabi ko na, bawal magpicture.

Pero dahil gawa yata sa semento ang bungo ko, palihim pa rin akong nagpicture. Nakakuha ako ng tatlong retrato. Ang dalawa ay tampok ang kisame at maririkit na ilaw. At nang umalis na ang mga pulis, yung parang welcome card na naksaulat sa Chinese na katabi ng pulang ox at itim na ox na stuff toy na nasa isang cabinet na may salamin. Ito yata ay promo promo nla. Tipong kapag nag open ka sa kanila ng account o di kaya ay may naabot kang halaga para sa iyong deposito o di kaya ay pag nagloan ka, bibigyan ka nila ng ox na souvenir.

Nakakatuwa ito kasi kahit sa business transaction, naaalala ng isang financial institution ang kanilang kultura. Di ba ang hayop na ox ay bahagi ng Chinese horoscope?

Sa atin, ballpen o lapis o notepad o jacket ng passbook na may tatak ng bangko ang give away.

May lumapit sa amin na babae, actually nasa unang counter siya, tagabangko, inaalok niya sa amin ang tsokolateng dove. Nagkuhaan ang akng mga kasama pero ako hindi na. Bigla lang akong tinablan ng hiya. Kuha nang kuha ba, e aalukin din pala.

Tapos inisip ko kung magpapapalit ako ng pera roon. Meron akong hk dollar meron ding us dollar at siyempre may peso. Pero sabi ng mga katabi kong mathematician, sa hotel na lang ako magpapalit kasi mas mataas ang rate. Sa hangad kong makatipid ng ilang peso, sinunod ko sila.

Mga 30minutos din kami sa bangko. Nauna akong lumabas dahil gusto ko ring magicture picture sa labas. Nakakita ako ng construction wrker. Akala ko, ito ay magiging karaniwang tanawin dahil marami ngang ginagawang building doon ngayon. Pero sa loob ng tatlong araw, iilan lang ang nakita kong obrero. Kahit kabi-kabila ang ginagawang building. Sabi ng ilang faculty, iyon ay dahil, marami sa mga gawaing pang-construction ay ginagawa na ng makina. Nalulungkot ako para sa pinas. Kasi ditto sa atin, old style pa rin. Magbubutas ka ng lupa, magbabarena ang mga mama. Maghuhukay gamit ang pala. Koti na lang e gamitin ang mga kamay para ipangkalaykay sa lupa. Kaya antagal-tagal. Isang dipang kalyehon ay inaabot ng anim na buwan susmarya.

Napansin ko din na may mga flag ng china sa tuktok ng mga building. Karamihan sa mga building sa side ng bangko ay lumang mga building. Very western ang hitsura. Gawa raw ito sa brcks sabi ni mr yu.

Nahahati sa dalawa ang shanghai. Old at new. Ang lugar na kinatatayuan naming ay old. Ito yung lugar na dating sinakop ng mga westerners nang maghari-harian (na naman) sila rito.

Noon kasi, sa sobrang ganda ng trading sa shanghai, dahil sa huangpu river, mapapansin na basta’t may ilog ay dinaratnan talaga ng sibilisasyon at kalakal, maraming westerners ang narahuyong magnegosyo ditto. At dahil agresibo talaga ang kanilang nature kumpara sa mga native, nauna silang sumikat at lumago, lumaganap at lumaki hanggang sa pulos kanila ang mga negosyo at building at teritoryong ito.

Meron pa nga raw mga establishment noon na nagsasabit ng kartulang Chinese and dogs, not allowed. O dib a? parang world war 1 lang ni Hitler. Jews and dogs, not allowed.

It’s a shame it’s a shame for us nakangiting kuwento ni mr. yu. Pero hello? Hindi yun nakakahiya sa Chinese. Kapag hinyaan nila iyn hanggang ngayn, nakakahiya nga pero ang dapat talagang mahiya e yung mga nangdidiscriminate. Nakakainis nga dahil kung tutuusin, sila nga ang wala sa bayan nila at heto, sila pa ang may lakas ng loob na mang-api.

Nang lumakas ang komunismo ay unti-unting pinurge ng pamahalaan ng china from foreign influences ang knailang bansa. Pati ang mga negosyante, pinauwi na muna para sila-silang Chinese na muna ang mamayagpag.

At nagkatotoo nga, pagkaraan lamang ng ilang dekada, namukadkad uli ang shanghai at ngayon nga ay financial capital ng asya at ng kanilang bansa.

Paglabas namin sa bangko ay sumuot kami sa isang underpass kung saan ay nakakita ako ng pulubi. Wala naman masyadong pinagkaiba sa pulubi dito sa atin. Marumi rin at may kapansanan. Pero ang pinagkaiba lang siguro, mas mobile sila. Kasi pagbalik naming sa underpass nang araw n iyon, wala na ang pulubing putol ang binti paglagpas ng tuhod.

Ditto sa atin, ang puwesto ng pulubi ay puwesto niya sa habampanahon. Very territorial ika nga. at kung bago kang pulubi, kailangan alamin mo kung mayroon nang bosing bosing sa area na paghihingian mo ng limos. Kung hindi, yari ka.

Sabi nga ni mr. peter wu, ang guide naming sa suzhou, I really like your country because people are nice. Ive been to manila and boracay. If you need help, they will stop to help you.

Tatango-tango ako nang ibahagi niya ito. Totoo kasi iyan. Actually hindi lang nice ang mga pinoy sa foreigner kundi extra nice. pAra bang may unwritten law sa bansa na ito na maging extra nice kapag ang kasalamuha ay tagaibang bansa ke ano pa ang pagkatao niya. Lagi tayong mas mahinahon, mas pasensiyoso, mas magalang, mas accommodating at iba pa.

Siguro talagang tumimo sa atin ang katangiang hospitable na according to sir rio ay ipinakilalang katangian lang naman sa atin ng mga dayuhang mananakop.

Dahil kung talagang katangian ng pinoy iyan ay may katutubong katawagan para riyan. Pero kita nyo naman ang hospitable ay salitang ingles.

Ito raw ay itinanim sa isip natin dahil gusto ng mga mananakop na maging hospitable tayo sa kanila at sa mga kalahi nila. Oo nga naman. Kung araw-araw, bibigyan ng reward at sasabihan na ang buong lahi nyo ay napakahospitable at mabait, magiging hospitable at babait kang talaga.

Para bang kung araw-araw mong hinhimas-himas ang ulo ng aso mo sabay bigay ng pagkain sa tuwing kakagatin niya ang iyong tsinelas para ihatid sa iyo, hindi ba gagawin at gagawin iyon ng iyong aso?

Iyon ang iniisip niyang katangian niya na gusting gusto mo.

Mukhang ganon nga lang iyon.

Anyway, balik tayo kay mr. wu, dagdag pa niya, I also like your beggars. If you tell them you don’t have money they just go away. Unlike in china, ur beggars nag you and bug you till you give in. Someday, if I become rich I will gather all the beggars in china and send them to your country so they will learn from your beggars.

Siyempre hagalpakan kami ng tawa nang marinig iyon.

Pero gusto ko sana siyang i-update. Naku, mr. Wu, our beggars have new idols. And that’s the chinese beggars. Filipino beggars don’t go away anymore even if yu show them your empty pocket. they have learned to beg and nag and bug as well.

Pero nang ikinukuwento ko na ito sa aking mga estudyante, naisip ko manila international school of begging! Wow. Bakit hindi? Puwedeg puwedeng karerin iyan ng mga pinoy. Total diyan naman tayo magaling, e.

Ano ano kaya ang mga subject dyan? Ethics of begging 101, strategic begging, philosophy of begging, human behavior, English for specific purposes, financial management for beggars, math of investment for beggars, speech communication (6 units) at saka at least isang foreign language. Dahil yumayaman na ang china, mandarin.

Sabi n imam cora, mawawalan d w ako ng subject sa paaralanag ito. Nag-agree naman ako.

Pero noong isang araw habang naliligo ako, ay mali s imam cora naisip ko. Aba puwede namang ipasok asng sining ng komunikasyon sa curriculum.

Sa the bund na nga kami dumiretso (basa: booooond parang boots ganyan). Ito ay isang mahabang breakwater para sa huangpu river. Ang ilog na naghahati sa old at new shanghai. Umaapaw daw ang ilog na ito noong unang panahon kaya itinayo ng mga Chinese ang bund. Kamukha ng baywalk natin ang bund. Pero mas scenic ang sa kanila dahil ang ganda ng mga nakahilerang building sa kalsada. Very western. Kahit d pa ako nakakatapak sa paris, feeling ko ganon ang feeling nang nasa bund ako. Meron pa ngang building doon na ang relos ay kamukha ng big ben.

Sa gate paakyat ng bund, may nbasa akong parang marker, ang nakalagay, the historical museum something. Ang unang bumungad sa amin ay garden ng iba’t ibang kulay na bulaklak atisang monumento sa likod nito. nagCR ang iba sa gurong kasama naming. Nagtagal kami doon ng limang minuto pero hindi nabanggit ni mr yu kung ano ang significance ng monumento.

Sa tapat ng mismong bund ay ang ilog at ang new shanghai. Sa new shanghai, ang mga building ay gawa sa salamin. Sobrang moderno ang architecture doon. Halimbawa ay ang isang building na hugis lagari. Sa Chinese feng shui daw pangit iyon kasi parang you are wishing bad uck sa mga katabi mng building. Kasi lagari it can cut you daw. Kaya ang ginawa ng ibang building na katabi ng mukhang lagaring building ay naglagay ng pangontra sa fenghui ng matalas na building. May naglagay ng hugis lotus na structure sa tuktok ng kanilang building. Lotus ay simbolo ng budhismo. Siyempre walang laban ang talas sa pananalig ng tao sa hindi nakikitang kapangyarihan.

Naroon din sa new shanghai ang shanghai pearl tv tower, 3rd tallest tv tower sa buong mundo at tallest sa asia. Gawa ito sa 11 spheres. Kaya tinawag na pearl ay dahil hugis pearl ang mga floor. Totoo. Pabilog so para siyang kabibili pa lamang na sundot kulangot na nakatayo.

Akala ko nga e papasok kami doon. Hindi pala. Sabi ni mr. Yu, may bayad. Sa 2nd flr, 50 yuan. Times seven sa atin yun so 350 pesos. Sabi ko, I have money. Sabi niya, theres nothing to see it’s not worth it. Tinanong ko, can we go up? Sabi niya, yes but you have to pay another fee.

Shanghai really is the financial center of asia, ha. Siyempre hdni ko isnabi yan.

Tapos sabi nya, its not worth it. Really. Because, all you will see is fog. Ay oo nga, pwede. Kaya hindi ko na siya kinulit. So nagpicture picture na lang kami doon.

May dumating na babae from the company daw ni mr. yu. Pipicturan daw kami as a group. Mayy pinahawakan sa aming mahabang steamer na pula. Sabi ni mr yu, welcome to shanghai daw. Pero siyempre hidni lang iyon ang sinasabi ng streamer kasi andaming nakasulat. Sana may subtitle talaga ang streamer.

Pagkatapos ng group picture ay picture picture pa rin pero sa mas maliliit na group na. piniktyuran kami (si gee, ako, s imam cathy at mam jeanette) ng ale. Libre daw iyon. Kasi naman alam na naming ang ganong raket, ilalagay kami sa plato at ibebenta sa amin bago kami umuwi sa pinas. Siyempre may kamahalan.

Binigyan kami ni mr yu ng 15 minutes para maglakad-lakad.

Magkakasama kaming namasyal nina mam cora, sir art, gee, at ms Claire. Andaming tao sa bund. Masaya ang atmosphere. Me mga nagtitinda ng pagkain tulad ng tinuhog na mga strawberry na ibinabad sa caramel, tinuhog na mga hiwa ng prutas na may caramel din, niyog na parng buko juice sa atin. Me nag-ooffer ng picture yung parang sa luneta, pipicturan ka nila on the spot tapos idedevelop para sayo. Me nagtitinda ng maskarang may salamin at bigote at pito. Kapag hinipan mo ang pito, may lalabas na dalawang mabahang papel sa magkabilang gilid, parang straw. Meron ding laruang baboy at ox na parang jelly. Kapag binato mo sa isang flat surface ay mafa-flat siya bigla. Pero unti-unti siyang tatayo at bibilog uli. Parang may sarling buhay. Apat para sa sampung yuan yata.

Sabi n imam cora, gawa raw iyon sa recycled condom. Tatawa lang kami. Totoo, pilit niya. Nasa news.

Saang news? Tanong ko.

Sa internet.

Napangiti lang ako.

Next naming tiningnan-tingnan ay ang mga cuple na naglalakad. Valentines day kasi iyn. Nawiweirdohan ako sa mga couple na nakita ko. Parang odd pairs. May matandang babae at isang matabang lalaki na hindi ganon katanda. Parang teacher at college student ganon.

Merong napakapormang babae, hindi kagandahan pero parang tumatalbog-talbog sa gara ang buhok tapos yung kakawing niya ng braso ay isang lalaking parang pinagkaitan ng nutrisyon at hango sa ukay-ukay sa bambang ang suot. Parang amo at drayber.

Pero meron ding mga mukhang kasing edad ko, may bouquet pang tangan yung babae. Walang sinisinong kultura talaga ang balentayms.

Mga 5 minutes bago ang nakatakdang oras ay naglakad na kami pabalik sa meeting place. Mahirap ma-late kapag marami kang kasama. Marami ang naaatrasado dahil lang sa isang tao.

Ang next desination ng buong grupo: sightseeing tunnel.

Sa ilalim ng bund ay may tunnel na naghahatid ng tao sa new shanghai. Imi-meet na alng dw kami ni mr liu sakay ng aming bus sa new shanghai.

Papunta sa bilihan ng tiket sa tunnel, may arcade pa. at maraming maraing ufo catcher. Ang isa sa mga nakatawag ng pansin sa akin ay ang uf catcher na puro ox na stuff toy ang premyo. Pagdating sa tiket counter, naghintayan na naman kami kasi may mga kasama kaming nahuli. Hiintay naming makabili ng tiket si mr. yu. At sabay-sabay kaming bumaba sa isa pang escalator.

may bumulaga sa aming pagkahaba-habang tv na nagtatampok ng marine creatures. Tapos sa gilid nito ay may mas maliliit at parihabang tv na mukhang aquarium. Actually, aakalain mo talagang aquarium ang mga ito. Parang totoo ang mga nagsisiwimming-an na mga isda doon. Meron pa ngang ariwana. Pero paglapit mo tv nga lang talaga.

May sasakyan na parang mini-LRT coach sa tunnel. Iyon ang maghahatid sat ao hanggang sa kabilang dulo. Saglit lang ang ride pero ang saya-saya dahil may nakahandang light show para sa mga pasahero. Nagkukutitapan ang pahaba, pabilog, maliit, malaking mga ilaw na pula, asul, dilaw, berde at iba pa.

At paiba-iba pa ng tema. Yung isa ay parang pumapasok ka sa time space warp. Parang sumusuklay ang ilaw sa tunnel. Yung isa naman, metoer rain, parang binabato ng maliliit na bumbilya ang katawan ng tunnel. Yung isa naman ay pagsabog ng bulkan at pag-agos ng magma. Pulang pula ang paligid. Meron ding parnag karnabal. May mga payaso pang pasulpot-sulpot sa gilid-gilid.

Sa dulo ng coach ako nakapuwesto. Kaya ang napipictyuran ko lang ay yung nasa dulo. Kumbaga, past tense na. ok lang naman kasi mabilis ang coach kaya mahirap makahagip ng matinong retrato.

Paglabas naming ay maraming booth na nagbebenta ng pamaypay, maliliit na piraso ng marmol na pwedeng pag-ukitan ng pangalan o retrato, mga stamp na maaaring pag-ukitan ng pangalan ng isang tao na isinalin sa wikang tsino. At iba pang tiangge.

Maraming sumalubong na tindero’t tindera sa amin pag-ahon naming sa kabilang dulo ng tunnel na malapit na malapit na sa pearl tv tower, marami ang nagbebenta ng miniature ng nasabing tv tower. Natawaran yata ng isang teacher hanggang 15 yuan para sa isang set. Marami sa aming kaguruan ang bumili non habang ang iba ay abalang nagpapapicture na ang background ang pearl tv tower.

Nagpapicture din ako siyempre. Iictyuran ko rin an gaming bus na ang tatak ay higer. Naisip ko khit sa china, ust na ust pa rin kami ust growing higer. Ngiyar.

Sumakay kami ng bus at pumunta sa kakainan naming ng lunch. Nasa ilalim ito ng major na tulay sa shanghai.

Floating restaurant pala! Hugis itong dragon. Nahirapan pa nga akong picturan ito dahil sa sbrang haba niya, hindi makuha nang buo.

Pagdating naming ay kami lang ang tao. Kaya nagduda na rin ang iba sa amin kung masarap nga doon. Dalawang table kami. Malalaki ang table sa mga restawran na kinainan naming sa buong trip. At puro bilog. Suwerte na naman suiguro kaya ganon ang shape ng mga kainan. Very prominent ang red color sa restawran na iyon. Ang buong ship ay pula puwera na lamang sa ulo at buntot ng dragon na design sa labas na kulay ginto.

Ang mga dingding ay pula at ang uniporme ng mga nagseserve ay pula.

Nagkaproblema na kami nang malamang walang nakapatong na kutsara at tinidor sa mesa. Puro chopsticks! Si mam agnes, eveready. May baong kutsara at tinidor.

Para sa akin ay ok ang food. Sa tingin ko bahagi ng charm n g lugar ang kakaiba nilang cuisine. Ke lasa mang tinunaw na mga kuko sa paa ang pagkain o di kaya ay nilagang luya at ginayat na sayoteng ibinabad sa katas ng medyas, walag problema sa akin at adventurous din ako. Kinakain ko anuman ang nakahanda. Inuuna ko nga lang ang mga pamilyar sa akn halimbawa ay ang grated repolyo na 100x yatang sinerve sa amins a buong trip. Pinalapad na scrambled egg at ang pechay na hiniwa hiwa at mukhang gnisa sa isang dagat ng mantika.

Ang hindi ko lang talaga type ay ang maaanghang. Kapag may nagcomment na maanghang ang isang dish, ni hindi ko na tinitingnan yon.

Hindi ko rin type ang siyempre madumi. Merong isang dish one time sa aming kinainang restawran ang nakitaan naming ng buhok. Nakalambitn ito sa hugis kalabasa na lalagyan ng dish na may sabaw. Wala nang gumalaw ng dish na yon.

The rest of the food, para sa akin ay ok.

Isa pa, dahil sa mesa ng mga kinainan naming restawran naalala ko na naman ang hapag kainan naming sa ermita, ang bahay kung saan ako lumaki. Kamukha ito ng mesa sa shanghai restaurants. Malaki, bilog at may maliit na bilog sa gitna na umiikot. Doon inilalagay ang mga ulam para maabot ng lahat.

China reminds me of my Chinese roots talaga.

Pagkakain, pumunta kami sax in tian di. Meaning new heaven and earth. Ito raw ay isang entertainment complex. Nang unang huminto ang bus namin doon, parang ayaw naming bumaba kasi parang boring. Mula sa labas, mukhang bahay bahay nag awa sa brick. Brown bricks. Pero pagpasok pa naming nang konti, maganda pala.

Ito rw ang mga stone house noong unang panahon. Na ngayon ay ginawang entertainment complex para sa yuppies na medyo mayayaman. Very western ang dating So para siyang eastwood ng qc. Me starbucks pa doon. Meron dding mga bilihan ng tsaa, mga souvenir tulad ng jewelry uli na may kakaibang design. Ito yata yung tinatawag na designer jewelry na actually hidi yung halaga ng bato o ginto o silver na ginanmit ang pinepresyuhan kundi ang unique nitong disenyo.

Meron ding mga jewelry box na mukhang urn, salamin na tadtad ng brilyantitos, mga palamuti sa cellphone at tuhugan ng popi or insenso at post cards. Sa isng shopna pinasukan naming, nakakuha ako ng libreng magasin.

Ingles ang ibang bahagi. Ang title ay zing. Magazing ssguro hahaha

Nagpicture picture uli kami s isang fountain s gitna ng xin tian di saka sa mga kalapit na restawran at shop. Magaganda ang histura. Pati ang mga upuan at mesa, halatang pinagkagastusan. Nakakatuwa ring sumuot kung saan-saan kasi para itong maze. Makikitid ang mga daanan.

Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas kami sa xin tian di. Dinala kami ni mr. yu sa isang man made lake na 3.9 minutes away. Picture picture kami uli doon. Pero hinintay lang namin ang bus na dumating saka sumakay para pumunta sa …………isang parang jade factory.

Mas maganda ito kaysa sa unang jewelry factory na nakita ko sa hongkong. Kasi ito ay mas educational ang dating.

Sa jade factory na iyon ay may sumalubong sa aming feng shui master. Mahusay siyang magsalita at medyo mukhang Filipino. Kaya madali rin akong na-at ease. Ipinaliwanag niya sa amin ang ilang pilosopiya ng architecture sa shanghai at sa iba pang bansa. Halimbawa ay ang bakit daw hindi shanghai ang capital ng china kundi Beijing? Kasi mabundok sa Beijing samantalang matubig sa china. Good for scholars daw ang bundok. Kaya mas maraming nadevelop at unang nadevelop na mga iskolar sa Beijing noon. Unang isinilang ang mga lider ng bansa sa Beijing. Kaya maganda raw na doon din ang seat of govt. sa shanghai dahil sa dami ng body of water ditto, una raw nadeveop ang kalakalan. Kaya maraming naging negosyante. At nag evolve nang nag-evolve at ngayon nga, ang financial cener ng bansa at maging ng asya ay ang shanghai.

Napakaimportante raw ng tubg at bundok sa feng shui. Kapag magpapagawa ng bahay, importanteng may sumasalubong na tubig sa iyo. Ito raw ang prosperity. At para hindi makawala ang pasok ng yaman, harangan ito ng structure sa likod. Maaaring yung bahay mo mismo parang walang lalabasan ang suwerte.

May metal artwork na ipinakita sa amin ang feng shui master. Ito ay nasasandwichan ng fake na langit sa gabi, may star star pa. at lupa. Sabi niiya, yun daw ang pinaka importante sa feng shui, ang metal artwork kasi ito raw ang simbolo ng tao. Heaven and earth daw iyong nagsasandwich at tao ang nasa pagitan nila. kailangan maganda ang relasyon ng tao o ang alignment ng tao sa langit at lupa.

Para sa akin ang ibig niyong sabihin, kailangan kapag kikilos ang tao, maging aware siya na hndi alamang siya ang laman ng uniberso kundi mayron din siyang pakikisamahang langit at ang tinatapakan niyang lupa. Kailangan maging maingat siya sa kanyang bawat galaw.

Sa architecture naman, may ipinakita siyang building na hugis espada. Kaya malas daw ang mga building na katabi nito. Bilang pangontra sa feng shui niyon, may building na nagpatayo ng mala-kanyon o armalite ssa tuktok ng building. Para raw sinasabi, ok if you cut me, ill shoot you.

Yung tallest tower sa Taiwan ay hindi raw magnda ang feng shui. Kasi siya lang ang pinakamatayog na estruktura sa lugar kung saan siya itinayo. Wala man lang pumapangalawa sa kanya sa height. Kumbaga, para siyang matangkad na tao sa paligid ng mga bansot.

Sa feng shui, napakaimportante ng harmony. At ang ganitong set up, hndi raw sumasalamin sa harmony. Kumbaga sa tao, sa komunidad ninyo, ikaw lang ang maunlad. Sa klase ninyo, ikaw lang ang matalino. Walang sharing ng wealth at talent.

Maganda rin daw na kapag magpapatayo ng bahay ay malaking malaki ang entrada at makipot naman ang back door. Para nga bihirang makalabas ang suwerte.

Pagkatapos ng mahaba niyang eksplanasyon sa feng shui, humantong kami sa isang room na maraming upuan. At may ounter sa unahan. Umupo ako sa isang upuan na kaharap ng counter. Sa likod naman ng acounter nagsalita si feng shui master.

Ang lecture niya this time ay lines sa palad at hitsura ng mga daliri.

Sabi niya, may mga bagay na nakatakda para sa isang tao at kung hindi ka gagawa ng paraan ay malamang na hindi mo mababago ito. Nakasulat sa palad kumbaga. Isa sa mga ipinapanukala niyang paraan ng pagbabago ng sariling tadhana ay ang pagdadala ng mga lucky charm. Pero mamya na ang tungkol sa mga lucky charm.

Ipinaliwanag ni master ang mga linya sa aming mga palad. Para kaming mga estudyante. Kada paliwanag niya sa kahulugan ng guhit ay agad naming ina-apply sa sari-sarili naming palad. Eto nga ba iyon? Ang haba naman ng guhit ko ditto. E bakti ang iksi ng sa iyo?hala ka.

Tapos pinasulat niya kami ng mga birthday naming saka niya ipinapila ang mga papel. Pagdating ng papel sa kanya ay babasahin niya ang palad ng may ari ng papel.

Heto ang basa niya sa akin.

Ayon sa birthday ko, ang lucky color ko ay purple. Ayon sa mga guhit ko sa palad, maganda raw ang takbo ng aking career. Maaari rind aw akong magkaanak na mga clever nguni naughty na mga bata. Uy tama siya doon. Maganda rind aw ang kalusugan ko. Pero ang marriage line ko, hindi raw maganda. Uy tama siya doon. Paulit-ulit nyang sinabi ito. Pero binawi niya rin pagkatapos. Are you married tanong niia? Sabi ko, no. still single. Sabi niya, I think you will have trouble with your marriage during your first few years. Ay sad. Actually, malaki nga ang posibilidad non. Yun ngang nangyari sa aming tatlo ni joji at poy ay talagang yumanig sa katinuan ko. Pero ang natuklasan ko sa sarili ko e, anuman ang mangyari sa personal kong buhay ay di ko hinahayaang makaapekto sa aking trabaho at mga tungkulin sa pinaglilingkuran ko.

Kaya ang una kong naisip na solusyon sa problematikong hinaharap sa marriage ay w ag na lang mag asawa.

Pero sabi niya, you can do something about it. Always keep this beside you in your pocket, wallet or bag. Tapos idinangle-dangle niya sa harap ko na parang medalyon ng mga naghihipnotays ang isang putting bagay.

Iyon daw ang pi xiu. Ang pi xiu ay isang mythical creature ng china. Ito ay isang dragon na walang butas ang puwet. Ang dragon per se ay suwerte. Kaya ang pi xiu, ibig sabihin daw non ay walang labas ang suwerte. Kasi nga walang butas ang puwet.

Mukhang pusa ang pi xiu. Itong idina-dangle-dangle sa harap ko ay putting pi xiu pero kapag tinitigang mabuti ay mababanaag ang bahid na kulay na talong. Yun ang aking lucky color remember?

How much is that? Tanong ko.

500 yuan.

Ngek 3500 pesos para lang sa isanglucky charm?

Is there a smaller one?

Hinagilap niya sa counter ang mas maliit na pi xiu at may taling pula.

This 300 yuan.

Sabi ko, I think ill just find something else inside your shop.

Sabi niya, ok ok go there tapos itinuro niya ang isa sa mga Chinese na babaeng nag-aasist sa iba pang faculty member naming na pumipili ng iba’t ibang lucky charm.

Kinuha ko ang papel ng birthday ko at ang 500 yuan na pi xiu.

Nang matapos ang nauna sa aking faculty member sa isang counter, nagtanong ako. Do you have a smaller one? Tpos iniangat ko sa eyelevel nya ang pi xiu

Tumingin lang ang Chinese na babae(saleslady kutob ko) sa pi xiu na hawak ko at binigyan niya ako ng putting pi xiu na mas maliit. 100 yuan daw anya.

Sinipat ko ang pi xiu. Walang bahid ng violet. Kaya itinuro ko ang bahid na violet. Tinitigan niya itong mabuti. At nagpunta kay master.

Pagbalik ni ms saleslady, umiling iling siya sabay turo sa pi xiu na hawak ko.

Tapos isinenyas niyang tumingin ako sa cunter niya. Inisa-isa ko na lang ang mga pi xiu doon.Merong pink, green, yellow at iba pa. merong malaki meron ding maliit. Merong may tali, merong ding wala.

Iniwan ko ang pi xiu ni master at naglibot-libot pa ako sa buong lugar na iyon. Andami pa palang room. Andami pa palang item. Merong jade na pandisplay ang disenyo ay kabayo at dragon at iba pang hayop. Meron ding jade na pulseras. Naalala ko tuloy si amah. Meron din siyang ganon at namulat ako me suot na siyang ganon. Hanggang sa dalhin siya sa ospital nang mga huling araw niya sa mundo ay hindi niya tinatanggal o hindi tinanggal sa kanya ang jade na pulseras na iyon. Namatay ang lola kong iyon halos nobenta ang edad.

Meron ding mga pulseras na makulay. Kuwintas at iba pang mga jewelry. Pero pinakamarami ang pi xiu. Tumingin ako ng hikaw. Naisip kong bilhan ang mama ko. Ang napili kong disenyo ay maraming batu-bato na parang diamond at may green na bato sa gitna. Sabi ng isang faculty, wag daw iyon ang bilhin ko kasi masyadong magarbo. Hindi raw bagay sa kin. Sabi ko, ibibigay kop o sana sa mama ko. Ay tama lang daw yung napili ko. Kasi raw kapag matatandang babae, natural lang daw ang ganong design.

280 yuan daw sabi ng tag. Pero natuklasan ko mula mam cora na certified true blue na ilokana na pwedeng tumawad sa shop na iyon. Bulungan pa ng ibang facuty member 100 yuan na lang daw ang mga hikaw. Kaya tumawad naman ako at pinatawad kaya binili ko na ang marikit na hikaw.

tapos may isang guro ang nagtanong kung jade iyon. Sabi ng isa pang saleslady (marami pala sila) jedite. Ang rinig ko jade ah. Kaya kampante ako. Pero may nagtanong uli. Jade? Sabi ng kausap niya, jedite.

Ngek. Hindi pala jade ang binili ko. Sabi ni mam chin uy, hayaan mo na, ok na yang pang-araw-araw. Sana lang e wag isangla to ng nanay ko para malaman niyang mumurahn lang itong binili ko para sa kanya.

Naisip ko ring bilhan si ej ng pi xiu. Yung maliit lang. Yung pinakamaliit. Tamang tama para sa bago niyang cellphone. Kaya naghanap ako ng jade na pi xiu. 50 yuan kasing laki ng kuko ko sa hintuturo. Nakakita ako ng jade na pi xiu na basag kaya sigurado akong babasagin iyon at hindi plastc. Binili ko siyempre yung buo.

The whole time na nagsa-shopping ako ay wala akong pera. Dahil nga di pa ako nakapagpapalit ng yuan. Kaya utang lang ako nang utang kay mam cora. Para yatang bad luck iyon, a.

Pagkatapos mag-ikot, nag-elevator lang kami at nandoon na kami sa aming restawran para sa hapunan na iyon.

Halos kamukha ng kinain namin s tanghalian ang kinain namin sa hapunan. Me noodles, me sabaw na onting onti ang sangkap, maraming malangis na gulay at isdang pinausukan yata tapos ay sinabuyan ng masarap na sabaw (si cathy ang tagaubos nito dahil paborito niya ang isda) malamig na manok, tofu na maanghang, at mga malamig na appetizer. Tinikman ko ang karamihan sa mga iyan. Paisa-isang subo ay nakakabusog na dahil sa paborito kong part ng hapag. Ang manamis-namis nilang kanin. Malalaki din ang butil.

Pagkahapunan ay dinala kami sa shanghai circus theater. Sa labas pa lang, kamangha-mangha na ang estruktura. Higanteng golf ball ang isa sa mga tampok dito. Parang isiniksik siya sa isang parihabang estruktura. Ang ganda rin ng tama ng ilaw dahil nagmumukhang panaginip ang lahat. Ang ganda talaga.

Sa loob ay may isang pabilog na stage at nakapaikot din ang mga upuan ng manonood parang bleachers. Madilim na ang buong lugar at mukhang may nag introduce na ng mangyayari.

Agad kaming umupo. Napansin kong may tumutugtog sa gawing ibabaw ng stage. Live ang music. Marami ring hagdan mula sa stage.

Manonood daw kami ng acrobatic show. Walang sinabi an gaming guide tungkol ditto so hndi rin kami masyadong nag-expect.

At tama lang pala ang nangyari.

Dahil sumobra-sobra sa aming imahinasyon ang aming napanood.

Ispektakyular ang pinakamahusay na salitang panlarawan sa show na iyon. Mula sa umpisa hanggang sa dulo, hindi sila nabigong pabukahin at pabilugin ang bibig ng mga manonood.

Heto ang mga natatatandaan kng stunts:

Si mr. Mangkok

Naglagay siya ng makinis na kahoy na parang textbook ang haba sa isang parang matabang alkansiyang kawayan. Gumulong-gulong siyempre ang mala-alkansiyang bagay. Tapos tumuntong siya sa kahoy at binalanse ang sarili. Tpos habang binabalanse ang srili ay naglagay sya ng baso sa bawat kanto ng kahoy at nagpaatong ng isa pang kahoy. At binalansse ang sarili. Tapos naglagay uli ng baso sa bawt kanto at nagpatong ng isa pang makinis na khoy. Tatlong patong yata ang ginawa niya.

Akala namin yun na ang pinakamhirap. Naglabas ng mangok ang kasama niyang babae. Inilabas ng lalaki ang kanyang binti at parang inaalok ang paa sa ababae. Doon ipinatong ng babae ang mangkok. sa paa. Tapos kumilos ang lalaki at sa isang iglap nasa iababaw ng ulo niya ang mangkok. Mga apat na mangkok ang pinagpatong-patong niya sa kanyang ulo sa ganoong paraan. Ang 2nd to the last ay isang baso. At ang huli ay isang Chinese na kutsara. Shinoot niya sa baso.

Grabe talaga. Ang gulo gulo ko na by that time sa soibrang paghanga ko. Madali akong ma-ecite na tao yun nga lang na nakakabalanse siya sa unang kahoy ay napasigaw na ako ng MARRY ME MARRY ME susmarya yun pa kayang huling stunt niya?

Si mr. banga.

Mataba siya at matangkad at mkhang nodles peddler dahil sa dinadrive niyang side car na parang noodles ang set up. Naalala ko nga si kung fu panda bgla.

Unang labas niya ay hidi siya ang nagstunt. Itinagilid lang niya ang ga-bewang na kayumangging banga sa kanyang side car. Mula roon ay may lumabas na babae. Isa, dalawa, tatlo, appat, lima!!!

Kung paano sila nagkasya doon ay isang palaisipan hanggang ngayon. Ang isang naiisip ko e, nakasaksak sa bibig ng isa ang paa at binti hanggang hita ng isa at ganun din yung isa at ganun din yung isa pa. space ang tinitipid e.

Tumulong din si mr. Banga sa stunt ng universal motion dancer guys. Pero mamya na about them. si mr. banga muna.

May dalang dalawang vase si mr. banga. Yung isa, medyo maliit. Pabilog siya, mukhang matabang baso. Kasintangkad ng braso niya at ang taba ay parang sentro ng mesa ng mga kinakainan naming restawran.

Inihagis niya sa ere ang vase na iyon na parang naghagis lang ng isang balot ng haw haw flakes sa langit. Tapos sinalo niya ng kamay. Hinagis niya ulit ito. Tapos sinalo niya ng paa. Tapos pinaglong gulong niiya ang vase sa braso niya at sa dibdib at sa kabilang braso. Tapos sa kanyang braso sa kanyang likod at sa kabilang braso.

Tapos pinaikot niya ang vase sa kanyang daliri na para bang basketball lang ito.

Palakpakan ang mga tao.

Inihagis niya uli ito sa ere at sinalo gamit ang batok. Tapos sa isang galaw niya ay nakatayo sa ulo ang vase.

Pagtingin niya sa gilid, napansin niya ang isa pang vase. Higit n malaki ito at mataba. Dinampot niya ito na para bang holen lang ang dinadampot. Pinadagundong niya ang vase para siguro ipaalam sa aming manonood na babasagin ang kanyang hawak at hindi tupperware.

Inihagis niya ulit ito sa ere. Pigil ang hininga (at utot kung meron man) ng lahat. Salo. Hagis. Salo. Haggis. Salo. Haggis. Salo ng paa. Haggis. Salo ng batok. Haggis mula sa batok tpos salon g ulo. Ng ulo.
Ewan kung paano nangyari pero ulo talaga ang pinangssalo niya sa mga sumusunod na stunt.

Tapos pinatayo niya ang vase na iyon sa kanyang ulo. Tapos pinagpalit ng tindig. Kumbaga sa tao, pinagpalit niya ng paa. Napagagalaw niya ang vase parang side view, to your right to your left at agagawa niya iyn habang nakatingkayad ang vase sa kanyang ulo at ipinipilig pilig lang niya ang knyang ulo.

Amazing talaga.

Pero tawa kami nang tawa nang maalala naming si Karen. Naiimagine namin si karen ang nagbabato ng mga banga. Labas pusod.

Sa buong trip, sa tuwing makakakita kami ng banga, naaalala tuloy namin si karen. At hagikgikan kami nang hagikgikan. Ako si ms claire, si mmam cora, sir art, si gee at si mam cathy.

We just missed Karen pakshet.

UMD guyz
Sa umpisa aakalain mo, dance group lang sila. Mga young men na multi colored ang mga damit na parang pinunit lang ang mga manggas. Supposedly parang member sila ng dalawang naglalaban na gang doon sa kanilang palabas. Pasayaw-sayaw sila so naalala ko ang universal motion dancers. Pero nang sumirko sirko nas ila sa ere, mapapasigaw ka na naman ng marry meeeee hay grabe. Sumusuot sila sa mga pabilog na strip yung parang nilulusutan ng mga lion sa circus. Pero this time, mga tao yung lumulusot. Palundag lundag pa sila. Minsan, sabay-sabay. Minsan, magkahilis kaya feeling mo magkakabungguan. Tapos minsan, yung ulo nakadikit sa tuhod at ang mga binti ay naka-stretch. Meron ding pumapasoks a bilog na pabaliktad. Nauuna yung likod nila. Yumuyuko sila para hindi sumabit sa bilog. Meron lumulundag na parang si road runner kapag nakabukaka. Ang bibilis nila at ang tataas tumalon.

Siyempre habang nagtatalunan sa mga bilog ang iba ay nagsasayawan naman yung iba para busy ang stage.

Isa pa nilang stunt ay ang paglundag-lundag din sa ere pero this time, sakay sila ng parang see saw. Tapos biglang may tatalon sa kabilang side para magpabigat at hahagis sa ere ang nasa kabilang side. Ilang beses nilang inulit ulit iyon. Pasirko-sirko, papaimbulog na parang si superman at iba pa. minsan, by paa, bare feet, minsan by stilts. Yes, yung mahabang kawayan na nakasuot sa kanilang paa. Minsan, meron pa silang target na babagsakan. Parang yung sa dart. Siyempre nakalatag ito sa sahig. Pero ang hirap non kasi iikot ikot ka pa sa ere tapos kelangan pagbagsak mo sakto yung stilts sa bilog na pula. Meron din yung patong-patong sila. Paghagis sa ere ng isa, ang bagsak niya sa balikat ng isang lalaki. Tapos meron pang isang magpapahagis sa ere at kelangan ang bagsak niya e sa mga balikat ng naunang sumirko sa kanya. Mga tatlong patong yata yung ginawa nila. ang pinakamalupit ay ang paghagis sa ere ng isang lalaki, sasaluhin siya ng isang upuan na nakakabit sa isan gmatangkad na kahoy na hawak hawak ng isa pang lalaki.

Itong UMD boyz din ang nagpakitang gilas sa trampoline. Although may mga kasama silang babae don kahanga-hanga din ang kanilang ginawa. Pasirko-sirko rin sila.

ang paborito kong stunt ay yung ballet sa ere. May dalawang mahaba manipis at makintab na tela ang bumaba mula sa kisame. Tapos naghaulan ang isang pares ng ballet danceer. Mayamaya ay lumapit sila sa tela, ipinaikot ang bawat tela sa kani-kanyang bisig, tumakbo, bumuwelo saka bumitin. Para silang mga elisi ng helicopter. Naghabulan sila nang naghabulan. Tapos unti unti umangat ang mga tela kaya nahatak sila.

Mayamaya ay magkalapit na sila sa isa’t isa at nagsayaw ng ballet sa ere. Walang harness walang net. Ang tanging nakakabit sa kanila ay ang mga telang ipinaikot nila sa kanilang mga braso. Misnan kakalasin ng babae ang tela at nakakapit lang siya nang mahigpit sa lalaki. Minsan sa kamay, minsan sa paa at minsan, nakalambitin lang sa leeg!!! At minsan, nakahiga siya sa ere ang ulo niya ay nakapatong sa isang paa ng lalaki at yung paa ng lalaki ay nakaalalay sa likod ng bababe.

Death defying stunts talaga.

Pagkatapos ng kanilang apgbaballet ay lumapag silang muli sa sahig at mgumit nang pagkatamis-tamis. Na para bang katatapos lamang nilang kumain at magsubuan ng buko pandan.

Ang finale ay sadyang malupit.

Me inilabas na globo. Yung parang sa mall of asia. Inilawan ito. Biglang may lumabas na motorsiklo at pumasok sag lobo. Nagpa-ikot ikot siya sa loob. Tapos maya maya ay umangat nang konti. Humantong sa gitnang latitude. At nagpaikot-ikot kaparallel ng latitude.

Tapos maya-maya ay longitude na nagpaikot-ikot siya kaparallel ng longitude.

Naloka kami. Yun nga langmanood ng zyklon loop sa star city ay napapatiran na kami ng katinuan heto pa kaya na nasa loob ng masikip nag lobo e, nakamotorsiklo pa? lintek talaga.

Mayamaya, may lumabas na isa pang motorsiklo. At pumasok sag lobo. At ginawa niya ang mga ginawa ng unang motorsiklo. Pero dalawa silang tumatakbo. Sabay nilang ginagawa ang lahat ng stunts sa loob ng globo.

Ang pinagkaiba lang, minsan. Nagsasalubong sila. Oo nagsasalubong pa. Talagang naghihintay ng disgrasya.

Bumaba na ang mga motorsiklo pero hindi lumabas ng globo.

Biglang may dumating na isa pang motorsiklo. At ginawa nilang tatlo ang lahat ng stunts.

Biglang may dumating na isa pang motorsiklo. At ginawa nilang apat ang lahat ng stunts.

Biglang may dumating na isa pang motorsiklo. At ginawa nilang lima ang lahat ng stunts.

By this time, sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko na kasi maisip kung paano nila nagagawa ang lahat ng stunt nang walang namamatay. I mean, walang nagkakabanggaan. One wrong move, dead talaga. Dahil ang sentro ng globo na nakalapat sa sahig ay good for one motorcycle llang. So kapag tumama ang isang motorsiklo s kapwa niya motorsiklo, may pobilidad na magapatong silang babagsak sa sentro ng globo. kapag may isang pumalya sa speed, sa gas o sa preno, puwedeng maapektuhan ang iba o ang lahat at magpile up sa sentro. Magaan ba ang limang motorsiklo? E kung apat ang nakadagan sayo? Isa nga lang, durog bungo ka na e.

Habang sumasakit ang ulo ko, biglang may dumating na isa pang motorsiklo. At ginawa nilang anim ang lahat ng stunts.

Sumakit ang ulo ko lalo. Hay.

At natapos ang show. Yey. Akin ang pinakamaugong na palakpak.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...