3 Peb 08
Naku, dama ko na ang krisis na tumama sa US.
Sumususo pa si EJ nang may nag-alok sa akin na bumili ng educational plan. Ang Ninang
Elsie ko na bespren ng nanay ko. At ang nanay ko ang nag-aalaga kay EJ noon.
Isang tanghali, (yes, tanghali ako nagigising dahil sa gabi pa ang trabaho ko noon,) nagising ako sa ingay ng kuwentuhan ng Ninang at mama ko. Sumadya pala ang Ninang sa bahay namin para alukin nga ako ng educational plan.
Pupungas akong tumingin sa plan. Di ko pinapakinggan ang Ninang Elsie ko habang nagpapaliwanag siya. Sa hindi malamang dahilan e, mas may tiwala ako sa nakasulat kaya sige lang ako sa pagbasa.
Alam kong hindi ako puwedeng tumanggi. Basta nanay ko ang nagrequest at seryoso ang mukha niya, walang sinuman sa aming magkakapatid ang puwedeng tumanggi.
Kelangan kong bumili. Ini-scan ko ang mga uri ng plan. Tiningnan ko yung mga buwanang hulog. Pumili ako ng kaya ko lang bayaran.
Sa ganoong paraan ako pumili ng plan. Yung kaya kong bayaran. At hindi yung kung malaki ang makukuha ko o ng anak ko balang araw.
So ang napili ko ay mga isang libong piso mahigit ang babayaran kada buwan. Pero pinili ko iyong quarterly ang payment dahil mas mababa nang konti ang amount. Almost four thousand lang yata. Me ilang hundred pesos na discount.
Sabi sa nakasulat, kapag nabayaran ko lahat in 5 years, libre na ang tuition ni EJ sa kolehiyo. Buong apat na taon sa kolehiyo. Pero kailangan sa isang state college or university siya papasok. Siyempre ang una kong naisip, UP.
Kako, hindi na masama. Mabuo ko lang ‘to, hindi na masama.
Sinimulan kong hulug-hulugan ang plan. Hindi naman ganon kahirap dahil hindi rin naman ito ganon kamahal. Isinasama ko rin talaga ito sa budget ko kada suweldo. Me times na di ako nakakabayad sa takdang panahon pero sinikap ko pa ring makabayad para hindi naman mag-expire ang nasimulan ko.
Hanggang pagsapit ko ng 24 years old, natapos ko na ‘to.
Bayad na ang educational plan ni EJ. Kaya naman, sa edad kong iyon, natutuwa ako kasi nag-uumpisa pa lamang na mag-inquire tungkol sa educational plans ang mga kakilala ko’t kaibiga, samantalang ako, fully paid na.
Naisip ko, maganda talaga ang nag-uumpisa nang maaga. Aba, tanyoko, bata pa, wala nang pinoproblema!
’Yon ang akala ko.
Umagang umaga ay may nagbalita sa aking nanganganib ang educational plan ng aking anak. Noong isang linggo lang, ibinalita din sa akin ng taong ito ang pagbagsak ng isang malaking insurance company sa Pilipinas. E, ang Prudentialife? Agad kong tanong. ‘Yon ang binilhan ko ng plan.
Hindi naman siguro. Nakahinga ako nang maluwag. Matatag ‘yon, e, dagdag pa niya.
’Yon ang akala niya.
Kaya latang lata ako nang sabihin niya sa akin noong isang umaga na nagdeklara na nga rin daw ng bankruptcy ang Prudentialife.
Kako, naleche na ang plan.
Tuesday, February 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment