Wednesday, January 28, 2009

If only....

12 Enero 2008

Kanonood ko lang ng pelikulang If Only. Okey naman siya. Maganda ang kuwento. Maganda ang idea.

Hindi ko lang type yung artista. Si Jennifer Love Hewitt ang bida. E, yung babaeng yon, parang laging nagpapacute sa camera. Saka pinagmumukha niyang cheap ang mga Amerikana. Briton ang kanyang boypren sa pelikula at sa UK ang setting nito.

Kada magsasabi ng I love you, siya o yung boyfriend niya, e hahalik nang matindi itong si Jennifer na para bang ito lang ang paraan para maipakita ng isang Amerikana ang pagmamahal niya sa bf.

Hello? How primitive.

Me eksena pa nga doon na nang sabihan siya ng jowa niya ng I love you, biglang nakipagtorrid si Jennifer at nagtanggal ng blouse. Para bang, I love you sabi ng guy. Sex na! sagot niya hahaha

Nakaimpluwensiya din yung sinabi ni Karen sa akin bago ko mapanood ang pelikula. Tungkol daw iyon sa number of deaths. Me mamamatay at mamamatay sa isang araw. Me quota ng death araw-araw.

Bigla ko tuloy naisip, what if hindi pa nakakaquota si Kamatayan at ikaw ang nasalubong niya?

Yari ka.

Kaya eto, I’m doing what i love to do most. Writing.

Makasalubong ko man siya ngayon, at least nagawa ko kung ano yung gustong gusto kong gawin bago ako mamatay.

Sana lagi akong makapagsulat. Mas maganda sa umaga. Dati gusto ko nang gawin itong habit. uma-umaga, sulat-sulat. Di ko naman magawa.

Kasi ang pagsusulat para sa akin, ay dapat na pinag-uukulan talaga ng oras. Yung tipong uupo ka nang matagal. Ayos lahat ng nasa paligid mo. Walang problema.

Bigla tuloy akong nagdoubt. Tangina. Hindi yata talaga bagay sa akin ang maging manunulat.

Magulo lagi ang paligid ko. Lagi akong me problema. Lagi akong me iniisip. Kung wala naman, naghahanap ako ng problema at iisipin. Kung wala talaga, umiiwas pa rin ako sa pagsusulat.

Pano na?

O baka wala lang talaga akong disiplina ng isang manunulat.

Pano na nga?

Dahil diyan, 'wag ka munang sasalubong, ha, Kamatayan?

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...