12 Enero 08
Nawalan na naman ako ng cellphone.
At ang masakit doon, biglaan na naman. At kagabi at ngayon ko lang na naman nare-realize ang epekto. Siyempre masakit. Magpapalit na naman ako ng cel kung kailan medyo nagiging close na kami nitong cel kong nawala na nga. Gamay ko na kasi ang cel ko e. Alam ko na ang mga sumpong nito. Tapos ngayon, ano? Panibagong cel na naman? Kasi kailangan e. Wala namang magawa.
Bakit kaya ganon?
Ang naiisip ko tuloy, life is but a series of loss. Life is all about coping with loss. How you deal with it.
Pero hello, you win some you lose some. Hindi naman laging nawawalan ka. At katulad ng batas ng kalikasan, kapag may nawawala, may dumarating.
Pag may napipigtal na dahon, may tumutubong bago. Kapag may nahuhulog na bunga, may susulpot na bago. Kung may paalis na alon, mayamaya lang ay mayroon din namang darating.
Hay. I guess this, writing about loss, is my way of coping.
Wednesday, January 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment