Friday, January 23, 2009

Gullas, por yu

Katatapos lang ng academic lecture ni Mam Dinah Ocampo Cristobal. Ang pamagat ay LITERACY DEVELOPMENT. Ang galing-galing niya at napapanahon ang kanyang lecture. Siyempre wish ko lang katabi ko si Gullas kaninang umaga.

Narito ang mga natutuhan ko, AT YES, GULLAS, KUNG NABABASA MO ITO, PARA RIN SA IYO ITO:

Mas mahusay na makapagbabasa ang isang tao kung pamilyar sa kanya ang paksa ng babasahin niya. Isa sa mga dahilan nito ay may better recognition of words.

Kaya huwag nang pabasahin ang mga estudyante ng mga irrelevant na mga bagay. Ibinigay na halimbawa ni Mam Dina ang ginawa ng isang guro na kakilala niya. Pinabasa raw nito ang mga estudyante ng isang teksto tungkol sa paggawa ng maple syrup. Ang maple syrup pala ay ginagawa lamang sa Virginia, US kung saan tumutubo ang mga maple tree. Kaya ang bulalas ni Mam Dina, who cares about maple syrups and trees in the Philippines? Oo nga naman.

Ang kaalaman sa salita ay nag-uumpisa sa kaalaman sa tunog.

Kapag mas maraming experience ang bata sa mundo, mas marami siyang masasabi tungkol dito at mas malilinang ang kanyang language skills dahil dito.

Kung sa mas maraming language models exposed ang bata, mas maraming opportunities ang naibibigay sa bata para matuto ukol sa wika.

Di maganda ang overemphasis sa grammar. Kasi baka ito lang ang nauunawaan o nasusundan ng isang bata. Tapos hindi naman naiintindihan ’yung binabasa. Nagdedepende lang siya sa kaalaman niya sa grammar para matapos sa pagbabasa.

Madaling ma-associate ng bata ang visual symbols sa concept. For example ang letter ng M ng Mcdo. Kahit M lang yan, kung anu-ano ang naaassociate ng bata rito.

Ang mga batang mahusay sa tugma ay nagiging mahusay na mambabasa.

More experience=more words=more knowledge=gives them more experience uli. It's a cycle, baby!

Magandang ituro rin ang idioms ng bawat subject. Halimbawa, sa math.
A table with corresponding values….
Dapat naituturo natin sa estudyante na ang table sa phrase na ito ay hindi na ang karaniwang table na alam natin. At ang values ay hindi ukol sa pagpapahalaga. Dapat ay iniinspect din ng mga guro ang mga parirala at ipinapaliwanag sa estudyante kung may idiom man ang mga ito.

Iminumungkahi ni Mam Dina na maghinay-hinay tayo sa English language teaching kasi mas makakatulong kung pag-iigihin muna ang pagtuturo sa wika na mas bihasang sinasalita ng mga estudyante.

Decoding or language skills?
Marami sa mga school children natin ang marunong ngang magbasa pero hindi naman nauunawaan ang binabasa.

Ang nakakalungkot, hindi ginagamit ng gumagawa ng batas ang mga ganitong klase ng pananaliksik tungkol sa pagbabasa.

Ang mahusay na mambabasa ay nagiging mas mahusay pa. (parang diving a, best teacher sa diving ay diving mismo.) at poor reader becomes poorer reader.

Ang pagbabasang muli ng iisang aklat ay nagbibigay sa’yo ng confidence sa paglikha ng kahulugan. Kasi hindi naman talaga nagbabago ang aklat. Ang nagbabago ay ikaw. So as you get older, may “bago” kang nababasa sa isang akda na hindi mo nabasa noon. You create meaning at magdudulot ito ng tuwa sa sarili mo.

Dahil dito, mas nagiging meaningful ang iisang aklat na binasa nang maraming ulit.

Ang kalidad ng teksto ay nakakaapekto sa comprehension. Kasi ang organisasyon ng teksto ay nakakatulong sa atin para makaunawa.

Kung nababasa mo ang isang salita, malamang ay nauunawaan mo ito. Kasi ibig sabihin, narinig mo na ito noon.

Ang pinakapangunahing layunin ng pagbasa ay ang pagbibigay-ligaya sa sarili.

Ang pagbabasa sa wikang Filipino ay mas madali kaysa sa pagbabasa sa Ingles. Kasi hindi lang abilidad sa pagbabasa ang kailangan sa Ingles. Pati ang pagde-decode, kailangan din.

May isang research na isinagawa si Mam Dina. Pinabasa raw nila ang ilang grupo ng mga estudyante mula sa pangkat-etnikong Manobo. Ang mga pinabasa ay:
teksto sa Ingles at ang paksa ay city life
teksto sa wikang Manobo at ang paksa ay city life
teksto sa Ingles at ang paksa ay buhay-Manobo
teksto sa wikang Manobo at ang paksa ay buhay-Manobo

Tapos nagpa-exam sila sa comprehension.

Pinakamataas ang score ng mga nakabasa ng tekstong ukol sa buhay-Manobo at nasa wikang manobo. Pumangalawa ang nasa wikang Ingles at ukol sa buhay-Manobo.

Ang development ng literacy ng isang bata ay nakadepende sa wika. Hindi pantay ang literacy development sa wikang Filipino at sa wikang Ingles.

Hindi sabay na natututuhan ng bata ang pandiwa, pang-abay at iba pa sa wikang Filipino at sa wikang Ingles. Kaya hindi tamang itinuturo at pinag-aaralan ito nang sabay.

Mas mabilis talagang matuto sa Filipino kaysa sa Ingles. Kaya sa pagtuturo ng comprehension o analytical skills o anumang cognitive skills, gamitin ang Filipino tapos saka ipasok ang mga akda sa ibang wika dahil meron na silang nabanggit na skills, language skills na lamang ang kailangan nilang linangin.

Maraming natu-turn off na estudyante sa pagbabasa kasi akala nila mahirap ito. Pero actually, nahihirapan lang sila sa pagbasa ng tekstong nasa Ingles kasi dalawang skills agad ang kailangan nilang paganahin. Yung language at yung cognitive.

Kaya iminumungkahi ni Mam ituro muna ang cognitive skills sa wikang Filipino. kapag alam na alam na nila ito, saka sila pabasahin ng teksto sa Ingles. Dapat laging tingnan ang strength ng mga estudyante at doon mangapital. Kasama sa strength ng sinumang estudyante ay ang wikang nasa puso niya.

Importante ring matuto ng strategies sa pagbabasa. Ang mga estudyanteng nagte-take notes ay mas maraming naaalala kaysa sa mga nagbabasa lamang ng hand out sa isang lecture.

Nakakalungkot ang mga bill tulad ng Gullas bill. Kasi isinusulong nito, sa bulag na paraan ang wikang Ingles. Ayon sa batas na ito, must ang paggamit ng Ingles maging sa social interaction. E di, maghahari ang katahimikan sa playground! Paano na kaya ang mga Christmas party? Sa Ingles magsasalita ang lahat? E, paano kung sa Bicol ang Christmas Party? Ingles din? Sana maunawaan ng mga gumagawa ng batas na ito na ang pinakasentro ng edukasyon ay ang bata. At ang wikang nasa puso ng bata ay makakatulong sa tunay niyang pagkatuto.

Ang literacy ay nangyayari kung mayroon kang sapat na kasanayang pangwika para masuportahan ang komprehensiyon.

Knowledge in oral language helps you to read.

Buti na lang at may House Bill 3719 ni Gunigundo. Isinusulong ng batas na ito na ang inang wika ang gamitin bilang medium of instruction. Aba, mas natural nga namang magturo ng science sa wikang Ibatan kung ikaw ay taga-Batanes.

Isa sa mga narealize ko sa seminar na ito ay napaka-Filipino at English centered naman pala ng mga advocates ng dalawang wika. Parang bigla akong nagising. Bakit nga ba kinakalimutan natin ang wika mula sa ibang panig ng Pilipinas? Bakit hindi natin ito isama at gamitin sa pag-e-educate ng mga kabataang Filipino? Bakit patuloy nating ipinaglalaban ang Ingles o Filipino bilang iisang wikang gagamitin ng lahat?

Nakalimutan yata ng mga gumagawa ng batas na 7107 islands ang bumubuo sa Pilipinas. 90 million ang ating populasyon. May kanya-kanya tayong paraan ng pagkatuto at pag-aaral. Bakit hindi gawing ito ang batayan ng batas?

Sana ay maging kasingdiverse at flexible ng kulturang Filipino ang ating mga batas lalo na sa wika.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...